You are on page 1of 13

Camalig South Central School

Camalig, Albay

Masusing Banghay Araling Panlipunan 3

I. Mga Layunin:

Sa loob ng isang oras na talakayan ang mga mag-aaral ay inaasahang:

1. Natutukoy ang mga tungkulin at gawain ng mga bumubuo ng komunidad.

2. Mailalarawan ang tungkulin at gawain ng mga bumubuo ng Komunidad.

3. Naiuugnay ang tungkulin at gawain ng mga bumubuo ng komunidad sa sarili at sa


pamilya.

II. Paksang Aralin

A. Paksa: Gawain at Tungkulin ng mga Bumubuo ng Komunidad

B. Sanggunian: Araling Panlipunan 3, Zenaida E. Espino, Gloria M. Cruz et al.,


pahina 13-25.

C. Mga kagamitan: kartolina, larawan ng bumubuo ng komunidad, Manila paper,


Bandera kulay (Pula at Asul), Audio clip.

D. Konsepto: Gawain at tungkulin ng komunidad

E. Metodo at estratehiya: Inductive Metho and Coperative Learning

F. Pagpapahalaga: Mabibigyang diin ang kahalagahan ng gawain at tungkulin sa


komunidad.

III. Pamamaraan

Gawaing Guro Gawaing Mag-aaral

A. Panimulang Gawain
 Panalangin
Bago natin simulan ang aralin.
Tumayo muna ang lahat para sa ating
maikling panalangin.

-Mabelle pamunuan mo ang panalangin.


-Sa ngalan ng Ama ng Anak ng
Espirito Santo Amen.

 Pagbati

Magandang umaga, Magandang umaga din po Ma’am

May lumiban ba sa klase?


Wala po Ma’am

Mabuti naman at walang lumiban sa klase


ngayong araw.

A. Pagganyak

- Paghahanda

 Pagbabalik Tanaw

Bago tayo magsimula ng ating panibagong


aralin, natatandaan nyo pa ba ang tinalakay
ko noong nakaraang aralin? -Opo maam,ito pa ay tungkol sa
ano ang komunidad.

- Ang komunidad ay binubuo ng


Magaling! Ano nga ulit ang ibig sabihin ng
paaralan, pamilihan, sambahan,
komunidad?
pook libangan, sentrong
pangkalusugan at mga panahanan.

Mahusay.

Saan maaaring matagpuan ang komunidad? -Maaaring matagpuan ito sa tabing


dagat o ilog, kapatagan,
kabundukan, lungsod o bayan ang
isang komunidad.

Tama! Mukhang handa na talaga kayo sa


susunod nating aralin.

 Motibasyon

Bago natin simulan ang ating talakayan, ay


may inihanda ako ditong isang Awitin
patungkol sa ating aralin.

Umupo ng maayos at sabayan niyo ako


sapag Awit.

Lahat tayo ay may puwang

Sa mundong ginagalawan

Sa Araling Panlipunan, ating alamin

Ikutin ang komunidad

Tuklasin ating syudad

Lahat ng mamamaya’y mahalaga,

Ikaw ako’t ating sambahayan

Sektor ng bayan, pamahalaan,

Eskwelahan at simbahan, Saan pa man

Ulitin:

Sa yamang lupa, yamang tubig

Sa panahong mabuti, sa sakuna

Tungkulin an Gawain, sama-sama

Ating harapin

Lahat tayo ay may puwang

Sa mundong ginagalawan

Sa araling panlipunan, ating alamin 2X.


B. Paglalahad ng aralin

Sa ating inawit, meron na ba kayong ideya


kung ano ang tatalakayin natin ngayon?

-Ang tatalakayin po natin ngayon ay


patungkol sa Gawain at Tungkulin
ng mga Bumubuo ng Komunidad.

Tama! ang pag-aaralan natin ngayon ay ang


Gawain at Tungkulin ng mga Bumubuo ng
Komunidad.

C. Pagtalakay ng paksa

Gawain at tungkulin ng mga bumubuo ng


komunidad.

Tungkulin – Isang pananagutan na


nararapat gawin.

Gawain- Responsibilidad na dapat gawin


upang matugunan o magampanan ang
tungkulin.

Sa madaling salita ang tungkulin ay may


kaakibat na gawain upang magampanan ng
maayos ang kanilang mga layunin kaya ang
bawat bumubuo sa komunidad ay may kani-
kanilang tungkulin na may katumbas na
gawain.

Pamilya
Tungkulin- itaguyod ang
pangangailangan ng mga anak.

Gawain- Bigyan ng wasto at sapat na


pagkain, tirahan at pananamit.

Paaralan
Tungkulin- Pagbibigay ng dekalidad na
edukasyon para sa lahat.

Gawain- Pagtuturo ng wastong pag-


uugali at mga gawain.

Simbahan

Tungkulin- Magpahayag ng mga salita


ng Diyos.

Gawain- Nangagaral at nagtuturo ng


mabuting asal sa mga bata.

Pamahalaan

Tungkulin- Gumagawa ng batas,


alituntunin at patakaran para sa kabutihan at
kaunlaran ng komunidad.

Gawain- hinuhuli ang mga kriminal at


pinananatili ang kaayusan at kapayapaan sa
lugar.

Health Center o Ospital

Tungkulin- Nagtataguyod ng
serbisyong pangkalusugan.

Gawain- Nagbibigay ng libreng gamot


at bakuna sa mga mamamayan.

