You are on page 1of 10

Kagawaran ng Edukasyon

Rehiyon III
SANGAY NG LALAWIGAN NG TARLAC

Pangalan: Baitang at Pangkat:


Paaralan: Petsa:

GAWAING PAMPAGKATUTO
Homeroom Guidance Program 5
Ikatlong Markahan – Ikalimang
Linggo
Mabisang Paraan ng Paglutas ng
Suliranin

I.Panimula
Sa ating buhay sa pang-araw-araw, marami tayong suliranin na
makikita at mararanasan. Mula pagkabata hanggang sa mga oras na ito,
may mga suliranin na tayong hinarap, hinaharap, at haharapin pa.
Tandaan natin na wala tayong dapat ipag-alala dahil hindi tayo nag-
iisa kapag tayo ay nahaharap sa isang matinding suliranin sa ating buhay.
Nariyan ang ating mga magulang, guro, nakatatandang kapatid, at
maging mga kaibigan natin na siyang ating malalapitan o makakausap
kapag ang suliranin, problema, o pagsubok na ating kinahaharap sa
ngayon ay hindi na natin kaya pang bigyan ng solusyon.
Huwag nating kalimutang manalangin sa Diyos na payapain ang ating
isipan, pagaanin ang ating pakiramdam, at patnubayan tayo na makaisip
at makagawa ng mabuting solusyon para sa ating suliranin.

II. Kasanayang Pampagkatuto


1. Naipapaliwanag ang kahalagahan ng paghingi o pagbibigay ng
tulong sa paglutas ng mga suliranin.
Koda: HGIPS-IIId-9
2. Nakikibahagi sa mabisang paraan ng paglutas sa mga suliraning
kinakaharap ng pamilya, paaralan, at lipunan.
Koda: HGIPS-IIId-10
III. Mga Layunin
Pagkatapos ng gawaing pampagkatuto na ito, ikaw ay inaasahang:
1. makabubuo ng solusyong maibabahagi sa pamilya, paaralan, at lipunan
upang malutas ang kinahaharap na suliranin;
2. mapahahalagahan ang diwa ng paghingi o pagbibigay ng tulong sa
paglutas ng mga suliranin;
3.makagaganap nang aktibong bahagi sa paglutas ng suliranin; at
4. makapagpapakita ng positibong isip at damdamin ukol sa paglutas ng
suliranin.

IV.Pagtatalakay
Sa ating buhay sa pang-araw-araw, marami tayong suliranin na
makikita at mararanasan. Mula pagkabata hanggang sa mga oras na ito,
may mga suliranin na tayong hinarap, hinaharap, at haharapin pa—mga
suliraning patungkol sa relasyon natin sa ating pamilya, suliraning pinansiyal,
suliranin sa pandemya, suliranin sa kaibigan, suliranin sa pag-aaral, at
marami pang iba.
Ang mga suliranin ay mga problema o mga pagsubok na kailangan
nating harapin nang buong tapang at hindi dapat natin sinusukuan, ito
man ay minsan magaan, minsan mabigat, minsan parang kaya natin,
minsan simple o karaniwan lang, at minsan naman komplikado, na
mahirap nang unawain at lutasin.
Tandaan natin na wala tayong dapat ipag-alala dahil hindi tayo nag-
iisa kapag tayo ay nahaharap sa isang matinding suliranin sa ating buhay.
Nariyan kasi ang ating mga magulang, mga guro, mga nakatatandang
kapatid, at maging mga kaibigan natin na siyang ating malalapitan o
makakausap kapag ang suliranin, problema, o pagsubok na ating
kinahaharap sa ngayon ay hindi na natin kayang bigyan pa ng solusyon.
Huwag lamang tayong mahihiyang magtanong o humingi ng tulong
sa kanila kung sakali mang tayo ay nahihirapan na o tayo ay may
dinaramdam na dahil ang ating mga magulang, mga guro, mga
nakatatandang kapatid at maging mga kaibigan ang siyang nakakikilala
sa atin at nakaaalam ng pinakamabisang paraan kung paano tayo
matutulungan sa paglutas ng ating mga suliraning pangkalusugan,
pangkaisipan o pandamdamin man.
Halimbawa ng kahalagahan ng paglapit o paghingi ng tulong sa
paglutas ng ating mga suliranin o alalahanin ay ang sumusunod:
Kung nakakaranas tayo ng suliraning pangkalusugan, mahalaga ang
paglapit o paghingi ng tulong sa isang eksperto tulad ng doktor.
Ang pagkonsulta natin sa doktor ay nagpapadali na matukoy ang sanhi ng
sintomas na nararamdaman natin. Dahil dito, agad na nabibigyang lunas
2
ang

