You are on page 1of 3

Social Studies

Aralin 2
PINAGKUKUNANG-YAMAN- tumutukoy sa mga bagay na maaring gamitin sa PAGBUO o
PAGLIKHA ng mga produkto at serbisyo na makatutugon sa kagustuhan ng tao; may
tatlong uri:
1. YAMANG LIKAS- yamang nagmumula sa KALIKASAN; matatabang lupain, mayamang
deposito ng mineral, malawak na dagat at iba’t ibang uri ng halaman at hayop
- Ex: lupa, tubig, kagubutan, enerhiya at mineral
2. YAMANG LUPA- 300,000 kilometro kuwadrado (kabuuang sukat ng lupain sa
Pilipinas); binubuo ng iba’t ibang anyong lupa tulad ng kabundukan, kapatagan,
burol, talampas at mga pulo; ang ating mga lupain at nauuri bilang ALIENABLE and
DISPOSABLE at forest land- mga lupaing maaring ipagbili, ipamana, ipamahagi at
ariin ng isang pribadong indibidwal
- Alienable at Disposable Land – 14 208 000
- Forest Land – 15 792 000; kabuuan: 30 000 000
3. YAMANG GUBAT- 15.79 milyong ektarya ang SUKAT ng ating kagubatan (52.6%)
mula sa 30 000 000
- KAGUBATAN- isang MAHALAGANG yaman ng ating bansa; nagpapanatili ng
BALANSENG EKOLOHIKAL sa ating kapaligiran
4. YAMANG TUBIG
- PILIPINAS- kabilang sa CORAL TRIANGLE; nagtataglay ng mayaman at
masaganang mga coral reef at mangrove; mga suliranin sa tuluyang pagkasira ng
ating yamang tubig:
a. PAGKASIRA NG MGA CORAL REEF- mga maling paraan ng pangingisda tulad
ng Trawl Fishing, Coral Mining, Cyanide Fishing at Muro-ami fishing ang mga
dahilan nito
b. POLUSYON- walang humpay na pagtatapon ng BASURA at INDUSTRIAL WASTE
sa mga ilog at dagat ang dahilan nito
c. PANINIRAHAN SA MGA TABING ILOG AT LAWA- ito ang dahilan sa pagtuloy
ng PAGDAMI ng mga basurang itinatapon dito
5. YAMANG ENERHIYA- tumutukoy sa LAKAS na ginagamit upang mapagana o
mapaandar ang iba’t ibang industriya; mga pinagkukunan ng enerhiya:
a. HYRDROPOWER- enerhiyang nagmumula sa YAMANG TUBIG; nagproprodyus ng
elektrisidad sa pamamagitan ng TURBINE; ex: Maria Christina Falls
b. SOLAR- enerhiyang nagmumula sa INIT ng ARAW; ginagamitan ng SOLAR PANEL
c. GEOTHERMAL- enerhiyang nanggagaling sa init mula sa ILALIM ng LUPA
- ex: Geothermal Plant sa Tiwi, Albay
d. WIND- enerhiyang nagmumula sa HANGIN at nililinang sa pamamagitan ng mga
WINDMILL
- Ex: Bangui Windmills sa Ilocos Norte
e. COAL- enerhiyang nanggagaling sa mga sinusunog na COAL (isang uri ng FOSSIL
FUEL)
 Ang YAMANG ENERHIYA ay may mahalagang kontribusyon sa PAGPAPATAKBO ng
INDUSTRIYA sa bansa. Ito ay may malaking ambag sa larangan ng PRODUKSIYON sa
pamamagitan ng pagsu-suplay ng KORYENTE. Nakakatulong din MAPAGAAN at
MAPADALI ang ating mga gawain sa araw-araw.
6. YAMANG MINERAL- mahalaga dahil ito ang PINAGMUMULAN ng mga HILAW na
materyales na kakailanganin sa paglikha ng ilang produkto; nagkakaloob ng
HANAPBUHAY sa pamamagiitan ng PAGMIMINA; ito rin ay isang NON-RENEWABLE
RESOURCE (ang SOBRANG paggamit nito ay maaring humantong sa tuluyang
PAGKAWALA at PAGKAUBOS nito)
- BAKAL, TANSO, PILAK at NIKEL- mga METAL na mineral; maaring gamitin sa
PAGBUO ng mga bagay tulad ng MAKINARYA
- MARBLE at DIAMANTE- DI-METAL; maaring gamitin sa paggawa ng DEKORASYON,
bahagi ng BAHAY at ALAHAS
- GAS at PETROLYO- PANG-ENERYHIYA; ginagamit sa sector ng TRANSPORTASYON
7. YAMANG TAO
- TAO- itinuturing na PANGUNAHING salik sa pagpapatakbo ng ekonomiya ng buong
bansa
- Mawawalan ng SAYSAY o HALAGA ang saganang likas na yaman ng bansa kung
wala ang tao na siyang lilinang ar magpapaunald nito
- Ang tao din ang siyang bumubuo o gumagawa ng mga YAMANG KAPITAL
- POPULASYON- BILANG o DAMI ng taong naninirahan sa isang lugar; mahalagang
pag aralin ito sapagkat ang resulta ng pag aaral nito ay maaring gamitin ng
pamahalaan sa pagbuo ng mga PROGRAMA at PATAKARAN
- 94 013 200- ayon National Statistics Office (NSO) ito ang populasyon ng
Pilipinas noong 2010; 47 263 600 ay LALAKI at 46 749 600 ay BABAE; ang
isang MALAKING populasyon ay may MABUTI at MASAMANG epekto sa isang
ekonomiya; masamang epekto: PAGKAUBOS ng likas na yaman; mabuti: kung ang
nakararami sa populasyon ay KABILANG sa lakas paggawa na siyang LILINANG at
LILIKHA ng mga produkto at serbisyo
8. YAMANG KAPITAL- mga bagay na NALIKHA ng TAO na maaring gamitin sa paggawa
ng iba’t ibang produkto; ex: makinarya, sasakyan, planta etc.
- Nakatutulong upang MAPABILIS ang pangangalap, pagpoproseso at paglinang ng
mga hilaw na materyales mula sa yamang likas
- Pangunahing suliranin: DEPRECIATION- PAGBABA ng halaga nito sa paglipas ng
panahon

You might also like