You are on page 1of 2

CATCH-UP FRIDAYS

I. Pangkalahatang Ideya
Catch-up Reading Antas: 9
Asignatura: (Edukasyon sa Pagpapakatao)
Markahang Tema: Good Manners and Right Pangalawang Pamamahala sa
Conduct (GMRC) Tema: Paggamit ng Oras
Oras: 7:30 – 8:30 AM Petsa: March 15, 2024
II. Balangkas
Pamagat ng Sesyon: Pamamahala sa Paggamit ng Oras ng may kabutihang asal at mabuting pag-
uugali.
Mga Layunin: Sa pagtatapos ng Sesyon, ang mga mag-aaral ay:
a) Nauunawaan ang kahalagan ng kabutihang asal at mabuting pag-
uugali
b) Naipapakita ang kabutihang asal at magandang pag uugali bilang
isang mahalagang birtud sa pamamahala sa paggamit ng oras.
c) Nasasapuso ang kabutihang asal at magandang pag uugali bilang
gabay sa pamamahala sa oras.
Susing Konsepto:
 Kahalagahan ng kabutihang asal at mabuting pag-uugali
 Pamamahala sa paggamit ng oras na may kalidad at kabuluhan
 Pagpapakita ng kabutihang asal at pag-uugali ng may pamamahala sa
oras.

III. Pamamaraan
Mga Bahagi Durasyon Mga Gawain
 Pagdarasal
 Pagbati
 Pagtala ng Liban
 Ice Breaker
A. Aktibidad bago  Pampasiglang Gawain (Kuha Mo?)
30 mins  Paghahanda sa mga mag-aaral sa pamamagitan ng
ang pagbasa
isang videpo clip.
https://youtu.be/mV_w9Zv-TdM?si=BqHVMIbW9EG3m3u0
 Hingin ang opinyon ng mga mag-aaral tungkol sa
napanood na video sa pamamagitan ng mga
katanungan.
Pagbasa:
 Ang mag-aaral ay hahayaang basahin ng tahimik ang
B. Habang
15 mins kwentong “Ang Bituin sa Kalsada”.
Nagbabasa
 Isusunod naman ang oral na pagbabasa ng mga mag-
aaral sa teksto.
Pag-unawa Tsek!
 Matapos ang pagbabasa, sasagutan ng mag-aaral ang
mga tanong kaugnay sa binasang teksto.
C. Aktibidad
 Magtanong ng karagdagang katanungan kaugnay sa
pagkatapos ng 15 mins
pamamahala sa oras.
Pagbasa
 Ibabahagi ng mag-aaral ang nakuhang aral mula sa
binasang teksto at kaugnayan nito sa pamamahala sa
oras .

Ang Mahalaga sa Bawat Oras


CATCH-UP FRIDAYS

Ang oras ay isa sa pinakamahalagang yaman na mayroon tayo. Ito ay tulad ng isang perlas na
hindi na maaaring muling ibalik kapag ito ay nasayang na. Kaya't sa ating pang-araw-araw na
buhay, mahalaga ang tamang pamamahala ng oras. Ngunit higit sa pagtutok sa iskedyul at
produktibidad, mas dapat nating bigyang-pansin ang kabutihang asal at pag-uugali.

Sa ating lipunang kung saan ang bilis ng buhay at teknolohiya ay patuloy na umaarangkada,
tila ba hindi na natin napapansin ang mga simpleng bagay tulad ng paggalang sa oras ng iba.
Subalit sa gitna ng modernisasyon, hindi dapat nating kalimutan ang mga pundamental na
halaga ng kagandahang-asal.

Ang tamang pamamahala ng oras ay hindi lamang pagtutok sa iskedyul o pagiging maingat sa
paggamit ng bawat minuto. Ito rin ay pagbibigay halaga sa pakikipag-ugnayan sa iba,
pagtitiwala sa sarili, at pagpapahalaga sa kalidad ng bawat sandali. Kahit gaano pa tayo ka-
organisado sa ating gawain, kung hindi naman tayo marunong rumespeto at magbigay ng oras
sa iba, hindi natin nararanasan ang tunay na kahulugan ng pagpapahalaga sa oras.

Sa bawat pagtitiis at paghihintay, ang kabutihang asal ay naroroon upang magbigay ng


kaginhawaan sa kalooban. Ang pagtutok sa pagkakaibigan, pagmamahal sa pamilya, at
pagtulong sa kapwa ay ilan lamang sa mga halimbawa ng kabutihang asal na dapat nating
isabuhay. Hindi natin kailangan ng iskedyul para lamang gawin ang mga ito, bagkus ay dapat
itong maging bahagi na ng ating pagkatao.

Sa pagtutok sa tamang pamamahala ng oras at kabutihang asal, mayroon tayong gabay para
mas mapabuti ang ating pakikipag-ugnayan sa iba at sa ating sarili. Ang pagiging responsable
sa oras ay nagbubunga ng disiplina at pag-unlad. Sa kabilang banda, ang pagpapakita ng
kabutihang asal at pag-uugali ay nagdudulot ng kasiyahan at positibong epekto sa ating buhay.

Hindi naman ibig sabihin na hindi importante ang iskedyul, ngunit dapat itong maging
kasangkapan lamang sa mas pagpapabuti ng ating pagkatao. Sa pagtutok sa kabutihang asal at
tamang paggamit ng oras, mas lumalim ang ating pag-unawa sa halaga ng bawat saglit. Sa huli,
ito ang nagbibigay ng tunay na kaligayahan at kaganapan sa ating buhay.

Gabay na Tanong:
1. Ayon sa nabasa ano ang mahalaga sa bawat oras?
2. Kailangan bang iiskedyul muna kung kailan dapat magpakita ng kabutihang
asal at pag-uugali? Bakit?
3. Bilang isang mag-aaral at anak paano mo pinamamahalaan ang iyong oras sa
pag-aaral at bilang isang anak?
4. Paano mo pinamamahalaan ang iyong oras na napapakita ang kabutihang asal at
magandang pag-uugali.

Inihanda ni: Sinuri at Pinagtibay ni:

JOSEPH C. SAGAYAP EVANGELINE O. LABONG


Gurong Mag-aaral SST-III/Cooperating Teacher

You might also like