You are on page 1of 19

3

Araling Panlipunan
Ikatlong Markahan – Modyul 7:
Sining Mo, Pahalagahan Mo:
Mga Sining ng Lalawigan
Araling Panlipunan – Ikatlong Baitang
Alternative Delivery Mode
Ikatlong Markahan – Sining Mo, Pahalagahan Mo: Mga Sining ng Lalawigan
Unang Edisyon, 2020

Isinasaad sa Batas Republika 8293, Seksiyon 176 na: Hindi maaaring magkaroon ng
karapatang-sipi sa anomang ang Pamahalaan ng Pilipinas. Gayonpaman, kailangan muna
ang pahintulot ng ahensiya o tanggapan ng pamahalaan na naghanda ng akda kung ito ay
pagkakakitaan. Kabilang sa mga maaaring gawin ng nasabing ahensiya o tanggapan ay ang
pagtakda ng kaukulang bayad.

Ang mga akda (kuwento, seleksiyon, tula, awit, larawan, ngalan ng produkto o brand name,
tatak o trademark, palabas sa telebisiyon, pelikula, atbp.) na ginamit sa modyul na ito ay
nagtataglay ng karapatang-ari ng mga iyon. Pinagsumikapang matunton ang mga ito upang
makuha ang pahintulot sa paggamit ng materyales. Hindi inaangkin ng mga tagapaglathala at
mga may-akda ang karapatang-aring iyon. Ang anomang gamit maliban sa modyul na ito ay
kinakailangan ng pahintulot mula sa mga orihinal na may-akda ng mga ito.

Walang anomang parte ng materyales na ito ang maaaring kopyahin o ilimbag sa anomang
paraan nang walang pahintulot sa Kagawaran.

Inilathala ng Kagawaran ng Edukasyon


Kalihim: Leonor Magtolis Briones
Pangalawang Kalihim: Diosdado M. San Antonio

Bumuo sa Pagsusulat ng Modyul


Manunulat: Dimple Mae F. Bada
Editor: Marilyn Madera, Anita S. Tampos, Nina Z. Young
Tagasuri: Rosemarie T. Realino, Ignacio L. Jubahib Jr., Guillesar P. Villarente
Tagaguhit: Cris A. Aquino, Khristely V. Ang, Aiza Lou A. Bernaldez, Cherie Mae A.
Caduyac, Eduardo Jr. A. Eroy, Jules Bernard G. Guinita, MaRvin
P. Linogao, Edieson John C. Mag-aso, Sharon C. Marimon, Ryan C.
Padillos, Nylie Ernand D. Silayan
Tagalapat: Alpha Amor G. Manglicmot, Patrick John P. Peresores
Tagapamahala: Evelyn R. Fetalvero Nelson Lopez
Janette G. Veloso Cheerylyn Cometa
Analiza C. Almazan Christopher P. Felipe
Danilo R. Dohinog Leonora Liza D. Dacillo
Ma. Cielo D. Estrada Alicia I. Ayuste

Inilimbag sa Pilipinas ng ________________________

Department of Education – Region XI

Office Address: F. Torres St., Davao City


Telefax: (082) 291-1665; (082) 221-6147
E-mail Address: region11@deped.gov.ph * lrms.regionxi@deped.gov.ph
3

Araling Panlipunan
Ikatlong Markahan – Modyul 2:
Sining Mo, Pahalagahan Mo:
Mga Sining ng Lalawigan
Paunang Salita
Para sa tagapagdaloy:
Malugod na pagtanggap sa asignaturang Araling
Panlipunan 3 ng Alternative Delivery Mode (ADM) Modyul ukol sa
Sining Mo, Pahalagahan Mo: Mga Sining ng Lalawigan!
Ang modyul na ito ay pinagtulungang dinisenyo, nilinang at
sinuri ng mga edukador mula sa pambuliko at pampribadong
institusyon upang gabayan ka, ang gurong tagapagdaloy upang
matulungang makamit ng mag-aaral ang pamantayang itinakda
ng Kurikulum ng K to12 habang kanilang pinanagumpayan ang
pansarili, panlipunan at pang-ekonomikong hamon sa pag-aaral.
Ang tulong-aral na ito ay umaasang makauugnay ang mag-
aaral sa mapatnubay at malayang pagkatuto na mga gawain
ayon sa kanilang kakayahan, bilis at oras. Naglalayon din itong
matulungan ang mag-aaral upang makamit ang mga
kasanayang pan-21 siglo habang isinasaalang-alang ang
kanilang mga pangangailangan at kalagayan.
Bilang karagdagan sa materyal ng pangunahing teksto,
makikita ninyo ang kahong ito sa pinakakatawan ng modyul:

Mga Tala para sa Guro


Ito'y naglalaman ng mga paalala, panulong o
estratehiyang magagamit sa paggabay sa mag-aaral.

