You are on page 1of 8

Kagawaran ng Edukasyon

Rehiyon III
SANGAY NG LALAWIGAN NG TARLAC

Pangalan: Baitang at Pangkat:


Paaralan: Petsa:

GAWAING PAMPAGKATUTO
Homeroom Guidance Program 5
Ikatlong Markahan – Ikalimang Linggo
Mabisang Paraan ng Paglutas ng Suliranin

I. Panimula
Sa ating buhay sa pang-araw-araw, marami tayong suliranin na makikita
at mararanasan. Mula pagkabata hanggang sa mga oras na ito, may mga
suliranin na tayong hinarap, hinaharap, at haharapin pa.
Tandaan natin na wala tayong dapat ipag-alala dahil hindi tayo nag-iisa
kapag tayo ay nahaharap sa isang matinding suliranin sa ating buhay. Nariyan
ang ating mga magulang, guro, nakatatandang kapatid, at maging mga
kaibigan natin na siyang ating malalapitan o makakausap kapag ang
suliranin, problema, o pagsubok na ating kinahaharap sa ngayon ay hindi na
natin kaya pang bigyan ng solusyon.
Huwag nating kalimutang manalangin sa Diyos na payapain ang ating
isipan, pagaanin ang ating pakiramdam, at patnubayan tayo na makaisip at
makagawa ng mabuting solusyon para sa ating suliranin.

II. Kasanayang Pampagkatuto


1. Naipapaliwanag ang kahalagahan ng paghingi o pagbibigay ng
tulong sa paglutas ng mga suliranin.
Koda: HGIPS-IIId-9
2. Nakikibahagi sa mabisang paraan ng paglutas sa mga suliraning
kinakaharap ng pamilya, paaralan, at lipunan.
Koda: HGIPS-IIId-10
III. Mga Layunin
Pagkatapos ng gawaing pampagkatuto na ito, ikaw ay inaasahang:
1. makabubuo ng solusyong maibabahagi sa pamilya, paaralan, at lipunan
upang malutas ang kinahaharap na suliranin;
2. mapahahalagahan ang diwa ng paghingi o pagbibigay ng tulong sa
paglutas ng mga suliranin;
3. makagaganap nang aktibong bahagi sa paglutas ng suliranin; at
4. makapagpapakita ng positibong isip at damdamin ukol sa paglutas ng
suliranin.

IV. Pagtatalakay
Sa ating buhay sa pang-araw-araw, marami tayong suliranin na makikita
at mararanasan. Mula pagkabata hanggang sa mga oras na ito, may mga
suliranin na tayong hinarap, hinaharap, at haharapin pa—mga suliraning
patungkol sa relasyon natin sa ating pamilya, suliraning pinansiyal, suliranin sa
pandemya, suliranin sa kaibigan, suliranin sa pag-aaral, at marami pang iba.
Ang mga suliranin ay mga problema o mga pagsubok na kailangan
nating harapin nang buong tapang at hindi dapat natin sinusukuan, ito man
ay minsan magaan, minsan mabigat, minsan parang kaya natin, minsan
simple o karaniwan lang, at minsan naman komplikado, na mahirap nang
unawain at lutasin.
Tandaan natin na wala tayong dapat ipag-alala dahil hindi tayo nag-iisa
kapag tayo ay nahaharap sa isang matinding suliranin sa ating buhay. Nariyan
kasi ang ating mga magulang, mga guro, mga nakatatandang kapatid, at
maging mga kaibigan natin na siyang ating malalapitan o makakausap
kapag ang suliranin, problema, o pagsubok na ating kinahaharap sa ngayon
ay hindi na natin kayang bigyan pa ng solusyon.
Huwag lamang tayong mahihiyang magtanong o humingi ng tulong sa
kanila kung sakali mang tayo ay nahihirapan na o tayo ay may dinaramdam
na dahil ang ating mga magulang, mga guro, mga nakatatandang kapatid
at maging mga kaibigan ang siyang nakakikilala sa atin at nakaaalam ng
pinakamabisang paraan kung paano tayo matutulungan sa paglutas ng
ating mga suliraning pangkalusugan, pangkaisipan o pandamdamin man.
Halimbawa ng kahalagahan ng paglapit o paghingi ng tulong sa
paglutas ng ating mga suliranin o alalahanin ay ang sumusunod:
Kung nakakaranas tayo ng suliraning pangkalusugan, mahalaga ang
paglapit o paghingi ng tulong sa isang eksperto tulad ng doktor. Ang
pagkonsulta natin sa doktor ay nagpapadali na matukoy ang sanhi ng
sintomas na nararamdaman natin. Dahil dito, agad na nabibigyang lunas ang

