You are on page 1of 33

2

Araling Panlipunan
IkatlongMarkahan – Modyul 8:
Mga Taong Nag-aambag
sa Kapakanan at Kaunlaran
ng Komunidad
Araling Panlipunan – Ikalawang Baitang
Alternative Delivery Mode
Ikatlong Markahan – Modyul 8: Mga Taong Nag-aambag sa Kapakanan at Kaunlarang ng Komunidad
Unang Edisyon, 2021

Isinasaad sa Batas Republika 8293, Seksiyon 176 na: Hindi maaaring magkaroon ng
karapatang-sipi sa anomang akda ang Pamahalaan ng Pilipinas. Gayonpaman, kailangan
muna ang pahintulot ng ahensiya o tanggapan ng pamahalaan na naghanda ng akda kung ito
ay pagkakakitaan. Kabilang sa mga maaaring gawin ng nasabing ahensiya o tanggapan ay
ang pagtakda ng kaukulang bayad.

Ang mga akda (kuwento, seleksiyon, tula, awit, larawan, ngalan ng produkto o brand
name, tatak o trademark, palabas sa telebisiyon, pelikula, atbp.) na ginamit sa modyul na ito
ay nagtataglay ng karapatang-ari ng mga iyon. Pinagsumikapang matunton ang mga ito upang
makuha ang pahintulot sa paggamit ng materyales. Hindi inaangkin ng mga tagapaglathala at
mga may-akda ang karapatang-aring iyon. Ang anomang gamit maliban sa modyul na ito ay
kinakailangan ng pahintulot mula sa mga orihinal na may-akda ng mga ito.

Walang anomang parte ng materyales na ito ang maaaring kopyahin o ilimbag sa


anomang paraan nang walang pahintulot sa Kagawaran.

Inilathala ng Kagawaran ng Edukasyon


Kalihim: Leonor Magtolis Briones
Pangalawang Kalihim: Diosdado M. San Antonio
Bumuo sa Pagsusulat ng Modyul Bumuo ng Kontekstuwalisadong Modyul

Manunulat: Faye L. Flores Manunulat: Llienor C. Delos Reyes


Tagasuri: Ma. Vanessa M. Cariaso
Tagasuri: Ramil D. Dacanay
Martiniano D. Buising
Rochella C. David
Noreen S. Umali
Emily F. Sarmiento PhD
Marino C. Cueto
Angelica M. Burayag PhD
Marlou G. Roderos
Rosenda S. Medina
Tagaguhit: Faye L. Flores
Romeo R. Palma
Lady Diane M. Bonifacio
Tagaguhit: Lilibeth M. Jimenez
Tagalapat: Noel S. Reganit
Tagalapat: Laiza L. Madrigal
Genriel R. Geniza
Tagapamahala:
Librada M. Rubio PhD Tagapamahala:
Ma. Editha R. Carapas EdD Nicolas T. Capulong PhD, CESO V
Nestor P. Nuesca EdD Mariflor B. Musa
Lourdes G. Dela Cruz PhD Freddie Rey R. Ramirez
Emily F. Sarmiento PhD SDS Laida M. Lagar-Mascarenas
Ramil D. Dacanay Florina L. Madrid
Norman F. Magsino
Marlou G. Roderos

Inilimbag sa Pilipinas ng Kagawaran ng


Inilimbag sa MIMAROPA ng Kagawaran ng
Edukasyon Rehiyon III
Edukasyon MIMAROPA Region
Office Address: Matalino St., Government
Office Address: St. Paul Road, Meralco Ave.,
Center, Maimpis, City of San
Pasig City
Fernando
Telefax: (02) 853-73097
Telefax: (045) 598-8580 to 89
E-mail Address: mimaropa.region@deped.gov .ph
E-mail Address: region3@deped.gov.ph
2

