You are on page 1of 8

Republic of the Philippines

Department of Education
REGION III
SCHOOLS DIVISION OFFICE OF NUEVA ECIJA
NUEVA ECIJA HIGH SCHOOL
BURGOS AVENUE, CABANATUAN CITY, NUEVA ECIJA, 3100

BANGHAY ARALIN SA PAGTUTURO NG EDUKASYON SA PAGPAPAKATAO 8


February 19- March 1 2024
I. Layunin

Pagkatapos ng aralin inaasahan na ang mag-aaral ay:


a. nabibigyang kahulugan ang mga tamang pagsunod at paggalang sa mga awtoridad;
b. napahahalagahan ng mag-aaral ang makatuwirang awtoridad sa lipunan; at
c. nakagagawa ang mag-aaral ng tamang pagsunod at paggalang sa mga awtoridad.

II. Nilalaman

Paksang Aralin: Module 11: Sundin at Igalang, Makatuwirang Awtoridad sa Lipunan


KAGAMITANG PANTURO:
Sanggunian:Edukasyon sa Pagpapakatao 8, Pahina 164- 173.
Iba pang kagamitang panturo: TV, Laptop, Kwaderno, Video.
III. Pamamaraan

Gawain ng Guro Gawain ng mag-aaral


A. Panimulang Gawain

1. Panalangin
Ating simulan ang araw natin sa isang panalangin. ( Mag
tawag ng estudyante nan aka assign sa panalangin)
Panginoon… Amen.
2. Pagbati

Magandang umaga sa inyong lahat, sabihin nyo naman


sa inyong katabi “ Magandang umaga/ Hapon sayo lagi
mong tatandaan na you are special.

3. Pagtala ng pumasok at lumiban sa klase

May lumiban ba ngayon sa ating klase?


Wala po ma’am!
4. Pag-alala ng mga pamantayan

Ating alalahanin ang mga rules natin tuwing tayo ay


may aralin. Ano na nga ito?
- Umupo ng maayos
- Makinig sa guuro
- Itaas ang kamay kung may gusting
magtanong o gusting mag salita
- Irespeto ang bawat isa

Ano na nga yung 3w natin? Warning, Watch and Write po!


Republic of the Philippines
Department of Education
REGION III
SCHOOLS DIVISION OFFICE OF NUEVA ECIJA
NUEVA ECIJA HIGH SCHOOL
BURGOS AVENUE, CABANATUAN CITY, NUEVA ECIJA, 3100

BANGHAY ARALIN SA PAGTUTURO NG EDUKASYON SA PAGPAPAKATAO 8

B. Balik- Aralin
Ating balikan ang napagaralan natin nung last meeting
natin. Ano na nga ulit ang ang mga ito? Tungkol poi to sa pasasalamat.

Ano- ano ang natutuhan mo tungkol sa pasasalamat? - Ang pasasalamat po ma’am ay


mahalaga sa buhay nating mga tao.
- Ma’am mga mga tao pong
mapagpasalamt may mga tao naman
po kabaligtaran nito.
- May apat po na dapat
pinasasalamatan
Sino- sino ang mga ito?
- Diyos, Magulang, Bayan at Kapwa
Mahusay, sa inyong mga nasagot sakin po.
nababatid ko na naintindihan nyo at naunawaan
ang lesson natin tungkol sa pasasalamat.

C. Panganyak

https://youtu.be/LuI4XWJoCOA?si=umVwvasrd7RMcy_l

Video tungkol sa paggalang sa awtoridad

D. Paguugnay ng halimbawa sa bagong aralin

Magtatanong ang guro kung sino sa kanila ang


nakaranas na makipag-usap sa isang taong ubod ng
galang o isang taong marunong gumalang sa kapwa.
Alamin kung ano ang naramdaman pagkatapos ng
pakikipagusap.

E. Pagtatalakay
Ang inyong nakaraang aralin ay tungkol sa
pagpapasalamat sa kapwa na kung saan natuto kayo na
magpasalamat at mas napaunawa sa inyo ang
kahalagahan nito.

Ngayon naman, ating tatalakayin ang aralin 11 na kung


saan ito ay tungkol sa tamang pagsunod at paggalang sa
mga awtoridad.

Pero ano nga ba ang awtorida?

Ang awtoridad o authority ay tumutukoy sa


kapangyarihan na taglay ng isang indibidwal o grupo para
pamahalaan ang kaniyang nasasakupan.