2
ating sakit. Kapag kasi ito ay pinatagal pa, siguradong mas mahirap masugpo
ang sakit dahil ito ay lalong lalala pa.
Ang doktor ay dalubhasa sa kaniyang tungkulin kaya siguradong hindi
masasayang ang oras at pagod natin kung magpapakonsulta tayo sa kaniya.
Mabibigyan din tayo ng tamang payo kung paano natin maaalagaan nang
mabuti ang ating kalusugan at paano maiiwasan pa sa hinaharap ang
suliraning pangkalusugan.
Kung inaalala naman natin ang suliranin sa ating pag-aaral o
pagmomodyul, mahalaga ang paglapit o paghingi ng tulong kina nanay,
tatay, ate, kuya, o sinomang nakatatanda sa atin na kasama natin sa tahanan.
Ang pagtatanong kung may hindi naiintindihan sa mga gawain pati na
rin ang paghingi ng karagdagang paliwanag sa mga konsepto at maraming
halimbawa upang lubos na maunawaan ang leksiyon ay magbibigay daan
upang mas matuto tayo, mas mapalapit ang koneksyon natin sa kanila, at
mas pahalagahan, mas pagpursigehan, at mas pagtagumpayan pa natin
ang edukasyon.
Ang ating mga guro ay naririyan, handang tumulong at ipaunawa sa atin
ang mga leksiyon sa pamamagitan ng facebook messenger, online classes,
printed at digitized learning modules, telebisyon at radyo.
Ang ating mga magulang, mga ate at kuya, o nakatatandang kasama
sa tahanan na ating mga pangunahing tagapagturo ay hahabaan naman
ang kanilang mga pasensya sa pagtuturo sa atin upang maimulat ang ating
isipan at linangin ang ating kahusayan sa iba’t ibang asignatura.
Kung nakararamdam ng suliraning pandamdamin tulad ng
pagkalungkot o pagkabigo, mahalaga na lumapit sa mga magulang, ate at
kuya, nakatatanda o mga kaibigang handang makinig upang mabawasan
ang anomang mabigat na dinaramdam.
Ang pagpunta sa mga taong malalapit at pinagkakatiwalaan natin ay
makatutulong dahil alam nating mayroon tayong pwedeng kausapin,
mayroong manghihikayat sa atin na magkuwento lamang ng tungkol sa ating
saloobin, mayroon sa ating makikinig, at mayroong tutulong sa atin na
magkaroon muli ng positibong isip, damdamin, at pagtingin sa buhay.
Tandaan na hindi natin kailangang harapin nang mag-isa ang ating mga
suliranin. Mayroon tayong mga taong malalapitan na siyang lubos na
makatutulong sa atin sa paglutas ng bawat suliranin na ating kinahaharap at
haharapin pa.
Mahalaga ang humingi ng kanilang tulong, payo, o gabay dahil sila ay
ating mga kakampi at karamay at dahil wala silang anomang hangad kundi
ang tayo ay mapabuti. Nariyan silang palagi, handang tumulong, at makinig
sa atin.

3
Kaya lagi nating itanim sa ating isipan na hindi tayo nag-iisa, may pamilya
tayong masasandalan at may Diyos tayong nakikinig sa ating bawat
panalangin ng paghingi ng tulong.

V. Mga Gawain
Gawain 1. Pasulat na Gawain
A. 1. Panuto: Basahin ang mga pangungusap ukol sa suliranin at lagyan ng
TSEK (✓) ang patlang kung ang mga ito ay wasto at EKIS (x) naman kung hindi.
1. Maaaring magkaroon ng maraming solusyon sa iisang suliranin.

2. Ang mga suliranin ay mga pagkakataon para mapaunlad ang


sarili.

3. Mahalaga ang humingi ng tulong, payo, o gabay sa pagharap


natin sa mga suliranin.
4. Minsan, walang solusyon ang isang problema kung kaya’t
nararapat lang na tayo ay sumuko na.

