You are on page 1of 19

3

Araling Panlipunan
Kwarter 3 – Modyul 4
Nakikilala ang Kultura ng Aking
Rehiyon sa Aming
Makasaysayang Lugar
Araling Panlipunan – Ikatlong Baitang
Alternative Delivery Mode
Kwarter 3 – Modyul 4: Nakikilala ang Kultura ng Aking Rehiyon sa Aming
Makasaysayang Lugar
Unang Edisyon, 2020

Isinasaad sa Batas Republika 8293, Seksiyon 176 na: Hindi maaaring magkaroon ng
karapatang-sipi sa anomang akda ang Pamahalaan ng Pilipinas. Gayonpaman, kailangan
muna ang pahintulot ng ahensiya o tanggapan ng pamahalaan na naghanda ng akda kung ito
ay pagkakakitaan. Kabilang sa mga maaaring gawin ng nasabing ahensiya o tanggapan ay
ang pagtakda ng kaukulang bayad.

Ang mga akda (kuwento, seleksiyon, tula, awit, larawan, ngalan ng produkto o brand
name, tatak o trademark, palabas sa telebisiyon, pelikula, atbp.) na ginamit sa modyul na ito
ay nagtataglay ng karapatang-ari ng mga iyon. Pinagsumikapang matunton ang mga ito upang
makuha ang pahintulot sa paggamit ng materyales. Hindi inaangkin ng mga tagapaglathala at
mga may-akda ang karapatang-aring iyon. Ang anomang gamit maliban sa modyul na ito ay
kinakailangan ng pahintulot mula sa mga orihinal na may-akda ng mga ito.

Walang anomang parte ng materyales na ito ang maaaring kopyahin o ilimbag sa


anomang paraan nang walang pahintulot sa Kagawaran.

Inilathala ng Kagawaran ng Edukasyon


Kalihim: Leonor Magtolis Briones
Pangalawang Kalihim: Diosdado M. San Antonio

Bumuo sa Pagsusulat ng Modyul


Manunulat: Ruby Jean O. Panagsagan
Editor: Grace C. Sapini, Hannie P. Zamora, Francis Maye O. Daya
Tagasuri: Jean Christi P. Rivera, Romeo A. Mamac, Jessel C. Marqueda
Tagaguhit: Cris A. Aquino, Khristely V. Ang, Aiza Lou A. Bernaldez, Cherie Mae A.
Caduyac, Eduardo, Jr. A. Eroy, Jules Bernard G. Guinita, Marvin P.
Linogao, Edieson John C. Mag-aso, Sharon C. Marimon, Ryan R. Padillos,
Nylle Ernand D. Silayan

Tagalapat: Alpha Amor G. Manglicmot, Patrick John P. Peresores


Tagapamahala: Evelyn R. Fetalvero Nelson C. Lopez
Janette G. Veloso Cheerylyn A. Cometa
Analiza C. Almazan Christopher P. Felipe
Danilo R. Dohinog Leonora Liza D. Dacillo
Ma. Cielo D. Estrada Alicia I. Ayuste

Inilimbag sa Pilipinas ng ________________________

Department of Education – Region XI

Office Address: F. Torres St., Davao City


Telefax: (082) 291-1665; (082) 221-6147
E-mail Address: region11@deped.gov.ph * lrms.regionxi@deped.gov.ph
3

Araling Panlipunan
Kwarter 3 – Modyul 4
Nakikilala ang Kultura ng Aking
Rehiyon sa Aming Makasaysayang
Lugar
Paunang Salita
Para sa tagapagdaloy:
Malugod na pagtanggap sa asignaturang Araling
Panlipunan 3 ng Alternative Delivery Mode (ADM) Modyul para sa
araling Nakikilala ang Kultura ng Aking Rehiyon sa Aming
Makasaysayang Lugar!
Ang modyul na ito ay pinagtulungang dinisenyo, nilinang at
sinuri ng mga edukador mula sa pampubliko at pampribadong
institusyon upang gabayan ka, ang gurong tagapagdaloy upang
matulungang makamit ng mag-aaral ang pamantayang itinakda
ng Kurikulum ng K to12 habang kanilang pinanagumpayan ang
pansarili, panlipunan at pang-ekonomikong hamon sa pag-aaral.
Ang tulong-aral na ito ay umaasang makauugnay ang mag-
aaral sa mapatnubay at malayang pagkatuto na mga gawain
ayon sa kanilang kakayahan, bilis at oras. Naglalayon din itong
matulungan ang mag-aaral upang makamit ang mga
kasanayang pan-21 siglo habang isinasaalang-alang ang
kanilang mga pangangailangan at kalagayan.
Bilang karagdagan sa materyal ng pangunahing teksto,
makikita ninyo ang kahong ito sa pinakakatawan ng modyul:

