You are on page 1of 24

2

Araling Panlipunan
Ikaapat na Markahan – Modyul 4:
Epekto ng Pamumuno
at Paglilingkod sa Komunidad
Araling Panlipunan – Ikalawang Baitang
Alternative Delivery Mode
Ikaapat na Markahan – Modyul 4: Epekto ng Pamumuno at Paglilingkod sa Komunidad
Unang Edisyon, 2021

Isinasaad sa Batas Republika 8293, Seksiyon 176 na: Hindi maaaring magkaroon ng
karapatang-sipi sa anomang akda ang Pamahalaan ng Pilipinas. Gayonpaman, kailangan
muna ang pahintulot ng ahensiya o tanggapan ng pamahalaan na naghanda ng akda kung ito
ay pagkakakitaan. Kabilang sa mga maaaring gawin ng nasabing ahensiya o tanggapan ay
ang pagtakda ng kaukulang bayad.

Ang mga akda (kuwento, seleksiyon, tula, awit, larawan, ngalan ng produkto o brand
name, tatak o trademark, palabas sa telebisyon, pelikula, at iba pa.) na ginamit sa modyul na
ito ay nagtataglay ng karapatang-ari ng mga iyon. Pinagsumikapang matunton ang mga ito
upang makuha ang pahintulot sa paggamit ng materyales. Hindi inaangkin ng mga
tagapaglathala at mga may-akda ang karapatang-aring iyon. Ang anomang gamit maliban sa
modyul na ito ay kinakailangan ng pahintulot mula sa mga orihinal na may-akda ng mga ito.

Walang anomang bahagi ng materyales na ito ang maaaring kopyahin o ilimbag sa


anomang paraan nang walang pahintulot sa Kagawaran.

Inilathala ng Kagawaran ng Edukasyon


Kalihim: Leonor Magtolis Briones
Pangalawang Kalihim: Diosdado M. San Antonio

Bumuo sa Pagsusulat ng Modyul Bumuo ng Kontekstuwalisadong Modyul


Manunulat: Kaila M. Matira
Manunulat:sa Pilipinas
Inilimbag Quennie ng
H. Dela Peña
________________________
Tagasuri: Aljune J. Castillo
Tagasuri: Ramil D. Dacanay
Department of Education – Region III, MIMAROPA Region Martiniano D. Buising
Rochella C. David
Norman F. Magsino
Janet P. Lingat
Marino C. Cueto
Office Address: Matalino
Emily F. SarmientoSt. Government
PhD, Center, Maimpis, City of San Fernando
Marlou G. Roderos
Angelica M. Burayag PhD
St. Paul Road, Meralco Ave., Pasig CityMaribeth R. Roldan
Tagaguhit:
Telefax: Lady Diane
(045) Bonifacio to 89; (02) 863-73097 Romualdo O. Magculang
M.598-8580
E-mail Address: Noel S.region3@deped.gov.ph
Tagalapat: Reganit Tagaguhit: Lilibeth M. Jimenez

Tagapamahala: mimaropa.region@deped.gov.ph
Tagalapat: Lea M. Sodusta
Librada M. Rubio PhD Laiza L. Madrigal
Ma. Editha R. Carapas EdD
Tagapamahala:
Nestor P. Nuesca EdD
Nicolas T. Capulong PhD, CESO V
Lourdes G. Dela Cruz PhD
Mariflor B. Musa
Emily F. Sarmiento PhD Freddie Rey R. Ramirez
Ramil D. Dacanay Laida M. Lagar-Mascareñas
Florina L. Madrid
Norman F. Magsino
Marlou G. Roderos

Inilimbag sa Pilipinas ng Kagawaran Inilimbag sa MIMAROPA ng Kagawaran


ng Edukasyon Rehiyon III ng Edukasyon MIMAROPA Region
Office Address: Matalino St., Government Office Address: St. Paul Road, Meralco Ave.,
Center, Maimpis, City of San Pasig City
Fernando Telefax: (02) 853-73097
Telefax: (045) 598-8580 to 89 E-mail Address:mimaropa.region@deped.gov.ph
E-mail Address: region3@deped.gov.ph
2

Araling Panlipunan
Ikaapat na Markahan – Modyul 4:
Epekto ng Pamumuno at
Paglilingkod sa Komunidad
Paunang Salita
Para sa tagapagpadaloy:

Malugod na pagtanggap sa asignaturang Araling Panlipunan 2


ng Alternative Delivery Model (ADM) Modyul para sa araling:
Epekto ng Pamumuno at Paglilingkod sa Komunidad
Ang modyul na ito ay pinagtulungang dinisenyo, nilinang, at sinuri
ng mga edukador mula sa pampubliko at pampribadong
institusyon upang gabayan ka, ang gurong tagapagdaloy upang
matulungang makamit ng mag-aaral ang mga pamantayang
itinakda ng Kurikulum ng K to12 habang kanilang
pinanagumpayan ang pansarili, panlipunan, at pang-
ekonomikong hamon sa pag-aaral.
Ang tulong-aral na ito ay umaasang makauugnay ang mag-aaral
sa mapatnubay at malayang pagkatuto na mga gawain ayon sa
kanilang kakayahan, bilis, at oras. Naglalayon din itong
matulungan ang mag-aaral upang makamit ang mga
kasanayang pang-ikadalawangpu’t isang siglo habang
isinasaalang-alang ang kanilang mga pangangailangan at
kalagayan.
Bilang karagdagan sa materyal ng pangunahing teksto, makikita
ninyo ang kahong ito sa pinakakatawan ng modyul:

Mga Tala para sa Guro


Ito'y naglalaman ng mga paalala, panulong o
estratehiyang magagamit sa paggabay sa mag-aaral.

Bilang tagapagpadaloy, inaasahang bibigyan mo ng paunang


kaalaman ang mag-aaral kung paano gamitin ang modyul na
ito. Kinakailangan ding subaybayan at itala ang pag-unlad nila
habang hinahayaan silang pamahalaan ang kanilang sariling

ii
pagkatuto. Bukod rito, inaasahan mula sa iyo na higit pang
hikayatin at gabayan ang mag-aaral habang isinasagawa ang
mga gawaing nakapaloob sa modyul.
Para sa mag-aaral:

Malugod na pagtanggap sa Araling Panlipunan 2 ng


Alternative Delivery Mode (ADM) Modyul ukol sa Mga
Epekto ng Pamumuno at Paglilikod sa Komunidad
Ang modyul na ito ay ginawa bilang tugon sa iyong
pangangailangan. Layunin nitong matulungan ka sa iyong pag-
aaral habang wala ka sa loob ng silid-aralan. Hangad rin nitong
madulutan ka ng mga makabuluhang oportunidad sa pagkatuto.
Ang modyul na ito ay may mga bahagi at icon na dapat mong
maunawaan.

Sa bahaging ito, malalaman mo


ang mga dapat mong
Alamin
matutuhan sa modyul.

Sa pagsusulit na ito, makikita


natin kung ano na ang kaalaman
mo sa aralin ng modyul. Kung
Subukin nakuha mo ang lahat nang
tamang sagot (100%), maaari
mong laktawan ang bahaging
ito ng modyul.
Ito ay maikling pagsasanay o
balik-aral upang matulungan
Balikan kang maiugnay ang
kasalukuyang aralin sa naunang
leksiyon.

iii
Sa bahaging ito, ang bagong
aralin ay ipakikilala sa iyo sa
maraming paraan tulad ng isang
Tuklasin kuwento, awitin, tula, pambukas
na suliranin, gawain o isang
sitwasyon.
Sa seksiyong ito, bibigyan ka ng
maikling pagtalakay sa aralin.
Layunin nitong matulungan kang
Suriin maunawaan ang bagong
konsepto at mga kasanayan.

Binubuo ito ng mga gawaing


para sa mapatnubay at
malayang pagsasanay upang
mapagtibay ang iyong pang-
Pagyamanin unawa at mga kasanayan sa
paksa. Maaari mong iwasto ang
mga sagot mo sa pagsasanay
gamit ang susi sa pagwawasto sa
huling bahagi ng modyul.

Naglalaman ito ng mga


katanungan o gawain na
pupunan ang patlang ng
Isaisip pangungusap o talata upang
maproseso kung anong
natutuhan mo mula sa aralin.
Ito ay naglalaman ng gawaing
makatutulong sa iyo upang
maisalin ang bagong kaalaman
Isagawa
o kasanayan sa tunay na
sitwasyon o realidad ng buhay.

iv
Ito ay gawain na naglalayong
matasa o masukat ang antas ng
Tayahin pagkatuto sa pagkamit ng
natutuhang kompetensi.