5. Mayroon tayong mga taong malalapitan na siyang lubos na


makatutulong sa atin sa paglutas ng bawat suliranin na ating kinakaharap at
haharapin pa.

A. 2. Panuto: Gumuhit ng masayang mukha (☺) kung ang bawat


pangungusap ay nagpapakita ng pagbibigay solusyon sa mga suliranin sa
tahanan, paaralan, at komunidad at gumuhit naman ng malungkot na
mukha () kung hindi.
1. Nakikisali sa mga proyekto ng barangay ukol sa waste
segregation ang Pamilya Dela Rosa.

2. Hinahayaan lamang ni Jolito ang kaniyang mga kaibigan kahit


napansin nitong nagkakainitan na sila.
3. Tumutulong sa paglilinis ng kapaligiran, kalsada, at kanal sina Keyt
at Lav upang maiwasan ang pagbaha.
4. Hindi nakikiisa si Polina sa gawaing pagtitipid ng pamilya upang
mapababa ang mga bayarin sa tahanan.

5. Dumadalo ang magpinsang Rayna at Moli sa mga online


programang makatutulong sa pangangalaga ng kalusugan.

4
Gawain 2. Gawaing Pagganap
B. 1. Panuto: Basahin at unawain ang sumusunod na sitwasyon. Pagkatapos
ay bumuo o sumulat ng naiisip mong solusyon upang malutas ang suliraning
nabanggit. Gamiting gabay ang mga nakasaad na katanungan.

1. Sina Kayl, Marnie, at Daph ay mga mag-aaral sa Ikalimang Baitang.


Naatasan silang sumali sa on the spot painting contest tungkol sa
pangangalaga sa kapaligiran. Mayroon silang isang buwang palugit upang
paghandaan ang paligsahan.
Gusto ni Kayl na magsanay sila araw-araw para humusay pa sa pagpinta para
pagdating ng araw ng paligsahan ay sanay na sanay na sila. Pero ayaw ni
Marnie dahil para sa kaniya ay mahusay na sila kaya hindi na nila kailangan
pang magsanay at magpokus na lamang sa review para sa exam.

Napansin ni Daph na medyo nagkakainitan na ang dalawa niyang kasama.


Kung ikaw si Daph ano ang gagawin mo upang malutas ang hindi
pagkakaunawaan ng iyong mga kasama? Anong paraan o solusyon ang
naiisip mo?

2. Limang taon nang nakatira ang pamilya ninyo sa Barangay Lumang


Lipunan. Sa limang taon ninyong paninirahan sa komunidad ay marami ng
suliranin ang inyong napansin. Isa na nga rito ay ang problema sa basura.
Dahil sa maling pagtatapon ng basura, naiipon nang naiipon ang mga basura
sa creek. Madali ring bahain ang barangay dahil sa mga basura na hindi
kinokolekta. Ang mga basurang pinababayaang nakatiwangwang ay
umaakit sa mga langaw, lamok, ipis, mga daga at iba pang mga hayop na
nagkakalat ng mga sakit.
Gusto ninyong makatulong upang maresolba ang mga suliraning ito. Ano ang
inyong gagawin upang makatulong na malutas ang suliraning ito sa basura?
Anong paaran o solusyon ang naiisip ninyo?

5
RUBRIK SA PAGGAWA NG GAWAIN
Pamantayan Indikador Puntos Natamong Puntos
NILALAMAN Nakapagbigay nang wasto kumpleto, at 4
akmang solusyon sa mga suliranin.
BALARILA Walang pagkakamali sa mga bantas, 4
kapitalisasyon at pagbabaybay.

KALINISAN Malinis at maayos ang pagkakasulat ng 2


mga sagot sa bawat katanungan.

Kabuoang Puntos=
*Paalala: HUWAG SAGUTAN ANG RUBRIK. (Ito ay batayan lamang ng guro sa pagbibigay ng puntos para sa gawain.)

B. 2. Panuto: Punan ang talahanayan ng hinihinging impormasyon. Maglista


ng tatlong (3) suliraning naranasan mo na. Isulat kung sino ang nilapitan o
hiningian mo ng tulong, at ibahagi kung paano ka niya natulungan.