Mga Tala para sa Guro


Ito'y naglalaman ng mga paalala, panulong o
estratehiyang magagamit sa paggabay sa mag-aaral.

Bilang tagapagdaloy, inaasahang bibigyan mo ng paunang


kaalaman ang mag-aaral kung paano gamitin ang modyul na
ito. Kinakailangan ding subaybayan at itala ang pag-unlad nila
habang hinahayaan silang pamahalaan ang kanilang sariling
pagkatuto. Bukod dito, inaasahan mula sa iyo na higit pang

ii
hikayatin at gabayan ang mag-aaral habang isinasagawa ang
mga gawaing nakapaloob sa modyul.

Para sa mag-aaral:
Malugod na pagtanggap sa Araling Panlipunan 3 ng
Alternative Delivery Mode (ADM) Nakikilala ang Kultura ng Aking
Rehiyon sa Aming Makasaysayang Lugar!
Ang modyul na ito ay ginawa bilang tugon sa iyong
pangangailangan. Layunin nitong matulungan ka sa iyong pag-
aaral habang wala ka sa loob ng silid-aralan. Hangad din nitong
madulutan ka ng mga makabuluhang oportunidad sa pagkatuto.
Ang modyul na ito ay may mga bahagi at icon na dapat
mong maunawaan.

Alamin Sa bahaging ito, malalaman mo


ang mga dapat mong matutuhan
sa modyul.

Subukin Sa pagsusulit na ito, makikita natin


kung ano na ang kaalaman mo sa
aralin ng modyul. Kung nakuha mo
ang lahat ng tamang sagot (100%),
maaari mong laktawan ang
bahaging ito ng modyul.

Balikan Ito ay maikling pagsasanay o balik-


aral upang matulungan kang
maiugnay ang kasalukuyang aralin
sa naunang leksyon.

iii
Tuklasin Sa bahaging ito, ang bagong
aralin ay ipakikilala sa iyo sa
maraming paraan tulad ng isang
kuwento, awitin, tula, pambukas
na suliranin, gawain o isang
sitwasyon.

Suriin Sa seksyong ito, bibigyan ka ng


maikling pagtalakay sa aralin.
Layunin nitong matulungan kang
maunawaan ang bagong
konsepto at mga kasanayan.

Pagyamanin Binubuo ito ng mga gawaing para


sa mapatnubay at malayang
pagsasanay upang mapagtibay
ang iyong pang-unawa at mga
kasanayan sa paksa. Maaari mong
iwasto ang mga sagot mo sa
pagsasanay gamit ang susi sa
pagwawasto sa huling bahagi ng
modyul.

Isaisip Naglalaman ito ng mga


katanungan o pupunan ang
patlang ng pangungusap o talata
upang maproseso kung anong
natutuhan mo mula sa aralin.

Isagawa Ito ay naglalaman ng gawaing


makatutulong sa iyo upang
maisalin ang bagong kaalaman o
kasanayan sa tunay na sitwasyon o
realidad ng buhay.

iv
Tayahin Ito ay gawain na naglalayong
matasa o masukat ang antas ng
pagkatuto sa pagkamit ng
natutuhang kompetensi.

Karagdagang Sa bahaging ito, may ibibigay sa


Gawain
iyong panibagong gawain upang
pagyamanin ang iyong kaalaman
o kasanayan sa natutuhang aralin.