3
ating sakit. Kapag kasi ito ay pinatagal pa, siguradong mas mahirap
masugpo ang sakit dahil ito ay lalong lalala pa.
Ang doktor ay dalubhasa sa kaniyang tungkulin kaya siguradong
hindi masasayang ang oras at pagod natin kung magpapakonsulta tayo sa
kaniya. Mabibigyan din tayo ng tamang payo kung paano natin
maaalagaan nang mabuti ang ating kalusugan at paano maiiwasan pa sa
hinaharap ang suliraning pangkalusugan.
Kung inaalala naman natin ang suliranin sa ating pag-aaral o
pagmomodyul, mahalaga ang paglapit o paghingi ng tulong kina
nanay, tatay, ate, kuya, o sinomang nakatatanda sa atin na kasama natin sa
tahanan.
Ang pagtatanong kung may hindi naiintindihan sa mga gawain pati
na rin ang paghingi ng karagdagang paliwanag sa mga konsepto at
maraming halimbawa upang lubos na maunawaan ang leksiyon ay
magbibigay daan upang mas matuto tayo, mas mapalapit ang koneksyon
natin sa kanila, at mas pahalagahan, mas pagpursigehan, at mas
pagtagumpayan pa natin ang edukasyon.
Ang ating mga guro ay naririyan, handang tumulong at ipaunawa sa
atin ang mga leksiyon sa pamamagitan ng facebook messenger, online
classes, printed at digitized learning modules, telebisyon at radyo.
Ang ating mga magulang, mga ate at kuya, o nakatatandang kasama
sa tahanan na ating mga pangunahing tagapagturo ay hahabaan naman
ang kanilang mga pasensya sa pagtuturo sa atin upang maimulat ang
ating isipan at linangin ang ating kahusayan sa iba’t ibang asignatura.
Kung nakararamdam ng suliraning pandamdamin tulad ng
pagkalungkot o pagkabigo, mahalaga na lumapit sa mga magulang, ate at
kuya, nakatatanda o mga kaibigang handang makinig upang mabawasan
ang anomang mabigat na dinaramdam.
Ang pagpunta sa mga taong malalapit at pinagkakatiwalaan natin ay
makatutulong dahil alam nating mayroon tayong pwedeng kausapin,
mayroong manghihikayat sa atin na magkuwento lamang ng tungkol sa
ating saloobin, mayroon sa ating makikinig, at mayroong tutulong sa atin
na magkaroon muli ng positibong isip, damdamin, at pagtingin sa buhay.
Tandaan na hindi natin kailangang harapin nang mag-isa ang ating
mga suliranin. Mayroon tayong mga taong malalapitan na siyang lubos na
makatutulong sa atin sa paglutas ng bawat suliranin na ating kinahaharap
at haharapin pa.
Mahalaga ang humingi ng kanilang tulong, payo, o gabay dahil sila ay
ating mga kakampi at karamay at dahil wala silang anomang hangad
kundi ang tayo ay mapabuti. Nariyan silang palagi, handang tumulong, at
makinig sa atin.

4
Kaya lagi nating itanim sa ating isipan na hindi tayo nag-iisa, may
pamilya tayong masasandalan at may Diyos tayong nakikinig sa ating
bawat panalangin ng paghingi ng tulong.

V. Mga Gawain
Gawain 1. Pasulat na Gawain
A. 1. Panuto: Basahin ang mga pangungusap ukol sa suliranin at lagyan ng
TSEK () ang patlang kung ang mga ito ay wasto at EKIS (x) naman kung
hindi.
1. Maaaring magkaroon ng maraming solusyon sa iisang suliranin.

2. Ang mga suliranin ay mga pagkakataon para mapaunlad ang


sarili.
3. Mahalaga ang humingi ng tulong, payo, o gabay sa pagharap
natin sa mga suliranin.
4. Minsan, walang solusyon ang isang problema kung kaya’t
nararapat lang na tayo ay sumuko na.

5. Mayroon tayong mga taong malalapitan na siyang lubos na


makatutulong sa atin sa paglutas ng bawat suliranin na ating kinakaharap
at haharapin pa.
A. 2. Panuto: Gumuhit ng masayang mukha () kung ang bawat
pangungusap ay nagpapakita ng pagbibigay solusyon sa mga suliranin sa
tahanan, paaralan, at komunidad at gumuhit naman ng malungkot na
mukha () kung hindi.
1. Nakikisali sa mga proyekto ng barangay ukol sa waste
segregation ang Pamilya Dela Rosa.
2. Hinahayaan lamang ni Jolito ang kaniyang mga kaibigan kahit
napansin nitong nagkakainitan na sila.
3. Tumutulong sa paglilinis ng kapaligiran, kalsada, at kanal sina
Keyt at Lav upang maiwasan ang pagbaha.
4. Hindi nakikiisa si Polina sa gawaing pagtitipid ng pamilya
upang mapababa ang mga bayarin sa tahanan.

