You are on page 1of 4

Paaralan BAGONG NAYON I E.S.

Baitang IKALAWA
LESSON Guro JOVELYN C. VOCAL Learning Araling Panlipunan
EXEMPLAR
Petsa at Oras Markahan UNA

I. LAYUNIN
A. Pamantayang Ang mag-aaral ay…
Pangnilalaman naipamamalas ang pag- unawa sa kahalagahan ng kinabibilangang komunidad
B. Pamantayan sa Pagganap Ang mag-aaral ay…
Malikhaing nakapagpapahayag /nakapagsasalarawan ng kahalagahan ng
kinabibilangang komunidad.
C. Mga Kasanayan sa Natutukoy ang mga tungkulin at gawain nga bumubuo ng komunidad
Pagkatuto Naihahambing ang pagkakaiba ng tungkulin sa gawain ng mga bumubuo ng
komunidad
D.Pinakamahalaga ng Naiuugnay ang tungkulin at gawain ng mga bumubuo ng komunidad sa sarili at
Kasanayan sa Pagkatuto sariling pamilya
(MELC) AP2KOM-Ic-4
(Kung mayroon, isulat ang
pinakamahalgang kasanayan sa
pagkatuto o MELC)
E. Pagpapaganang Kasanayan
(Kung mayroon, isulat ang
pagpapaganang kasanayan)
II. NILALAMAN TUNGKULIN AT GAWAIN NG MGA BUMUBUO NG KOMUNIDAD
III. KAGAMITAN PANTURO
A. Mga Sanggunian
a. Mga Pahina sa Gabay ng Guro, pahina 6-8
Gabay ng Guro
b. Mga Pahina sa Kagamitan ng Mag-aaral, pahina 18-30,
Kagamitang PIVOT 4A Learner’s Material pahina 23-26
Pangmag-aaral
c. Mga Pahina sa
Teksbuk
d. Karagdagang https://www.youtube.com/watch?v=4UMIyasehRk
Kagamitan mula https://commons.deped.gov.ph/categories/f2bc5fb2-81d8-4015-8cda-
sa Portal ng
f2a5fbe333b5
Learning
Resource
B. Listahan ng mga -PowerPoint Presentation
Kagamitang Panturo para sa
mga Gawain sa Pagpapaunlad
at Pakikipagpalihan
IV. PAMAMARAAN
A. Introduction (Panimula) Ang Napapanahong Pagpapaalala:
 Pagbati sa mga mag-aaral online.
 Magbibigay ang guro ng gabay at patnubay sa pagbubukas ng klase.
 Ipapaalala ng guro sa mga bata ang mga panuntunan sa online learning.

Kanta: Ako, Ikaw, Tayo’y Isang Komunidad


https://www.youtube.com/watch?v=4UMIyasehRk

Balik-Aral: Gamification -A or B

Basahin Natin:

Ako si Carl. Nakatira ako sa Niugan, Cabuyao


City, Laguna. Ang bahay namin ay malapit sa
Nestle Philippines.

Ako si Jenny. Nakatira ako sa Poblacion Dos,


Cabuyao City, Laguna. Malapit kami sa Central
School

Ang bawat bata ay may kinabibilangang komunidad na dapat pahalagahan.


May mahalagang papel na ginagampanan ang komunidad para sa pagkatao ng isang
batang katulad mo. Dahil dito, masayang namumuhay ang bawat pamilya na
nakatira dito.

Sa komunidad makikita ang pagpapahalaga ng bawat isa. Nandiyan ang


pagdadamayan, pagtutulungan, pagkakaisa at pagkakaunawaan lalo na kung oras ng
kalamidad, sakuna at sakunang pangkalusugan na hindi natin inaasahan na
mangyayari.

Gawain sa Pagkatuto Bilang 1: Sagutin ang mga tanong sa iyong kuwaderno.


1. Anong komunidad ang kinabibilangan ni Carl? Jenny?
2. Ano-anong kaugalian ang ipinapakita ng mga mamamayan sa oras ng kalamidad
o sakuna?
3. Bilang isang kasapi ng komunidad, ano ang maibabahagi mo sa iyong
komunidad? Paano mo ito isasagawa?

B. Development Anu-ano ang mga tungkulin at gawain ng mga bumubuo ng komunidad?


(Pagpapaunlad)

Bumubuo ng Tungkulin Gawain


Komunidad
1. Pamilya Itaguyod ang Bigyan ng wasto at sapat
pangangailangan ng mga na pagkain, tirahan at
anak pananamit

2. Paaralan Pagbibigay ng dekalidad Pagtuturo ng wastong


na edukasyon para sa pag-uugali at mga
lahat gawain

3. Simbahan Magpahayag ng mga Nangangaral at nagtuturo


salita ng Diyos ng mabuting asal sa mga
bata at mamayan

4. Pamahalaan Gumagawa ng batas, Hinuhuli ang mga


alituntunin at patakaran masasamang tao at
para sa kabutihan at pinapanatili ang
kaunlaran ng komunidad kaayusan at kapayapaan
sa lugar