Araling Panlipunan
Ikatlong Markahan – Modyul 8:
Mga Taong Nag-aambag
sa Kapakanan at Kaunlaran
ng Komunidad
Paunang Salita
Para sa tagapagpadaloy:
Malugod na pagtanggap sa asignaturang Araling Panlipunan 2
ng Alternative Delivery Mode (ADM) Modyul para sa araling: Mga
Taong Nag-aambag sa Kapakanan at Kaunlaran ng Komunidad.
Ang modyul na ito ay pinagtulungang dinisenyo, nilinang at sinuri
ng mga edukador mula sa pampublikong institusyon upang
gabayan ka, ang gurong tagapagdaloy upang matulungang
makamit ng mag-aaral ang pamantayang itinakda ng Kurikulum
ng K to12 habang kanilang pinanagumpayan ang pansarili,
panlipunan at pang-ekonomikong hamon sa pag-aaral.
Ang tulong-aral na ito ay umaasang makauugnay ang mag-aaral
sa mapatnubay at malayang pagkatuto ng mga gawain ayon sa
kanilang kakayahan, bilis at oras. Naglalayon din itong
matulungan ang mag-aaral upang makamit ang mga
kasanayang pang-ikadalawampu’t isang siglo habang
isinasaalang-alang ang kanilang mga pangangailangan at
kalagayan.
Bilang karagdagan sa materyal ng pangunahing teksto, makikita
ninyo ang kahong ito sa pinakakatawan ng modyul:

Mga Tala para sa Guro


Ito'y naglalaman ng mga paalala, panulong o
estratehiyang magagamit sa paggabay sa mag-aaral.

Bilang tagapagpadaloy, inaasahang bibigyan mo ng paunang


kaalaman ang mag-aaral kung paano gamitin ang modyul na
ito. Kinakailangan ding subaybayan at itala ang pag-unlad nila
habang hinahayaan silang pamahalaan ang kanilang sariling
pagkatuto. Bukod dito, inaasahan mula sa iyo na higit pang

ii
hikayatin at gabayan ang mag-aaral habang isinasagawa ang
mga gawaing nakapaloob sa modyul.
Para sa mag-aaral:
Malugod na pagtanggap sa Araling Panlipunan 2ng Alternative
Delivery Mode (ADM) Modyul para sa Mga Taong Nag-aambag
sa Kapakanan at Kaunlaran ng Komunidad.
Ang modyul na ito ay ginawa bilang tugon sa iyong
pangangailangan. Layunin nitong matulungan ka sa iyong pag-
aaral habang wala ka sa loob ng silid-aralan. Hangad din nitong
madulutan ka ng mga makabuluhang oportunidad sa pagkatuto.
Ang modyul na ito ay may mga bahagi at icon na dapat mong
maunawaan.

Sa bahaging ito, malalaman mo


ang mga dapat mong matutuhan
Alamin
sa modyul.

Sa pagsusulit na ito, makikita natin


kung ano na ang kaalaman mo sa
aralin ng modyul. Kung nakuha mo
Subukin ang lahat ng tamang sagot (100%),
maaari mong laktawan ang
bahaging ito ng modyul.

Ito ay maikling pagsasanay o balik-


aral upang matulungan kang
Balikan maiugnay ang kasalukuyang aralin
sa naunang leksiyon.

iii
Sa bahaging ito, ang bagong
aralin ay ipakikilala sa iyo sa
maraming paraan tulad ng isang
Tuklasin kuwento, awitin, tula, pambukas
na suliranin, gawain o isang
sitwasyon.
Sa seksiyong ito, bibigyan ka ng
maikling pagtalakay sa aralin.
Layunin nitong matulungan kang
Suriin maunawaan ang bagong
konsepto at mga kasanayan.

Binubuo ito ng mga gawaing para


sa mapatnubay at malayang
pagsasanay upang mapagtibay
ang iyong pang-unawa at mga
Pagyamanin kasanayan sa paksa. Maaari mong
iwasto ang mga sagot mo sa
pagsasanay gamit ang susi sa
pagwawasto sa huling bahagi ng
modyul.

Naglalaman ito ng mga


katanungan o gawain na pupunan
ang patlang ng pangungusap o
Isaisip talata upang maproseso kung
anong natutuhan mo mula sa
aralin.
Ito ay naglalaman ng gawaing
makatutulong sa iyo upang
maisalin ang bagong kaalaman o
Isagawa kasanayan sa tunay na sitwasyon o
realidad ng buhay.

iv
Ito ay gawain na naglalayong
matasa o masukat ang antas ng
Tayahin pagkatuto sa pagkamit ng
natutuhang kompetensi.

Sa bahaging ito, may ibibigay sa


iyong panibagong gawain upang
Karagdagang pagyamanin ang iyong kaalaman
Gawain o kasanayan sa natutuhang aralin.

Naglalaman ito ng mga tamang


Susi ng
sagot sa lahat ng mga gawain sa
Pagwawasto modyul.

Sa katapusan ng modyul na ito, makikita mo rin ang:

Sanggunian Ito ang talaan ng lahat ng


pinagkuhanan sa paglikha o
paglinang ng modyul na ito.

