You are on page 1of 5

GURO: Mark Angelo D.

Hemplo
PETSA NG PAGTUTURO: September 20, 2023
GRADO & SEKSYON: Grade 7- Rizal (STE)
ORAS: 2:00-3:00 PM
MARKAHAN: Unang Markahan

Pamantayang Pangnilalaman

Ang mag-aaral ay naipamamalas ang pag-unawa sa ugnayan ng kapaligiran at tao sa paghubog ng


sinaunang kabihasnang Asyano.

Pamantayan sa Pagganap

Ang mag-aaral ay malalim na nakapaguugnay-ugnay sa bahaging ginampanan ng kapaligiran at tao sa


paghubog ng sinaunang kabihasnang Asyano.

Kasanayan sa Pagkatuto (MELC-Based)

Nailalarawan ang mga katangian ng kapaligirang pisikal sa mga rehiyon ng Asya katulad ng
kinaroroonan, hugis, sukat, anyo, klima at “vegetation cover.” (tundra, taiga, grasslands, desert, tropical
forest, mountain lands) AP7HAS-Ia 1.2

DETALYADONG BANGHAY ARALIN SA


ARALING PANLIPUNAN 7

I. LAYUNIN
Pagkatapos ng aralin, ang mga mag-aaral ay inaasahang:

A. Natutukoy ang kahulugan ng ‘vegetation’.


B. Nasusuri ang mga uri ng ‘vegetation cover’ ng Asya sa pamamagitan ng mga ‘metacards’.
C. Naisasabuhay ang kahalagahan ng mga uri ng ‘vegetation cover’ ng Asya.

PAGPAPANATILI NG KALINISAN AT KAAYUSAN SA SILID-ARALAN.

II. NILALAMAN

A. PAKSA: Vegetation Cover ng Asya


B. PINAGKUHANAN: -Asya: Pagkakaisa sa Gitna ng Pagkakaiba; Pahina: 22 – 24
-www.youtube.com
C. KAGAMITAN: ‘Metacards,’ ‘Manila Paper,’ ‘Lapel,’ ‘Power Point,’ at ‘LED TV’

III. PAMAMARAAN

GAWAIN NG GURO GAWAIN NG MAG-AARAL


A. PANIMULANG GAWAIN
1. Panalangin
-Lahat ay tumayo para sa ating
panalangin.
-Sabay sabay nating bigkasin ang
‘Interfaith Prayer.
-Amen.

-Maupo ang lahat. -Salamat po.


-Magandang hapon sa inyo aking
mga mag-aaral. Kumusta ang
inyong araw? -Magandang hapon din po sir. Ayos lang po!

-Mabuti naman!

2. Pagtatala ng Liban sa
Klase
-Kung may liban: Bakit liban sa -(Maaari/posibleng maging sagot) May
klase si ? sakit, may pinuntahan kasi po.

-Pakisabing pumasok na siya


bukas/magpagaling siya upang
makapasok na siya sa susunod na
araw.
(kung walang liban) Very good!
Keep up the good work!

3. Pagtitsek ng Takdang Aralin


-Kung may takdang aralin:
(Ang bawat grupo ay magpapalitan (Magpapalitan ng mga kwaderno at titsekan
ng kanilang kwaderno upang iwasto ang takdang aralin)
ang mga ginawang takdang aralin).

B. PAGLINANG NG ARALIN

PAGGANYAK
-Bago tayo tumungo sa ating aralin,
magkakaroon muna tayo ng laro. Gusto
niyo ba yon? - Opo Sir! Yeheay!!!
-Ang larong ito ay pinamagatang
“Hulaan Mo Mga Larawan Ko.” Ito ang
mga panuntunan:
a. Huhulaan ng bawat manlalaro kung
ano ang nasa mga larawan gamit ang
mga ‘jumbled letters.’
b. Kung alam ang sagot ay dapat
bibigkasin ang mahiwagang salita (Sir
Mark Pogi).
c. Bibigyan lamang ng isang
pagkakataon na sumagot ang bawat
manlalaro sa mga larawan.

-Maliwanag ba ang mga panuntunan? - Opo Sir!


-Mula sa ipinakitang mga larawan at
mga nabuong salita, ano kaya sa tingin
niyo ang ating magiging aralin ngayon? - ang magiging aralin natin ngayon sir ay
tungkol sa Vegetation Cover ng Asya.
-Napakahusay!
C. TALAKAYAN
1. ACTIVITY (Gawain)

Gawain 1: Panoorin Mo Ako!


-Sa gawaing ito, magpapalabas ang
guro ng maikling ‘video’ sa mga mag-
aaral. Maaaring magtala ang mga
mag-aaral ng mahahalagang
impormasyon batay sa pinanood na
‘video.’