Susi sa Pagwawasto Naglalaman ito ng mga tamang


sagot sa lahat ng mga gawain sa
modyul.

Sa katapusan ng modyul na ito, makikita mo rin ang:

Sanggunian Ito ang talaan ng lahat ng


pinagkuhanan sa paglikha o
paglinang ng modyul na ito.

Ang sumusunod ay mahahalagang paalala sa paggamit ng


modyul na ito:
1. Gamitin ang modyul nang may pag-iingat. Huwag lalagyan
ng anumang marka o sulat ang anumang bahagi ng
modyul. Gumamit ng hiwalay na papel sa pagsagot sa mga
pagsasanay.
2. Huwag kalimutang sagutin ang Subukin bago lumipat sa iba
pang gawaing napapaloob sa modyul.
3. Basahing mabuti ang mga panuto bago gawin ang bawat
pagsasanay.
4. Obserbahan ang katapatan at integridad sa pagsasagawa
ng mga gawain at sa pagwawasto ng mga kasagutan.

v
5. Tapusin ang kasalukuyang gawain bago pumunta sa iba
pang pagsasanay.
6. Pakibalik ang modyul na ito sa iyong guro o tagapagdaloy
kung tapos nang sagutin lahat ng pagsasanay.
Kung sakaling ikaw ay mahirapang sagutin ang mga gawain
sa modyul na ito, huwag mag-aalinlangang konsultahin ang
inyong guro o tagapagdaloy. Maaari ka rin humingi ng tulong
kay nanay o tatay, o sa nakatatanda mong kapatid o sino
man sa iyong mga kasama sa bahay na mas nakatatanda sa
iyo. Laging itanim sa iyong isipang hindi ka nag-iisa.
Umaasa kami, sa pamamagitan ng modyul na ito,
makararanas ka ng makahulugang pagkatuto at makakakuha
ka ng malalim na pang-unawa sa kaugnay na mga
kompetensi. Kaya mo ito!

vi
Alamin
Sa araling ito, matutuhan mo ang mga makasaysayang lugar
sa iyong lalawigan at rehiyon na nagpapakilala rin ng iyong kultura.
Sa pamamagitan ng pagtuklas sa mga makasaysayang lalawigan
at rehiyon, magkakaroon ka ng dagdag na impormasyon upang
ipakikilala ang kultura ng iyong lalawigan at karatig na mga
lalawigan sa rehiyon.
Sa araling ito, inaasahang:
1. matutukoy ang ilang makasaysayang pook ng lalawigan at
rehiyon; at
2. masasabi ang kahalagahan ng mga makasaysayang pook
upang makilala ang kultura ng kinabibilangang lalawigan
at rehiyon.

Subukin
Pagtapat-tapatin ang Hanay A at Hanay B. Ang mga nasa
Hanay A ay mahahalagang impormasyon ukol sa mga
makasaysayang pook o bantayog na nasa Hanay B. Isulat sa papel
ang tamang sagot.
Hanay A Hanay B
1. Itinayo noong 1847 ni Don a. Cape of San
Jose Uyanguren Agustin
2. Pinakamatandang simbahan b. Davao Battle
sa Davao Region Memorial
3. Sinasabing pinagdausan ng misa c. Osmeña Park
ng Santong si Francis Xavier
4. Pinagdausan ng pinakamahaba d. San Salvador
at madugong sagupaan ng mga del Mundo
Hapones at sundalong Amerikano Church
at Pilipino.
5. Matatagpuan ang dambana ng e. San Pedro
unang pamayanan sa Lungsod Cathedral
ng Davao.

1
Aralin Nakikilala ang Kultura ng

1 Aking Rehiyon sa Aming


Makasaysayang Lugar

Balikan

Ano ang ipinahihiwatig ng


mga makasaysayang
lugar ng iyong lalawigan
at rehiyon?

Paano naging
makasaysayan ang mga
lugar ng iyong lalawigan at
rehiyon?

