You are on page 1of 4

Ang mga Suliranin at HamongPangkapaligiran

1. Suliranin sa Solid Waste


Solid Waste - Tumutukoy ang solid waste sa mga basurang nagmula sa mga tahanan at komersyal na
establisimyento, mga basura na nakikita sa paligid, mga basura na nagmumula sa sektor ng agrikultura at iba
pang basurang hindi nakakalason (Official Gazette, 2000).

Ilan sa mga dahilan sa pagkakaroon ng problema sa Solid Waste ng Pilipinas


 Kawalan ng disiplina sa pagtatapon ng Basura
 Kulang sa pagpapatupad ng proper waste segregation
 Pamamaraan sa pagtatapon ng Electronic Waste

Republic Act 9003


- Kilala bilang Ecological Solid Waste Management Act of 2000.
- Legal na batayan sa iba’t ibang desisyon at proseso ng pamamahala ng solid waste sa bansa (Official
Gazette, 2000)
- Pagtatatag ng National Solid Waste Management Commission at ng National Ecology Center
- Pagtatatag ng Materials Recovery Facility
- Pagsasaayos ng mga tapunan ng basura

Materials Recovery Facility (MRF)


- Dito isinasagawa ang waste segregation bago dalhin ang nakolektang basura sa mga dumpsite

Mayroon ding suporta na nanggagaling sa mga NGO upang mabawasan ang suliranin sa solid waste sa
Pilipinas. Ilan sa mga ito ay sumusunod:
 Mother Earth Foundation - tumutulong sa pagtatayo ng MRF sa mga barangay.
 Clean and Green Foundation- kabahagi ng mga programa tulad ng Orchidarium and Butterfly Pavilion,
Gift of Trees, Green Choice Philippines, Piso Para sa Pasig, at Trees for Life Philippines(Kimpo, 2008).
 Bantay Kalikasan – paggamit ng media upang mamulat ang mga mamamayan sa suliraning
pangkapaligiran. Nanguna sa reforestation ng La Mesa Watershed at sa Pasig River Rehabilitation
Project.
 Greenpeace – naglalayong baguhin ang kaugalian at pananaw ng tao sa pagtrato at pangangalaga sa
kalikasan at pagsusulong ng kapayapaan

National Solid Waste Management Commission - ang nangangasiwa sa pagpapatupad ng mga plano sa
pamamahala ng mga basura o ang tinatawag na Solid Waste Management (SWM) Plan.

14 na ahensya na tumutulong sa pangangasiwa sa SWM Plan:

 Department of Environment and Natural Resources (DENR)


 Department of Science and Technology (DOST)
 Department of Public Works and Highways (DPWH)
 Department of Health (DOH)
 Department of Trade and Industry (DTI)
 Department of Agriculture (DA)
 Department of Interior and Local Government (DILG)
 Philippine Information Agency (PIA)
 Metro Manila Development Authority (MMDA)
 Technical Education and Skills Development Authority (TESDA)
 Liga ng mga Lalawigan
 Liga ng mga Lungsod
 Liga ng mga Munisipyo
 Liga ng mga Barangay
2. Pagkasira ng mga Likas na Yaman

Paghahawan ng Kagubatan o Deforestation


- tumutukoy sa matagalan o permanenteng pagkasira ng kagubatan dulot ng iba’t ibang gawain ng tao o
ng mga natural kalamidad (FAO, 2010).

Sa ulat na pinamagatang Status of Philippine Forests ( 2013) ay inisa-isa nito ang mga dahilan at epekto ng
deforestation sa Pilipinas. Ito ay ang sumusunod:
Gawain Epekto
Illegal logging  Pagbaha
- Ilegal na pagputol sa mga puno  Soil Erosion
sa kagubatan. Ang kawalan ng  Pagkasira Ng Tahanan Ng Mga Ibon At Hayop
ngipin sa pagpapatupad ng mga
batas sa illegal logging sa
Pilipinas ang nagpapalubha sa
suliraning ito.
Migration – paglipat ng pook  Nagsasagawa ng kaingin (slash-and-burn farming) ang mga
panirahan. lumilipat sa kagubatan at kabundukan na nagiging sanhi ng
pagkakalbo ng kagubatan at pagkawala ng sustansya ng
lupain dito.

Mabilis na pagtaas ng  Ang mabilis na pagtaas ng populasyon ng Pilipinas ay


populasyon nangangahulugan ng mataas na demand sa mga
pangunahing produkto kung kaya’t ang mga dating kagubatan
ay ginawang plantasyon, subdivision, paaralan, at iba pang
imprastruktura.
Fuel wood harvesting  Ang mataas na demand sa uling at kahoy ay nagiging dahilan
-paggamit ng puno bilang ng pagputol ng mga puno sa kagubatan.
panggatong. Isang halimbawa ay
ang paggawa ng uling mula sa
puno.
Ilegal na Pagmimina  Apektado ang kagubatan sa pagmimina dahil kadalasang dito
natatagpuan ang deposito ng mga mineral tulad ng limestone,
nickel, copper, at gold. Kinakailangang putulin ang mga puno
upang maging maayos ang operasyon ng pagmimina.
Nagdudulot din ng panganib sa kalusugan ng tao at ng iba
pang nilalang sa kagubatan ang mga kemikal na ginagamit sa
pagpoproseso ng mga nahukay na mineral. Ayon sa DENR,
mayroong 23 proyekto ng pagmimina ang matatagpuan sa
kabundukan ng Sierra Madre, Palawan, at Mindoro.

Mga Programa at Pagkilos Upang Mapangalagaan ang Yamang Likas


Mga Batas Tungkol sa Pagmimina:
Philippine Mining Act
 Ito ay naisabatas noong 1995 upang makapagbigay ng makabuluhang panlipunan at pangkapaligirang
kaligtasan mula sa pagmimina kasama ang obligasyon ng mga industriyang nagsasagawa nito. Ang
batas na ito ay nilikha upang masubaybayan ang operasyon ng pagmimina sa buong bansa kasabay
ng pangangalaga sa kalikasan.
Executive Order No. 79
 Ipinatupad ito upang mapagtibay ang proteksiyong pangkapaligiran, masuportahan ang responsableng
pagmimina, at makapagbigay ng karampatang revenue-sharing scheme kasabay ng paglago ng
industriya ng pagmimina.
Philippine Mineral Resources Act of 2012
 Layunin nitong ayusin ang mga makatuwirang pananaliksik sa pagmimina, at masubaybayan ang
paggamit ng mga yamang mineral. Tinitiyak nito ang pantay- pantay na benepisyong maibibigay ng
pagmimina sa estado ng Pilipinas, sa mga katutubo, at sa mga lokal na komunidad.

3. Climate Change
 Ayon sa Climate Change at Pagpapalayan (2014), “ang ay ang abnormal na pagbabago ng klima tulad
ng pag-init o paglamig ng temperatura, at tuluy-tuloy at malakas na pag-ulan sa isang lugar”.

Republic Act No. 9729 na kilala bilang Climate Change Act of 2009
- Nakasaad sa batas na ito ang pagbalangkas ng pamahalaan ng mga programa at proyekto, mga plano
at estratehiya, mga patakaran, ang paglikha ng Climate Change Commission at ang pagtatatag ng
National Framework Strategy and Program on Climate Change.

Philippine Task Force on Climate Change (PTFCC)


- binuo upang pagaanin ang masamang epekto ng climate change at magsagawa ng isang mabilis na
pagsusuri ng mga epekto nito sa bansa.

United Nations Development Programme (UNDP)


International Monetary Fund (IMF)
Climate Change Commission (CCC)

You might also like