Sa bahaging ito, may ibibigay sa


iyong panibagong gawain
Karagdagang upang pagyamanin ang iyong
Gawain kaalaman o kasanayan sa
natutuhang aralin.
Naglalaman ito ng mga tamang
Susi ng sagot sa lahat ng mga gawain sa
Pagwawasto modyul.

Sa katapusan ng modyul na ito, makikita mo rin ang:

Sanggunian Ito ang talaan ng lahat ng


pinagkuhanan sa paglikha o
paglinang ng modyul na ito.
Ang sumusunod ay mahahalagang paalala sa paggamit ng
modyul na ito:
1. Gamitin ang modyul nang may pag-iingat. Huwag lalagyan
ng anomang marka o sulat ang alinmang bahagi ng
modyul. Gumamit ng hiwalay na papel sa pagsagot sa mga
pagsasanay.
2. Huwag kalimutang sagutin ang Subukin bago lumipat sa iba
pang gawaing napapaloob sa modyul.
3. Basahing mabuti ang mga panuto bago gawin ang bawat
pagsasanay.
4. Obserbahan ang katapatan at integridad sa pagsasagawa
ng mga gawain at sa pagwawasto ng mga kasagutan.
5. Tapusin ang kasalukuyang gawain bago pumunta sa iba
pang pagsasanay.

v
6. Pakibalik ang modyul na ito sa iyong guro o
tagapagpadaloy kung tapos nang sagutin lahat ng
pagsasanay.
Kung sakaling ikaw ay mahirapang sagutin ang mga gawain sa
modyul na ito, huwag mag-aalinlangang konsultahin ang
inyong guro o tagapagpadaloy. Maaari ka rin humingi ng
tulong sa iyong mga magulang, o sa nakatatanda mong
kapatid o sino man sa iyong mga kasama sa bahay na mas
nakatatanda sa iyo. Laging itanim sa iyong isipang hindi ka
nag-iisa.
Umaasa kami, sa pamamagitan ng modyul na ito,
makararanas ka ng makahulugang pagkatuto at makakakuha
ka ng malalim na pang-unawa sa kaugnay na mga
kompetensi. Kaya mo ito!

vi
Alamin

Malaki ang epekto ng pamumuno sa komunidad.


Ang paglilingkod ng isang pinuno ay maaaring may
mabuti o hindi mabuting bunga. Nakasalalay rito ang
ikauunlad at ikaaayos ng isang komunidad.

Pagkatapos mong mapag-aralan ang modyul,


inaasahang maipakikita mo ang kakayahan na ito:

1. Naipaliliwanag ang epekto ng pagbibigay


serbisyo at di pagbigay serbisyo sa komunidad;
(AP2PKK-IVd-3)
2. Natutukoy ang katangian ng isang mabuti at di-
mabuting pinuno ng komunidad; at
3. Napahahalagahan ang maayos at
magandang serbisyong ibinibigay sa
komunidad.

1
Subukin

Panuto: HANAP SALITA: Hanapin sa ibaba ang sampung


(10) magandang katangian na nararapat taglayin ng
mga pinuno ng ating komunidad. Isulat ito sa sagutang
papel.

2
Aralin Epekto ng Pamumuno

1 at Paglilingkod sa
Komunidad

Tungkulin ng mabuting pinuno na paglingkuran ang


kaniyang komunidad para sa ikauunlad at ikaaayos nito.
Hindi biro ang gawaing ito. Kaya nararapat lamang na
taglay niya ang mabubuting katangian na magsisilbing
halimbawa sa kaniyang mga nasasakupan.

Balikan

Panuto: Isulat sa sagutang papel ang salitang Tama kung


wasto ang pangungusap na nagpapahayag ng
karapatan mo bilang bata sa komunidad at Mali kung
hindi.
1. Karapatan ng isang batang tulad mo ang
pagkakaroon ng maayos na tirahan.
2. Kinakailangang ligtas ang mga palaruan sa
komunidad.
3. Hindi na kinakailangang pumasok pa sa paaralan
ang isang bata.
4. Karapatan ng batang tulad mo ang magkaroon ng
malakas at malusog na pangangatawan.
5. Ang pagkakaroon ng pangalan ay hindi mahalaga.

3
Tuklasin

Naranasan mo na
bang maging
isang pinuno ng
isang grupo?