Bilang tagapagdaloy, inaasahang bibigyan mo ng paunang


kaalaman ang mag-aaral kung paano gamitin ang modyul na
ito. Kinakailangan ding subaybayan at itala ang pag-unlad nila
habang hinahayaan silang pamahalaan ang kanilang sariling
pagkatuto. Bukod dito, inaasahan mula sa iyo na higit pang
hikayatin at gabayan ang mag-aaral habang isinasagawa ang
mga gawaing nakapaloob sa modyul.

ii
Para sa mag-aaral:
Malugod na pagtanggap sa (Araling Panlipunan 3 ng
Alternative Delivery Mode (ADM) Modyul ukol sa (Sining Mo,
Pahalagahan Mo: Mga Sining ng Lalawigan)!
Ang modyul na ito ay ginawa bilang tugon sa iyong
pangangailangan. Layunin nitong matulungan ka sa iyong pag-
aaral habang wala ka sa loob ng silid-aralan. Hangad din nitong
madulutan ka ng mga makabuluhang oportunidad sa pagkatuto.
Ang modyul na ito ay may mga bahagi at icon na dapat
mong maunawaan.

Alamin Sa bahaging ito, malalaman mo


ang mga dapat mong matutuhan
sa modyul.

Subukin Sa pagsusulit na ito, makikita natin


kung ano na ang kaalaman mo sa
aralin ng modyul. Kung nakuha mo
ang lahat ng tamang sagot (100%),
maaari mong laktawan ang
bahaging ito ng modyul.

Balikan Ito ay maikling pagsasanay o balik-


aral upang matulungan kang
maiugnay ang kasalukuyang aralin
sa naunang leksyon.

Tuklasin Sa bahaging ito, ang bagong


aralin ay ipakikilala sa iyo sa
maraming paraan tulad ng isang
kuwento, awitin, tula, pambukas
na suliranin, gawain o isang
sitwasyon.

iii
Suriin Sa seksyong ito, bibigyan ka ng
maikling pagtalakay sa aralin.
Layunin nitong matulungan kang
maunawaan ang bagong
konsepto at mga kasanayan.

Pagyamanin Binubuo ito ng mga gawaing para


sa mapatnubay at malayang
pagsasanay upang mapagtibay
ang iyong pang-unawa at mga
kasanayan sa paksa. Maaari mong
iwasto ang mga sagot mo sa
pagsasanay gamit ang susi sa
pagwawasto sa huling bahagi ng
modyul.

Isaisip Naglalaman ito ng mga


katanungan o pupunan ang
patlang ng pangungusap o talata
upang maproseso kung anong
natutuhan mo mula sa aralin.

Isagawa Ito ay naglalaman ng gawaing


makatutulong sa iyo upang
maisalin ang bagong kaalaman o
kasanayan sa tunay na sitwasyon o
realidad ng buhay.

Tayahin Ito ay gawain na naglalayong


matasa o masukat ang antas ng
pagkatuto sa pagkamit ng
natutuhang kompetensi.

iv
Karagdagang Sa bahaging ito, may ibibigay sa
Gawain
iyong panibagong gawain upang
pagyamanin ang iyong kaalaman
o kasanayan sa natutuhang aralin.

Susi sa Pagwawasto Naglalaman ito ng mga tamang


sagot sa lahat ng mga gawain sa
modyul.

Sa katapusan ng modyul na ito, makikita mo rin ang:

Sanggunian Ito ang talaan ng lahat ng


pinagkuhanan sa paglikha o
paglinang ng modyul na ito.

Ang sumusunod ay mahahalagang paalala sa paggamit ng


modyul na ito:
1. Gamitin ang modyul nang may pag-iingat. Huwag lalagyan
ng anumang marka o sulat ang anumang bahagi ng
modyul. Gumamit ng hiwalay na papel sa pagsagot sa mga
pagsasanay.
2. Huwag kalimutang sagutin ang Subukin bago lumipat sa iba
pang gawaing napapaloob sa modyul.
3. Basahing mabuti ang mga panuto bago gawin ang bawat
pagsasanay.
4. Obserbahan ang katapatan at integridad sa pagsasagawa
ng mga gawain at sa pagwawasto ng mga kasagutan.
5. Tapusin ang kasalukuyang gawain bago pumunta sa iba
pang pagsasanay.
6. Pakibalik ang modyul na ito sa iyong guro o tagapagdaloy
kung tapos nang sagutin lahat ng pagsasanay.

