You are on page 1of 6

Kagawaran ng Edukasyon

Rehiyon III
SANGAY NG LALAWIGAN NG TARLAC

Pangalan: ______________________ Baitang at Pangkat: ___________


Paaralan: ___________________________ Petsa: ___________________

GAWAING PAMPAGKATUTO
Homeroom Guidance Program 1
Ikatlong Markahan – Ikapitong Linggo
Mangarap ka!

I. Panimula
Ano ang gusto mo maging sa iyong paglaki? Naiisip mo na
ba ang sagot sa tanong na ito? Paano mo ito makakamit? Paano
mo ito paghahandaan?
Ang pagkamit sa pangarap sa buhay ay makatutulong para
mapaunlad mo ang iyong buhay sa hinaharap. Sipag at tiyaga ay
kailangan upang mapagtagumpayan ang mga layuning ito.
Sa araling ito tatalakayin ang mga hakbang kung paano mo
makakamit ang iyong layunin sa buhay.

II. Kasanayang Pampagkatuto


Naipapaliwanag ang mga hakbang upang maisakatuparan
ang mga layunin sa buhay.
Koda: HGC-IVi-11

III. Mga Layunin


Pagkatapos ng gawaing pampagkatuto na ito, ikaw ay
inaasahang:
1. matutukoy ang mga hakbang sa pagsasakatuparan ng mga
layunin sa buhay, at
2. maipapaliwanag ang layunin sa pagkamit ng tagumpay.

IV. Pagtalakay (Patnubay at gabay ng magulang kailangan)


Basahin at unawain ang tula.

Kahit Bata Pa Ako!


Ni: Gng. Laura G. Del Rosario

Kahit bata pa ako, marami na akong gusto.


Gusto kong magturo, tulad ng aking guro.

Paano ko ito magagawa?


Gayong ako ay munting bata pa.

Sabi ng aking ina at ama,


Mag-aral nang mabuti muna.

Mataas na marka, ay dapat makuha.


Huwag mag-alala, nakaalalay si ina at ama.

Pagtatanong sa iba, huwag ikahiya.


Sapagkat, makatutulong sila.

Ibabahagi ko, ang tagumpay na ito.


Iyan ay pangako ng aking puso.

Kahit bata pa ako, ito ang nais ko.


Pagbubutihin ko pang lalo.

Sipag at tiyaga ang taglay ko,


Nang makamit ang layunin ko.

Sagutin ang sumusunod na tanong:


1. Tungkol saan ang tula? _______________________________________
________________________________________________________________
________________________________________________________________
2
2. Ano ang pangarap niya sa buhay? ____________________________
________________________________________________________________
________________________________________________________________
3. Magtala ng tatlong paraan na nabanggit sa tula upang
makamit ang kaniyang pangarap? _____________________________
________________________________________________________________
________________________________________________________________

V. Mga Gawain
Gawain 1. Pasulat na Gawain (Patnubay at gabay ng magulang
kailangan)
A.1 Panuto: Isulat ang Mabuti kung ang pahayag ay pagpapakita
ng paraan upang makamit ang tagumpay at Hindi mabuti naman
kung hindi.

1. Mag-aral nang mabuti.

2. Ipagawa sa iba ang takdang aralin.

3. Huwag mahiyang humingi ng tulong sa iba.

4. Sipag at tiyaga ang puhunan sa tagumpay.

5. Kailangang makakuha ng mataas na marka.

A. 2 Panuto: Suriin ang bawat sitwasyon. Lagyan ng tsek ( √ ) sa


hanay kung mabuti o hindi mabuti.
Dapat Hindi Dapat
1. Nais kong maging doktor. “Mag-aaral
akong mabuti.”
2. Sisikapin ko na makakuha ng mataas
na marka. “Mangongopya ako sa aking
katabi.”

3
3. Hindi ko alam ang takdang aralin.
“Hindi ako mahihiyang humingi nang
tulong sa iba.”
4. Marunong kang gumawa ng sirang
selpon. “Ibabahagi ko sa iba ang aking
kakayahan.”
5. Mahirap ang mga aralin.
“Magsisipag at magtitiyaga ako upang
matapos ko.”