Ano-ano kaya
ang katangian
ng isang
mabuting
pinuno?

Panuto: Basahing mabuti ang tula sa ibaba tungkol sa


katangian ng isang mabuting pinuno sa komunidad.
Pagkatapos ay sagutin ang mga tanong kaugnay nito.

Ang Pinuno
ni Kaila M. Matira

Ang pinuno ay may mahalagang katungkulan


Nangunguna palagi sa mabubuting gawa
Kaunlaran at katahimikan ang kanyang sadya
Pawang mabubuting huwaran ng madla.

4
Pagiging disiplinado at matapat ang kailangan
Hindi nanlilinlang at walang pinapanigan
Tao sa komunidad ang pinapahalagahan
Lumulutas sa problema, mahirap man o mayaman.

Ang mabuting pinuno ‘di nanlalamang


Sa kapuwa’y may respeto at may paninindigan
Hindi nadidiktahan, lalong hindi nasusuhulan
Komunidad inuuna bago sariling kapakanan.

1. Ayon sa binasang tula, ano ang tungkulin ng isang


pinuno?
2. Magbigay ng tatlong halimbawa na magandang
gawi ng isang pinuno ayon sa binasa mong tula.
3. Bakit mahalagang magkaroon ng isang mabuting
pinuno sa inyong komunidad?
4. Sa iyong pananaw, papaano mo
mapahahalagahan ang maayos at magandang
serbisyong ibinibigay ng mga pinuno sa komunidad?

5
Suriin
Ang kagandahan at kaunlaran ng isang komunidad
ay nakasalalay sa talino at kahusayan ng pinuno nito sa
pamamahala. Kinakailangang magpakita siya ng
magandang halimbawa na maaaring tularan. Matiwasay
o masalimuot man ang mga nangyayari sa komunidad,
ito ay nakasalalay sa uri ng pamamahala ng isang
pinuno.
Narito ang ilan sa mga katangiang maaaring taglayin ng
isang pinuno:
• responsable;
• may disiplina sa sarili;
• naninindigan sa katotohanan;
• huwaran at modelo ng mabuting gawa;
• walang kinikilingan sa pagpapatupad ng batas;
• inuuna ang kapakanan ng mga tao sa
komunidad; at
• mapagpakumbaba, matapat, at may
pagpapahalaga sa mga karaniwang tao
Ang mga pinuno ay may iba’t ibang uri ng
paglilingkod sa komunidad. May mga pinuno na
naglilingkod nang mahusay at tapat sa kaniyang
tungkulin kaya madaling mapaunlad at mapaganda ang
kanilang lugar. Kung mahusay ang pinuno, madaling
pasunurin ang mga tao lalo na kung sa ikabubuti at
kapakanan ng nakararami.
Mayroon ding mga lider o pinuno na nagpapabaya
at hindi naglilingkod nang tapat sa kanilang tungkulin. Ito

6
ang dahilan kung bakit may kabagalan ang pag-unlad
ng kanilang lugar.

7
Pagyamanin
Gawain A
Panuto: Pag-aralan ang mga larawan sa ibaba. Ilagay sa
sagutang papel ang ( ) tsek kung ang larawan ay
nagpapakita ng magandang epekto ng pamumuno sa
komunidad ( X ) ekis naman kung hindi.

1. 2.

3. 4.

5.

8
Gawain B
Panuto: Iguhit ang hugis bituin ( ) kung maganda ang
panunungkulan ng pinuno sa komunindad at hugis bilog
( ) kung hindi. Isulat ang tamang sagot sa sagutang
papel.

1. Masaya ang mga tao sa barangay Sta. Isabel dahil sa


mga ilaw na inilagay sa poste.

2. Ang ordinansang “Tapat ko, Linis ko” ay ipinatutupad


ng Sangguniang Barangay para sa kalinisan ng
komunidad.

3. Walang mga barangay tanod na nagpapatrolya sa


gabi para pangalagaan ang kaligtasan ng mga tao.

4. Matiwasay ang pamumuhay ng mga tao sa bayan ng


Puerto Galera dahil sa muling pagbubukas ng mga resort
at pasyalan sa lugar.

5. Noong lockdown ay maraming kabataan ang nakita


sa labas ng bahay dahil sa kakulangan na impormasyon
tungkol dito.

