You are on page 1of 7

Kagawaran ng Edukasyon

Rehiyon III
SANGAY NG LALAWIGAN NG TARLAC

Pangalan: ______________________ Baitang at Pangkat: ___________


Paaralan: ___________________________ Petsa: ___________________

GAWAING PAMPAGKATUTO
Homeroom Guidance Program 1
Ikaapat na Markahan – Ikaanim na Linggo
Nasa Kamay Ko, Ang Aking Tagumpay!

I. Panimula
Ang mga talento, interes, kakayahan at abilidad ay
nakakatulong upang mahubog nang mabuti ang iyong sarili.
Magagamit ang mga kakayahang ito upang makamit ang iyong
mga pangarap sa buhay.
Maraming kilalang tao ang naging magtagumpay dahil sa
kanilang talento sa pag-awit, pagsayaw at pag-arte. May mga tao
rin na tinitingala dahil sa taglay nilang abilidad sa larangan ng
teknolohiya.
Sipag, tiyaga at pananampalataya ay mahalaga upang
makamit ang tagumpay sa buhay.

II. Kasanayang Pampagkatuto


Nagagamit ang mga talento, interes, kakayahan at abilidad
sa pagpapabuti ng sarili
Koda: HGS-IVg-9
III. Mga Layunin
Pagkatapos ng gawaing pampagkatuto na ito, ikaw ay
inaasahang:
1. matutukoy ang mga kakayahan sa pagpapabuti ng sarili, at
2. maipapahayag ang tamang damdamin o pag-uugali upang
makamit ang tagumpay.

IV. Pagtalakay (Basahin ang kwento sa patnubay ng magulang


pagkatapos sagutin ang mga tanong.)

Ang paghubog sa mga kakayahan ang siyang simula ng


tagumpay ng bawat isa.
Tagumpay Mo, Tagumpay Ko!
Isinulat ni: Gng. Laura G. Del Rosario

Bata pa lamang si Regine ay nakitaan na siya ng talento sa


pag-awit ng kaniyang mga magulang. Kaya naman upang
pagyamanin ang natatanging kakayahang ito ni Regine, lagi
siyang sinasanay ng kaniyang ama sa pag-awit at lagi rin siyang
sinasali sa mga patimpalak sa pag-awit sa kanilang barangay.
Madalas siyang nananalo subalit minsan ay nakararanas din siya
ng pagkatalo. Hindi naman siya napanghihinaan ng loob at
nagpapatuloy lamang sa pag-eensayo upang lalo pang humusay
sa larangan ng pag-awit.
Hanggang isang araw pagkalipas ng maraming taon,
naisipan ni Regine na sumali sa patimpalak sa telebisyon, hindi
naging madali para sa kaniya ang pagsali ngunit
napagtagumpayan niya ito.
Nakilala si Regine dahil sa kaniyang galing sa pag-awit. Ang
dating mahirap nilang buhay ay naiahon niya. Dahil sa kaniyang
likas na talento nagbago ang buhay ng pamilya ni Regine.

Panuto: Bilugan ang titik ng tamang sagot.


1. Ano ang talentong mayroon si Regine?
a. umawit b. sumayaw c. mag-drawing

2
2. Paano sinanay si Regine ng kaniyang tatay?
a. hinahayan lang si Regine na magsanay mag-isa
b. sinasali si Regine sa mga patimpalak para lalong mahasa
c. may sariling tagapayo si Regine para sa kaniyang pagsasanay

3. Naging madali ba para kay Regine ang pagsali ng mga


patimpalak?
a. Opo b. hindi po c. ewan ko po

4. Paano naging matagumpay si Regine gamit ang kaniyang


talento?
a. naiahon niya ang kaniyang pamilya sa hirap
b. nakamit niya ang unang karangalan sa paaralan
c. naging tagapagturo siya sa mga kabataan ng pag-awit

5. Nakatulong ba ang talento ni Regine sa kaniyang buhay? Bakit?


a. Hindi po, dahil natatalo siya sa patimpalak
b. Opo, dahil nabago ang buhay ni Regine
c. Siguro po, dahil may talento siya sa pag-awit