Gawain 2. Gawaing Pagganap ( Patnubay at gabay ng magulang ay kailangan )


B.1 Panuto: Basahin at isaulo ang tula. Bigkasin sa harap ng
magulang habang kinukuhanan ng bidyo. Ipasa sa iyong guro sa
takdang araw.

Kahit Bata Pa Ako!


Ni: Gng. Laura G. Del Rosario

Kahit bata pa ako, marami na akong gusto.


Gusto kong magturo, tulad ng aking guro.

Paano ko ito magagawa?


Gayong ako ay munting bata pa.

Sabi ng aking ina at ama,


Mag-aral nang mabuti muna.

Mataas na marka, ay dapat makuha.


Huwag mag-alala, nakaalalay si ina at ama.

Pagtatanong sa iba, huwag ikahiya.


Sapagkat, makatutulong sila.

Ibabahagi ko, ang tagumpay na ito.


Iyan ay pangako ng aking puso.

Kahit bata pa ako, ito ang nais ko.


Pagbubutihin ko pang lalo.

Sipag at tiyaga ang taglay ko,


Nang makamit ang layunin ko.

4
RUBRIK SA PAGGAWA NG GAWAIN
Puntos
Pamantayan
Naisagawa ng bata ang tula nang maayos at tamang bigkas. 5
Naisagawa ng bata ang tula nang maayos ngunit hindi tama ang bigkas. 3
*Paalala: HUWAG SAGUTAN ANG RUBRIK. (Ito ay batayan lamang ng guro sa pagbibigay ng puntos para sa gawain

B.2 Panuto: Gawing islogan ang mga katagang “KAHIT BATA PA


AKO!” sa isang malinis na bond paper.
RUBRIK SA PAGGAWA NG GAWAIN
Puntos
Pamantayan
Naisagawa ng bata ang islogan nang maayos at malinis. 5
Naisagawa ng bata ang islogan nang maayos ngunit hindi malinis. 3
Hindi bata ang may gawa ng islogan. 1
*Paalala: HUWAG SAGUTAN ANG RUBRIK. (Ito ay batayan lamang ng guro sa pagbibigay ng puntos para sa gawain

VI. Pagsusulit
Panuto: Kumpletuhin ang mga salita upang mabuo ang konsepto
ng aralin. Piliin ang sagot sa kahon at isulat sa patlang.

Kahit ___________________ pa ako. Ako ay may


___________________ din. Upang ___________________ ito kailangan
kong ___________________ ang mga ___________________ tungo sa
katuparan ng iyong pangarap sa buhay.

pangarap bata hakbang


makamit sundin

VII. Pangwakas
Panuto: Gumuhit o magdikit ng larawan ng iyong pangarap sa
buhay. Isulat sa hagdan kung anong hakbang ang gagawin mo
upang makamit ito.

5
VIII. Sanggunian
Most Essential Learning Competencies (MELC) KG to Grade12
S.Y. 2020-2021.

IX. Susi sa Pagwawasto


Gawain # 1 Gawain # 2
5. D 4. D 3. D 2. HD A.2 1. D
B.2 Maaaring magkaka-iba ang sagot
5. M 4. M 3. M 2. HM A.1 1. M B.2. Maaaring magkaka-iba ang sagot

Pagsusulit Pangwakas
HAKBANG 5.
SUNDIN 4.
MAKAMIT 3.
PANGARAP 2. BATA
BATA 1. MAAARING IBA-IBA ANG SAGOT NG MGA 1.

X. Grupo ng Tagapaglinang
Bumubuo sa Pagsusuri ng Gawaing Pampagkatuto

Manunulat: Laura G. Del Rosario


Patnugot: Laura G. Del Rosario
Tagapagsuri ng Nilalaman: Ruby Ann C. Soliven
Melchora E. Aduca
Patnugut ng Wika: Carmela M. Santos
Grupo ng tagapaglinang: Marissa M. Damian,PhD
Eden G. Tańedo

You might also like