v
Kung sakaling ikaw ay mahirapang sagutin ang mga gawain sa
modyul na ito, huwag mag-aalinlangang konsultahin ang
inyong guro o tagapagdaloy. Maaari ka rin humingi ng tulong
kay nanay o tatay, o sa nakatatanda mong kapatid o sino
man sa iyong mga kasama sa bahay na mas nakatatanda sa
iyo. Laging itanim sa iyong isipang hindi ka nag-iisa.
Umaasa kami, sa pamamagitan ng modyul na ito,
makararanas ka ng makahulugang pagkatuto at makakakuha
ka ng malalim na pang-unawa sa kaugnay na mga
kompetensi. Kaya mo ito!

vi
Alamin

Ang bawat lalawigan sa rehiyon ay may kanya-kanyang


gawang-sining na ipinagmamalaki. Ito ay maaaring sayaw, awit o
mga tula sadyang likha ng lalawigan at rehiyon.
Upang ito ay higit na mapaunlad at makilala ng ibang lugar,
nararapat lamang na ating tangkilikin ito at palaganapin.
Sa araling ito, inaasahang:
1. Naipamamalas ang pagkakatulad at pag kakaiba-iba ng mga
Kultura gamit ang sining na nag papakilala sa lalawigan
At rehiyon;
2. nailalahad ang mga paraan upang mapahalagahan at
maisulong ang pag-unlad ng sining mula sa
iba’t ibang lawigan;
3. nakaguguhit ng ilang katutulong instrumentong pangmusika
mula sa iba’t ibang lalawigan.

Subukin
Basahin ang pangungusap at isulat ang titik ng wastong sagot sa
sagutang papel.
1. Anong Festival ang kilala bilang Mother of all Festival?
A. Pahiyas Festival C. Kialegnon Festival
B. Padigosan Festival D. Kadayawan Festival
2. Ano ang mga katutubong instrumento na kadalasan
ginagamit tuwing may mahahalagang okasyon?
A. gimbal, kubing, agong, kudlong
B. kulintang, gitara, drum, kawayan
C. kawayan, pluta, gitara, banduria
D. karatong, gitara, gimbal,agong
3. Saang lalawigan kadalasang matatagpuan ang mga
katutubong B’laan ?
A. Lalawigan ng Davao del Sur
B. Lalawigan ng Davao del Norte

1
C. Lalawigan ng Davao Oriental
D. Lalawigan ng Davao Occidental
4. Ano ang pinakaaabangang patimpalak ng mga tao
tuwing Kadayawan?
A. Sayaw ng Lahi C. Hinugyaw sa Kadalanan
B. Sayaw sa Nayon D. Indak-indak sa Kadalanan
5. Ano ang awit na sa paghehele ng mga Bagobo?
A. dawot C. oppad
B. atingan D. tangong

Modyul Sining Mo, Pahalagahan Mo:

7
Mga Sining ng lalawigan

Balikan
Sa nakaraang aralin, natutuhan natin ang sariling lalawigan
sa iba’t ibang aspeto ng kultura, kagaya ng mga pagdiriwang,
paniniwala, wika, tradisyon at iba pang kaugalian na
nagpapakita ng nagpapakita ng kahalagahan ng kahalagahan
ng kultura upang makilala ang sariling lalawigan at rehiyon.

Mga Tala para sa Guro


Ang modyul na ito ay may mga sumusunod na gawain na iyong
masusubukan upang malalaman kung ano ang higit pang
pangangailangan, at mapagyaman ang kakayahan ng mag-aaral.
Isa rin itong inspirasyon upang maisakatuparan ang hangarin na
mabigyan nang sapat at wastong kaalaman ang mga mag-aaral.

