You are on page 1of 16

Mga Suliranin at Hamong

Pangkapaligiran
Presentation made By Group 2
Kapaligiran
Ang ating kapaligiran ay isang napakayaman at napakagandang biyaya na ating

natanggap mula sa Panginoon, Isang biyaya kung saan ay patuloy nating ginagamit

at napapakinabangan. Subalit kasabay nito ay ang unti-unting pagkasira at

pagkaubos ng ganda at biyaya na ating nakukuha mula rito. Sa ating kapaligiran

nakukuha ang mga pangunahin nating pangangailangan at nagbibigay ng

hanapbuhay para sa maraming Pilipino.


Sa patuloy na paggamit nito ay unti-unting naabuso ang ating kalikasan
na marami sa atin ay hindi namamalayan. Ito ang dahilan ng
pagkakaroon ng mga suliranin at hamong pangkapaligiran. Sa
kasalukuyan patuloy tayo nakakaranas ng mga kalamidad dulot ng
kalikasan kung saan ito ay nagbubunga ng malaking pinsala sa buhay at
ari-arian ng mga tao.
Ang likas na yaman ay napakahalaga para sa atin, so Ekonomiks natutunan mo na isa
ang likas na yaman sa mga salik ng produksyon. Mahalaga ito dahil dito kumukuha ng
mga hilaw na materyales upang gawing produkto at pinagmumulan din ng iba't ibang
hanapbuhay. Sa katunayan, humigit kumulong sa 65 milyong Pilipino ang umaasa sa
likas na yaman para mabuhay, Ilan sa mga pangunahing hanapbuhay nila ay pagsasaka
at pangingisda na bumubuo sa halos 20% ng Gross Domestic Product (GDP) ng
Pilipinas noong 2004. Kasama din dito ang 1.4% mula sa yamang gubat at 21% mula
sa pagmimina
Ang likas na kagandahan ng Pilipinas ay isa sa mga dahilan kung bakit ang turismo ay
nagbibigay ng trabaho sa mga Pilipino. Ngunit sa kabila nito ay tila hindi nabibigyang
halaga ang pangangalaga sa ating kalikasan. Sa kasalukuyan ay malaki ang suliranin at
hamang kinakaharap ngating bansa dulot sa pang-aabuso at pagpapabaya ng tao sa
kalikasan. Ang kapabayaang ito ay nagpapalala sa mga natural na kaganapan tulad ng
pagkakaroon ng malalakas na bagyo, pagguho ng lupa at malawakang pagbaha. Sa hull,
ang mga mamamayang umaasa sa kalikasan para mabuhay ang siya ring nakararanas
ng hindi mabuting epekto sa iba't ibang aspekto ng pamumuhay.
Suliranin sa Solid Waste
Tumutukoy ang solid waste sa mga basurang nagmula sa mga tahanan at komersyal
na establisimyento, mga basura na nakikita sa paligid, mga basura na nagmumula
sa sektor ng agrikultura at iba pang basurang hindi nakakalason (Official Gazette,
2000). Ayon sa pag-aaral ni Oliveira at mga kasama (2015), ang Pilipinas ay
nakalikha ng 39.422 tonelada ng basura kada araw noong taong 2015 Halos 25% ng
mga basura ng Pilipinas ay nanggagaling sa Metro Manila kung saan ang isang tao
ay nakalilikha ng 0.7 kilong basura araw-araw. Mas mataas ito ng 130% kaysa sa
world average (National Solid Waste Management,2016), Ang malaking bahagdan
ng itinatapong basura ng mga Pilipino ay mula sa mga tahanan na mayroong 56.7%.
Samantalang pinakamalaki naman sa uri ng tinatapong basura ay iyong tinatawag
na bio-degradable na may 52.31% (National Solid Waste Management Status
Report 2015).
Mayroong iba't ibang dahilan kung bakit may problema ong Pilipinas sa solid waste.
Isa na rito ang kawalan ng disiplina sa pagtatapon ng basura. Tinatayang 1500
tonelada ng basura ang itinatapon sa mga ilog, estero, kalsada, bakanteng lote, at
sa Manila Bay no lalong nagpapalala sa pagbaho at paglaganap ng mga insekto na
nagdudulot naman ng iba't iba
•Mother Earth Foundation- tumutulong sa pagtatayo ng MRF sa mga barangay.

