You are on page 1of 10

GURONG MAG-AARAL: Joseph C.

Sagayap
PETSA NG PAGTUTURO: February 14, 2024
GRADO & SEKSYON: Grade 7- Rizal (STE)
ORAS: 2:00-3:00 PM
MARKAHAN: Ikatlong Markahan

Pamantayang Pangnilalaman
Naipamamalas ng mag-aaral ang pag-unawa sa pagpapahalaga at birtud

Pamantayan sa Pagganap
Naisasagawa ng mag-aaral ang pagsasabuhay ng mga pagpapahalaga at birtud na
magpapaunlad ng kanyang buhay bilang nagdadalaga/nagbibinata

Kasanayan sa Pagkatuto (MELC-Based)


Nakikilala ang pagkakaiba at pagkakaugnay ng birtud at pagpapahalaga. EsP7PB-IIIa-9.1

DETALYADONG BANGHAY ARALIN SA


EDUKASYON SA PAGPAPAKATAO 7

I. LAYUNIN
Matapos ang aralin, ang mga mag-aaral ay inaasahang;
A. Natutukoy ang kahulugan ng Pagpapahalaga (Values) at Birtud.
B. Naiisa-isa ang kahalagahan nito at naihahambing ang birtud at pagpapahalaga sa bawat tao.
C. Naisasabuhay ang mga tiyak na kilos na ilalapat sa pagsasabuhay nito.

II. NILALAMAN

A. PAKSA: “PAGPAPAHALAGA AT BIRTUD”


B. PINAGKUHANAN: -Edukasyon sa Pagpapakatao; Pahina:191-194, Youtube.com

C. KAGAMITAN: ‘Power Point,’ at ‘LED TV’, Pirasong Papel.

III. PAMAMARAAN

GAWAIN NG GURO GAWAIN NG MAG-AARAL


A. PANIMULANG GAWAIN

1. Panalangin
-Lahat ay tumayo para sa ating
panalangin.

-Sabay sabay nating bigkasin ang


‘Interfaith Prayer.
-Amen.

-Bago maupo, paki tingnan muna -Salamat po.


kung may mga basura sa ilalim ng
upuan at pakiayos ng inyong
upuan.

-Magandang hapon sa inyo mga


mag-aaral. Kumusta ang inyong
araw? -Magandang hapon din po sir.
Ayos lang po!
-Mabuti naman!

2. Pagtatala ng Liban sa
Klase
-Kung may liban: Bakit liban sa
klase si ? -(Maaari/posibleng maging sagot)
May sakit, may pinuntahan kasi po.
Mayroon bang ibinigay na excuse
letter? (Depende ang sagot)

(kung walang liban) Very good!

Pakisabihan ang katabing kaklase


very good yarn?
Very good yarn? (tawanan)

B. PAGLINANG NG ARALIN

PAGGANYAK
-Bago tayo tumungo sa ating aralin,
tayo ay mag aawitan muna.

“Tayo na! at kumanta”


Pinatogtog ang awiting Batang-bata
ka pa ng Apo Hiking Society. (Nag awitan ang mag-aaral)
.

Base sa kinanta natin, ano sa tingin


ninyo ang mensahe ng awitin? Sir, ang mensahe ng awitin (ibat-ibang
sagot)
Magaling!
Sa inyong palagay, sa ngayon ba ay
nakakarelate pa kayo sa mensahe ng Opo sir, (naghayag ng opinyon)
awitin?
-Napakahusay!

C. TALAKAYAN
1. ACTIVITY (Gawain)

Gawain: Buohin Mo Ako!


-Sa gawaing ito, magpapakita ako
ng jumbbled letter na may SEULAV - VALUES
kaugnayan sa Aralin. TUESVIR – VIRTUES
LAROM - MORAL

Magaling at nabuo ninyo ang mga


tamang salita.

2. ANALYSIS (Pagsusuri)
-Magtatanong ang guro ng
mga pamprosesong tanong
batay sa nabuong salita.

a. Pamilyar ba kayo sa mga salita?


-Opo

b. May kaugnayan ba ang mga salitang


nabanggit? - Opo, sapagkat ang mga salita ay
naayon sa kabutihang panlahat.

c. Mahalaga bang maintindihan at masabuhay


ito ng lahat ng tao lalo na sa mga - opo, sapagkat ito ang nakakabuti at
nagdadalaga at nagbibinata? nagsisilbing gabay sa aming mga
magdadalaga at magbibinata.
- Magaling!

3. ABSTRACTION (Paghahalaw)

Pagpapahalaga at Birtud.

Nagpresenta ng powerpoint sa talakayan.

