You are on page 1of 48

It’s

AP
Aralin 4 : Mga Pinagkukunang Yaman
Natataging Pokus
 Ano-ano ang mga pinagkukunang-yaman?
 Bakit mahalagang pangalagaan ang pinagkukunang –yaman?
 Paano natin masisiguro na ang mga batang ngayon lang
isinilang ay may yaman pang pakikinabangan?
Pinagkukunang Yaman
Ito ay ang anumang bagay na ginagamit sa produksyon
at tumutugon sa mga pangangailangan ng tao

3 Uri ng Pinagkukunang Yaman


1. Likas na Yaman
Ito ay binubuo ng mga biyaya ng
lupa,kapatagan,ilog,kagubatan, at kapaligiran na
ginagamit sa produksyon at tumutugon sa mga
pangangailangan ng mga tao.
Dalawang uri ng Likas na Yaman
1. Yamang Napapalitan
Tumutukoy ito sa yamang likas na agad na napapalitan
sa madaling panahon matapos gamitin.

Hal. Hayop ,halaman isda


2. Yamang Di-napapalitan
Ito ay Tumutukoy sa mga yamang likas na matapos
magamit ay hindi agad napapalitan sa madaling
panahon.
Mga Uri ng Likas na Yaman

YAMANG LUPA YAMANG TUBIG YAMANG GUBAT

YAMANG MINERAL YAMANG TAO


1. Yamang Lupa
Tumutukoy sa mga
bagay,produkto o
pagkain na
karaniwang
makakikita lamang
sa anyong lupa.
PILIPINAS
 300,000 kilometro kuwadrado
 7641 maliit at malalaking pulo
 Tatlong malalaking pulo-Luzon (104 687.8
km2) ,Visayas( 94 630.1 km2 )at Mindanao (57
201.9 km2)
 Mahigit sa kalahati ng lupain ay itinuturing na
kagubatan o timberland at ang natitirang bahagi ay
alienable at disposable land .
 Dalawang produkto ang pwedeng makuha sa lupa
 Dalawang produkto ang pwedeng makuha sa lupa,mga
produktong pagkain at mga produktong komersiyal.

 Dalawang produkto ang pwedeng makuha sa lupa,mga


produktong pagkain at mga produktong komersiyal.
 Palay ang pinakamalaganap na pananim sa kapuluan
 Alubyal na lupa ang angkop sa pagsasaka.

Bakit lumiliit ang lawak ng sakahan


sa bansa?
2. Yamang Mineral
Ang mga mineral ay isang uri ng yamang
matatagpuan sa ilalim ng lupa.
Ang mga pangunahing mineral na
matatagpuan sa bansa ay nahati sa tatlong
kategorya:
1.metal
Ginto, pilak, kromito,nikel, tanso,tingga,mangganese
2.di-metal
3. Mineral fuel o panggatong
Masbate –ang may pinakamayamang deposito ng ginto sa
bansa,75% ng kabuuang produksiyon ng bansa.
Pilak –ay ginagamit sa potograpiya at pelikula.
Mankayan,Mountain Province
Kromito- ginagamit ang kromito bilang hilaw na material sa
paggawa ng mga kutsilyo,itak,at mga instrumenting pang-
opera.Ito ay matatagpuan sa Zambales,Camarines
Sur,Surigao, at Misamis Oriental.
Tanso- ay ginagamit sa paggawa ng mga kawad ng koryente
dahil ito ay isang mabisang konduktor ng elektrisidad.
Cebu, Negros Occidental,Marinduque ,Benguet,Samar,at Panggasinan

Bakal- ay giangamit sa paggawa ng mga kagamitang yari sa bakal.


 Camarines Norte, Samar, Marinduque, Bulacan, Ilocos Norte,
Zamboanga,Cebu
Tingga- ito ay mainam na gamit sa paggawa ng baterya.
 Quezon, Marinduque,Negros Oriental, Bohol,
Palawan,Tarlac, at Samar
Mga Mineral na di –metal
Marmol Mineral na asin
Limestone Buhanging silica
Buhangin at graba
Marmol Ito ay ginagamit sa arkitektura,eskultura, at
konstruksiyon.(Romblon at Teresa,Rizal)
Limestone Ito ay sangkap sa paggawa ng semento na ginagamit din sa
konstruksiyon,agrikultura,agrikultura,industriya ng
kemikal,at sa iba pa.(Guimaras, Benguet, Rizal at Surigao)
Ginagamit na panghalo ng sementong siyang
sangkap sa paggawa ng mga gusali.
Mineral na asin Ginagamit ito sa pagkain at sa pagrereserba
ng mga isda.

