You are on page 1of 10

Enero 1, 2019

Pebrero 2, 2018
Marso 3, 2017
Abril 4, 2016
Mayo 5, 2015
Hunyo 6, 2014
Hulyo 7, 1999
Agosto 8, 1998
Setyembre 9, 1997
Oktubre 10, 1996
Nobyembre 11, 1899
Disyembre 12, 1798
Isa sa mga ipinagmamalaking bulkan sa bansa ang Bulkang Mayon
na matatagpuan sa Albay. Tanyag ang bulkang ito dahil sa taglay nitong
halos perpektong hugis apa. Dinarayo ito ng mga dayuhang bisita maging
ng mga kapwa Pilipino.
Sinasabing ang Bulkang Mayon ang pinakaaktibong bulkan sa
Pilipinas dahil sa dalas ng pagsabog nito. Pinakamatindi ang pagsabog nito
noong Pebrero 1, 1814, kung saan ang mga bayan sa paligid nito ay
natabunan at mahigit sa 1200 katao ang namatay. Maraming nasirang
bahay sa paligid ng bulkan, pati na rin ang malaking simbahan ng
Cagsawa. Ang natitirang alaala na lamang ng simbahang ito ay ang tore
nito na makikitang malapit sa bulkan.
Bagamat mapanganib ang Bulkang Mayon, isa rin naman itong
biyaya sa mga naninirahan malapit doon. Ang mga umagos na lupa at abo
sanhi ng mga pagsabog ay nagsilbing pataba pagkalipas ng ilang taon.
Bilang patunay, itinuturing ang Albay na isa sa mga may
mayayamang lupang sakahan sa rehiyon ng Bicol. Sa mga lupang
sakahang ito nagbubuhat ang mga produktong abaka, niyog, palay at
gulay.
Si Manuel Quezon ay isang masigla at masipag na lider. Anumang
gawaing ninanais niya ay isinasakatuparan niya agad. Ayaw niya na may
masayang na panahon dahil naniniwala siya na ang oras ay ginto.
Mahalaga ang bawat sandali kaya’t hindi niya ito inaaksaya. Ayon sa
kanya, ang magagawa ngayon ay hindi na dapat ipagpabukas pa.
Naging kawal siya noong panahon ng himagsikan. Naging
gobernador din siya, at matapos nito ay naging senador. Naging
kinatawan pa siya ng Pilipinas sa Washington, United States of America.
Si Quezon ay mahusay sa batas dahil siya ay isang abogado. Di nagtagal,
siya ay naging pangulo ng Senado ng Pilipinas at nahalal na pangulo ng
Komonwelt o ng Malasariling Pamahalaan noon.
Sa pamamagitan ng pagsasakatuparan ng Katarungang Panlipunan,
binigyan niya ng pantay na pagpapahalaga ang mahihirap at mayayaman.
Si Quezon din ang nagpasimula sa pagkakaroon natin ng pambansang
wika.
Kung hindi dahil sa kanya, walang isang wika na magbubuklod sa
lahat ng Pilipino. Dahil dito, siya ay tinawag na “Ama ng Wikang
Pambansa.”
Tuwing Pebrero, ipinagdiriwang ang pista ng mga bulaklak sa
Lungsod ng Baguio. Kilala rin ito sa tawag na Pista ng Panagbenga. Ang
Panagbenga ay salitang galing sa Cordillera na ang kahulugan ay panahon
ng pagbukadkad ng bulaklak. Binibigyang halaga sa pistang ito ang
naggagandahang bulaklak kung saan kilala ang lungsod na ito.
Nagsimula ang pagdiriwang ng Panagbenga noong 1995.
Isinagawa ng pistang ito para maiangat muli ang Lungsod ng Baguio mula
sa malagim na lindol noong 1990.
Maraming gawain ang makikita sa pagdiriwang ng Panagbenga.