V. Mga Gawain
Gawain 1. Pasulat na Gawain (Patnubay at gabay ng magulang
kailangan)
A.1 Panuto: Alin sa mga sumusunod ang nagpapakita ng paggamit
ng talento, interes, kakayahan at abilidad. Bilugan ang titik ng mga
tamang sagot.
a. Si Berto ay nahihilig sa pagtugtog ng gitara.
b. Nais maging doctor ni Athena balang araw.
c. Ang magkapatid na Melba at Melvin ay parehong
magaling sumayaw.
d. Nag-aaral ng mabuti si Korina dahil nais niyang makakuha
ng mataas na marka.
e. Bata palang si Alex ay maganda na ang kaniyang mga
drawing.
f. Wala sa nabanggit ay tama.
3
A. 2 Panuto: Lagyan ng ( √ ) tsek sa hanay kung ang pahayag ay
tamang pag-uugali sa pagkamit ng tagumpay at (X) ekis naman
kung hindi.
1. Aawayin ko ang nakatalo sa akin.
2. Tiwala at tiyaga lamang upang makamit ang tagumpay.
3. Gamitin ang kakayahan na taglay upang mahasa pa ito.
4. Ayaw ko ng sumali ulit kapag ako ay natalo sa paligsahan.
5. Magsasanay akong mabuti upang makuha ko ang unang
premyo.

Gawain 2. Gawaing Pagganap ( Patnubay at gabay ng magulang


ay kailangan )
B.1 Panuto: Magdikit ng mga larawan na nagpapakita ng iyong
kakayahan at interes sa isang bagay. Isulat kung ano ang mga ito.

RUBRIK SA PAGGAWA NG GAWAIN


ISKOR
Pamantayan
Tama at ayon sa paksa ang sagot. Bata ang may gawa. 5
Nakagawa ngunit hindi masyadong ayon sa paksa. Bata ang may gawa. 3
Tama ang sagot. Hindi bata ang may gawa. 1
Paalala: HUWAG SAGUTAN ANG RUBRIK. (Ito ay batayan lamang ng guro sa pagbibigay ng puntos para sa gawain.

4
B.2 Panuto: Gawin islogan ang mga katagang “Nasa Kamay Ko,
Ang Aking Tagumpay!” sa malinis na bond paper.
RUBRIK SA PAGGAWA NG GAWAIN
ISKOR
Pamantayan
Maayos, malinis at tama ang pagkakagawa. Bata ang may gawa. 5
Hindi masyadong maayos malinis ang pagkakagawa. Bata ang may gawa. 3
Maayos, malinis at tama ang pagkakagawa. Hindi bata ang may gawa. 1
Paalala: HUWAG SAGUTAN ANG RUBRIK. (Ito ay batayan lamang ng guro sa pagbibigay ng puntos para sa gawain.

VI. Pagsusulit
Panuto: Isulat ang Tama kung ang pahayag ay wasto at Mali
naman kung hindi.
__________1. Ang mga talento at kakayahan ay maaring
makatulong na mabago ang kapalaran ng isang tao.
__________2. Ang pagbabahagi ng talento sa iba ay paraan upang
makakuha ng kaibigan.
__________3. Nakararanas din ng mga pagsubok bago makamit
ang tagumpay.
__________4. Huwag mahiyang ipakita ang mga kakayahan na
iyong taglay.
__________5. Gamitin ang kakayahan upang makatulong sa iba.

VII. Pangwakas
Panuto: Iguhit o magdikit ng larawan ng iyong interes na nais mong
maging balang araw. Isulat sa patlang kung ano ito at kung ano
ang iyong gagawin para makamit ito.

5
RUBRIK SA PAGGAWA NG GAWAIN
ISKOR
Pamantayan
Tama at ayon sa paksa ang sagot. Bata ang may gawa. 5
Nakagawa ngunit hindi masyadong ayon sa paksa. Bata ang may gawa. 3
Tama ang sagot. Hindi bata ang may gawa. 1
Paalala: HUWAG SAGUTAN ANG RUBRIK. (Ito ay batayan lamang ng guro sa pagbibigay ng puntos para sa gawain.

VIII. Sanggunian
Most Essential Learning Competencies (MELC) KG to Grade12
S.Y. 2020-2021.

IX. Susi sa Pagwawasto


Gawain # 1 Gawain # 2
iba ang sagot
B.2 Maaaring magkaka-
5. / 1. X 2. / 3. X 4. / A.2
iba ang sagot
E D, C, ,B, A A.1 B.1. Maaaring magkaka-

Pagsusulit
1. tama 2. tama 3. tama 4. tama 5. tama

6
X. Grupo ng Tagapaglinang

Bumubuo sa Pagsusuri ng Gawaing Pampagkatuto

Manunulat: Laura G. Del Rosario


Patnugot: Laura G. Del Rosario
Tagaguhit: Rhian Joy G. Fernandez
Tagapagsuri ng Nilalaman: Ruby Ann C. Soliven
Melchora E. Aduca
Patnugut ng Wika: Carmela M. Santos
Grupo ng tagapaglinang: Marissa M. Damian,PhD
Eden G. Tańedo

You might also like