Mga Tala para sa Guro


Ang modyul na ito ay may sumusunod na gawain
na iyong masusubukan upang malaman kung ano ang
higit pang pangangailangan, at upang mapagyaman
ang kakayahan ng mga mag-aaral. Isa rin itong
inspirasyon upang maisakatuparan ang hangarin na
mabigyan ng sapat at wastong kaalaman ang
mga mag-aaral.

2
Tuklasin

Mga Makasaysayang Lugar sa Aming Rehiyon


Ang Davao Region ay mayaman din sa mga makasaysayang
pook at mga pangyayari na lalong nagpakilala sa mga lalawigan,
lungsod, at bayan ng rehiyon.
San Salvador del Mundo
Ang simbahan ng
San Salvador del Mundo
na 128 taon na ay
matatagpuan sa Caraga,
Davao Oriental. Ang
simbahang ito ay isa sa
mga panibagong
karagdagan sa mga
makasaysayang lugar ng
bansa na kinilala ng National Historical Commission of the
Philippines (NHCP).
Sa ngayon, ang San Salvador del Mundo ang itinuturing na
pinakalumang simbahan sa buong rehiyon. Ito rin ang tahanan ng
kampanaryong dinala ng mga Kastila noong labinwalong dantaon.
Parola sa Cape of San
Agustin
Sa Governor
Generoso, Davao
Oriental naman mata-
tagpuan ang Parola
(lighthouse) Cape of San
Agustin. Ito ay ang lugar
na pinagdausan ng misa
ni St. Francis Xavier. Ito ay
naging isa sa mga

3
pinakamahalagang lugar dahil sa kinalalagyan nito noong
panahon ng mga Kastila at sa panahon ng Ikalawang Digmaang
Pandaigdig. Sa kasalukuyan, mahalaga ito sa turismo ng
Davao Oriental.

Davao Battle Memorial


Matatagpuan sa Mintal, Tugbok District, Davao City ang
Davao Battle Memorial na naging saksi sa mahaba at madugong
labanan ng mga sundalong Hapones at pinagsamang puwersa ng
sundalong Amerikano at Pilipino noong panahon ng Ikalawang
Digmaang Pandaigdig.
Sa kasalukuyan, maraming beterano at maging si Heneral
Douglas MacArthur ay pumunta rito upang sariwain ang
mahalagang labanang kanilang ginawa para sa bayan.
Samantala, ang Japanese Peace Memorial Shrine
na naging libingan ng mga Hapones ay matatagpuan sa
Catalunan, Davao City. Ang sementeryong ito ay isang pilgrimage
site ng mga kaanak ng mga namayapang Hapones.

San Pedro Cathedral


Ang San Pedro
Cathedral ay ang
pinakamatandang
simbahan ng Davao City.
Ito ay itinayo noong 1848
nang dumating ang
Kastilang mananakop sa na
si Don Jose Uyanguren. Sa
ngayon, moderno na ang
simbahang ito.

4
Osmeña Park
Ang dambana ng
unang pamayanan sa
Davao City ay
matatagpuan sa Osmeña
Park na nasa kanto ng
Kalye Claro M. Recto at
Kalye San Pedro.
Ang pamayanan ay
pinamunuan ni Datu Bago.
Ang kabahayan ay sinunog
ng mga Kastila sa pamumuno ni Don Jose Uyanguren noong 1847.
Sagutin ang sumusunod na tanong.
1. Ano-ano ang mga makasaysayang lugar sa mga lalawigan ng
Davao Region?
2. Paano naipakikita ng mga makasaysayang lugar ang kultura ng
mga naninirahan sa mga lalawigan ng Davao Region?
3. Paano mo mapahahalagahan ang mga makasaysayang lugar
na nabanggit?
4. Bukod sa nabanggit, ano pa ang maituturing mong
makasaysayang gusali, lugar, o bantayog sa iyong lalawigan?
Paano ito naging saksi ng kasaysayan ng iyong lalawigan?

Suriin

Gawin ang sumusunod:


1. Pumili ng isang makasaysayang lugar sa iyong lalawigan.
Ikuwento ang mga pangyayari hinggil dito. Gawing gabay ang
mga tanong.
A. Saan ito makikita?