Pook Libangan

Tungkulin- Pinagdarausan ng mga


pagtitipon, pagdiriwang at programa ng
komunidad.
Gawain- Panatilihan ang kaligtasan,
kalinisan at kaayusan ng lugar at mga
kagamitan.

Pamilihan

Tungkulin- Tugunan ang pangunahing


pangangailangan ng mga tao tulad ng
pagkain, damit at iba pa.

Gawain- Magtinda ng pangunahing


pangangailangan sa presyong kaya ng mga
tao.

D. Paglalahat

Kung talagang nakinig ng mabuti sa


pinag-aralan natin ngayong araw.

Maaari po bang magbigay ng halimbawa na


bumubuo sa komunidad ang tungkulin at
gawain nito.

Ok, Frank

Pamilihan
Tungkulin- Tugunan ang
pangunahing pangangailangan ng
mga tao tulad ng pagkain, damit at
iba pa.

Gawain- Magtinda ng
pangunahing pangangailangan sa
presyong kaya ng mga tao.
Tama.

Ok, Mabelle

Pamilya

Tungkulin- itaguyod ang


pangangailangan ng mga anak.

Gawain- Bigyan ng wasto at


sapat na pagkain, tirahan at
pananamit.

Ok tama,

Sige Rosemarie

Simbahan

Tungkulin- Magpahayag ng mga


salita ng Diyos.

Gawain- Nangagaral at
nagtuturo ng mabuting asal sa mga
bata.
Ok Tama Rosemarie.

Natutuwa si Ma’am dahil nakinig nga


kayo ng mabuti sa ating pinag-aralan.

Ngayon ay alam ko na handa na kayo sa


ating gagawing pangkatang gawain.
Handa na po ba? Handa na po.

E. Paglalapat

Magkakaroon tayo ngayon ng pangkatang


gawain na kung saan ay isa itong laro.

Hahatiin ko kayo sa tatlong pangkat.

Panuto:

Bibigyan ko ang bawat pangkat ng kulay


Asul na bandera na ang ibig sabihin ay
Tungkulin at Pulang bandera na ang ibig
sabihin ay Gawain.

Mga hakbang:

1. Babasahin ng guro ang tanong at


tutukuyin ng pangkat kung ito ba ay
tungkulin o gawain, itaas lamang ang
bandera.
2. Meron lamang limang segundo bago
itaas ang Bandera.
3. Kung sino ang mauunang mag taas
ng bandera ay siya ang tatanghaling
panalo.

Mga Tanong:

1. Pagpapalawak ng kaalaman at
pagtuturo ng wastong pag-uugali ng
paaralan.
-Pulang Bandera
2. Ang Ospital ay nagtataguyod ng
serbisyong pangkalusugan.
-Asul na Bandera
3. Pamahalaan ang nagpapanatili ng
kaayusan at kapayapaan sa
komunidad.
-Pulang Bandera
4. Pamilya ang tumutugon sa
pangangailangan ng mga anak.
-Asul na Bandera
5. Pamahalaan ang gumawa ng batas
sa alintuntunin at patakaran ng
komunidad.
-Asul na Bandera
6. Ang simbahan ang nagpahayag ng
mga salita ng Diyos.
-Asul na Bandera
7. Ang Ospital ay nagbibigay ng libreng
gamot at bakuna sa mga
mamamayan.
-Pulang Bandera
8. Nangagaral at nagtuturo ng mabuting
asal sa mga bata.
-Pulang Bandera
9. Ang pamilihan ang tumutugon sa
pangunahing pangangailangan ng
mga tao tulad ng pagkain, damit at
iba pa.
-Asul na Bandera
10. Ang pook libangan ang
pinagdarausan ng mga pagtitipon,
pagdiriwang at programa ng
komunidad.
-Asul na Bandera
11. Ang pamilihan nag nagtitinda ng
pangunahing pangangailangan sa
presyong kaya ng mga tao.
-Pulang Bandera
12. Ang pook libangan ang nag papanatili
ng kaligtasan, kalinisan at kaayusan
ng lugar at mga kagamitan.
-Pulang Bandera
13. Ang paaralan ang nagbibigay ng
dekalidad na edukasyon para sa
lahat.
-Asul na Bandera

Handa na ba kayo? Kung handa na umupo


ng maayos at makinig ng mabuti. Mag
uumpisa na ang ating laro.

IV. Pagtataya

Natapos na tayo sa pangkatang gawain.


Ngayon ay kumuha kayo ng kuwaderno at
sagutan ito.
Palaruan Barangay
Hanapin sa kahon ang tamang sagot at
Paaralan
isulat Health Center o Ospital
ito sa patlang.
Simbahan/ Mosque Pamilihan
_____1. Dito pumupunta ang mga tao
upang magpa kunsulta.

_____2. Dito nagtitipon ang mga tao upang


magbigay ng papuri sa Diyos.

_____3. Dito namimili ang mga tao ng


kanilang mga pangangailangan.

_____4. Isang bahagi ng komunidad na


pinamumunuan ng kapitan.

_____5. Dito hinuhubog ang kaalaman ng


mga kabataan/ mamamayan tungo sapag
unlad.

_____6. Dito nag sasama-sama ang mga


tao para mag libang.

V. Takdang aralin

Para sa susunod nating aralin, basahin ang Pahina 26-28 at unawain.

Inihanda ni:
NELSON N. OSIA JR.
BEED IV

You might also like