(Ipinabasa sa mag-aaral)

Ang pagpapahalaga o values ay nagmula sa


salitang Latin na valere na nangangahulugang
pagiging malakas o matatag at pagiging
makabuluhan o pagkakaroon ng saysay o (Binasa)
kabuluhan. Mahihinuha natin na ang isang tao ay
kailangang maging malakas o matatag sa
pagbibigay-halaga sa anomang bagay na tunay na
may saysay o kabuluhan.

Sa edad niyo ngayon ano ba ang inyong


pinapahalagahan? Sir pamilya po, edukasyon, kalusugan.
(sagot ay depende)
Magaling!

Kapag may value o halaga sa atin ang isang


bagay, natural lamang na ito ay ating ginagawa o
may mga hakbang tayong ginagawa upang
mapahalagahan ang mga bagay na ito sapagkat
ang kilos-loob ay nagtutulak sa atin upang gawin
ang mga bagauy na ito.

Gaya na lamang ng kung mahalaga sa iyo ang


buhay ng isang tao at may nakita kang taong halos
mamatay na sa gutom ano ang inyong gagawin? Sir, bibigyan ko po ng pagkain.

Magaling! Bakit mo bibigyan ng pagkain?

Tama, dahil ang awa ay isa sa mga dahilan na Kase po naawa po ako.
ating nararamdaman kung mahalaga sa atin ang
isang bagay.

Ngayon naman ay tukuyin natin ang birtud


pakibasa (pumili ng mag-aaral)

Ang virtue o ang birtud ay sinasabing galing sa


salitang latin na “Virtus” na nangangahulugang
pagiging tao, pagiging matatag at pagiging
malakas, ito ay nararapat lamang sa isang tao. Ang
bawat nilalang ay magkakatulad na may isip subalit (Binasa)
mayroong iba’t ibang kaalaman at kagalingang
taglay.

Anong nilalang ang nararapat na mag taglay ng


birtud?
- Ang tao po
Tama! ang tao, sa tingin niyo ang sanggol ba ay
nagtataglay ng birtud?

- Wala po sir, sapagkat ang bata


ay wala pang kaalam alam wala
Napakahusay! pa itong kakayanan na gumawa
ng pasya.
Ang sanggol ay hindi pa nagtataglay ng birtud
sapagkat ito ay wala pang kakayanan na mag isip,
mangatwiran o gumawa ng pasya. Kaya habang
tumatagal tayo ay ating natututunan ang virtues na
ito sapagkat ito ay nadedevelop sa paulit-ulit na
gawi o ang tinatawag nating habit.

Tandaan ang habit o gawi ay bunga ng paulit-ulit


na pagsasakilos o pagsasagawa ng isang kilos.
Ang bawat isa ay may kanya-kanyang habit
maaaring ito ay good or bad habits.

Ngayon naman ay tumungo tayo sa mga uri ng


pagpapahalaga.

Ang Ganap na Pagpapahalagang Moral


(Pumili ng magbabasa)
• Ito ay nagmumula sa labas ng tao, ibig
sabihin ito ang pangkalahatang
katotohanan (universal truth) na
tinatanggap ng tao bilang mabuti at
mahalaga. Ito ay ang mga prinsipyong
etikal (ethical principles) na kaniyang (Binasa)
pinagsisikapang makamit at mailapat sa
pang-araw-araw na buhay.

- Ito ang mga halimbawa ng ganap na


pagpapahalagang moral:
(pag-ibig, paggalang sa dignidad ng tao,
katarungan, pagmamahal sa katotohanan,
kapayapaan at ibp.)

Ito ang mga values na tumatagal at nananatili


magpakailanman simula dati pa hanggang sa
susunod na henerasyon ito ay katanggap tanggap.

Halimbawa ang pag-ibig pinapahalagahan ba ninyo


ang pag-ibig ngayon? sa papaanong paraan? sa
pamilya?

Tama! Kung pinapahalagahan natin ang pag-ibig - Sa pamamagitan ng pagsunod


ngayon, noon paman ay pinapahalagahan din ito at at paggalang sa aking mga
sa susunod pang henerasyon kaya ito ay magulang.
masasabing ganap o absolute. At ito ay external.

Ngayon naman ay tunguhin natin ang “Mga


Katangian ng Ganap na Pagpapahalagang Moral”

1. obhetibo
Ito ay naaayon kung ano ito (what is), ano ito noon,
(has been) at kung ano ito dapat (must be). Ito ay
nananahan sa labas ng isip ng tao, mas mataas sa
isip ng tao at ito ay nananatili kahit pa hindi ito
nakikita o iginagalang ng ilan.

Pagsinabing obhetibo ito ay hindi nakikita at wala


tayong kakayanang baguhin ang kahalagahan nito
kahit pa may ilang hindi ito iginagalang.

