Kagawaran ng Edukasyon
Rehiyon III
SANGAY NG LALAWIGAN NG TARLAC
Pangalan: ______________________ Baitang at Pangkat: ___________
Paaralan: ___________________________ Petsa: ___________________
GAWAING PAMPAGKATUTO
Edukasyon sa Pagpapakatao Unang Baitang
Unang Markahan - Ikalawang Linggo
Pagpapahalaga sa Sarili
I. Panimula
Sa nakaraang aralin, natutuhan mo na ang bawat bata ay
may sariling gusto, interes, potensiyal, kahinaan at damdamin o
emosyon na humuhubog sa kaniyang pagkatao.
Sa araling ito, matutulungan ka na maisakilos ang iyong mga
kakayahan at maipamalas ang mga ito sa iyong kapwa. Ang
pagkakaroon ng tiwala sa sarili ay mahalaga para magawa at
mapagtagumpayan ang mga ito.
Ang mga kakayahang tulad ng pag-awit, pagsayaw at
pakikipagtalastasan ay mga talento at biyaya na ipinagkaloob ng
ating Panginoon na dapat natin linangin at gamitin sa tama.
II. Kasanayang Pampagkatuto
Naisasakilos ang sariling kakayahan sa iba’t ibang
pamamaraan
▪ pag-awit
▪ pagsayaw
▪ pakikipagtalastasan at iba pa
Koda: (EsP1PKP- Ib-c – 2)
III. Mga Layunin:
Pagkatapos ng gawaing pampagkatuto na ito, ikaw ay
inaasahang:
1. maisasakilos ang sariling kakayahan sa ibat ibang pamamaraan
tulad ng pag-awit, pagsayaw, pakikipagtalastasan at iba pa.
2. maipapakita ang kahalagahan ng kakayahan ng may tiwala
sa sarili.
3. matutukoy ang sariling kakayahan sa ibat ibang pamamaraan.
IV. Pagtalakay
Bawat isa ay may sariling kakayahan. Maaaring ipakita ito sa
iba’t ibang paraan. Kailangan lamang na may tiwala sa sarili
upang malaya mo itong magawa at maipamalas. Ang iyong
kakayahan sa pag-awit, pagsayaw, at pakikipagtalastasan o iba
pang potensyal ay nararapat maibahagi at gamitin sa tama.
Basahin ang maikling kuwento.
Lunes ng umaga, pumasok sa paaralan sila Rolan at Rolen.
May pagdiriwang ng Araw ng Kalayaan. Ipinamalas nila Rolan at
Rolen ang kanilang kakayahan sa pamamagitan ng pag-awit ng
isang makabayang awitin.
2
Samantala, isang grupo ng mga babae ang nagpakita ng
kanilang galing sa pagsasayaw.
Sabayang pagbigkas naman ang ipinakita nang grupo nila
Aron at Aris.
Ang lahat ng mga kasali sa programa ay nagpakita ng kani –
kanilang kakayahan.
Sagutin ang mga tanong:
1. Ano ano ang naipakitang kakayahan ng mga bata sa kuwento?
_____________________________________________________________
_____________________________________________________________
__________________________________________________________
2. Bilang mag-aaral, paano mo mapapaunlad ang sarili mong
kakayahan?
_____________________________________________________________
_____________________________________________________________
__________________________________________________________
3
V. Mga Gawain:
Gawain 1: Pasulat na Gawain
A.1 Panuto: Kilalanin ang iba’t ibang kakayahan sa bawat
larawan. Pagtambalin ang hanay A sa hanay B sa pamamagitan
ng pagsulat ng linya.
• A. gumuguhit
2.
• B. umaawit
3.
• C. tumutula
4. • D. sumasayaw
5 • E. tumutugtog
ng gitara
4
A.2 Panuto: Iguhit sa patlang ang iyong nararamdaman sa mga
sumusunod na sitwasyon. Lagyan ng masayang mukha kung ang
pangungusap ay nagpapakita ng tiwala sa sarili at malungkot na
mukha kung hindi.
masaya malungkot
1. Paulit - ulit na nag-eensayo si Ben sa pagtugtog ng
gitara dahil alam niyang magagawa niya rin ito ng
tama.
2. Si Ela ay patuloy sa pagpipinta sa kabila ng
maraming panunukso sa kaniya.
3. Tumigil na sa pagsayaw si Wini mula ng hindi siya
nanalo sa paligsahan.
4. Hindi tinapos ni Mona ang paggawa ng kaniyang
proyekto sa pagguhit dahil sa nahihirapan na ito.
5. Pinagbubutihan ni Alen ang kanyang pagtula sa
kabila ng kaniyang kapansanan.
Gawain 2: Gawaing Pagganap
B.1 Panuto: Ilagay ang pangalan ng iyong kakilala na may taglay
na kakayahan na nakasulat sa ibaba.
