You are on page 1of 3

KAPATAGAN

Ang kapatagan ay isang patag at malawak na lupa. Madali itong paunlarin at


mainam ito sa pagsasaka, pagtatayo ng mga kabahayan, pagtatayo ng mga
paaralan at sa mga pangangalakal. Marami ang kontribusyon ng likas na
kapatagan sa gawaing pangkabuhayan ng tao tulad sa ating mga magsasaka.
Ang mga magsasaka ay mga bayani ng ating lipunan ngayon dahil kung wala
sila wala tayong makakain sa araw araw. Ang pagsasaka ay malaking ambag din
sa ating ekonomiya, ito ay isang walang kamatayang propesyon. Ang Likas na
kapatagan din ay maaring maaari ding gamitin para sa pagaalaga ng iba’t-ibang
uri ng hayup tulad ng manok, baka, kambing at marami pang iba na
nakakatulong din para sa mga tao upang may makain sa araw-araw. Sa likas na
kapatagan din kalimitang nagtatayo ng mga kabahayan upang maging tahanan,
silungan ng mga tao sa tag-araw at tag-ulan. Maraming kontribusyon ang
kapatagan sa gawaing pangkabuhayan ng mga tao. Dito kalimitang nagyayari
ang mga iba’t-ibang uri ng pangkabuhayan na pwedeng gawin ng tao.
KABUNDUKAN

Ang mga kabundukan ay isa sa magagandang tanawin sa ating kapaligiran.


Taglay nito ang mga punong-kahoy na nagbibigay ng ating mga
pangangailangan. Ang kontribusyon naman ng likas na kabundujan sa gawaing
pangkabuhayan ng tao ay ditto makikita ang sari-saring mga halaman na
nakalulunas ng ibang karamdaman, mga orkidyas at mga ligaw na bulaklak na
maaring maibenta sa mga nais ng magandang palamuti sa kanilang tahanan, at
mga hayop na pinagkakakitaan ng mga mangangaso. Ang mga punong kahoy at
iba pang halaman ay tumutulong sa din pagpigil ng erosion o pagguho ng ng
lupa na dulot ng ulan o baha. Nagsisilbi rin itong watershed para sa sapat na
pagdaloy ng tubig. Marami din itong iba’t-ibang uri ng mineral na pangunahing
pangkabuhayan ng iabng mga tao. Subalit marami sa mga kabundukan natin
ang naganganib. Ang dating mga lugar napinamumugaran ng mga ibon at mga
ligaw na bulaklak ay unti-unting nang nasisira. Dahil sa patuloy na pagputol ng
mga punungkahoy at pagmimina, marami na ang nagaganap na mga kalamidad
tulad ng biglaang pagbaha at pag-guho ng lupa sa ibat`t-ibang pook.
KARAGATAN

Ang karagatan ay ang pangunahing bahagi ng anyong tubig, at prinsipal na


bahagi ng kalawakan ng tubig o hidrospera. Ang pangunahing kontribusyon ng
likas na karagatan sa gawaing pangkabuhayan ng tao ay ang pangingisda,
transportasyon at turismo. Sa pamamagitan ng karagatan ay napapadali ang
transporasyon ng mga tao na makarating sa ibang lugar upang
makipagkalakalan. Napagkukunan din ng mga lamang dagat na
pinagkakakitaan at napagkukunan ng pagkain ng mga tao. Nagbibigay din ito
ng magandang kita sa turismo sa pamamagitan ng magaganda at malilinis na
baybayin.

You might also like