Suliraning Naranasan Na Mga Taong Ibahagi Kung Paano ka


Hiningian ng Tulong Niya Natulungan
Halimbawa:

Nahihirapan sa mga aralin. Nakatatandang Sinasabayan nila ako sa


Laging mababa ang kapatid (Ate o Kuya) aking pag-aaral at itinuturo
nakukuhang puntos sa sa akin ang kanilang mga
mga pagsusulit. smart tips upang lubos na
maunawaan ang mga aralin
at makapaghanda sa mga
pagsusulit upang mataas
ang makuhang marka.

1.

2.

3.

6
RUBRIK SA PAGGAWA NG GAWAIN
Pamantayan Indikador Puntos Natamong
Puntos
NILALAMAN Nakapaglista nang wasto kumpleto, at 4
akmang impormasyong hinihingi sa
talahanayan.
BALARILA Walang pagkakamali sa mga bantas, 4
kapitalisasyon at pagbabaybay.

KALINISAN Malinis at maayos ang pagkakasulat ng 2


mga sagot sa talahanayan.

Kabuoang Puntos=
*Paalala: HUWAG SAGUTAN ANG RUBRIK. (Ito ay batayan lamang ng guro sa pagbibigay ng puntos para sa gawain.)

VI. Pagsusulit
Panuto: Bilugan ang titik ng tamang sagot.
1. Ito ay tumutukoy sa pagsubok na kailangan nating harapin nang buong
tapang at hindi dapat natin sinusukuan, ito man ay minsan magaan, minsan
mabigat, minsan parang kaya natin, minsan simple o karaniwan lang, at
minsan naman komplikado, na mahirap ng unawain at lutasin
.
A. pagkakamali at pagkabigo

B. problema o suliranin sa buhay


C. kalamidad tulad ng bagyo at lindol

2. Ang sumusunod ay mga mabisang paraan ng paglutas ng suliranin


MALIBAN sa .
A. pagkakaroon ng bukas na isipan

B. paghingi ng tulong sa mga kapamilya, kaibigan o guro


C. pagkawala ng pag-asa na may kalutasan pa ang suliraning
dinadala
3. Mahalaga na humingi ng tulong sa ibang tao kapag nilulutas natin ang
suliranin dahil .

A. maaaring makapagpalala pa ito ng suliranin o magdulot ng higit na


malalaking suliranin
B. may mga suliraning mukhang lubos na mahirap harapin nang mag-
isa kaya kailangan nating kumuha ng suporta mula sa isang malapit na
kaibigan o kapamilya

7
C. mabisang paraan ito upang matukoy mo kung sino talaga ang
mga taong maaasahan mo sa oras ng problema para ang hindi
tumulong sa iyo ay ituturing mo ng kaaway

4. Ang pag-iisip nang positibo sa pagharap sa mga suliranin ay mahalaga


dahil .

A. karaniwan na lamang na makaramdam tayo ng kawalan ng pag-


asa at pagkalungkot kapag tayo ay may suliranin

B. makatutulong ito upang maging mahinahon tayo sa paglutas sa


ating suliranin at makaisip ng maraming solusyon

C. magsisilbing daan ito upang takasan natin ang problema at iwan na


lamang sa mga magulang ang pagharap at paglutas sa suliranin

5. Kapag may mga suliranin tayo, maaaring hindi tayo mapalagay o hindi
komportable ngunit mayroon ding saysay ang pagkakaroon ng mga suliranin
tulad ng .
A. makatutulong ito sa atin upang maging mas matatag at mabuting
tao gaano man kahirap ang mga ito
B. makatutulong ito sa atin na isantabi ang problema, at ipaubaya
ang paglutas sa mga kapamilya o kaibigan
C. makatutulong ito upang maapektuhan ang ibang tao lalo na ang
mga taong malalapit sa atin dahil palagi tayong nakikisalamuha sa
kanila

VII. Pangwakas
Panuto: Maglista ng iyong sariling tatlong (3) hakbang ng paglutas ng suliranin.

Halimbawa:
1. Alamin kung kaya mo bang lutasin ang suliranin nang mag-isa. Kung hindi
isangguni mo ito sa iyong magulang o sinomang higit na may karanasan sa
iyo na maaari mong mahingian ng tulong.

You might also like