You are on page 1of 37

Impluwensya ng Klima at

Lokasyon sa
Pagbuo at paghubog ng
Pamumuhay sa isang Lugar
Malaki ang kinalaman ng lokasyon at
klima sa pamumuhay
ng mga tao. May impluwensya ang mga
ito sa mga sumusunod:

1. Produktong ginagawa sa lugar,


2. Uri ng pananim at maging sa pagluluto ng
pagkain,
3. Mga Pananamit
4. Uri ng Bahay at
5. sa pagpili ng mga taong kanilang trabaho.
Maaring
Karaniwang Karaniwang Maaring
Lugar tema ng
hanapbuhay damit pagdiriwang
mga sining
Pamayanang Manggawa Modernong palabas sa moderno
urban sa damit mga sine/
Kompaniya/ teatro/
Opisina/ concert
Pabrika piyesta ng
lalawigan,
barangay
Bundok o Magsasaka Madernong (kung may Tungkol sa
paanan ng Pagpapastol damit/ kuyente) buhay sa
bundok Maglililok ng panlamig radio/ TV bundok
kahoy Kapaligiran

Tabing Mangingisda Moderno (kung may Tungkol sa


dagat kuyente) pangingisda
radio/ TV
Pamayanang Manggagawa Moderno
Rural Magsasaka at iba
(Sentrong- pang gawaing
Bayan) pang-agrikultura
URBAN VS. RURAL
Sapagkat marami ang naninirahan sa Kalakhang Maynila,
mas higit ang mga trabahong nakatutugon sa
mabilisang takbo na pamumuhay ng
mga naninirahan dito. Halos lahat ng punong tanggapan
ng iba’t ibang pribado at pangpamahalaan, pati na ang
mga pamantasan ay makikita sa Kalakhang Maynila, kung
kaya marami ang mga tingiang tindahan na nagdudulot ng
trabaho kagaya ng “sales lady” at “utility workers”.

Sa kabilang banda naman, sa mga lalawigan ng Bicol,


kung saan hindi kasing dami ang populasyon sa Maynila,
kaunti lamang ang malalaking tingiang tindahan na
karaniwang makikita sa Maynila.
Bukod sa dami ng
populasyon,
nakaiimpluwensya din ang
Uri
ng Pisikal na Kapaligiran
ng lugar sa uri ng
pamumuhay dito.
Naangkop ang kapatagan sa
“pagtatanim” ng palay at
ibang pang produktong pananim. Sa
kabilang banda naman,
maburol ang malaking bahagi ng Cavite
papuntang Batangas
kung kaya’t “pagpapastol” naman ang
naging produkto ng mga
taga dito. Sa Batangas nagagaling ang
malaking bahagi ng itlog
dahil sa mga itinatayong “manukan” dito.
 Ang mga tanim gaya ng kamote at
kamoteng-kahoy ay tumutubo kahit
saang parte ng rehiyon. Gaya ng pili,
ang kamote ay ginagawang kendi,
tsips, at iba pang klaseng kakanin.

 Ang mga lugar na malapit sa bulkan


ay bagay na pagtaniman ng abaka
dahil tumutubo ito sa matabang
lupa.
Kagaya ng
lokasyon, ang klima ay
naghuhubog ng uri
ng pamumuhay sa
isang lugar.
 Isang halimbawa ng impluwensya ng klima sa
mga tao ay ang mga produktong
nagmumula sa iba’t ibang lalawigan.
 Abaka, niyog at palay ang karaniwang
pananim at pinagkakakitaan sa Bicol dahil
mahaba at halos buong taon ang “tag-araw”
dito.

 Tubo at niyog naman ang angkop sa lugar na


ang klima ay higit na “maulan” kaysa maaraw
tulad ng Batangas at Tarlac.
PALAY
ABAKA
NIYOG
PANAHON NG TAG-
ULAN
Ang malakas na hangin ay nakakatulong sa
pagmumulaklak ng iba’t ibang tanim na halaman at mga bunga
nito.

Kung panahon naman ng tag-ulan at bagyo ay humihina


ang kita ng mga mangingisda sa Naujan, Oriental Mindoro.
Mapanganib ang dagat dahil sa alon at malakas na hangin.
Hindi rin sila makapagbilad ng isdang dinadaing. Ngunit
pinaghahandaan ng mga mangingisda ang ganitong
pagkakataon. Sila ay nagtatanim, nagtitipon ng tuba,
nagpapawid at iba pang maaari nilang pagkakitaan.
PANAHON NG TAG-
ULAN SA BICOL
Humihina ang huli ng mga mangigisda sa
Camarines Sur, Masbate, Camarines Norte, at
Catanduanes. Delikado ang dagat sa alon. Dahil
dito hindi sila maaaring makapagbilad ng mga
isdang dinadaing.