Bilang kabataan sa papaano ba natin naipapakita ang


Republic of the Philippines
Department of Education
REGION III
SCHOOLS DIVISION OFFICE OF NUEVA ECIJA
NUEVA ECIJA HIGH SCHOOL
BURGOS AVENUE, CABANATUAN CITY, NUEVA ECIJA, 3100

BANGHAY ARALIN SA PAGTUTURO NG EDUKASYON SA PAGPAPAKATAO 8

paggalang natin sa mga may awtoridad sa atin?

Sa pamamagitan po ma’am nang


Mahusay, ang mga magulang, nakakatanda, at iba pang pagsunod po sa kanila.
namumuno o nanunugkulan ay mga taong
maykapangyarihan o awtoridad sa tahanan at sa
lipunan.

Satingin nyo paano naipapakita ng isang tao ang


awtoridad nila? Sila po ang nagtatakda ng mga rules
at sila rin ang nag papasunod nito.

Ayon sa ating tatalakayin ngayon, may mga positibong


paggamit ng mga magulang o mga makapangyarihan ng
kanilang awtoridad subalit ito ay nababaliwala kung may
mga taong hindi sumusunod dito.

Ang tanong ko sainyo class, bakit kailangan natin


sumunod sa mga nakakatanda, sa magulang at - Satingin ko dahil po para sa ikabubuti
makakapangyarihan satin? natin.
- Para po makaiwas po sa masama.

Ok very good, noong sinaunang panahon pa class, may


mga tao na nag pamalas ng kanilang awtoridad para sa
ikabubuti ng ating bansa at mga taong nasasakupan nila. Ma’am ang mga bayani po natin!
Sige nga class sino ang mga tao na iyon?

Tama, ang mga bayani natin na nagpakita ng


pagmamahal at pagsasakripisyo sa ating bayan. Ano baa Sila po ay lumaban para sa bayan
ng mga ipinakita nila class na taglay para sila ay galangin? Ang mga ginawa po nilang pagsasakripisyo
ay hindi lang para sa sarili nila kundi para sa
lahat.

Tama class, ang mga ginawa nila para sa ating bayan ay


talagang kahanga hanga dahil kung hindi dahil sa kanila
hindi ganito ngayon ang buhay natin.

Ok class, sino dito class ang nasasabihin na minsan ng “ (mga nagtaas ng kamay)
Kaya mo naba pangalagaan ang sarili mo ,
mapapahalagahan mo naba ang sarili mo?”

Bakit ba may awtoridad?


- Anumang samahan o pangkat na may tunguhin at
layunin ay mayroong tinatalagang isang taong
tatayo bilang pinuno at siyang magdadala sa
bawat kasapi papunta sa tunguhin o layunin na
nais marating ng pangkat.
Sino sino class sa lipunan natin ang satingin nyo ay may - Ma’am ang mga guro po dahil sila ay
mga nakitaan nyo ng awtoridad? kakayahan na magturo sa mga mag-
aaral po ng mabubuti
Republic of the Philippines
Department of Education
REGION III
SCHOOLS DIVISION OFFICE OF NUEVA ECIJA
NUEVA ECIJA HIGH SCHOOL
BURGOS AVENUE, CABANATUAN CITY, NUEVA ECIJA, 3100

BANGHAY ARALIN SA PAGTUTURO NG EDUKASYON SA PAGPAPAKATAO 8

- Ang president po natin


- Mga magulang po nayin ma’am

Mahusay, palakpakan nyo nga ang inyong sarili.

Ang awtoridad at ang pagpapairal ng patakaran.

Nag tatakda ang isang tao ng patakaran, panuntunan, o


batas na siyang gagabay at maglalagay ng hangganan o
limitasyon sa bawat kasapi. Ang may mga awtoridad na
halimbawa nalang ay ang mga magulang, guro at iba
pang matataas sa atin sila ay may mga dahilan kung
bakit kailangan pairalin ang awtoridad.

First ( Ipabasa sa estudyante) Una, dapat maunawaan na ang pagbibigay


ng patakaran ay tanda ng pagmamahal nng
magulang sa anak, ng guro sa mag-aaral, o
lider ng bansa sa kaniyang kababayan.

Sinasabi dito mahalaga magkaroon ng patakaran dahil


kung wala ito di matutuhan ng isang tao ang tama o
mali. Pangalawa, pananagutan ng mga
namumuno naturuan at pangalagaan ang
kanilang kasapi.

Sa papaaano nyo naman maipapaliwanag ang bagay na


ito? Ma’am sinasabi lang po dito na
kayulad ng ating mga magulang sila
ay may pananagutan na magturo at
idisipli na ang kanilang anak po.