1. Magaling umawit –
_________________________________________________________
2. Magaling sumayaw –
________________________________________________________
5
3. Magaling magpinta –
_________________________________________________________
4. Magaling magtula –
_________________________________________________________
5. Magaling tumugtog ng gitara –
_________________________________________________________
RUBRIK SA PAGGAWA NG GAWAIN
ISKOR
Pamantayan
Naibigay at naisulat ng wasto at akma sa aralin. 5
Nakasulat ngunit hindi natapos. 3
Nakasulat ngunit walang kinalaman sa aralin. 1
*Paalala: HUWAG SAGUTAN ANG RUBRIKS. (Ito ay batayan lamang ng guro sa pagbibigay ng puntos para sa gawain.
B.2 Panuto: Gumuhit ng larawan na nagpapakita ng iyong
kakayahan. Iguhit ito sa kahon.
Kakayahang Naisasakilos Ko
6
RUBRIK SA PAGGAWA NG GAWAIN
ISKOR
Pamantayan
Nakaguhit ng wasto at akma sa aralin. 5
Nakaguhit ngunit hindi malinis. 3
Nakaguhit ngunit walang kinalaman na aralin. 1
*Paalala: HUWAG SAGUTAN ANG RUBRIKS. (Ito ay batayan lamang ng guro sa pagbibigay ng puntos para sa
gawain.)
VI. Pagsusulit
Panuto: Isulat sa patlang ang T kung tama ang mga sumusunod
na pangungusap at M kung mali.
__________1. Ipagmamalaki ko ang aking kakayahan sa
pagsayaw.
__________2. Pauunlarin ko ang aking kakayahan sa pagguhit.
__________3. Ikahihiya ko ang aking kakayahan sa pag-awit.
__________4. Pagtatawanan ko ang kahinaan ng aking kaibigan.
__________5. Ibabahagi ko ang aking kaalaman at kakayahan sa
kapwa ko bata.
VII. Pangwakas
Panuto: Isulat sa loob ng kahon ang iyong dapat gawin
upang mapaunlad ang iyong kakayahan.
Ang aking gagawin upang mapaunlad ang aking
kakayahan ay _______________________________________________
_____________________________________________________________
_____________________________________________________________.
7
RUBRIK SA PAGGAWA NG GAWAIN
ISKOR
Pamantayan
Nakapagbigay ng wasto at akma sa aralin. 5
Nakapagbigay ngunit hindi kumpleto ang ideya. 3
Nakapagbigay ngunit walang kinalaman na aralin. 1
*Paalala: HUWAG SAGUTAN ANG RUBRIKS. (Ito ay batayan lamang ng guro sa pagbibigay ng puntos para sa
gawain.)
VIII. Sanggunian
Abac, Felamer E., et. al. 2015. Department of Education.
Edukasyon sa Pagpapakatao, Kagamitan ng Mag-aaral:
Material DepEd 5th Floor Mabini Bldg. DepEd Complex Meralco
Avenue, Pasig City.
Department of Education. Edukasyon sa Pagpapakatao-Unang
Baitang (Kagamitan ng Mag-aaral sa Kapampangan).
Binagong Edisyon 2017. Department of Education Bureau of
Learning Resources(DepEd-BLR).Ground Floor, Bonifacio
Bldg.,DepEd Complex Meralco Avenue, Pasig City, Philippines
1600
Most Essential Learning Competencies (MELC) K to Grade 12 S.Y.
2020-2021. Accessed on May10, 2020.
8
IX. Susi sa Pagwawasto
Gawain A.1 Gawain A.2 Gawain B.1
5. Rubrik
B 5.
4. ay ibabatay sa
C 4.
3. ang bawat sagot
D 3.
ang mga bata,
A 2. 2.
iba’t ibang sagot
E 1. 1.
Bagamat may
Gawain B.2 Pagsusulit Pangwakas
ibabatay sa Rubrik 5. T ibabatay sa Rubrik
bawat sagot ay M 4. bawat sagot ay
mga bata, ang M 3. mga bata, ang
ibang sagot ang T 2. ibang sagot ang
Bagamat may iba’t T 1. Bagamat may iba’t
X. Grupo ng Tagapaglinang
Bumuo sa Pagsusulat ng Gawaing Pagkatuto
Manunulat: Marrie A. Maristela
Patnugot: Emmanuel C. Reganit, PhD
Tagapagsuri ng Nilalaman: Joel S. Guileb, EdD
Grace Ann P. Maristela, PhD
Laarnie C. Baribad
Carmela M. Santos
Edlyn F. Villanueva
Patnugot ng Wika: Allan T. Manalo, PhD
Grupo ng Tagapaglinang: Ronaldo A. Pozon, PhD
Maria Celina L. Vega, CESE
Paulino D. De Pano, PhD