You are on page 1of 3

CATCH-UP FRIDAYS

I. Pangkalahatang Ideya
Catch-up Reading Antas: 7
Asignatura: (Edukasyon sa Pagpapakatao)
Markahang Tema: Respect to Elders Pangalawang Pagpapahalaga at
Tema: birtud
Oras: 7:30 – 8:30 AM Petsa: February 23, 2024
II. Balangkas
Pamagat ng Sesyon: Pagrespeto sa nakakatanda: Ang pagrespeto bilang pagpapakita ng
pagpapahalaga.
Mga Layunin: Sa pagtatapos ng Sesyon, ang mga mag-aaral ay:
a) Nauunawaan ng mag-aaral ang pagrespeto sa matanda
b) Naisasakilos ang paggalang sa matatanda sa bahay at lipunan bilang
pagpapakita ng pagpapahalaga
c) Napapahalagahan ang paggalang sa matatanda bilang isang
mahalagang birtud.
Susing Konsepto:
 Pagrespeto sa nakatatanda
 Kabutihang dulot ng pagrespeto sa nakakatanda
 Pagsasagawa ng kilos na nagpapakita ng paggalang sa nakakatanda

III. Pamamaraan
Mga Bahagi Durasyon Mga Gawain
 Pagdarasal
 Pagbati
 Pagtala ng Liban
 Paghahanda sa mga mag-aaral sa pamamagitan ng
isang videpo clip.
A. Aktibidad bago
15 mins “Respect Elders Good Habit Rhymes & Songs for Children”
ang pagbasa
https://youtu.be/uPmQ5P7Dybw?si=U0s_hpMRiLOmnc41
 Gawan ng hakbang pagsasayaw sa apat na grupo ang
video clip.
 Hingin ang opinion ng mga mag-aaral tungkol sa
napanood na video.
Pagbasa:
 Ang mag-aaral ay hahayaang basahin ng tahimik ang
B. Habang kwentong “Mando ang batang magalang”
15 mins
Nagbabasa https://diwajoaquin.blogspot.com/2012/07/mano-po.html
 Isusunod naman ang oral na pagbabasa ng mga mag-
aaral sa teksto.
Pag-unawa Tsek!
 Matapos ang pagbabasa, sasagutan ng mag-aaral ang
C. Aktibidad mga tanong kaugnay sa binasang teksto.
pagkatapos ng 30 mins  Magtanong ng karagdagang katanungan na kaugnay sa
Pagbasa birtud at pagpapahalaga
 Ibabahagi ng mag-aaral ang nakuhang aral mula sa
binasang teksto.

Page 1 of 3
CATCH-UP FRIDAYS

Inihanda ni:
Sinuri at Pinagtibay ni:

JOSEPH C. SAGAYAP
MARK ANGELO D. HEMPLO
Gurong Mag-aaral
SST-I/Cooperating Teacher

Mando, Ang Batang Magalang

“Mano po, Inay,” kinuha ni Mando ang kamay ng kanyang ina at inilagay ito sa kanyang noo.
Palagi ito ginagawa ni Mando tuwing dumating siya sa bahay mula sa paaralan. Kahit likas na
mabait at magalang si Mando, natutunan niya ang “mano po” mula sa kanyang guro.

Si Mando ang panganay sa dalawang anak nila Mang Manolo at Aling Dolores. Nasa ikatlong
baitang na sa elementarya si Mando. Isa sa mga natutunan niya sa paaralan ay ang paggalang
sa mga magulang lalo na sa paggamit ng “mano po” at mula noon ay naging nakagawian na
itong gawin ni Mando sa kanyang mga magulang at sa mga nakakatanda sa kanya.

Ang hindi alam ni Mando, nakikita ito ng kanyang bunsong kapatid na si Junior. Tinanong siya
ng kanyang kapatid kung ano ang kahulugan ng “mano po” at bakit palagi niya itong

Page 2 of 3
CATCH-UP FRIDAYS

ginagawa. Natutuwa si Mando dahil nagkaroon ng interes ang kapatid at tinuruan niya ito ng
tamang aksyon. “Ito ang gawin mo, yumuko ka ng kunti tapos kunin mo sa iyong kanang
kamay ang kanang kamay ni tatay o nanay at ilagay mo sa iyong noo,” paliwanag ni Mando sa
kapatid. “Ganito ba kuya?” tanong ni Junior sabay yuko ng kunti, kinuha at inilagay ang
kanyang kamay sa noo nito. “Wow, ang galling at nakuha mo agad,” tuwang-tuwa si Mando sa
limang taong gulang na kapatid.

“Kuya, bakit ka nag-mano po?” tanong ni Junior. Hindi agad sinagot ni Mando ang kapatid, at
tinanong niya ito, “Ano sa tingin mo ang dahilan kung bakit nagsisikap sina tatay at nanay sa
pagsasaka?” “Para meron tayo makain, lalo na pambili ng isda.” sagot ng nakababatang
kapatid. “Tama. Ano pa?” diin ng Mando. “Para meron tayo pambili ng damit.” “Ano pa?”
“Para meron tayo pambili ng laruan?” Sa pagkakataon na ito, iniba ni Mando ang tanong sa
kapatid, “Bakit gusto nina tatay at nanay na meron tayo makakain, damit, at laruan?”
Natahimik si Junior at nag-isip. “Sabi ni nanay dahil mahal na mahal nila tayo,” sagot ni Junior.
“Tama ka Jun, nagsisikap sina tatay at nanay dahil mahal na mahal nila tayo. Kaya ipakita din
natin sa kanila na mahal natin sila sa pamamagitan ng pagtulong sa mga gawaing bahay, sa
pagsisikap na mag-aral, sa pakikinig at pagtupad ng kanilang mga payo, at sa pamamagitan ng
paggalang natin sa kanila, gaya ng mano po,” paliwanag ni Mando sa kapatid. “Tama ka, kuya.
Simula mamayang gabi, sabay na tayo mag-mano po kina tatay at nanay,” wika ni Junior sa
kapatid.

Gabay na Tanong:
1. Sino-sino ang tauhan sa kwento? At tungkol saan ang nabasang kwento?
2. Mula sa kwentong nabasa anong mga gawi ni Mando ang tumatak sa iyo?
3. Ano-anong asal pa sa tingin niyo ang maaaring ituro ni Mando na nagpapakita
ng paggalang sa matatanda?
4. Sa tingin mo kailangan bang igalang ang mga taong ating pinapahalagahan kahit pa
hindi ito ka respeto-respeto?
5. Bilang isang nagbibinata o nagdadalaga paano mo ipapakita ang paggalang o respeto sa
mga nakakatanda upang maka impuwensiya sa ibang tao?

Page 3 of 3

You might also like