You are on page 1of 5

REHIYON 1

ILOCOS NORTE
Narito ang ilan sa mga kilalang hanapbuhay sa lalawigan ng Ilocos Norte:
 Agrikultura – marami sa mga taga Ilocos Norte ang patuloy na umaasa sa agrikultura.
Maraming mga bayan sa lalawigan ang may malalawak na taniman ng tobacco, bawang,
at palay. Ang mga produktong ito ay ineexport din ng mga Ilokano sa ibang bansa na
nagiging source ng kanilang kita.
 Paggawa ng basi – isa rin sa mga pinagkakakitaan sa Ilocos Norte ang paggawa ng basi,
isang uri ng alak na kilala sa buong rehiyon ng Ilocos.
 Turismo – maraming mga Ilokano din ang umaasa sa turismo. Maraming mga
magagandang lugar sa Ilocos Norte kaya naman dinarayo talaga ito ng mga turista.

BANGUI WINDMILLS
Matatagpuan malapit sa Bangui Bay sa Ilocos Norte, ang Bangui Windmill Farm ay ang tamang
destinasyon para sa mga turista na gustong tuklasin ang hilagang rehiyon Ito ang
pinakamalalaking wind farm ng Timog Silangang Asya. Noong 2014 nakuha ang titulo nito.
Kahit ano ang pamagat mas maraming turista ang pumunta dito. Ang bawat windmill turbine ay
may tatlong vertical rotor blade na nakatayo 70 metro taas. Mayroong kabuuang 20 turbines na
nakahay sa baybayin ng Bangui Bay sa harap ng West Philippines Sea. Ang lokasyon ay isang
perpektong lugar, dahil malapit ito sa Asia-Pacific monsoon kung saan ang mga North Westerly
wind ay pare-pareho.
ILOCOS SUR

PANGUNAHING HANAPBUHAY
Ang mga tao sa Ilocos Sur ay nabubuhay sa Pagsasaka. Ang kadalasang tinatanim nilang mga
pagkain ay bigas, gulay, root crops, at mga prutas.

BALUARTE RESORT AND MINI ZOO – VIGAN CITY


Ito ay mini zoo na may mga hayop mula sa ibang mga bansa at iba pa na native sa Pilipinas.
Pagmamay-ari ito ni Chavit Singson, isang mahal na anak ng Vigan at kilalang-kilala sa
karamihan ng mga Pilipino at dayuhan na sumusunod sa pinang-politika sa Pilipinas. Ito ay
namamalagi sa ektarya ng lupa na umaabot mula sa lumiligid na kapatagan patungo sa mga
burol, kung saan nakalagay ang multi-storey na bahay ng dating gobernador na may magandang
tanawin ng Vigan. Makikita sa Baluarte Museum ang mga nahuli at pinatay ni Chavit Singson.
LA UNION

PAMUMUHAY SA LA UNION
Pagsasaka at pangingisda ang dalawang pangunahing ikinabubuhay ng mga taga-bayan ng Luna,
La Union na tila banta sa pagtatayo ng twin coal-fired power plant sa Barangay Carisqui.
Mayroon din silang iba’t ibang produkto, suka na pwede maging alak, mga daing, at marami pa.
Masaya at payapa ang pamumuhay sa bayang ito, dahil ang mga tao sa bayang ito ay kilala
bilang masasayahin, mapagbigay, mapagmahal at madiskarte sa buhay. Mapapansin din sa
bayang ng Santol ang simpleng pamumuhay ng mga Ilokano. Pagsasaka at pangingisda ang
karaniwang hanapbuhay nila dito. Ayon sakanila kaya nilang mabuhay sa paraang ng pagkuha ng
pagkain sa taniman at ilog at pagbenta ng mga ani sa bukid.

BAUANG GRAPE FARMS


Matatagpuan sa bayan ng Bauang ang hectare upon hectare ng vineyards at grape farms kung
saan puwedeng mag grape-picking. Underrated ang activity na ito dahil mas nakukuha ng
beaches at waves sa mga kalapit na bayan ang attention ng mga turista. Seasonal ang grapes kaya
mahalaga ang timing kung gusto mong ma-experience ang activity na ito.

Sa kahabaan ng MacArthur Highway mula TPLEX papuntang San Fernando at San Juan ay
marami kang madadaanan na mga tao na may poster na “Grape Picking” o “Grape Farm/Grape
Picking”. Pero kung gusto mong makasigurado, puwede kang pumunta sa Uvas Cafe ng Lomboy
Grape Farm. Ang founder nito ang sinasabing nag introduce ng grape farming sa La Union.
PANGASINAN

PANGUNAHING PAMUMUHAY
Kaugalian at Pamumuhay ng mga Pangasinense Ang Pangasinan ay may ibat-ibang kaugalian at
pamumuhay. Tulad na lamang sa Bolinao, Pangasinan, ang sinaunang pamumuhay ng mga tao
rito ay ang pangingisda. Noong una pa lamang ay pangingisdana ang ikinabubuhay ng mga taong
malapit sa mga baybayin at maging sa ngayon ay pangingisda parin at dahil sa pagiging
modernisado natin ngayon ay ay nakakagawa na rin sila ng mga porselas nagawa sa kabibi at iba
pang mga palamuti na may ibat-ibang disenyo na maaaring gawing dekorasyonsa bahay.
Pangunahing ikinabubuhay ng mga tao sa bayan ng Bani ayang agrikultura. Malapit ito sa mga
kapatagan at kabundukan. Karaniwang produkto na itinatanim rito ay ang palay, mais, pakwan,
mangga at tubo. Maraming mamamayan ang lubos na umaasa sa mga kapaligiran. Sila’y
nagtatanim ng ibat-ibang klase ng gulay tulad ngampalaya, kalabasa, talong, okra, sitaw atbp na
itinitinda nila sa mga palengke upang may pantustos samga pangangailangan nila sa araw-araw.

HUNDRED ISLANDS IN ALAMINOS, PANGASINAN


Ang Hundred Islands National Park (Pangasinan: Kapulo-puloan o kaya Taytay-Bakes) ay isang
destinasyong panturista na matatagpuan sa Barangay Lucap, Lungsod ng Alaminos, Pangasinan,
Pilipinas. Ito ang unang pambansang parke ng Pilipinas. Binubuo ito ng 101 pulo, ngunit 100
pulo lamang ang makikita tuwing tataas na paglaki ng tubig. Nakakalat sa Golpo ng Lingayen
ang mga pulo at sakop ang lawak na 1,844 ektarya (4,556.62 acres). Pinaniniwalaang dalawang
milyong taong gulang na ang mga pulo. Tatlong pulo lamang ang ipinaunlad para sa mga turista,
ang mga pulo ng Gobernador, Quezon at Children.

You might also like