Buhanging Silica Ginagamit sa paggawa ng salamin.


Petrolyo –ang pinakamahalagang mineral na panggatong.
 Tinatayang nasa kabuuang 27905 milyong bariles ng langis
 58 870 bilyong kubikong talampakan ng gas.
 Ito ay matatagpuan sa 16 na sedimentary basin sa bansa mula
saCagayan Valley Basin sa hilaga hanggang sa Dagat Sulo sa
Timog.
 25.7 hanggang 39.5 trilyong kubikong talampakan –natural gas
ng Pilipinas.
3. Yamang-Gubat
 15 854 922 ektarya o 52.9% -kagubatan
Mga di-tuwirang gamit na nakukuha sa gubat
 Nagpapalinis sa maruming hangin;
 Nagpapalinis sa pagkaagnas at pagguho ng lupa;
 Binabawasan ang pinsala ng baha at nagsisilbing pananggalang sa
bagyo;
 Inaayos ang daloy ng tubig;
 Nagsisilbing kublihan ng mga hayop at ibon; at
 Pinanggagalingan ng mga prutas, gamut , panggatong, at
palamuti.
4. Yamang Tubig Tumutukoy sa yamang nanakukuha sa tubig.
 17 460 kilometro coastline ng bansa
 26.6 milyong ektarya - coastal water
 193.4 milyong ektarya - oceanic water
 172 032 ektarya- kabuuang sukat ng pangisdaang panloob
na nakapaligid,nakapagitan,at nag-uugnay sa kapuluan ng
bansa.
 338 393 ektarya -swampland
 253 854 ektarya fresh at brackish water fishpond
 2250 000 ektarya resorses mula sa ilog,lawa,at reservoir
Mga di-tuwirang gamit na nakukuha sa gubat

 Pinagkukunan ng iba’t ibang uri ng isda at lamang-dagat;


 Ginagamit bilang inumin at ginagamit sa paglilinis at paglalaba;
 Pinagkukunan ng lakas-enerhiya;
 Ginagamit bilang daungan at daanan ng trasportasyon; at

 Pinagkukunan ng hanapbuhay.
5. Yamang -Hayop
Implikasyon ng Likas na Yaman sa Pamumuhay ng Tao

AGRIKULTURA
 Ang pagkain ng mga tao sa isang bansa, maging ang mga
produktong panluwas nito, ay nagmumula sa pagsasaka.
 Ang malawak na lupain ay makatutulong upang
makapagluwas ng mas maraming produkto na magbubunga
ng malaking produksiyon para sa bansa.
Implikasyon ng Likas na Yaman sa Pamumuhay ng Tao
SAMBAHAYAN
 Ang paglaki ng populasyon ay nangangahulugan
din ng paglaki ng mga pangangailangan ng tao.
 Ang land conversion ay nakakasira sa katangian
ng lupa at kawalan ng tirahan ng mga hayop.
Implikasyon ng Likas na Yaman sa Pamumuhay ng Tao
EKONOMIYA
 Ang bansa ay uunlad bunsod ng kasaganaan ng ating
mga likas na yaman.Pinagkukunan ang mga ito ng mga
hilaw na material na ginagamit na panustos sa mga
pagawaan.
 Ang maskasabay na paggamit ng mga tradisyonal at
makabagong teknolohiya ay nakatutulong sa pag-angat
ng pambansang kita ng bansa.
Ano –ano ang mga suliraning kinahaharap ng Pilipinas
sa mga likas na yaman?
 Unti-unting pagkaubos ng yamang gubat
 Pagliit at pagkasira ng kagubatan
 Nauubos na ang mga hayop sa gubat
Mga Suliraning Pang yaman - tubig
 Paggamit ng mga mapaminsalang paraan ng
pangingisda tulad ng dinamita ,cyanide ,at muro –ami.
 Ipinagbabawal na pangingisda sa karagatan
ng bansa;
 Siltation na nagbubunga ng pagkamatay ng mga isda;
 Pagtatapon ng basura sa mga ilog at dagat; at;
 populasyon.
Bureau of Fisheries and Aquatic Resources –ang
ahensyang mangangalaga sa yamang-tubig.
YAMANG TAO
 Ang tao ang pinakamahalagang
punagkukunang-yaman ng bansa.
 Ang tao ay nagtataglay ng kakayahan, talino,
kasanayan,lakas, at pagkamalikhain na
ginagamit sa paglikha ng mga produkto at
serbisyo sa lipunan.
 Ang populasyon o dami ng tao ang
pinakamahalagang yaman ng bansa hindi lamang
ang pisikal na katangian nito ayon kay Adam Smith,
Kundi sa kakayahan nitong mag-isip,lumikha, at
lumutas ng iba’t ibang mga suliranin.
Ano ang populasyon?