Mahusay, pakibasa ang pangatlo. Pangatlo, kailangan ang mga patakaran


sapagkat hindi pa kaya ng isang bata o
kabataan na turuan at disiplinahin ang
kanilang sarili.

Kasi po marami na silang alam sa


Bakit class satingin nyo kailangan natin sundin ang mga buhay.
awtoridad? Marami na pong karanasan ma’am
para maibahagi po sa iba ang
kanilang nalalaman.

Magaling, Ang mga nakatatanda satin tulad ng ating


mga magulang mga guro sa paaralan at iba bang
awtoridad na sila ay ay pananagutan upang
mapanatiling ligtas, tahimik at maayos ang ating
pangkat.
Republic of the Philippines
Department of Education
REGION III
SCHOOLS DIVISION OFFICE OF NUEVA ECIJA
NUEVA ECIJA HIGH SCHOOL
BURGOS AVENUE, CABANATUAN CITY, NUEVA ECIJA, 3100

BANGHAY ARALIN SA PAGTUTURO NG EDUKASYON SA PAGPAPAKATAO 8

Ngayon dumako naman tayo class kung ano nga ba ang


mabuting dulot ng pagsunod at paggalang sa Ma’am nakakatulong po ito para
awtoridad? maging maayos ang buhay po
Nagiging handa ka po ma’am sa lahat
ng problema dahil sa pakikinig po at
pagbigay ng payo ng awtoridad.
Nakakatulong po ma’am para
magkaroon po ng mabuting asal po.

Tama lahat ang inyong nabanggit.

Papaano naman natin naipapakita ang paggalang sa


awtoridad?

Sa totoo niyan lahat ng tao ay nangangailangan ng


paggalang na nararamdaman ngunit ang paggalang na
inaasahan ng bawat isa ay una natin nasasanay sa ating
tahanan at sa mga nakakatanda satin, kapag natutuhan
ito madali mo na lang maipapakita sa lahat ng tao at sa
mga may awtoridad ang paggalang.

Kayo ba anak sa papaanong paraan nyo ipinakita ang - Ma‘am ang pagsunod po sa kanilang
paggalang sa awtoridad? payo.
- Ang pagsasalita po ma’am sa kanila
ng maayos kahit ito man ay may
pagdududa o wala
- Pakikinig sa kanila upang maipakita
po sa kanila ang paggalang namin
- Wag po mag salita habang nag
sasalita ang magulang para sa
pagpapakita ng galang maaring mag
excuse upang maipakita ang
paggalang
- Huwag po sila siraan sa iba.

Lagi nyong tatandaan class na ang mga magulang natin


o ibang nakakatanda satin na ang hangarin nila ay para
sa kapakanan ng pinamumunuan nila o mga
kinabibilangan nila.

Ang mapanagutan ng magulang at ng ibang awtoridad.

Upang kusang maibigay ang paggalang, ang mga


magulang o sinumang namumuno ay kailangan
mapanagutan din sa paggamit ng kanilang awtoridad.
Ma’am ako po, dahil nakikita ko naman po
Sino dito ang sumusunod sa payo ng mga magulang at na ang mga sinasabi nila ay para sa
mga makapangyarihan satin? ikauunlad din po naming bilang individual
po.
Republic of the Philippines
Department of Education
REGION III
SCHOOLS DIVISION OFFICE OF NUEVA ECIJA
NUEVA ECIJA HIGH SCHOOL
BURGOS AVENUE, CABANATUAN CITY, NUEVA ECIJA, 3100

BANGHAY ARALIN SA PAGTUTURO NG EDUKASYON SA PAGPAPAKATAO 8

Tama class, ang mga nakakatanda satin upang sundin o


igalang sila kailangan nilang ipakita din ang paggalang
sa isang indibidwal at sa ikabubuti ng bawat isa.
Kailangan nag tatakda sila ng maayos, makatotohanang
patakaran at gumagamit ng makatuwirang
pagdidisiplina upang mas maintindihan ng kasaping
individwal ang kanilang hangarin na mabuti.

Tandaan class na kung may kakulangan man ang isang


may awtoridad sa pag didisiplina, pagpapaliwanag at
pagiging patas maari nyo itong sabihin sa kanila na may
paggalang sa halip na kikimkimin natin ito at ikakagalit
natin sa kanila upang ito ay matama.

F. Pagsusuri

Ilagda sa sagutang papel ang mga kilalang tao na may


awtoridad at lagyan ito ng paliwanag kung ano ang
natuklasan mo sa kanya at kung bakit siya ginagalang o
nirerespeto.