Ang mga sumusunod ay mahahalagang paalala sa paggamit ng


modyul na ito:
1. Gamitin ang modyul nang may pag-iingat. Huwag lalagyan
ng anumang marka o sulat ang alinmang bahagi ng
modyul. Gumamit ng hiwalay na papel sa pagsagot sa mga
pagsasanay.
2. Huwag kalimutang sagutin ang Subukin bago lumipat sa iba
pang gawaing napapaloob sa modyul.
3. Basahing mabuti ang mga panuto bago gawin ang bawat
pagsasanay.

4. Obserbahan ang katapatan at integridad sa pagsasagawa


ng mga gawain at sa pagwawasto ng mga kasagutan.

v
Maging matapat sa pagsagot ng modyul at pagsasagawa
ng mga gawain.
5. Tapusin ang kasalukuyang gawain bago pumunta sa iba
pang pagsasanay.
6. Pakibalik ang modyul na ito sa iyong guro o
tagapagpadaloy kung tapos nang sagutin lahat ng
pagsasanay.
Kung sakaling ikaw ay mahirapang sagutin ang mga gawain
sa modyul na ito, huwag mag-aalinlangang konsultahin ang
inyong guro o tagapagpadaloy. Maaari ka rin humingi ng
tulong kay nanay o tatay, o sa nakatatanda mong kapatid o
sinoman sa mga kasama sa bahay na mas nakatatanda sa iyo.
Laging itanim sa iyong isipang hindi ka nag-iisa.
Umaasa kami, sa pamamagitan ng modyul na ito,
makararanas ka ng makahulugang pagkatuto at makakakuha
ka ng malalim na pang-unawa sa kaugnay na mga
kompetensi. Kaya mo ito!

vi
Alamin

Ang modyul na ito ay naglalaman ng mga aralin


patungkol sa mga taong naglilingkod sa ating mga
komunidad. Pagkatapos mong maisakatuparan ang
mga gawain, inaasahang maipakikita mo ang
sumusunod na kakayahan:

1. Natutukoy ang mga namumuno at mga


mamamayang nag-aaambag sa kaunlaran ng
komunidad. (AP2PSK- IIIg-1)

1
Subukin

Panuto: Tukuyin ang mga taong nag-aambag ng


kapakanan at kaunlaran sa komunidad na inilalarawan
sa bawat pangungusap. Isulat sa sagutang papel ang
titik nang tamang sagot.

1. Sinisigurado ni Bb. Reyes na tuloy-tuloy ang pagkatuto


ng kaniyang mga mag-aaral ngayong panahon ng
pandemya sa pamamagitan ng mga modyul. Ano
kaya ang hanapbuhay ni Bb. Reyes?

A. guro C. magsasaka
B. karpintero D. tubero

2. Aksidenteng naputol ang tubo ng tubig nina Ramon sa


bahay kaya pansamantala silang walang magamit na
tubig. Sino ang makatutulong sa kanila?

A. guro C. magsasaka
B. karpintero D. tubero

3. Gabi-gabi naglilibot sa bawat sitio ng kanilang


barangay ang tatay ni Carl upang mapanatili ang
katahimikan at kaayusan ng kanilang barangay. Ano
ang trabaho ng tatay ni Carl?

A. guro C. magsasaka
B. karpintero D. barangay tanod

2
4. Siya ang nanggagamot kapag tayo ay may sakit.

A. doktor C. magsasaka
B. guro D. tubero

5. Maagang gumigising si Mang Lito upang magwalis at


maglinis ng mga kalsada. Ano kaya ang hanapbuhay
niya?

A. doktor C. kaminero
B. guro D. tubero

3
Aralin Mga Taong Nag-aambag

1 sa Kapakanan at Kaunlaran
ng Komunidad

Balikan

Panuto: Basahin at tukuyin ang katangian ng mabuting


pinuno. Isulat ang sagot sa sagutang papel.
____________1. Ang mabuting pinuno ay tinutulungan ang
kanyang mga mamamayang
nangangailangan ng tulong.
____________ 2. May takot sa Diyos ang mabuting pinuno
kaya hindi siya gagawa ng anumang
masama sa kanyang pamumuno.
____________ 3. Ginagawa nang maayos ng mabuting
pinuno ang kanyang tungkulin kahit
walang nagbabantay sa kanya.
____________4. Ang pagtatanim ng mga puno at halaman
ang isa sa mga mabuting katangian ng
pinuno.
____________ 5. Pantay ang pagpapatupad ng batas ng
pinuno sa kanyang mga nasasakupan.