Ang populasyon ay Tumutukoy sa dami ng tao o bilang


ng tao na naninirahan sa isang lugar sa isang takdang
panahon.
Demograpiya
 Ang tawag sa pag-aaral ng populasyon.
 Ito ay pag-aaral na tumatalakay sa mga
estruktura ng populasyon tulad ng
sinsin,edad , kasarian, edukasyon , at
empleyo.
 Sa pamamagitan ng pag-aaral sa mga
estruktura ng populasyon,maiaayos ang
pagpaplanong pang-ekonomiya.
Sinsin
 Ang sinsin ay isang katangian ng estruktura ng
populasyon.
 Ito ay Tumutukoy sa laki ng populasyon sa
bawat kilometro kuwadrado.
 Nagpapahiwatig ito ng pagsisiksikan ng mga
ato sa isang lugar o ng maliit na populasyon.
 19 137 tao bawat kilometro kuwadrado -
Maynila.
 82 tao lamang bawat kilometro kuwadrado sa
CAR
 Ika-12 na bansang may pinakamalaking populasyon
sa daigdig.
DISTRIBUSYON NG POPULASYON SA PILIPINAS
 56% -populasyon ng Luzon
 24% -populasyon ng Mindanao
 20% -populasyon ng Visayas
 CALABARZON ang sentro ng malaking bilang
ng mamamayan kasunod ang Capital Region.
 Cordillera Administrative Region –pinakamaliit na
Ano –ano ang mga suliraning dulot ng pagkakaroon ng
maraming tao sa Metro Manila?

Mga suliranin tulad ng kawalan ng tirahan,


polusyon,trapiko, pagkagutom, krimen, basura,
at mga suliraning pangkalusugan.
Densidad ng Populasyon
Densidad o sinsin ay Tumutukoy sa dami ng taong nakatira sa
isang tiyak na lugar sa sukat na isang kilometro kuwadrado.

 388.3 katao sa bawat kilometro kuwadrado(2016)


 Ang densidad ng populasyon ay makukuha sa
pamamagitan ng pormulang ito:
Populasyon
kabuuang sukat ng Lupa
Ang Paglaki ng Populasyon
Bakit naging isang malaking suliranin ang
malaking pamilya?
Ano ang naging dahilan ng mabilis na paglaki
ng populasyon?
 Paniniwala
 Mabilis na pagsulong ng agham,medisina
at mga klinika
 Maagang pag-aasawa
 Mataas na birth rate at mababang death rate
Ano –ano ang epekto ng paglaki ng populasyon?
1.Ito ay magiging salik sa pagsulong ng ekonomiya
2.Ang paglaki ng populasyon ay nangangahulugan din ng
kakulangan sa hanapbuhay.
3.Magpapatuloy rin ang implasyon dahil kapag marami ang
tao,ang pangangailangan ay mataas din.Mahihirapanang
pamahalaan na matugunan ang lahat ng pangangailangan.
4.Ang malaking pagtaas ng populasyon ay nagiging banta rin
sa pagkaubos ng mga likas na yaman.
5.Nagbubunga rin ito ng paghihikahos,mababang antas ng
pamumuhay ,suliranin sa kalusugan, at pagkasira ng kapaligiran
Mga Teorya Ukol sa Populasyon
Malthusian Theory ( Thomas Malthus)
“An Essay on the Principle of Populations”,higit na
mabilis ang paglaki ng populasyon kaysa sa suplay
ng pagkain.Ang populasyon ay nadaragdagan sa
paraang geometrical at nagdodoble tuwing ika-25
taon samantalang ang suplay ng pagkain ay
nadaragdagan lamang sa paraang arithmetical.
Microeconomics Theory of Fertility