2
Tuklasin

Ang bawat lalawigan ay may kanya-kanyang mga sining


na nag papakita sa galing nga mga tao sa mga lalawigan
sa rehiyon.
Isa na rito ang Bayok. Isang natatanging awitin ng mga
Mandaya na mula sa Davao Oriental. Ang bayok ay nag lalahad
ng mga suliranin sa buhay, pagmamahal sa pamilya at
komunidad, mga paniniwala at kamalayan sa kapaligiran sa loob
at labas ng nayon. Kadalasan itong maririning tuwing may mga
pagdiriwang o may mahahalagan silang bisita.
Ang ating mga katutubong Bagobo na nagmula sa
lalawigan ng Davao ay maroon ding ipinagmamalaking awitin na
tinawag nilang atingan. Ang atingan ay isang awit ng paghehele
o pag-ibig, hindi tulad ng na bayok na kinakanta sa harap ng
mga tao tuwing may okasyon. Ang atingan ay inaawit lamang sa
pagpapatulog ng bata o pagpapahayag ng kanilang pag-ibig o
interes sa isang dalaga.
Ang B’laan ay
kadalasang matatagpuan
sa lalawigan ng Davao del
Sur. Sila ay may
ipinagmamalaking sining sa
pagsasayaw na tinatawag
nilang Blit-B’laan. Ang Blit-
B’laan ay pinakasikat ng
sayaw ng ating mga
katutubong B’laan.
Sinusunod nito ang
pagliligawan ng babae at
lalaking ibon. Ang babae
ay matatatakbo at
nakasalubsob ang ulo sa kanilang mga pakpak habang ang
lalaki naman ay masayang humahabol sa babaeng ibon.

3
Kadalasang tinatanghal ito kung may mahahalagang okasyon o
importanteng bisita.
Ang Bagobo ay mayroon ding ipinagmamalaking sining sa
pagsasayaw tulad
ng B’laan at ito ay
tinatawag na
Bagobo Rice
Cycle. Ang
Bagobo Rice
Cycle ay isang
pangkulturang
sayaw nang mga
katutubong
Bagobo na nag
papakita ng
pamamaraan ng
pagtatanim. Mula
sa paghukay at pagtanim ng mga binhi hanggang sa pag-ani ng
mga pananim.
Ang gimbal, kubing,
kudlong at gong ay ang
instrumentong
pangmusika ng ating
mga katutubong
Mandaya, Bagobo at
B’laan sa rehiyon ng
Gimbal Kubing Davao na kadalasang
ginagamit noon tuwing
may pananalakay,
pangangayaw,
panliligaw, kasal at
pagtatanim. Sa ngayon,
Kadlong Agong ito ay patuloy na
ginagamit pa rin ng ating
mga katutubo tuwing may mahahalagang okasyon upang
maipapakita ang kanilang galing sa pagtugtog.

4
Hindi lingid sa
ating kaisipan na
kapag may
yumaong kamag-
anak ay may mga
kaparaanan
tayong ginagawa.
Sa Bagobo,
upang
maanunsyo ang
kamatayan ng
isang tao, sila ay
nagtatanghal ng
isang ritwal na kung tawagin ay dam-mag. Ang dam-ag ay ang
patuloy na pagpukpok sa dalawang naglalakihang gong
kasabay ang iba pang mga instrumento. Ito ang kanilang
kaparaanan para maparating sa komunidad na may katribo
silang pumanaw.
Sa B’laan naman ay ginagamit nila ang gong at iba pang
katutubong instumento tuwing may kasalan o masasayang
okasyon sa kanilang lugar. Mas lalo nitong binibigyang kulay ang
masasaya nilang pagdiriwang.
Ang Kadayawan Festival ay taonang selebrasyon ng Davao
City at kilala rin bilang Mother of All Festivals na ipinagdidiriwang
tuwing buwan ng Agosto. Ito ay isang pag diriwang na
nilalahukan ng iba’t
ibang tribu sa ating
rehiyon. Isa na rito
ang Indak-indak sa
kadalanan. Ito ay
isang patimpalak
na kung saan ang
mga kalahok ay
sumasayaw at
sumasabay sa
bawat malakas at Photo by: Hynrelito D. Tacio/Rappler
mabilis na hampas

5
ng mga malalaking tambol. Ang bawat presentasyon ay
sumisimbolo sa pagkakaisa at mga pamana ng ating mga
katutubo sa rehiyon.

Suriin
Basahin at sagutin ang mga sumusunod na tanong sa
sagutang papel.
1. Ano-ano ang mga gawang sining na nabanggit?
______________________________________________
2. Saan kadalasang ginagamit ang mga
Katutubong instrumento?
_______________________________________________
3. Bilang isang mag-aaral, sa ikatlong baitang, anong
gawang-sining ang nais mong tangkilikin? Bakit?
____________________________________________________________

Pagyamanin
Iguhit sa loob ng kahon ang isang instrumentong gusto
mong pag-aralan at tugtugin sa sagutang papel.

Isaisip
Sa bawat lalawigan ng ating rehiyon ay may iba’t ibang
sining tulad ng sayaw, tula at awit. Isa na rito ang Kadayawan
Festival na mayroong patimpalak na dinadaluhan ng iba’t ibang
lalawigan sa rehiyon.