2. pangkalahatan
Ito ay sumasaklaw sa lahat ng tao, kilos at
kondisyon o kalagayan. Hinango mula sa Likas na
Batas Moral, ito ay katanggap-tanggap sa lahat ng
tao, sa lahat ng pagkakataon, at sa lahat ng kultura
dahil ito ay nakabatay sa pagkatao ng tao na
pangkalahatan. (Binasa)

3. eternal
Ito ay umiiral at mananatiling umiiral. Hindi ito
magbabago kahit lumipas man ang mahabang
panahon. Nagbabago ang panahon, ang
paniniwala, mithiin, pangangailangan at layon ng
tao ngunit hindi pa rin mababago nito ang ganap (Binasa)
na halagang moral.

Pangalawang uri naman ng pagpapahalaga.

Ang Pagpapahalagang Kultural na Panggawi


Ito ay mga pagpapahalagang nagmula sa loob ng
tao. Ito ay maaaring pansariling pananaw ng tao o
kolektibong paniniwala ng isang pangkat kultural.
Ang layunin nito ay makamit ang mga dagliang
pansarili o pampangkat na tunguhin (immediate
goals). Kasama rito ang pansariling pananaw, (Binasa)
opinyon, ugali at damdamin.

Kung kanina ay nagsisimula sa labas ng tao itong


uri naman ay nagmula sa loob o intenal.
Halimbawa na lamang ay ang iyong sariling
opinyon, pananaw, o ang iyong pag uugali.

Magkakapareho ba nang ugali, pananaw, opinyon


ang lahat ng tao?
Hindi po
Magaling tayo ay mayroong iba-ibang ugali,
pananaw, opinyon at damdamin kahit nga ang
kambal ay magkaiba ang pananaw at ugali, maging
pamilya at mga bansa.

Dumako naman tayo sa katangian ng


pagpapahalagang kultural na panggawi.
Pakibasa
1. Subhetibo
Ito ay pansarili o personal sa indibiduwal. Ito ay
ang personal na pananaw, ugali o hilig na bunga
ng pag-udyok ng pandamdam, damdamin, iniisip, (Binasa)
motibo, karanasan at nakasanayan.
- Ibat- iba tayo ng interpretasyon, kanya
kanya.
- Kagaya ng mga alagang hayop, sino dito
ang mahilig sa aso? At sino ang ayaw o hindi
mahilig sa aso? (depende sa gusto ng mag-aaral)

2. Panlipunan
Ito ay naiimpluwensiyahan ng pagpapahalaga ng
lipunan -ang nakagawiang kilos o asal na
katanggap-tanggap sa lipunan. Ito ay maaaring
magdaan sa unti-unting pagbabago upang (Binasa)
makaayon sa panahon at mga pangyayari.
- Kagaya na lamang ng pagiging
konserbatibo ng mga pilipino noon. Paano - Nagsusuot ng mahabang palda,
nga ba kumilos at manamit ang mga pilipino filipiniana, barong, nanghaharana,
noon? O anong kultura meron ito at ngayon ay mahinhin at ibp.
hindi na masyadong ginagawa. Magbigay ng - croptop, kdrama, chat, videocall,
halimbawa ng noon at ngayong panahon? maiiksing damit at ibp.
3. Sitwasyonal
Ito ay nakabatay sa sitwasyon, sa panahon at
pangyayari. Ito ay madalas na nag-uugat sa
subhetibong pananaw sa kung ano ang
mapakikinabangan o hindi. (Binasa)
- Depende sa kung anong sitwasyon ang
meron ka.

4. APPLICATION (Paglalapat)

Hahatiin sa apat na grupo ang klase at bubunot ng


pirasong papel na may kalakip na ibat-ibang
gawain. (Role playing, kanta, spoken word poetry)

Ang bawat mabubunot ay may kalakip na


sitawasyon.

Palatuntunan:
1. Pumili ng lider na mamumuno ng grupo na
magbubunot para sa ipresenta ng grupo.
2. Pag usapan sa grupo ang napiling gawain
3. Ang bawat grupo ay may sampung minuto
lamang upang makapag handa.
4. Ipresenta sa gitna nang lahat ng miyembro ang
napiling gawain.
5. Ibigay ang best

(MAKALIPAS ANG SAMPUNG MINUTO)

Okay mukhang handa na ang lahat magsimula na


ang unang grupo.