4
Tuklasin

Panuto: Hanapin sa puzzle ang mga nagbibigay ng


serbisyo sa iyong komunidad. Isulat ito sa sagutang papel.

T U B E R O

A P U L I S

N K M O T G

O L B S R K

D N E H R G

G U R O S O

G M O M L G

1. ________________________
2. ________________________
3. ________________________
4.________________________
5.________________________

5
Suriin

May mga tao sa ating komunidad na tumutugon sa


ating mga pangangailangan. Kilalanin ang ilan sa kanila.

Ang pag-unlad ng ating mga komunidad o lugar ay


nakasalalay sa sumusunod na mga tao:

A. Mga Taong Nagbibigay ng Ating mga


Pangangailangan

Ako si Mark, isang mangingisda. Humuhuli ako ng


mga likas na yamang tubig tulad ng isda, pusit, alimango,
hipon, at marami pang iba.

6
Ako si Ding, isang magsasaka. Nagtatanim ako ng
palay, prutas, gulay, at iba’t ibang mga halaman bilang
pagkain.

B. Mga Taong Nagbibigay ng mga Serbisyo

Ako si Faye, isang guro. Nagtuturo ako sa mga bata


sa paaralan upang matuto silang magsulat, magbasa,
magbilang, magkwenta, at magkaroon ng mabuting
asal.

7
Ako si Miguel, isang karpintero. Ako ang gumagawa
ng mga bahay, upuan, mesa, kabinet, at iba pang
kagamitang gawa sa kahoy.

Ako si Pedro, isang tubero. Nag-aayos ako ng sirang


linya ng tubig.

8
Ako si Juan, isang kaminero. Pinapanatili ko ang
kalinisan ng kapaligiran.

Ako si Rodel, isang basurero. Kinokolekta ko ang mga


basura sa mga kabahayan.

9
C. Mga Taong Nagbibigay ng Proteksiyon sa
Mamamayan

Ako si Jeff, isang pulis. Pinananatili ko ang


kapayapaan at kaayusan sa komunidad. Hinuhuli ko ang
mga hindi sumusunod sa batas.

Ako si Isagani, isang bumbero. Tumutulong ako sa


pagsugpo ng apoy sa mga nasusunog na kabahayan,
gusali, at iba pa.

10
Ako si Maura, punong barangay. Pinamumunuan ko
ang aking nasasakupang pamayanan.

Ako si Kaloy, isang barangay tanod. Tumutulong ako


sa punong barangay at sa mga pulis sa pagpapanatili ng
kapayapaan at katahimikan ng aming komunidad.

11
D. Mga Taong Nangangalaga sa Ating Kalusugan

Ako si Waldo, isang doktor. Ako ang gumagamot sa


mga may sakit tulad ng lumalaganap na COVID-19.

Ako si Ella, isang nars. Tinutulungan ko ang mga


doktor sa pangangalaga ng mga maysakit.

12
Ako si Maria, isang komadrona. Makikita ako sa
birthing center o paanakan na tumutulong sa mga buntis
upang ligtas na makapanganak.

Ako si Juana, isang Barangay Health Worker. Umiikot


ako sa komunidad upang ipaalam ang mga
impormasyong pangkalusugan. Tumutulong ako sa
Barangay Health Center.

13
Pagyamanin

Gawain 1
Panuto: Isulat sa sagutang papel ang salitang Tama kung
wasto ang pangungusap tungkol sa naglilingkod sa
komunidad at Mali naman kung hindi.

__________ 1. Ang guro ang nagtuturo ng mga


asignatura at kagandahang asal sa
paaralan.

__________ 2. Ang doktor ang nagpapanatili ng


kalinisan sa kapaligiran sa pamamagitan
ng paglilinis sa kalsada at daan.

__________ 3. Ang pulis ang nagpapanatili sa


kapayapaan at kaayusan ng
komunidad. Hinuhuli niya ang mga hindi
sumusunod sa batas.

__________ 4. Ang punong barangay ay naglilingkod


para sa kaayusan at kaligtasan ng
nasasakupang komunidad.

__________ 5. Ang barangay health worker ay


naglilingkod para sa pangkalusugang
pangangailangan ng nasasakupang
komunidad.