5. Dumadalo ang magpinsang Rayna at Moli sa mga online


programang makatutulong sa pangangalaga ng kalusugan.

5
Gawain 2. Gawaing Pagganap
B. 1. Panuto: Basahin at unawain ang sumusunod na sitwasyon.
Pagkatapos ay bumuo o sumulat ng naiisip mong solusyon upang malutas
ang suliraning nabanggit. Gamiting gabay ang mga nakasaad na
katanungan.

1. Sina Kayl, Marnie, at Daph ay mga mag-aaral sa Ikalimang Baitang.


Naatasan silang sumali sa on the spot painting contest tungkol sa
pangangalaga sa kapaligiran. Mayroon silang isang buwang palugit upang
paghandaan ang paligsahan.
Gusto ni Kayl na magsanay sila araw-araw para humusay pa sa pagpinta
para pagdating ng araw ng paligsahan ay sanay na sanay na sila. Pero
ayaw ni Marnie dahil para sa kaniya ay mahusay na sila kaya hindi na nila
kailangan pang magsanay at magpokus na lamang sa review para sa
exam.
Napansin ni Daph na medyo nagkakainitan na ang dalawa niyang kasama.
Kung ikaw si Daph ano ang gagawin mo upang malutas ang hindi
pagkakaunawaan ng iyong mga kasama? Anong paraan o solusyon ang
naiisip mo?

2. Limang taon nang nakatira ang pamilya ninyo sa Barangay Lumang


Lipunan. Sa limang taon ninyong paninirahan sa komunidad ay marami ng
suliranin ang inyong napansin. Isa na nga rito ay ang problema sa basura.
Dahil sa maling pagtatapon ng basura, naiipon nang naiipon ang mga
basura sa creek. Madali ring bahain ang barangay dahil sa mga basura na
hindi kinokolekta. Ang mga basurang pinababayaang nakatiwangwang ay
umaakit sa mga langaw, lamok, ipis, mga daga at iba pang mga hayop na
nagkakalat ng mga sakit.
Gusto ninyong makatulong upang maresolba ang mga suliraning ito. Ano
ang inyong gagawin upang makatulong na malutas ang suliraning ito sa
basura? Anong paaran o solusyon ang naiisip ninyo?

6
RUBRIK SA PAGGAWA NG GAWAIN
Pamantayan Indikador Puntos Natamong Puntos
NILALAMAN Nakapagbigay nang wasto kumpleto, at 4
akmang solusyon sa mga suliranin.
BALARILA Walang pagkakamali sa mga bantas, 4
kapitalisasyon at pagbabaybay.
KALINISAN Malinis at maayos ang pagkakasulat ng 2
mga sagot sa bawat katanungan.

Kabuoang Puntos=
*Paalala: HUWAG SAGUTAN ANG RUBRIK. (Ito ay batayan lamang ng guro sa pagbibigay ng puntos para sa gawain.)

B. 2. Panuto: Punan ang talahanayan ng hinihinging impormasyon.


Maglista ng tatlong (3) suliraning naranasan mo na. Isulat kung sino ang
nilapitan o hiningian mo ng tulong, at ibahagi kung paano ka niya
natulungan.

Suliraning Naranasan Na Mga Taong Ibahagi Kung Paano ka


Hiningian ng Tulong Niya Natulungan
Halimbawa:

Nahihirapan sa mga Nakatatandang Sinasabayan nila ako sa


aralin. Laging mababa kapatid (Ate o aking pag-aaral at itinuturo
ang nakukuhang puntos Kuya) sa akin ang kanilang mga
sa mga pagsusulit. smart tips upang lubos na
maunawaan ang mga aralin
at makapaghanda sa mga
pagsusulit upang mataas
ang makuhang marka.

1.

2.

3.

7
RUBRIK SA PAGGAWA NG GAWAIN
Pamantayan Indikador Puntos Natamong
Puntos
NILALAMAN Nakapaglista nang wasto kumpleto, at 4
akmang impormasyong hinihingi
sa talahanayan.
BALARILA Walang pagkakamali sa mga 4
bantas, kapitalisasyon at
pagbabaybay.
KALINISAN Malinis at maayos ang pagkakasulat ng 2
mga sagot sa talahanayan.

Kabuoang Puntos=
*Paalala: HUWAG SAGUTAN ANG RUBRIK. (Ito ay batayan lamang ng guro sa pagbibigay ng puntos para sa gawain.)

VI.Pagsusulit
Panuto: Bilugan ang titik ng tamang sagot.