Ang pinakasikat at inaabangang gawain tuwing pista ng bulaklak ay ang
parada. Kasama sa paradang ito ay sayawan sa kalsada at pagtugtog ng
mga banda. Pinakabida sa paradang ito ang mga higanteng karosa na
puno ng mga magaganda at mababangong bulaklak. Sa paggawa ng
karosang ito, ipinakikita ng mga Pilipino ang kanilang pagiging malikhain
at pagiging matulungin. Ipinaparada ang mga ito sa malalaking kalsada ng
lungsod. Maraming mga taong galing pa sa iba’t ibang bahagi ng Pilipinas
ang dumadayo sa Baguio upang mapanood ito.
Tagtuyot ang hatid ng El Niño. Dahil dito, bumababa ang water
level at nagkukulang sa suplay ng tubig sa mga anyong tubig, gaya ng mga
ilog at batis. Nagkukulang din sa suplay ng tubig sa mga imbakan gaya ng
La Mesa Dam na matatagpuan sa Lungsod Quezon at Angat Dam sa
Bulacan. Ang mga ito ang pinagkukunan ng tubig sa Kamaynilaan at sa
mga karatig probinsya nito.
Malaki ang epektong dulot ng El Niño sa buhay ng tao.
Kukulangin ang suplay ng tubig na inumin, pati na rin ang gagamiting tubig
para sa iba pang pangangailangan.
Hindi lamang tao ang mahihirapan sa epekto ng tagtuyot. Kung
kulang ang tubig, magkakasakit ang mga hayop at maaari rin silang
mamatay.
Ang tubig ay kailangan din ng mga halaman at kagubatan.
Maraming apektadong taniman kung kulang ang patubig. Dahil sa
sobrang init, maaaring mag-apoy ang mga puno na nagdudulot ng sunog.
Isang malaking tulong sa panahon ng El Niño ay ang pagtitipid ng
tubig. Iwasang aksayahin at gamitin ang tubig sa hindi mahahalagang
bagay.
Sa kapaligiran ng bansang Pilipinas, marami ang makikitang punong
niyog. Kahit saang panig ng bansa, may mga produktong ibinebenta na galing
sa puno ng niyog.
Ang niyog ay tinaguriang puno ng buhay. Ang mga bahagi nito mula
ugat hanggang dahon ay napakikinabangan. Ang laman ng niyog ay
ginagawang buko salad, buko pie at minatamis. Ginagamit rin ito bilang
sangkap sa paggawa ng arina, mantikilya, sabon, krudong langis, at iba pa.
Natuklasan ni Dr. Eufemio Macalalag, Jr., isang urologist na ang
paginom ng sabaw ng buko araw-araw ay nakatutulong sa kidney ng isang tao.
Nadiskubre rin niya na nakatutulong ang araw-araw na pag-inom nito para
maiwasan ang pagkabuo ng bato sa daanan ng ihi (urinary tract). Ginagamit
din itong pamalit ng dextrose.
Natuklasan pa na mas maraming protina ang nakukuha sa gata ng
niyog kaysa sa gatas ng baka. May 2.08 porsiyento ng protina ang gata
samantalang 1.63 porsyento lamang ang sa gatas ng baka. Ang langis ng
niyog ay nagagamit din bilang preservative, lubricant, pamahid sa anit, at
iba pa.
Ang bulaklak ng niyog ay ginagawang suka at alak. Ang ubod naman
ay ginagawang atsara, sariwang lumpiya, at panghalo sa mga lutuing karne o
lamang dagat. Pati ang ugat nito ay ginagamit pang panlunas sa iba’t ibang
karamdaman
Ang dengue fever ay isang kondisyong dulot ng dengue virus. Ang
virus na ito ay dala ng ilang uri ng lamok gaya ng Aedes Aegypti. Kagat ng
lamok na may dalang dengue virus ang sanhi ng pagkakasakit.
Patuloy na gumagawa ng hakbang ang Department of Health para
sugpuin ang dengue. Itong taon na ito, may naitala na mahigit na tatlumpung
libong kaso ng dengue. Kailangan na ng gobyernong gumawa ng mga bagong
paraan upang maibaba ang bilang ng mga kasong ito.