6
Sa pamamagitan ng sining ng ating mga katutubo sa
rehiyon naipamamalas nila ang kanilang galing sa pag-awit,
pagsasayaw at patugtog ng katutubong instrument.
May isang festival na tinagurian ring Mother of all Festival at
ito ay tinatawag na kadayawan Festival. Ito ay nilalahukan ng
iba’t ibang lalawigan sa ating rehiyon. Dito rin naipapakita ng
ating mga katutubo ang kanilang galing sa pagsayaw.
Sa pamamagitan din ng sining ay naipapakita ang
pagkakaisa ng bawat lalawigan sa ating rehiyon. Magkaiba man
ang ating tribung pinanggalingan. Dapat lang na ito’y ating
mahalin at tangkilikin.

Isagawa
Basahin at unawain ang mga sumusunod na sitwasyon.
Sumulat ng dalawa (2) o tatlong (3) pangungusap tungkol dito.
1. Inaalok ka ng iyong guro upang turuang tumugtog ng mga
instrumentong katutubo? Tatanggapin mo ba ang alok ng
iyong guro o tatanggihan mo? Bakit?________________________
_________________________________________________________
2. Anong pakakaiba ng Bagobo at B’laan sa paggamit ng mga
katutubong instrumento?____________________________________
__________________________________________________________
3. Bilang isang mag-aaral ano ang dapat mong gawin upang
mapa-unlad ang sining ng ating lalawigan? __________________
__________________________________________________________

Tayahin
Basahin ang mga pangungusap at isulat ang titik ng
wastong sagot sa sagutang papel.
1. Ano ang tawag sa natatanging awitin ng mga Mandaya na
naglalahad ng kanilang suliranin sa buhay?
A. Bayok C. atingan
B. oppad D. tangong

7
2. Ano ang isinisimbolo ng bawat pag galaw ng mga kalahok sa
kanilang presentasyon sa Indak-indak sa Kadalanan?
A. Mga pagdiriwang ng ating mga katutubo.
B. Mga masasaganang ani ng ating mga katutubo.
C. Pagkakaisa at mga pamana ng ating mga katutubo.
D. Mapayapang pamumuhay ng ating mga katutubo.
4. Ano ang ibig sabihin ng mga Bagobo sa kanilang walang tigil
sa pag hampas ng mga katutubong instrumento?
A. Masagana ang kanilang ani.
B. May isang katribu nila na pumanaw.
C. Pag-aalay ng pasasalamat sa Maykapal.
D. Nais nilang iparating ang kanilang pagmamahal.
4. Kailan ginagamit ang katutubong instrument?
A. tuwing panliligaw C. tuwing pananalakay
B. tuwing may kasalan D. lahat ng nabanggit
5. Paano mo maipapakita ang pagpapahalaga sa ating mga
katutubong sining?
A. Pag-aralan at mahalin ang mga katutubong sayaw.
B. Sirain ang mga katutubong instrumento.
C. Tawanan ang mga katutubong sining
D. Wala sa nabanggit.

Karagdagang Gawain

Ipaliwanag mo kung ano ang mensahe ng islogan. Isulat ang


iyong sagot sa sagutang papel.

Kakayahan ay Linangin Upang Kultura ay Pagyamanin

8
9
Subukin
1. D
2. A
3. A
Tayahin 4. D
5. B
1. A
2. C
3. B
4. D
5. C
Susi sa Pagwawasto
Sanggunian
https://www.slideshare.net/bestinenarsus1/impluwensya-ng-klima-at-lokasyon-sa-pamumuhay
https://upload.wikimedia.org/wikipedia/commons/9/92/Ph_fil_compostela_valley.png
https://en.wikipedia.org/wiki/Davao_Oriental
https://en.wikipedia.org/wiki/File:Compostela_Valley_Provincial_Capitol_(Aerial_view).jpg

Mindanao.politics.com.ph
https://dealgrocer.com/dgtraveler/articles/48-hours-in-samal-island-5be2ad433720644bd100018b\

http://www.scib.com

10
Para sa mga katanungan o puna, sumulat o tumawag sa:

Department of Education - Bureau of Learning Resources (DepEd-BLR)

Ground Floor, Bonifacio Bldg., DepEd Complex


Meralco Avenue, Pasig City, Philippines 1600

Telefax: (632) 8634-1072; 8634-1054; 8631-4985

Email Address: blr.lrqad@deped.gov.ph * blr.lrpd@deped.gov.ph

You might also like