14
Gawain 2
Panuto: Pagtambalin ang mga taong namumuno at nag-
aambag sa kapakanan at kaunlaran ng komunidad sa
Hanay A sa kanilang mga ginagampanan na nasa
Hanay B. Isulat ang titik ng tamang sagot sa sagutang
papel.
Hanay A Hanay B

____1. barangay tanod A. Tinutulungan niya ang


mga doktor sa
panggagamot.
____2. kaminero
B. Siya ang tumutulong sa
mga nasusunugan.
____3. basurero C. Ang katulong ng
punong barangay at ng
____4. nars ating kapulisan sa
pagpapanatili ng
kapayapaan sa
____5. bumbero komunidad.

D. Pinananatili niya ang


kalinisan ng ating mga
daan.
E. Kinokolekta niya ang
mga basura upang
dalhin sa tamang
tapunan.

F. Namumuno sa
nasasakupang
pamayanan.

15
Gawain 3

Panuto: Basahin ang usapan ng magkakaibigan at


sagutin ang mga tanong tungkol dito. Isulat ang sagot sa
sagutang papel.

Kahanga-hanga Sila!
ni: Llienor C. Delos Reyes

Kila: Red at Sam, naalala pa ba ninyo ang nangyari sa


Mindoro dahil sa Bagyong Quinta?

Sam: Oo, Kila. Marami ang mga nasira. Marami rin ang
nawalan ng tirahan at kabuhayan. May mga paaralan
ding binaha. Kawawa naman sila.

Red: Oo nga, Sam. Kumusta na kaya sina lolo at lola?

Kila: Huwag kang mag-alala Red, balita ko maraming


nagbigay ng tulong sa kanila roon.

Sam: Oo nga, ang mga kapitan ng bawat barangay ay


nagbigay ng tulong sa bawat pamilyang nasalanta ng
bagyo.

Kila: Kasama rin ng mga kapitan ang Barangay Health


Workers upang magbigay ng mga gamot at bitamina na
makatutulong sa mga tao para makaiwas sa anomang
sakit.

16
Red: Kahanga-hanga talaga ang mga taong handang
tumulong sa mga nangangailangan.

Sagutin ang mga tanong tungkol sa binasang usapan.


Isulat ang sagot sa sagutang papel.

1. Sino-sino ang magkakaibigan sa usapan?

2. Bakit nasira ang kabuhayan at tirahan ng mga


naninirahan dito?

3. Sinong kasapi ng komunidad ang nabanggit sa


usapan?

4. Ano ang magiging kalagayan ng barangay kung hindi


mangunguna ang mga namumuno rito?

5. Kung ikaw ay isa sa namumuno sa isang komunidad,


anong tulong ang iyong maibibigay sa iyong mga
nasasakupan sa oras ng kalamidad?

17
Isaisip

Tandaan:
May mga serbisyong ibinibigay ang mga tao para sa
kapakanan at kaunlaran ng mga mamamayan sa
komunidad tulad ng:
● pangunahing pangangailangan ng komunidad;
● pangkalusugan at kalinisan ng komunidad; at
● pangkapayapaan at kaligtasan ng komunidad.

Panuto: Tukuyin sa loob ng panaklong ( ) ang mga nag-


aambag sa kaunlaran ng komunidad. Isulat sa sagutang
papel ang tamang sagot.

1. Ang (magsasaka, punong barangay) ang siyang


nagpapatupad ng mga serbisyong ibinibigay ng
pamahalaan sa nasasakupang lugar.
2. Ang (tanod, barangay health worker) ang katulong ng
pamahalaan sa pagbibigay ng libreng bakuna sa mga
bata.
3. Ang (magsasaka, mangingisda) ang nagtatanim ng
palay, prutas, gulay, at iba’t ibang halaman para may
pagkain ang mga tao.
4. Ang (magsasaka, mangingisda) ang nanghuhuli ng
mga likas na yamang tubig tulad ng isda, pusit,
alimango, hipon, at marami pang iba.
5. Ang (tubero, karpintero) ang nag- aayos ng sirang linya
ng tubig o gripo.

18
Isagawa

Panuto: Tukuyin ang taong namumuno o mamamayang


nag – aambag sa kapakanan at kaunlaran ng
komunidad na nais mong tularan. Gumuhit o magdikit ng
larawan nito sa isang bond paper o sa sagutang papel.

Rubrik sa Pag-Iiskor ng Pagguhit


Ang rubrik na ito ay gabay sa pagmamarka upang
iwasto ang iginuhit na taong nag-aambag sa komunidad
batay sa konsepto at kalinisan.

