You are on page 1of 4

School: PIT-AO ELEMENTARY SCHOOL Grade Level: FIVE

GRADES 5 Teacher: JIGS MICHELLE P. PASAMONTE Learning Area: Homeroom Guidance Program
DAILY LESSON LOG Teaching Dates and Time: August 28 – September 1, 2023 (Week1) Quarter: 1ST QUARTER

MONDAY TUESDAY WEDNESDAY THURSDAY FRIDAY


I. LAYUNIN
A. Pamantayang
Understand the importance of oneself and others
Pangnilalaman
B. Pamantayan sa Pagaganap Value oneself Value oneself
C. Mga Kasanayan sa Nakikilala na ang mga pagbabagong Nakikilala na ang mga pagbabagong
Pagkatuto (Isulat ang code nagaganap sa sarili ay bahagi ng pag- nagaganap sa sarili ay bahagi ng pag-
ng bawat kasanayan) unlad. unlad.
II. NILALAMAN
KAGAMITANG PANTURO
A. Sanggunian
1. Mga pahina sa Gabay ng MELC p.711 MELC p.711
Guro
2. Mga pahina sa
Kagamitang Pang-Mag-
aaral
3. Mga pahina sa Teksbuk
4. Karagdagang Kagamitan SLM Unang Markahan SLM Unang Markahan
mula sa portal ng Week 1 Week 1
Learning Resource
B. Iba pang Kagamitang Activity sheet Activity sheet
Panturo
III. PAMAMARAAN
A. Balik-aral sa nakaraang Bawat isa sa atin ay nakararanas ng mga
aralin at/o pagsisimula ng pagbabago. Mga pagbabago na tumutukoy sa
bagong aralin ating pisikal na anyo o pangangatawan,
pangkaisipan o intelektuwal, pandamdamin o
emosyonal, panlipunan o sosyal, at pag-uugali o
moral na aspeto. Ang mga pagbabagong ating
nararanasan ay nagaganap habang tayo ay
patuloy na lumalaki, tumutuklas at nagdaragdag
ng kaalaman at kasanayan, nakikipag-ugnayan
sa ating kapuwa, at humaharap sa iba’t ibang
pagsubok na dumaraan sa ating buhay.
B. Paghahabi sa layunin ng 1. “Walang permanente sa mundo kundi ang
aralin pagbabago.” Ito ay isang matandang kasabihan
na alam na ng marami sa atin. Ipinapaalala nito
na natural o normal na proseso lamang para sa
atin at sa mga mag-aaral na tulad mo ang
makaranas ng pagbabago sa ating mga sarili. Ito
man ay mga pagbabago sa ating pisikal na anyo
o pangangatawan, pangkaisipan o intelektuwal,
pandamdamin o emosyonal, panlipunan o
sosyal, at pag-uugali o moral na aspeto man.
C. Pag-uugnay ng mga Bilang mag-aaral sa Ikalimang Baitang, kayo
halimbawa sa bagong aralin ay nasa panimulang yugto kung saan
makararanas kayo ng marami, kapansin-pansin
at mabilis na pagbabago sa inyong mga sarili.
Sinasabing gaya ng pagsakay sa roller coaster,
ang punto na kinaroroonan niyo ngayon ay
exciting, nakatatakot, nakagugulat, at
nakahihiya pero matututuhan niyo rin ang
pagharap at pagtanggap sa mga ito sapagkat
lahat ng mga ito ay kailangan at magandang
pagkakataon para kayo ay umunlad at
sumulong.

D. Pagtatalakay ng bagong Narito ang ilan lamang sa mga pagbabagong


konsepto at paglalahad ng magaganap sa inyong mga sarili sa iba’t ibang
bagong kasanayan #1 aspeto:

E. Pagtatalakay ng bagong Mahalaga na ang mga pagbabagong nagaganap


konsepto at paglalahad ng sa inyong mga sarili ay inyong kinikilala at
bagong kasanayan #2 tinatanggap nang buong-buo. Inirerekomenda
ng mga magulang at guro na gawin ang mga
sumusunod sakali mang kayo ay naguguluhan o
nalilito sa mga pagbabagong nagaganap sa
inyong mga sarili:
1. Sikaping maging positibo. Huwag
paniwalaan ang lahat ng negatibong iniisip
niyo tungkol sa inyong mga sarili.
2. Magkaroon ng sapat na ehersisyo at pahinga.
Makatutulong ang sapat na tulog para hindi
maging masyadong bugnutin.
3. Pag-aaralan na kontrolin ang inyong mga
damdamin upang hindi madala sa mga ito.
4. Makipag-usap sa inyong mga magulang o
mga taong pinagkakatiwalaan. Sa umpisa,
baka nakakahiya, pero sulit ang tulong na
matatanggap ninyo.
F. Paglinang sa Kabihasan Tandaan na ang mga pagbabagong nagaganap
(Tungo sa Formative sa ating mga sarili ay importanteng bahagi ng
Assessment) ating sariling pagkakakilanlan, ng ating
patuloy na paglago o pag-unlad, at ng ating
maayos at epektibong pagganap sa ating mga
tungkulin sa tahanan, paaralan, pamayanan, at
lipunan.

G. Paglalaapat ng aralin sa Panuto: Tukuyin kung anong aspeto ng


pang-araw-araw na buhay pagbabago ang isinasaad ng bawat pahayag.
Isulat sa patlang ang titik A kung Pisikal, B
kung Intelektuwal, C kung Emosyonal, D kung
Sosyal, at E kung Moral.
___1. Tumangkad ka ng ilang sentimetro.
___2. Gusto mo ay marami kang kaibigan.
___3. Nagiging maramdamin ka na ngayon.
___4. Nagkaroon ka na ng hilig sa pagbabasa.
___5. Mayroon kang malasakit at pagtulong sa
kapitbahay lalo na sa panahon ng
kalamidad at sakuna.

H. Paglalahat ng Aralin Sumulat ng isang kwento na nagsasalaysay ng


iyong karanasan at damdamin patungkol sa
mga pagbabagong nagaganap sa iyong sarili.
Lagyan ng angkop na pamagat ang iyong
kuwento.
I. Pagtataya ng Aralin Suriin ang tinutukoy na aspeto ng pagbabago
sa sarili sa bawat pahayag. Bilugan ang titik ng
tamang sagot.
1. “Mas nagugustuhan ko ang magbasa,
magsulat, at matuto ng mga bagong
kaalaman at kasanayan.”
A. emosyonal
B. intelektuwal
C. moral
2. “Hindi na ako naiinis sa lahat ng aking mga
kaklase. Kinakaibigan ko silang lahat pero
may tinuturing akong best friends.”
A. emosyonal
B. pisikal
C. sosyal

3. “Lagi akong tumitingin sa harap ng salamin.


Conscious ako sa damit at hitsura ko.
Tinitingnan ko kung maayos at kung bagay
ba.”
A. moral
B. pisikal
C. sosyal
4. “Minsan iyak ka nang iyak, ’tapos
kinabukasan okey ka na. Minsan naman
galit ka, ’tapos bigla ka na lang
magkukulong sa kuwarto kasi nadedepres
ka.”
A. emosyonal
B. intelektuwal
C. sosyal
5. “Nang magsimula akong lumaki, sinasadya
kong magsuot ng malalaking t-shirt. Alam
ko namang nagbabago na ang katawan ko,
pero hiyang-hiya ako.”
A. intelektuwal
B. moral
C. pisikal
J. Karagdagang gawain para Sa iyong palagay, paano mo dapat tinatanggap
sa takdang-aralin at ang mga pagbabagong nagaganap sa iyong
remediation sarili at bakit itinuturing na mahalagang bahagi
ng iyong pag-unlad ang mga pagbabagong
nararanasan mo?
IV. Mga Tala
V. Pagninilay
A. Bilang ng mag-aaral na nakakuha
ng 80% sa pagtataya
B. Bilang ng mag-aaral na
nangangailangan ng iba pang
gawain para sa remediation
C. Nakatulong ba ang remedial?
Bilang ng mag-aaral na
nakaunawa sa aralin
D. Bilang ng mga mag-aaral na
magpapatuloy sa remediation
E. Alin sa mga istratehiyang
pagtuturo nakatulong ng lubos?
Paano ito nakatulong?
F. Anong suliranin ang aking
naranasan na solusyunan sa
tulong ng aking punungguro at
superbisor?
G. Anong kagamitang panturo ang
aking nadibuho na nais kong
ibahagi sa mga kapwa ko guro?

TEOFILA A. TABELISMA, PhD.


School Principal II

You might also like