9
Isaisip

Panuto: Punan ang bawat patlang ng wastong salita


mula sa kahon upang mabuo ang kaisipan. Isulat ang
sagot sa sagutang papel.

kaunlaran pinuno kaligtasan


komunidad katahimikan

Mahalaga ang isang mabuti para sa


kaayusan, , at ng
isang .

10
Isagawa

Panuto: Kopyahin at kompletuhin ang pangungusap


gamit ang mga ginulong letra na nasa ibaba ng
pangungusap.

1. Ang kapitan ng barangay ay maasahan, mabuti, at


may _______________ sa sarili.

d l p i a i n s i

2. Ang mga pulis ay walang pinapanigan sa


pagpapatupad ng _______________.

a t b s a

3. Ang tanod sa aming barangay ay huwaran at


mabuting _______________ sa iba.

m h l i a a w b a

4. Ang pinunong _______________ ay maaasahan ng


bawat kasapi ng komunidad.

r p s e n a s o e b l

5. Ang aming kapitan ay palaging inuuna ang


_______________ ng mga taong kaniyang nasasakupan.

p k a n a a k n a

11
Tayahin

Panuto: Iguhit ang masayang mukha (😊) kung ang


pahayag ay nagsasaad ng magandang epekto ng
pamumuno sa komunidad at malungkot na mukha (☹)
kung hindi. Ilagay ang tamang sagot sa sagutang papel.

1. Nagtutulungan ang mga tao na mapanatiling malinis


ang dagat ng barangay Parang.

2. Malilinis ang mga palengke at walang basurang


nakakalat sa mga bayan ng Oriental Mindoro.

3. Isa sa proyektong ipinatupad ng Sangguniang


Barangay ay ang malinis na kapaligiran, walang dumi o
basurang nakakalat.

4. Nagbabayad ang mga tao para lamang magkaroon


ng malinis na patubig.

5. Magkakaiba man ang relihiyon, may pagkakaisa at


pagtutulungan ang mga tao sa komunidad.

12
Karagdagang Gawain
Panuto: Tukuyin ang mga larawan kung ito ay epekto ng
pagbibigay serbisyo at hindi pagbigay serbisyo sa
komunidad. Ipaliwanag ito sa isa hanggang dalawang
pangungusap. Isulat ito sa sagutang papel.

13
14
Subukin Balikan Tuklasin
1. Tama Maaring iba-iba ang sagot ng
2. Tama mga bata.
3. Mali
4. Tama
5. Mali
Isaisip
Pagyamanin 1. pinuno Tayahin
2. kaligtasan
A. 3. katahimikan 1. ☺
1. ✓ 4. kaunlaran 2. ☺
2. ✓ 5. komunidad 3. ☺
3. ✓ 4. 
4. × 5. ☺
5. ✓
Isagawa
B.
1. disiplina
2. batas
1. Karagdagang Gawain
3. halimbawa
4. responsable
2. Maaring iba-iba ang sagot ng
5. kapakanan
mga bata.
3.
4.
5.
Susi sa Pagwawasto
Sanggunian
Gloria M. Cruz et.al, Kagamitan ng Mag-Aaral Tagalog Aklat sa
Araling Panlipunan 2. Manila: Vibal Publishing House, Inc.,
2013,196.

Ma. Arsenia C. Gomez at Ma. Louren Clamor-Canlas, Edisyong K-


12 Tuklas Lahi Serye sa Araling Panlipunan 2.
Bonanza Plaza 2, Block 1, Lot 6, Hilltop Subdiv. Greater Lagro,
Novaliches, Quezon City, Philippines: Brilliant Creations
Publishing, Inc., 2015, 179.

Diana Nem-Varon, Ang Aking Komunidad Noon at Ngayon


Kamalayang Aklat sa Araling Panlipunan 2
Abiva Bldg., 851 G. Araneta Ave., 1113 Quezon City,
Philippines: ABIVA Publishing House, Inc., 2020, 203.

15
Para sa mga katanungan o puna, sumulat o tumawag sa:

Department of Education - Bureau of Learning Resources (DepEd-BLR)

Ground Floor, Bonifacio Bldg., DepEd Complex


Meralco Avenue, Pasig City, Philippines 1600

Telefax: (632) 8634-1072; 8634-1054; 8631-4985

Email Address: blr.lrqad@deped.gov.ph * blr.lrpd@deped.gov.ph

You might also like