Isinasaad sa teoryang ito na ang gawi at ugali ng tao ay


may malaking bahagi sa fertility ng isang babae.
Ang usapin sa pagdaragdag ng anak ang pangunahing
itinuturo sa teoryang ito.Sinasabi dito na ang
pagdaragdag ng anak ay kinakailangang pinag-uusapan
ng mga magulang.
Democratic Transition

Ang teoryang ito ay tumatalakay sa kaugnayan ng dami


ng ipinanganganak sa kaugnayan ng dami ng
ipinanganganak at dami ng namamatay.
Isinasaad dito na kailangang matukoy ang proporsisyon
Ng namamatay at isinisilang.Ang lahat ng mga bansa sa
daigdig ay kailangang dumaan sa apat na yugto ng
demographic transition.
Mga Suliranin kaugnay ng Populasyon
1.Pabahay
2.Pagkain
3.Edukasyon
4. Kalusugan
5. Hanapbuhay
Lakas-Paggawa

 Ito ay tumutukoy sa mga taong may mga


kasanayan,lakas, at kakayahan upang makibahagi sa
mga produktibong gawaing pang-ekonomiya.
 Ito ay binubuo ng mga taong may edad na 15 pataas
at may sapat nang kakayahan upang lumahok sa
gawaing pang-ekonomiya.
 54.6 bahagdad ang nasa edad na 15 taong gulang
hanggang 64.
Yamang Pisikal
Ang yamang-pisikal ay binubuo ng mga
estruktura,kagamitan, at kasangkapang gawa ng tao
na nakatutulong sa kaniyang pang-araw-araw na
pamumuhay.
Capital Goods ay tumutukoy sa mga makinarya at
kagamitan na kailangan ng isang Negosyo o ahensiya
upang lumikha ng iba pang kalakal at paglilingkod.
Kabilang dito ang mga makinaryang gumagawa ng
enerhiya,mga kagamitan sa opisina, elektroniks,
De koryenteng makina , kagamitang
pantrasportasyon, at kagamitang
pampropesyonal,siyentipiko, at potograpiya.
Depresasyon –ang tawag sa unti-unting pagkaluma
at pagkasira ng mga yamang-pisikal.
 Ito ang dahilan kung bakit kailangan ang
pamumuhunan o pangangapital upang mapanatiling
buhay ang proseso ng produksiyon.
Mga Uri ng Yamang PIsikal
1.Public Works and Highways
Ang mga kalsada ay nakakatulong sa pagpapapunlad
ng ekomomiya.
Transportasyon at Komunikasyon
Mga Gamit ng Yamang PIsikal
1.Ang mga gusaling pambahay ay ginagamit upang may
matuluyan at matulugan ang mamamayan.
2. Ang mga gusaling komersiyo ay ginagamit bilang
tindahan,opisina, at bangko samantalang ang mga
gusaling pang-industriya ay ginagamit bilang planta.
3. Ang mga daan at tulay ang nagpapagaan ng
trasportasyon.
Mga Gamit ng Yamang PIsikal
4. Ang sistemang pantubig ay nakatutulong upan
maging sagana at patuloy ang suplay ng tubig sa mga
sakahan.

5. Ang mga planta ng elektrisidad ang nagsusuplay ng


koryente na kinakailangan sa pamumuhay at
produksiyon.
Gawain 1`:Isagawa ang hinihingi sa bawat bilang.
Ibahagi ang kaisipan at saloobin kaugnay sa lawak ng likas na yaman at kung
paano ito nahaharap sa ilang mga suliraning pangkapaligiran sa
kasalukuyan.Punan ng mga detalye ang dayagram sa ibaba gamit ang mga
natutuhan sa aralin.
Mga suliraning Pangkapaligiran Mga Mungkahing Solusyon

1.

2.

3.

4.

5.
Gawain 2 :Isagawa ang hinihingi sa bawat bilang.
Itala ang mga yamang-pisikal na ginagamit sa araw-araw at ang
kapakinabangan ng mga ito.
Yamang-Pisikal Kapakinabangan
1.

2.

3.

4.

5.

You might also like