Napakahusay! Bigyan natin ng Woah, iba ka! ang


unang grupo.
Unang Grupo
Magaling, bigyan naman natin ng Esophagus
Clap ang pangalawang grupo.
Pangalawang Grupo
Wow! Mahusay bigyan natin ang ikatlong grupo ng
You You Clap.
Ikatlong Grupo
Yown, napakahusay bigyan natin ng Hoy! Grabe
clap ang pang-apat na grupo.
Ikaapat na Grupo

RUBRIK:
8-10 5-7 1-4
Mensahe Malinaw ang May Hindi
mensahe mensahe malinaw ang
pero di mensahe
gaano
kalinaw
Malikhain Masining ang Medyo Walang
ideyang masining ang masyadong
naipakita. ideya pero di sining.
gaano.
Presentasyon Maayos na Maayos na Hindi maayos
naipresenta naipresenta na
pero medyo naipresenta.
alanganin

C. PAGLALAHAT

Ano nga ulit ang pagpapahalaga?


- pagiging malakas o matatag at
pagiging makabuluhan o
pagkakaroon ng saysay o
kabuluhan.
Ang birtud?
- ito ay nararapat lamang sa
isang tao
Ano nga ulit ang uri ng pagpapahalaga at kanilang
katangian? - Ganap na pagpapahalagang
moral, katangian ay obhetibo,
pangkalahatan, eternal. Ang
pagpapahalagang kultural na
paggawi katangian nito ay
subhetibo, panlipunan,
sitwasyonal.
Magaling ngayon ay handa na kayo sa para sa
ating pagtataya.

IV. EBALWASYON

I. Identipikasyon
Panuto: Basahin at unawain ng mabuti ang mga tanong at piliin sa kahon ang tamang sagot.

Habit Birtud Pagpapahalaga Obhetibo Panlipunan


Eternal Subhetibo Pagpapahalagang kultural na panggawi 1.
Ganap na pagpapahalagang moral Pangkalahatan
Katangian ng pagpapahalagang kultural na panggawi na maaaring magdaan sa unti-unting
pagbabago upang makaayon sa panahon at mga pangyayari. (Panlipunan)
2. Galing sa salitang latin na “Virtus” na nangangahulugang pagiging tao, pagiging matatag at
pagiging malakas, ito ay nararapat lamang sa isang tao. (Birtud)
3.Isang katangian ng ganap na pagpapahalagang moral na naaayon kung ano ito (what is), ano
ito noon, (has been) at kung ano ito dapat (must be). (Obhetibo)
4.Sumasaklaw sa lahat ng tao, kilos at kondisyon o kalagayan. Hinango mula sa Likas na Batas
Moral, ito ay katanggap-tanggap sa lahat ng tao, sa lahat ng pagkakataon, at sa lahat ng
kultura. (Pangkalahatan)
5.Nagmula sa salitang Latin na valere na nangangahulugang pagiging malakas o matatag at
pagiging makabuluhan o pagkakaroon ng saysay o kabuluhan. (Pagpapahalaga)
6.Katangian ng pagpapahalagang kultural na paggawi na personal ang pananaw, ugali o hilig
na bunga ng pag-udyok ng pandamdam, damdamin, iniisip, motibo, karanasan at nakasanayan.
(Subhetibo)
7.Ito ay nabubuo sa paulit ulit na paggawi at nagiging natural sa isang tao. (Habit)
8.Uri ng pagapapahalaga na nagmumula sa labas ng tao, ibig sabihin ito ang pangkalahatang
katotohanan (universal truth) na tinatanggap ng tao bilang mabuti at mahalaga na may
prinsipyong etikal. (Ganap na pagpapahalagang moral)
9.Hindi ito magbabago kahit lumipas man ang mahabang panahon. (Eternal)
10.Ito ay mga pagpapahalagang nagmula sa loob ng tao. Ito ay maaaring pansariling pananaw
ng tao o kolektibong paniniwala ng isang pangkat kultural. (Pagpapahalagang kultural na
panggawi)

II. Sanaysay
Panuto: Gumawa ng sanaysay o (essay) kung paano niyo naipapakita ang iyong
pagpapahalaga sa pamilya, paaralan, at sa kapwa. (10pts)

V. TAKDANG ARALIN

“AKO, AT ANG BIRTUD KO, BILANG TAO”


PANUTO: Punan ang hanay sa kanan ng mga tiyak na aksiyon o tugon na iyong isasagawa
upang maisabuhay ang mga pagpapahalaga na nasa kabilang hanay. Pangatwiranan.

PAMANTAYAN MO! AKSYON KO! TUGON KO!

katapatan
dignidad
respeto
Matalinong pagpapasya

Inihanda ni:

JOSEPH C. SAGAYAP
BSED Values Education

Sinuri ni: Ibinanggit ni:

MARK ANGELO D. HEMPLO VON MAYO G. SALURIO


SST-I/Cooperating Teacher EsP Coordinator

Inaprubahan ni:

ROMEO D. CASTANTE
School Principal III

You might also like