You are on page 1of 10

ESP QUARTER1

WEEK8 DAY3

Layunin:
Nakatutukoy ng mga kilos at gawain na nagpapakita ng pagmamahal at pagmamalasakit sa mga kasapi ng pamilya
Hal.
1. pag-aalala sa mga kapwa-bata( kalaro/kamag-aaral)
EsP1PKP- Ii– 8

Prepared by:
LORENA PERLAS PAR
Balik-Aral:

Paano mo naipapakita ang pagmamalasakit sa


iyong nanay?
tatay?
Paghahabi sa layunin ng aralin:

Ano ang ginagawa ninyo kung


walang pasok?
Marami ba kayong kalaro?
Kwento:
Kadadating pa lamang ng Tatay ni Alvin galing sa
Saudi. May mga pasalubong itong mga laruan sa
kanya. Isang robot na maganda at malaki.Agad
ipinagmalaki niya ito sa mga kalaro niya.
Si Ben na kalaro niya ay nakatingin lang. Wala kasi
siyang mga laruan na katulad ng kay Alvin. Ng
Makita ni Alvin ang kalaro, inaya niya ito.
Ipinahiram din niya ang bago niyang laruan. Natuwa
ang tatay ni Ben sa ipinakitang ugali ng anak.
Pagtalakay:
Sinu-sino ang mga bata sa kwento?
Saan galing ang tatay ni Alvin?
Ano ang pasalubong niya?
Bakit nakatahimik lang ang kalaro niya?
Paano napasaya ni Alvin si Ben?
Anong ugali ang ipinakita niya?
Paglalapat
:
Lutasin:
Nakita mo na umiiyak ang kaklase
mo dahil wala siyang baon
pagkain. Ano ang gagawin mo?
Paglalahat:

Paano ninyo maipakikita


ang malasakit sa inyong
kalaro?
Tandaan:
Dapat tayong magpakita ng
malasakit sa ating mga kalaro.
Pagtataya:
Lagyan ng ang nagpapakita ng pagmamalasakit
sa kalaro /kamag-aaral. kung hindi.
___1. Tulungan kung nangangailangan.
___2. Isali sa mga laro at kasayahan.
___3. Iwasan kung mahirap lang.
___4. Pagtaguan ng pagkain.
___5. Tuksuhin kung natatalo sa laro.
Takdang Aralin:
Lutasin:
Nakita mo na inaaway ng mga
bata ang kaklase mo.
Ano ang gagawin mo?

You might also like