You are on page 1of 15

z

AP THIRD
QUARTER
WEEK2
z
Aralin 2: Impluwensya ng
Klima at Lokasyon sa
Pagbuo at

Paghubog ng Pamumuhay
sa isang Lugar
 Malaki ang
z kinalaman ng lokasyon at klima sa pamumuhay
ng mga tao. May impluwensya ang mga ito sa mga
produktong ginagawa sa lugar, sa uri ng pananim at maging
sa pagluluto ng pagkain, mga pananamit, uri ng bahay at sa
pagpili ng mga tao ng kanilang trabaho. Sa mga taong
nakatira sa mga lugar na urban, maaring ang kanilang mga
trabaho ay sa pabrika o opisina. Sa kabilang banda, maaring
ang karamihan ng trabaho sa mga lugar na rural naman ay
may kinalaman sa agrikultura at palaisdaan. Isang
magandang halimbawa nito ay ang kaibahan ng lugar na
urban kagaya ng Kalakhang Maynila at nang lugar na rural
kagaya ng lalawigan ng Aurora.
z marami ang naninirahan sa Kalakhang Maynila, mas higit
Sapagkat
ang mga trabahong nakatutugon sa mabilisang takbo ng
pamumuhay ng mga naninirahan dito. Halos lahat ng punong
tanggapan

ng iba’t ibang pribado at pampamahalaan,tasan pa ay makikita sa


Kalakhang Maynila, kung kaya marami ang mga tingiang tindahan
na nagdudulot ng trabaho kagaya ng workers”. Sa kabilang banda
naman, sa lala hindi kasing dami ang populasyon sa Maynila, halos
walang malalaking

tingiang tindahan na tulad ng karaniwang makikita sa Maynila.


z

Bukod sa dami ng populasyon, nakaiimpluwensya din ang uri ng


pisikal na kapaligiran ng lugar sa uri ng pamumuhay dito. Isang
halimbawa ay ang kaibahan ng uri ng produkto ng mga taga
Bulacan o Nueva Ecija at ng Cavite o Batangas. Hindi-
aralannatinnganasa rehiyonba’tngnapag Gitnang Luzon
nanggagaling ang karamihan sa mga palay ng buong Luzon,
maging sa Visayas. Naaangkop ang kapatagan sa pagtatanim ng
palay at ibang pang produktong pananim. Sa kabilang banda
naman, maburol ang malaking bahagi ng Cavite papuntang
Batangas naman ang naging produkto ng mga taga dito. Sa
Batangas nagagaling

ang malaking bahagi ng itlog dahil sa mga itinatayong manukan dito.


Tingnan
z natin sa mapang pisikal ng
Luzon ang pagkakaiba-iba ng uri ng
lupain sa mga lalawigan sa gitna at timog
na bahagi nito. Anu-ano ang mga
produkto na makikita sa bawat
lalawigan? Bakit kaya magkakaiba? Aling
mga lalawigan ang magkakapareho ang
mga produkto? Ano ang kinalaman ng
pisikal na katangian ng mga lalawigan?
Anoz ang panahon sa inyong lalawigan
ngayon? Tag-ulan ba o tag-araw?
Giniginaw ka ba o naiinitan? Kagaya
ng lokasyon, ang klima ay
naghuhubog ng uri ng pamumuhay sa
isang lugar. Pag-aralan ang mapang
pangklima na ipapakita ng iyong guro.
Isang halimbawa ng impluwensya ng klima sa
z
mga tao ay ang mga produktong nagmumula
sa iba’t ibang lalwigan karaniwang pananim
at pinagkakakitaan sa Bicol dahil mahaba at
halos

 buong taon ang tag-araw dito. Tubo at


niyog naman ang angkop sa lugar na ang
klima ay higit na maulan kaysa maaraw
tulad ng Batangas at Tarlac.
Kung panahon naman ng tag-ulan at bagyo
z
ay humihina ang kita ng mga mangingisda sa
Naujan, Oriental Mindoro. Mapanganib ang
dagat dahil sa alon at malakas na hangin.
Hindi rin sila makapagbilad ng isdang
dinadaing. Ngunit pinaghahandaan ng mga
mangingisda ang ganitong pagkakataon. Sila
ay nagtatanim, nagtitipon ng tuba,
nagpapawid at iba pang maaari nilang
pagkakitaan.
z
Hindi lamang mga pananim at pinagkakakitaan
ang nakakaimpluwensiya sa uri ng pamumuhay
ng mga tao sa isang lugar. Ibinabagay rin nila
ang kanilang kasuotan ayon sa kanilang klima.
Sa lugar na malamig tulad ng Baguio, ang mga
tao ay nagsusuot ng makakapal na damit upang
hindi ginawin. Manipis at maluwang naman sa
katawan ang kasuotan ng mga nasa maiinit na
lugar tulad ng Isabela at Tuguegarao.
z
Kung ang lokasyon naman ng isang lalawigan ay
laging dinadaanan ng bagyo tulad ng
Batanes,ibayong paghahanda ang kanilang
ginagawa. Bukod dito, ang kanilang mga bahay ay
karaniwang mababa at yari sa bato at kogon.
Bangkang-bahay naman ang tirahan ng mga
Samal at Badjao. Ito ang angkop sa kanilang lugar.
Dahil dito, masasabing nakakaimpluwensiya ang
lokasyon at klima ng isang lugar sa uri ng
pamumuhay ng mga tao sa isang lugar.
z
Sagutin ang sumusunod na tanong.

1.Anu-ano ang mga pangunahing ikinabubuhay ng mga tao sa


inyong lugar?

2.May kaugnayan ba ang kanilang hanapbuhay sa uri ng panahon


at sa lokasyon ng inyong lugar? Ipaliwanag kung bakit.

3.Paano nakakaapekto ang mga bagyo, pagbaha, klima at pisikal


na katangian ng isang lugar sa uri ng pamumuhay ng mga tao?
z
z
z

You might also like