5
B. Ilarawan ito.
C. Paano ito naging bahagi ng kasaysayan?
2. Bakit mahalagang mapangangalagaan ang mga
makasaysayang pook sa iyong lalawigan at rehiyon?
3. Paano mo maipakikita ang pagpapahalaga sa mga
makasaysayang lugar sa iyong lalawigan at rehiyon

Pagyamanin

Naatasan ka ng Kagawaran ng Turismo na gumawa ng


patalastas tungkol sa isang makasaysayang lugar sa iyong
lalawigan. Paano mo ito maipakikita upang maakit ang mga
turistang pumunta sa iyong lugar? Gawing batayan ang
sumusunod na tanong.
1. Ano ang makasaysayang lugar nito?
2. Ano ang maiaambag nito sa kasaysayan ng iyong lalawigan?
3. Bakit mahalagang mapangalagaan ang makasaysayang
lugar na ito?
4. Paano ito nakatutulong sa turismo at kabuhayan ng mga tao
sa iyong lalawigan?
5. Anong islogan ang gagamitin mo upang mahikayat ang mga
turista na bisitahin ang mga makasaysayang lugar na ito?

Isaisip

Ang mga makasaysayang lugar sa ating rehiyon ay nararapat


nating ipagmalaki. Tunay na mahalaga ang mga ito dahil sa
pamamagiton nito malalaman natin at ng iba pang mga tao ang
kasaysayan at kultura ng ating rehiyon. Mahalaga na

6
pangangalagaan natin ito. Nakatutulong din ito sa pagpapaunlad
ng ating turismo.

Isagawa
Sagutin ang sumusunod na mga tanong.
1. Bakit nilalagyan ng bantayog ang isang
makasaysayang pook?
2. Paano mo ipakikita ang pagpapahalaga sa mga
bantayog o makasaysayang pook sa
iyong lalawigan.

Tayahin
Isulat sa sagutang papel ang wastong sagot.
1. Ano ang kilalang simbahan na matatagpuan sa Caraga,
Davao Oriental?
A. San Isidro Church
B. San Pedro Cathedral
C. San Salvador del Mundo
D. Laguna Catholic Church
2. Saan matatagpuan ang Davao Battle Memorial?
A. Davao City
B. Davao del Sur
C. Davao Oriental
D. Davao Occidental
3. Ano ang tawag sa naging libingan ng mga Hapones na
matatagpuan sa Catalunan, Davao City?
A. Osmeña Park
B. Heritage Park
C. Davao Battle Memorial
D. Japanese Peace Memorial Shrine

7
4. Ano ang pinakamatandang simbahan ng Davao City?
A. San Pedro Cathedral
B. Sacred Heart Chapel
C. Merry Mediatrix Cathedral
D. San Salvador del Mundo Church
5. Anong taon itinayoni Don Jose Uyanguren ang San Pedro
Cathedral?
A. 1847
B. 1848
C. 1860
D. 1895

Karagdagang Gawain

Sagutin ang tanong at isulat sa isang buong papel.


A. Sa paanong paraan mo maipapakita ang pagpapahalaga
sa mga makasaysayang lugar sa iyong lalawigan at rehiyon?

B. Sa paanong paraan mo matutulungan ang turismo ng iyong


lalawigan?

8
9
Tayahin Pagyamanin Subukin
1. C 1. 1. E
2. A 2. 2. D
3. D 3. 3. A
4. A 4. 4. B
5. B 5. 5. C
Susi sa Pagwawasto
Sanggunian
Antonio, D.,Banlaygas E. and Lagarto J. 2015.Kayamanan:
Rehiyon ng Davao. Rex Bookstore

https: //en.m. Wikipedia. org./wiki/ Davao City

10
Para sa mga katanungan o puna, sumulat o tumawag sa:

Department of Education - Bureau of Learning Resources (DepEd-BLR)

Ground Floor, Bonifacio Bldg., DepEd Complex


Meralco Avenue, Pasig City, Philippines 1600

Telefax: (632) 8634-1072; 8634-1054; 8631-4985

Email Address: blr.lrqad@deped.gov.ph * blr.lrpd@deped.gov.ph

You might also like