5. Sentrong Nagtataguyod ng Nagbibigay ng libreng


Pangkalusugan serbisyong konsulta, gamot at
pangkalusugan sa tulong bakuna sa mga mamayan
ng doctor, nars at
barangay health workers
6. Pook-libangan/Parke Pinagdarausan ng mga Panatilihin ang
pagtitipon, pagdiriwang kaligtasan, kalinisan at
at programa ng kaayusan ng lugar at pag-
komunidad iingat sa mga kagamitan
dito

7. Pamilihan Tugunan ang Magtinda ng mga


pangunahing pangunahing
pangangailangan ng mga pangangailangan sa
tao, tulad ng pagkain, presyong kaya ng mga
damit at iba pa tao

Gawain sa Pagkatuto Bilang 2: Basahin at alamin ang tinutukoy sa pangungusap.


Piliin ang letra ng tamang sagot. (Google Forms)

https://docs.google.com/forms/d/e/
1FAIpQLSdSYTCrXeWLXgm0WyqcMwTpmhSHVt4ke9C2xNXOLQJRPu6HDw
/viewform
1. Sa lugar na ito nagpupuri at nagpapasalamat ang mga tao sa
Maykapal.
A. pamilihan C. simbahan o sambahan
B. palaruan D. paaralan

2. Dito ka nagsusulat, nagbabasa at nagbibilang.


A. paaralan B. palaruan C. pamilihan D. Health center

3. Dinadala ka ng iyong nanay dito para sa bakuna at mabigyan ng bitamina.


A. simbahan B. health center C. paaralan D. palaruan

4.Sila ang nag-aaruga, nagmamahal at nagbibigay ng mga pangangailangan mo.


A. pamilya B. paaralan C. palaruan D. pamilihan

5. Nagpapanatili ng kaayusan at kaligtasan ng bawat mamayan.


A. Health Center B. pamahalaan C. paaralan D. pamilihan
C. Engagement Gawain sa Pagkatuto Bilang 3: Itaas ang BITUIN ( ) kung ito ay wasto at
(Pakikipagpalihan) BUWAN ( ) kung ito ay hindi wasto.

____________1. Kabilang sa gawain ng paaralan ang


pagpapalawak ng kaalaman at pagtuturo ng
wastong pag-uugali.
____________2. Tungkulin ng paaralan na gumagawa ng batas,
alituntunin at patakaran ng komunidad.
____________3. Ang ospital o health center ang nagtataguyod ng
serbisyong pangkalusugan
____________4. Ang simbahan ang pinagdarausan ng pagtitipon,
pagdiriwang at programa ng komunidad.
____________5. Tungkulin ng bawat pamilya na tumugon sa
pangangailangan ng mag-anak.
Ang bawat bata ay may kinabibilangang komunidad na dapat pahalagahan.
D. Assimilation (Paglalapat) Mahalaga ang komunidad sa paghubog ng pagkakaisa, pag-kakaunawaan at pag-
uugnayan ng bawat kasapi nito tungo sa pag-unlad.
-Ang bawat bumubuo sa komunidad sa komunidad ay may mahalagang gawain at
tungkulin. Ang mga ito ay may kaugnayan sa ating sarili at pamilya na nakatutulong
upang mapunan ang ating pangangailangan sa pagkain, kalusugan, edukasyon,
ispiritwal at libangan.
TUNGKULIN-isang pananagutan na nararapat gawin.
GAWAIN-responsibilidad na dapat gawin upang matugunan o magampanan ang
tungkulin

Gawain sa Pagkatuto Bilang 4: Tukuyin kung ang sumusunod na pahayag ay


TUNGKULIN o GAWAIN. (Google Forms)
https://docs.google.com/forms/d/e/
1FAIpQLSfROhyklGd8OuMMxzc43lAsfG1ORFgL4RK2sL0M4VpwnDU09w/
viewform

1. Pagpapalawak ng kaalaman at pagtuturo ng wastong pag-uugali ay gawain ng


paaralan.

2. Ang ospital ay nagtataguyod ng serbisyong pangkalusugan.

3. Pamahalaan ang nagpapanatili ng kaayusan at kapayapaan sa komunidad.

4. Pamilya ang tumutugon sa pangangailangan ng mga anak.

5. Panatilihin ang kaligtasan, kalinisan, at kaayusan ng lugar, at pag-iingat sa mga


kagamitan sa pook-libangan

TAKDANG-ARALIN:
Gumupit ng mga larawan na nagpapakita ng paglalarawan sa GAWAIN at
TUNGKULIN ng tatlo (3) sa mga bumubuo sa komunidad.

V. REFLECTION (Pagninilay)  Natutunan ko na __________________________________


Simula ngayon ako ay __________________________________ upang
makatulong ako sa aking komunidad.

Inihanda ni:
JOVELYN C. VOCAL
Teacher I
Bagong Nayon I Elementary School

You might also like