You are on page 1of 11

MGA KATANGIAN NG

MABUTING PINUNO
ARALING PANLIPUNAN 2
KATANGIAN NG MABUTING
PINUNO
• Mahalaga ang papel ng isang pinuno sa isang
komunidad.
• Malaki ang kaniyang tungkulin upang maging
maaayos ang isang komunidad.
• Ang mga sumusunod ay ilang lamang sa mga
katangian na dapat taglayin ng isang pinuno.
MATAPAT
• Ang isang mabuting pinuno ay tapat sa kaniyang
mga nasasakupan.
• Hindi siya nagsisinungaling.
• Hindi siya gumagawa ng anumang bagay na labag
sa batas.
• Tinutupad din niya ang kanilang mga pangako sa
komunidad.
• Ang matapat na pinuno ay mapagkakatiwalaan.
MASIPAG
• Ang isang mabuting pinuno ay
inaasahang manguna sa pagbuo at
pagpapatupad ng mga programa
para sa komunidad.
• Inaasahang laging handing
maglingkod at tumulong ang isang
pinuno sa kanyang mga kasama sa
komunidad.
HUWARAN
• Ang isang mabuting pinuno ay dapat
huwaran para sa kaniyang mga
nasasakupan.
• Ang pinuno ay tinitingala o hinahangaan
ng mga tao.
• Dapat may magandang ugali.
• Tutularan ang mabubuting gawi ng piuno
ng kanyang nasasakupan lalo na ang
MAGALANG
• Ang isang mabuting pinuno ay
dapat magalang.
• Dapat may respeto ang pinuno.
• Dapat magalang sa pakikipag-
usap niya sa mga katrabaho sa
munisipyo upang maiwasan
ang alitan o away.
RESPONSABLE
• Ang isang mabuting pinuno ay dapat responsable
• Isinasagawa niya nang buong husay ang mga
tungkulin niyang bumuo ng mga programang
magpapabuti sa pamumuhay ng kanyang
nasasakupan.
• Inuuna niya ang kapakanan ng kaniyang
MAPARAAN
• Ang isang mabuting pinuno ay dapat maparaan.
• Marami siyang haharapin na pagsubok sa
pamumuno sa komunidad.
• Kaya dapat may mga siyang solusyon sakaling
kailangan ng mga tao ang kanilang tulong.
TANDAAN:
• Mahalagang magtaglay ng mabubuting katangian ang isang pinuno ng
komunidad
• Ang isang pinuno ng komunidad ay inaasahang kakikitaan ng
kagandahang asal sa kaniyang pamumuno.
• Ang isang pinuno ay nagiging inspirasyon din ng kabataang kaniyang
nasasakupan.
• Kaya nararapat na siya ay magpakita ng mabuting halimbawa.
TAMA O MALI
1. Ang pagiging matapat ay mahalagang katangian ng isang mabuting pinuno.
2. Hindi masama kung pangit ang ugali ng isang pinuno basta ibinibigay niya ang
kagustuhan ng mamamayan.
3. Hindi masama ang paggamit ng pinuno ng pera ng pamahalaan para sa kanilang
personal na pangangailangan.
4. Ang pagpapakita ng respeto sa lahat ng uri ng tao ay isang mahalagang katangian ng
mabuting pinuno.
5. Ang pagbuo ng mga programa para sa komunidad ay pagpapakita ng katangian ng
isang mabuting pinuno.

You might also like