You are on page 1of 10

Tungkulin ng mga Pinuno ng Komunidad

Ang punong barangay at ang mga kagawad ay binigyan ng kapangyarihan at


tungkulin. Dapat silang igalang at sundin ng mga tao sa komunidad.

Larawan ng Mabuting Pilipino

Kailangan ng komunidad ang isang mabuting pinuno. Nagtataglay ng mga


kanais-nais na ugali ang mabuting pinuno. Gumagawa siya ng mabuti at tama para
sa kabutihan ng lahat.

Magkaiba ang katangian ng mabuti at ng hindi mabuting pinuno.

Ang mabuting pinuno ay……

 May kakayahang gampanan ang tungkuling ibinigay sa kanya.


 Maka-Diyos at may kabutihang asal sa pakikitungo sa kapwa.
 Mapagkakatiwalaan at matapat sa paggasta ng salapi ng komunidad.
 Masipag na ginagamit ang oras sa pagtupad sa mga tungkulin.

Ang hindi mabuting pinuno ay ……

o Walang kakayahang gampanan ang kanyang tungkulin.


o Walang takot sa Diyos at nagpapakita ng hindi mabuting pag-
uugali
o Corrupt o ginagamit ang salapi ng komunidad para sa sarili at
pamilya
o Palaging wala sa tanggapan at namamasyal sa ibang lugar sa
oras ng trabaho.

You might also like