Nangangailangan
Napakahusay Mahusay
ng Paggabay
PAMANTAYAN (5) (3)
(1)

1. Naiguhit ng Naipakita ng Naipakita ngunit Hindi naiguhit ang


malinaw ang malinaw ang hindi malinaw taong nag –
taong nag – taong nag – ang taong nag – aambag sa
aambag sa aambag sa aambag sa kaunlaran ng
kaunlaran ng kaunlaran ng kaunlaran ng komunidad
komunidad komunidad komunidad
2. Malinis at Malinis at maayos Hindi gaanong Hindi malinis at
maayos na na pagkakagawa malinis at maayos ang
paggawa maayos ang pagkakagawa
pagkakagawa
ISKOR:

19
Tayahin

Panuto: Tukuyin ang mga namumuno at mamamayang


nag-aabag sa kaunlaran ng komunidad na nasa
larawan. Piliin ang sagot sa loob kahon at isulat sa
sagutang papel.

1.
● barangay health worker
● komadrona
● pulis
● bumbero

● magsasaka
2. ● kaminero
● mangingisda
● doktor

● barangay tanod
● barangay health worker
3. ● pulis
● bumbero

20
4. ● nars
● kaminero
● magsasaka
● doktor

● tubero
5.
● guro
● mangingisda
● doktor

21
Karagdagang Gawain

Magdikit ng isang larawan ng taong iyong hinahangaan


na naglilingkod sa komunidad. Magtanong sa iyong
magulangng o sino mang nakatatandang kasama sa
bahay ng ilang mga bagay patungkol sa kanyang
trabaho sa komunidad. Magtala ng mga mahahalagang
impormasyon sa iyong kuwaderno bilang isang portfolio.
Rubrik sa pag-iskor:
Ang rubrik sa ibaba ay ginawa upang ang idinikit na
larawan ay malinaw na nagpapakita ng ginagawa ng
taong naglilingkod sa komunidad.
Nakasunod sa Nakasunod sa Hindi
pamantayan pamantayan nakasunod sa
nang higit sa subalit may ilang pamantayan
PAMANTAYAN inaasahan pagkukulang
(1)
(5) (3)

Naipakita ngunit
Naipakita ng hindi malinaw Hindi
malinaw ang ang taong naaayon sa
1. Maayos at malinis taong hinahangaan na konsepto ang
ang pagkagawa hinahangaan naglilingkod sa taong
na naglilingkod komunidad. hinahangaan
sa komunidad.

Nkapagtala ng
Naitala ang
ilang Hindi
mahahalagang
mahahalagng nakapagtala
2.Naitala ang impormasyon
impormasyon ng
mahahalagang tungkol sa
tungkol sa mahahalaga
impormasyon. hinahangaang
hinahangaang ng
tao sa
tao sa impormasyon
komunidad.
komunidad.

ISKOR:

22
23
Tayahin Isaisip
1. barangay health
worker 1.punong barangay
2.mangingisda
2.barangay health worker
3. bumbero
4. magsasaka 3. magsasaka
5. doktor
4. mangingisda
Karagdagang Gawain 5.tubero
Magbase sa rubrik na Isagawa
binigay
Magbase sa rubrik na
binigay
Gawain 3 Tuklasin Subukin
1. Kila, Red at Sam 1.tubero
2. Dahil ng bagyong 2.guro 1.A
Quinta 3.pulis 2.D
3. kapitan at barangay 4.tanod 3.D
health worker 5.bumbero 4.A
4.magulo/walang 5.C
kaayusan Pagyamanin
5. Maaaring magkakaiba Balikan
ng kasagutan Gawain 1 Gawain 2 1. matulungin
1.Tama 1. C 2. maka-Diyos
2.Mali 2. D 3. matapat
3Tama 3. E 4. masipag/makakalika
4.Tama 4. A san
5.Tama 5. B 5. makatarungan
Susi sa Pagwawasto
Sanggunian

Cruz, Gloria M., Charity A. Capunitan, Emelita C. dela


Rosa, and Leo F. Arrobang. Araling Panlipunan 2
Kagamitan ng Mag-aaral. Pasig City: Vibal Publishing
House Inc., 2013.

24
Para sa mga katanungan o puna, sumulat o tumawag sa:

Department of Education - Bureau of Learning Resources (DepEd-BLR)

Ground Floor, Bonifacio Bldg., DepEd Complex


Meralco Avenue, Pasig City, Philippines 1600

Telefax: (632) 8634-1072; 8634-1054; 8631-4985

Email Address: blr.lrqad@deped.gov.ph * blr.lrpd@deped.gov.ph

You might also like