1. Ito ay tumutukoy sa pagsubok na kailangan nating harapin nang buong


tapang at hindi dapat natin sinusukuan, ito man ay minsan magaan,
minsan mabigat, minsan parang kaya natin, minsan simple o karaniwan
lang, at minsan naman komplikado, na mahirap ng unawain at
lutasin
.
A. pagkakamali at pagkabigo

B.problema o suliranin sa buhay


C. kalamidad tulad ng bagyo at lindol

2. Ang sumusunod ay mga mabisang paraan ng paglutas ng


suliranin MALIBAN sa .
A. pagkakaroon ng bukas na isipan

B.paghingi ng tulong sa mga kapamilya, kaibigan o guro


C. pagkawala ng pag-asa na may kalutasan pa ang
suliraning dinadala
3.Mahalaga na humingi ng tulong sa ibang tao kapag nilulutas natin
ang suliranin dahil .

A. maaaring makapagpalala pa ito ng suliranin o magdulot ng higit


na malalaking suliranin
B.may mga suliraning mukhang lubos na mahirap harapin nang
mag- isa kaya kailangan nating kumuha ng suporta mula sa isang
malapit na kaibigan o kapamilya

8
C. mabisang paraan ito upang matukoy mo kung sino talaga
ang mga taong maaasahan mo sa oras ng problema para ang
hindi tumulong sa iyo ay ituturing mo ng kaaway
4. Ang pag-iisip nang positibo sa pagharap sa mga suliranin ay
mahalaga dahil .
A. karaniwan na lamang na makaramdam tayo ng kawalan ng pag-
asa at pagkalungkot kapag tayo ay may suliranin

B.makatutulong ito upang maging mahinahon tayo sa paglutas


sa ating suliranin at makaisip ng maraming solusyon
C. magsisilbing daan ito upang takasan natin ang problema at iwan
na lamang sa mga magulang ang pagharap at paglutas sa suliranin
5.Kapag may mga suliranin tayo, maaaring hindi tayo mapalagay o hindi
komportable ngunit mayroon ding saysay ang pagkakaroon ng mga
suliranin tulad ng .
A. makatutulong ito sa atin upang maging mas matatag at
mabuting tao gaano man kahirap ang mga ito
B.makatutulong ito sa atin na isantabi ang problema, at
ipaubaya ang paglutas sa mga kapamilya o kaibigan
C. makatutulong ito upang maapektuhan ang ibang tao lalo na
ang mga taong malalapit sa atin dahil palagi tayong
nakikisalamuha sa kanila

VII.Pangwakas
Panuto: Maglista ng iyong sariling tatlong (3) hakbang ng paglutas ng
suliranin.
Halimbawa:

1.Alamin kung kaya mo bang lutasin ang suliranin nang mag-isa. Kung hindi
isangguni mo ito sa iyong magulang o sinomang higit na may karanasan
sa iyo na maaari mong mahingian ng tulong.

9
RUBRIK SA PAGGAWA NG GAWAIN
Pamantayan Indikador Puntos Natamong Puntos
KAWASTOHAN AT Wasto, naaayon, at 5
PAGKAMAKATOTOHANAN makatotohanan ang mga
hakbang na ibinigay ukol sa
mabisang paglutas ng suliranin.
KAPUPULUTAN NG ARAL Ang mga hakbang na ibinigay 5
upang mabisang malutas ang
suliranin ay kapupulutan ng aral.
Kabuoang Puntos=
*Paalala: HUWAG SAGUTAN ANG RUBRIK. (Ito ay batayan lamang ng guro sa pagbibigay ng puntos para sa gawain.)

VIII. Sanggunian
K to 12 Most Essential Learning Competencies with Corresponding CG
Codes.pdf. Retrieved from https://commons.deped.gov.ph/K-to-12-
MELCS-with-CG-Codes.pdf

IX.Susi sa Pagwawasto
Mga Gawain Pagsusulit

Tsek ang rubrik sa ibaba. 5.   5.


Maaaring magkaiba ang sagot 4. X 5. A
 4.
B. 3.   3. 4. B
2
Tsek ang rubrik sa ibaba.  2.  2. 3. B
Maaaring magkaiba ang sagot 1.   1. 2. C
B. A. A.1 1. B
1 2

X. Grupo ng Tagapaglinang

Bumubuo sa Pagsusuri ng Gawaing Pampagkatuto

Manunulat: Carmela M.
Patnugot: Santos Jessa G.
Tagaguhit: Porlucas Eric R.
Tagapagsuri ng Tangonan Evelyn
Nilalaman: A. Ramos Jaymie
Lou D. Ruiz
Czarina S. Gacias
Janet B. Lamasan
Annie T. Salvador
Patnugot ng Wika: Editha C. Mayo
Tagapaglinang:
1
0

You might also like