Ang isang dahilan kung bakit patuloy sa pagdami ang may sakit na
dengue ay dahil binibigyan ng pagkakataon ang mga lamok na mabuhay sa
paligid. Kailangan ng pakikipagtulungan ng lahat sa mga simpleng gawaing
makaiiwas sa sakit na ito.
Una, dapat malaman na ang lamok na Aedes aegypti ay nabubuhay sa malinis
na tubig. Palagi dapat sinusuri ang loob at labas ng bahay kung may mga
naipong tubig na hindi napapalitan. Kung minsan ay may mga programa rin
ang lokal na gobyerno para mapuksa ang mga lamok katulad ng fogging.
Iginiit ng DOH na sa lahat ng mga paraang ito, mahalaga talaga ang
pakikiisa ng bawat mamamayan sa komunidad. Ito ang pinakamabisang
paraan upang mapuksa ang mapahamak na sakit na ito.
Ang Puerto Princesa Subterranean River National Park (PPSRNP) ay
makikita sa Palawan. Ito ay matatagpuan sa hilagang kanlurang bahagi ng Puerto
Princesa.
Ipinakikita sa tanyag na pook na ito ang mga higanteng limestone na
nasa kuwebang pinalolooban ng ilog. Iba’t ibang kamangha-manghang hugis ang
nabuo mula sa mga limestone sa loob ng kuweba. Ang ilog ay tinatayang 8.2
kilometro ang haba at ito ay tumutuloy sa dagat. Ang kagandahan nito ang
dahilan kung bakit nakilala ang Puerto Princesa Underground River bilang isa sa
Pitong New Wonders of Nature.
Makikita sa paligid ng ilog ang kabundukan at kagubatan. Ang makapal
na kagubatan ang nagsisilbing tahanan ng ilang hayop na pambihira at
endangered. Sa baybayin naman nito makikita ang halamang bakawan at mga
coral reefs.
Mula nang maitalaga ang Puerto Princesa Underground River bilang isa
sa Pitong New Wonders of Nature, dumami na ang mga taong gustong makita
ito, maging Pilipino man o dayuhan.
Maliban sa pagsakay sa bangka upang makita ang limestones sa loob ng
kuweba, marami pang maaaring gawin dito na ikasasaya ng mga turista.
Kinagigiliwan ng mga bisita rito ang jungle trekking, wildlife watching, mangrove
forest tour at ang paglangoy sa tabindagat na puti ang buhangin.
Ang mga kabundukan ay isa sa magagandang tanawin sa ating
kapaligiran. Taglay nito ang mga punungkahoy na nagbibigay ng ating mga
pangangailangan. Makikita rito ang sari-saring mga halaman na nakalulunas
ng ibang karamdaman, mga orkidyas, mga ligaw na bulaklak at mga hayop.
Ang mga punungkahoy at iba pang halaman ay tumutulong sa pagpigil
ng erosyon o pagguho ng lupa dulot ng ulan o baha. Nagsisilbi rin itong
watershed para sa sapat na pagdaloy ng tubig.
Subalit marami sa mga kabundukan natin ang nanganganib. Ang
dating lugar na pinamumugaran ng mga ibon at mga ligaw na bulaklak ay unti-
unti nang nasisira. Dahil sa patuloy na pagputol ng mga punungkahoy,
marami na ang nagaganap na mga kalamidad tulad ng biglaang pagbaha sa
iba’t ibang pook.
Sa pangunguna at pakikipagtulungan ng Department of Environment
and Natural Resources (DENR), ang ahensya ng bansa na tumutugon sa pag-
aalaga ng kapaligiran at kalikasan, ang pagkasira ng kabundukan ay nabigyan
ng solusyon. Ang reforestation o muling pagtatanim ng puno kapalit ng mga
pinutol o namatay na mga puno ay isa sa mga programa ng DENR. Maraming
tao ang natuwa dito at inaasahan nila na darating ang panahon na
manunumbalik ang kagandahan at kasaganaan ng mga kabundukan.

You might also like