Pasiguro ang mga taong naninirahan dito.


Nagtatanim sila ng mga gulay upang may
mapagkunan ng kanilang hanapbuhay.
INTERCROPPING
Ginagawa ng mga nasa itaas ng bukid sa kanilang
pagtatanim upang ang ilalim ng mga ugat ng niyog
pwedeng mataniman ng okra, talong, balatong, at
iba pang gulay.
Ibinabagay rin nila ang kanilang kasuotan
ayon sa kanilang
klima.

 Sa lugar na “malamig” tulad ng Baguio at


maging ang Bicol, ang mga tao ay nagsusuot
ng makakapal na damit upang hindi ginawin.
 Manipis at maluwang naman sa katawan
kasuotan ng mga nasa “maiinit” na lugar
tulad ng Isabela at Tuguegarao at ang mga
lugar sa siyudad.
 Kung ang lokasyon naman ng isang lalawigan
ay “laging dinadaanan ng bagyo” tulad ng
Batanes, Catanduanes, at Masbate ibayong
paghahanda ang kanilang ginagawa.

 Bukod dito, ang kanilang mga bahay ay


karaniwang mababa at yari sa bato at
kogon.

 Bangkang-bahay naman ang tirahan ng mga


Samal at Badjao. Ito ang angkop sa kanilang
lugar.
Ang lokasyon at klima ay
nakaiimpluwensiya sa
paghubog
ng uri ng pamumuhay ng
mga tao sa isang lugar. Ang
Tandaan Mo kanilang kasuotan,
produkto at pananim,
hanapbuhay at
mga gawain ay may
kaugnayan sa lokasyon at
klima ng
kanilang lalawigan.
PANUTO: Alin sa mga sumusunod na kaisipan ang magkakaugnay?
Pagugnayin ang mga aspekto ng kultura at ang klima ng lugar. Isulat
ang mga sagot sa sagutang papel.

Kultura Klima ng Komunidad


1. Ang mga tao sa Baguio ay a. Mainit sa mga lugar na ito.
nagsusuot ng makapal na
damit.
2. Ang mga bahay sa b. Higit na mahaba ang tag-ulan
Batanes ay mababa at yari
sa bato at kogon,
3. Maipis at maluwag na kasuotan ang c. Malamig ang klima sa lugar na ito
gamit ng mga taga Isabela at nasa itaas sila ng bundok
4. Abaka, niyog, at palay ang d. Laging dinaraanan ng bagyo ang mga
pananim sa Bicol. lugar na ito.
5. Tubo at niyog ang e. Mas mahaba ang
pananim sa Zamboanga tag-init kaysa tagulan,
at Tarlac.
PANUTO: Alin sa mga sumusunod na kaisipan ang magkakaugnay? Pag–
ugnayin ang mga aspekto ng kultura at ang pisikal na katangian
ng lugar. Maaaaring maraming beses gamitin ang mga kaisipan,
ipaliwanag ang inyong sagot.

Lokasyon ng Komunidad
Kultura

1. Tabing Dagat A. Karamihan ng mga awit ay tungkol sa


Pagsasaka
2. Itaas ng Bundok
B. Mabilis ang mga kilos ng mga tao
3. Kapatagan papunta sa opisina

4. Tabing Ilog C. Malaking bahagi ng produkto ay


nanggagaling sa pangingisda.
5. Siyudad
D. Maagang nagigising ang mga tao sa
pagpunta sa bukid

E. Karamihan sa mga awit at kuwento


ay ukol sa pangangalaga sa kagubatan
PANUTO: Tingnan ang larawan sa ibaba. Anong uri ng lugar ang
mayroon sila? Anong uri ng klima ang mayroon sila? Ano kaya ang
lagi nilang ginagawa? Paano naiimpluwensyahan ang kanilang
pamumuhay ng kanilang lokasyon? Sumulat ng dalawang talata
kaugalian ng mga taga dito na may kaugnayan sa lokasyon ng kanilang
lalawigan. Gawin ito sa sagutang papel.
PANUTO: Basahin at unawain ang mga pangungusap. Iguhit sa
patlang ang kung ikaw ay sang-ayon at kung hindi.

________ 1. Naaayon sa klima at lokasyon ang uri ng


pamumuhay ng mga tao sa isang lugar.

________ 2. Hindi lamang hanapbuhay kundi pati tirahan,


kasuotan at gawain ang nakaiimpluwensiya sa
uri ng pamumuhay ng mga tao.
________ 3. Magkakatulad ang uri ng pamumuhay sa lahat
ng lugar.
________ 4. Karaniwang yari sa kogon at atip ang mga
bahay sa bulubunduking lugar.
________ 5. Mababa at yari sa bato ang mga bahay sa
Batanes.

You might also like