G. Paglalapat
Ang nanay ko po
Sino ang mga ginagalang nyo na Awtoridad? Mga nakakatanda po

Sa papaano mo naipapakita ang paggalang mo sa isang Dahil yung sinasabi po nila ay nakabubuti
Awtoridad? sating lahat.

Kung kayo ay magiging isang Awtoridad, ano ang mga


hakbang mong gagawin upang makuha ang paggalang
mula sa iyong nasasakupan at upang ikaw ay sundin ng Ma’am magiging role model po ako dahil
mga ito? kung gusto ko pong igalang ako ng
nasasakupan ay kailangan kagalang galang
din ang mga kilos mo o ginagawa mo.

Mahusay mga anak.

H. Paglalahat

Sino ang makakapag buod ng tinalakay natin ngaying Ma’am ako po!
araw? - Ang mga natalakay po natin ay
tungkol sa mga awtoridad nakung
saan sila po ang nag gagabay,
tumutulong po satin. Tinalakay po
natin ang patakaran po ng awtorida,
mga pagpapakita po ng paggalang sa
kanila at pinakahuli po ang
pananagutan po ng mga
nakatatandapo satin katulad po ng
Republic of the Philippines
Department of Education
REGION III
SCHOOLS DIVISION OFFICE OF NUEVA ECIJA
NUEVA ECIJA HIGH SCHOOL
BURGOS AVENUE, CABANATUAN CITY, NUEVA ECIJA, 3100

BANGHAY ARALIN SA PAGTUTURO NG EDUKASYON SA PAGPAPAKATAO 8

magulang natin at mga awtoridad


po.

Mahusay anak, batid ko na naunawaan nyo na ang


kahalagahan ng awtoridad sa ating mga indibidwal.
Bilang kabataan, inaasahan na magiging mabuting
halimbawa ka sa lahat ng aspekto ng iyong
pamumuhay. Kung ikaw ay kinakikitaan ng iyong kapwa
ng pagiging magalang at masunurin, hindi mahirap para
sa iyo ang makaranas ng paggalang mula sa iyong
kapwa. Sa pag iingat mo sa iyong karangalan sa
pamamagitan ng patuloy na paggawa ng mabuti at pag-
iwas sa paggawa ng masama, ang paggalang ng iba ay
iyo ring mararanasan at ipagkakaloob ito sa iyo nang
may kusa at may lakip na pagmamahal.

IV. Pagtataya
A. Sagutin ang sumusunod na tanong .
1. Ano nag iyong pananaw o saloobin sa mga nasa
awtoridad? Ipaliwanag ang iyong sagot.
2. Ano ang kabutihan ng pagsunod at paggalang sa
awtoridad?
3. Tukuyin at suriin ang ilang umiiral na paglabag sa
paggalang sa magulang, nakatatanda at may
awtoridad.
Ano ang gagawin mo kung
a. hindi sinisunod ng iyong kababatang kapatid
ang iyong magulang?
b. Hindi sinusunod at iginagalang ng iyong
nakababatang kapatid ang kaniyang guro.
4. Ipaliwanag ang maaring bunga ng hindi
pagpapamalas ng pagsunod at paggalang sa
magulang, nakatatanda, at may awtoridad.

V. Takdang Aralin/ Kasunduan

Para maipakita ang inyong kaalaman tungkol sa


paggalang sa awtoridad. Gumawa ng bidyo na naglalaman
ng inyong ideya tungkol sa pagpapakita ng awtoridad.

Pagninilay: Nabibigyang pansin ng mga mag- aaral ang mga nararapat na kilos ng mga awtoridad at nauunawaan nila ang
tama at maling pamamaraan ng isang awtoridad dahil sa kanilang karanasan.

Comment and Suggestions:

__________________________________________________________________________________________________
__________________________________________________________________________________________________
__________________________________________________________________________________________________
__________________________________________________________________________________________________

Ipinasa ni: Iwinasto ni:


Republic of the Philippines
Department of Education
REGION III
SCHOOLS DIVISION OFFICE OF NUEVA ECIJA
NUEVA ECIJA HIGH SCHOOL
BURGOS AVENUE, CABANATUAN CITY, NUEVA ECIJA, 3100

BANGHAY ARALIN SA PAGTUTURO NG EDUKASYON SA PAGPAPAKATAO 8


Cherrilyn M. Galvez Aileen B. Corpuz

Practice Teacher Critique Teacher

You might also like