-Naintindihan ba? - Opo Sir!

2. ANALYSIS (Pagsusuri)
-Magtatanong ang guro ng mga
pamprosesong tanong batay sa
napanood na ‘video.’

a. Ano ang ‘vegetation’? -Ito ay tumutukoy sa dami ng mga halaman


sa isang lugar tulad ng damuhan at
kagubatan.

b. Anu-ano ang mga uri ng Vegetation Cover ng


Asya? -Ang mga uri ng Vegetation Cover ng Asya
ay steppe, prairie, rainforest, at tundra.
c. Mahalaga bang malaman ang ‘vegetation
cover’ ng isang lugar? Bakit? -Opo, dahil malalaman dito kung ano ang
angkop na hanapbuhay at yaman na
- Magaling! mapagkukunan dito.

3. ABSTRACTION (Paghahalaw)
-Ang guro ay magprepresenta ng mga karagdagang
impormasyon sa pamamagitan ng ‘Power Point.’ Ito
ay naglalaman ng mga uri ng Vegetation Cover ng
Asya.

Gawain 2: Ihanay Mo Ako!

-Magpapakita ang guro ng mga pahayag na


nakalagay sa ‘metacards’ at ihahanay nila ito kung
anong uri ito ng ‘Vegetation Cover.’

-Handa na ba ang lahat?


- Opo Sir!

Mga Pahayag:
a. Kakaunti ang mga halamang tumatakip at
-Tundra
halos walang puno sa lupaing ito.
b. Lupaing may ugat na mababaw at maliliit
-Steppe
lamang ang damuhan.
c. Lupaing may damuhang mataas na malalim
-Prairie
ang ugat.
d. Lupaing may pantay na panahon ng tag-ulan
-Rainforest
at tag-araw.
e. Lupaing tumatanggap lamang ng 10-13
-Steppe
pulgada ng ulan.
4. APPLICATION (Paglalapat)

Gawain 3: Ipakita Mo Kung Sino Ka!

(Ang guro ay magbibigay ng mga panuntunan bago


gawin ang gawain)

Mga Panuntunan:
1. Ang klase ay hahatiin sa tatlong (3) pangkat.
2. Magtatalaga ang guro ng lider sa bawat grupo at
hahayaan ang ibang miyembro na pumili ng kanilang
gustong pangkat batay sa kani-kanilang talento.
3. Pagkatapos, bubuo ng isang presentasyon ang
bawat pangkat patungkol sa kahalagahan ng mga
‘vegetation cover’ sa kasalukuyan. (kanta, ‘balitaan,’
‘dula-dulaan’)
4. Gawing batayan ang rubrik na ibibigay sa bawat
pangkat.
5. Bibigyan lamang ng limang (5) minuto upang
gawin ito.

-Maliwanag ba ang mga panuntunan? - Opo Sir!

RUBRIK:

C. PAGLALAHAT
(Ang guro ay magtatawag ng mag-aaral upang
magbigay ng buod ng aralin.)

IV. EBALWASYON

Basahin at piliin ang titik ng tamang sagot. Isulat ang iyong kasagutan sa iyong sagutang
papel.

1. Ito ay tumutukoy sa dami ng mga halaman sa isang lugar tulad ng damuhan at


kagubatan.
A. Cover B. Vegetation C. Forest

2. Lupaing may ugat na mababaw at maliliit lamang ang damuhan.


A. Steppe B. Prairie C. Tundra
3. Lupaing may damuhang mataas na malalim ang ugat.
A. Steppe B. Prairie C. Tundra

4. Lupaing may pantay na panahon ng tag-ulan at tag-araw.


A. Steppe B. Prairie C. Rainforest

5. Bakit mahalagang malaman ang mga uri ng Vegetation Cover ng Asya sa kasalukuyan?
A. Upang laging nakadepende sa kapaligiran.
B. Upang matugunan ang ating mga pangangailangan sa buhay.
C. Upang mapalawak ang kaalaman at malaman ang angkop na hanapbuhay.

V. TAKDANG ARALIN

Magsaliksik at bigyang kahulugan ang mga sumusunod na salita. Ilagay ang sagot sa
inyong kuwaderno.
1. KIima 2. Panahon 3. Monsoon

MGA TALA:

REPLEKSYON:

Inihanda ni:

MARK ANGELO D. HEMPLO


BSE-Social Studies

Iniwasto ni: Inaprubahan:

MARK ANGELO D. HEMPLO ROMEO D. CASTANTE


SST-I/Cooperating Teacher School Principal III

You might also like