You are on page 1of 4

Department of Education

Region III
Division of Mabalacat City
Cluster I
Sta. Ines Elementary School
Mabalacat City

BANGHAY ARALIN SA ARALING PANLIPUNAN II


PINAGSANIB NA ARALUN SA ESP AT HEALTH
FOURTH QUARTER

I. Layunin:
Natutukoy ang mga pangunahing pangangailangan at ibang pangangailangan
ng komunidad
A. Pamantayang Pangnilalaman
Naipamamalas ang pagpapahalaga sa kagalingan pansibiko bilang
pakikipahagi sa mga layunin ng sariling komunidad
B. Pamantayan sa Pagganap
Napahahalagahan ang mga paglilingkod ng komunidad sa sariling pag-
unlad at nakakagawa ng makakayanang hakbangin bilang pakikibahagi sa
mga layunin ng sariling komunidad
C. Mga Kasanayan sa Pagkatuto
Natatalakay ang kahalagahan ng mga paglilingkod/serbisyo ng komunidad
upang matugunan ang pangangailangan ng mga kasapi sa komunidad.
AP2PKK-Iva-I

Learning Objects: (KRA1-1.3)


Applied a range of teaching strategies to develop critical and creative
thinking, as well as other higher-order-thinking skills.

(KRA2-2.3)
Used differentiated developmentally appropriate learning experiences to
address learner’s gender, needs, strengths, interests and experiences.

II. Nilalaman:
Aralin I.I
Ang kahalagahan ng komunidad / Mga Serbisyo ng Komunidad
Mga Pangunahing Pangangailangan at ibang pangangailangan ng
komunidad

Kagamitang Panturo
A. Sangunian
K to 12 C G in AP pahina 54
Gabay ng Guro pahina 254-258
Kagamitang Pang mag-aaral pahina 245-249

B. Kagamitan
Mga larawan ng mga pangunahing pangangailangan
batang nagbabasa sa paaralan, batang nagpapagamot sa ospital,
batang nagdarasal sa simbahan at batang naglalakad ng tahimik,
maayos at malinis na komunidad
Manila paper, Pentel pen at tsart

III. Pamamaraan:
Objective 8 - Selects, develops organizes and uses appropriate teaching
and learning resources including ICT to achieve learning goals

A. Balik-aral sa nakaraang araling at / o pagsisimula sa bagong aralin


Balitaan: Ano-ano ang kailangan mo bilang isang bata upang lumaki ka
nang maayos?
(Paggamit ng Power Point at mga larawan)

B. Paglalahad sa layunin ng aralin


Objective 5 – Manages learner behaviour constructively by applying
discipline and non-violent discipline to ensure learning focused
environment

Hatiin sa tatlong pangkat ang klase. Sabihin ang pamantayan sa


pangkatang gawain.
Ibigay ang puzzle.
Ipaskil ang nabuong larawan sa pisara at ipatukoy sa mga bata ang mga
pangunahing pangangailangan ng kanilang pamilya.

 Anong uri ng pagkain ang kailangan kainin ng isang bata para siya
ay maging malusog. Bakit? (Integration Health)
 Bakit kailangan kumain nang masustansiyang pagkain?

C. Pag-uugnay ng mga halimbawa sa bagong aralin


Objective 1 – Applies knowledge of content within across the
curriculum teaching areas
Hayaan ang mga bata na magbahagi ng kanilang karanasan sa paano
tinutugunan ng kanilang mga magulang ang pagkakaroon ng pangunahing
pangangailangan.
Itanong sa mga bata kung paano nila pasasalamatan ang kanilang mga
magulang sa mga ibinibigay nila sa kanila. (Integration ESP)

D. Pagtatalakay sa bagong konsepto at paglalahad ng bagong


kasanayan #1
Objective 3 – Applies ranged of learning strategies to develop critical
creative thinking as well as higher order thinking skills
Itanong: Bukod sa mga pangunahing pangangailangan, may iba pa
batayang pangangailangan?

E. Pagtatalakay sa bagong konsepto at paglalahad ng bagong


kasanayan #2
Hayaan ang mga bata na magbigay ng kanilang palagay o haka tungkol
sa iba pang pangangailangan ng isang komunidad.
Itala ang mga ito sa pisara.

F. Paglinang sa kabihasan
Objective 6 – Use differentiated developmentally appropriate
materials to address learner’s gender, needs, strengths, and interest
and experiences
Hatiin sa apat ang klase at bigyan ng larawan ang bawat pangkat.
Ipasuri ito at pag-usapan ang iba pang pangangailangan ng isang
komunidad batay sa mga impormasyong nasasaad sa mga larawan.
Pangkat 1 – Isang batang nagbabasa sa
paaralan

Pangkat 2 – Isang batang nagpapagamot sa


ospital

Pangkat 3 – Isang batang nagdarasal sa


simbahan

Pangkat 4 – Isang batang naglalakad sa tahimik, maayos at malinis


na komunidad

G. Paglalapat ng aralin sa pang-araw-araw na buhay


Objective 9 – Designs, selects organizes and use diagnostic
formative and summative assessment strategies consistent with
curriculum requirement
Ipasulat sa bawat pangkat ang kanilang napag-usapan at lagumin ang
ginawa ng mga bata sa tulong ng graphic organizer

Iba Pang Pangangailangan ng


komunidad

H. Paglalahahat ng aralin
Ano-ano pa ang ibang pangangailangan ng isang komunidad?
Ano-ano mga gawain ng tutugon sa pangangailangan ito?

I. Pagtataya ng aralin
Sagutin ng Tama o Mali
_______1. Kailangan natin ang matutong bumasa at sumulat.
_______2. Kailangan natin ang malalaking gusali.
_______3. Kailangan natin ng maraming-maraming masasarap na
pagkain.
_______4. Kailangan natin ng tahimik at ligtas na komunidad.
_______5. Kailangan nating mapabilang sa napiling relihiyon.

J. Karagdagang Gawain para sa takdang-aralin


Gumupit ng larawan ng paaralan, ospital, simbahan at munisipyo.
Idikit ang mga ito sa bondpaper.

Prepared by:

Myla C. Mangalino
TEACHER III

Noted by:

Jayson Ryan T. De Leon


Principal III

You might also like