•Clean and Green Foundation- kabahagi ng mga programa tulad ng Orchidarium and
Butterfly Pavilion, Gift of Trees, Green Choice Philippines, Piso Para sa Pasig,

•Bantay Kalikasan-paggamit ng media upang mamulat ang mga mamamayan sa suliraning


pangkapaligiran. Nanguna sa reforestation ng La Mesa Watershed at sa Pasig River
Rehabilitation Project.

•Greenpeace - naglalayong baguhin ang kaugalian at pananaw ng tao sapagtrato at


pangangalaga sa kalikasan at pagsusulong ng kapayapaan
Sa kabila ng mga nabanggit na batas at programa ay nananatili pa rin ang mga
suliranin sa solid waste sa Pilipinas Sa kasalukuyan, ang pinakamalaking hamon ay
ang pagpapatupad ng batas at pagbabago ng pag-uugali ng mga Pilipino sa
pagtatapon ng basura. Nangangailangan pa nang mas malawak na suporta at
pagtutulungan ng iba't ibang sektor upang tuluyang mabigyan ng solusyon ang
suliraning ito dahil ang patuloy na paglala nito ay lalong magpapabigat sa iba pang
suliraning pangkapaligiran na ating nararariasan
Pagkasira ng mga Likas na Yaman
Ang Pilipinas ay isa mga bansa na biniyayaan ng maraming likas na yaman.
Tinatayang 15% ng kabuuang kita ng Pilipinas noong 2010 ay kita mula sa direktang
paggamit ng mgo likas na yaman, halimbawa nito ay ang pagtatanim at
pangingisda. Mahalaga din ang likas na yaman bilang sangkap sa paggawa ng
produkto na ginagamit sa iba't ibang sektor tulad ng industriya at paglilingkod,
halimbawa, ang mga computer, sasakyan. makina, at pagkain ay naggawa mula sa
mga likas na yaman. Tunay na napakahalaga ng likas na yaman sa ekonomiya ng
isang bansa. Sa kasalukuyan, patuloy na nasisira at nauubos ang likas na yaman ng
Pilipinas dahil sa mapang-abusong paggamit nita, tumataas na demand ng
lumalaking populasyon, hindi epektibong pagpapatupad ng mga programa at batas
para sa pangangalaga sa kalikasan, at mga natural na kalamidad. Matutunghayan sa
susunod na bahagi ng aralin ang mga kalagayan ng ilan sa mga likas na yaman ng
ating bansa.
Gawain Epekto
Ang walang habas na pagputol ng
Illegal logging legal no puno ay nagdudulot ng iba't ibang
pagputol sa mga puno sa suliranin tulad ng pagbaha, soil
kagubatan. Ang kawalan ng erosion, at pagkasira ng tahanan ng
ngipin sa pagpapatupad ng mga ibon at hayop. Sa katunayan
mga batas sa illegal logging sa noong 2008 ay mayroong 221species
ng fauna at 526 species ng flora ang
Pilipinasang nagpapalubha sa naitala sathreatened list (National
suliraning ito. Economic Development Authority,
2011)
Climate Change
Sa 2016 edisyon ng Global Climate Risk Index (Sonke, Eckstein, Dorsch, & Fischer, 2015),
naitala ang Pilipinas bilang pang-apat sa sampung bansa na pinakanaapektuhan ng Climate
Change. Ito ay dahil mas lumalakas, dumadalas, at nagiging unpredictable ang pagkakaroon
ng mga natural na kalamidad tulad ng bagyo, pagbaha, at malalakas na ulan na nararanasan
sa Pilipinas dahil sa climate change. Ano nga ba ang Climate Change? Ayon sa
Intergovernmental Panel on Climate Change (2001), "Climate change is a statistically
significant variation in either the mean state of the climate or in its, variability, persisting for
an extended period (typically decades or longer). It may be due to natural internal processes
or external forcing, or to persistent anthropogenic changes in the composition of atmosphere
or in land use. Sinasabi na kahulugan na ang climate change ay maaaring isang natural na
pangyayari o kaya ay maaari ding napabibilis o napapalala dulot ng gawin ng tao. Isa sa
sinasabing dahilan nito ay ang patuloy na pag-init ng daigdig a global warming dahil sa
mataas na antas ng konsentrasyon ng carbon dioxide na naipon sa atmosphere. Nanggagaling
ito mula sa usok ng pabrika, mga iba't ibang industriya, at pagsusunog ng mga kagubatan.
Suliranin sa Yamang Gubat
Pagkasira ng mga Likas na Yaman
Ang Pilipinas ay isa mga bansa na biniyayaan ng maraming likas na yaman.
Tinatayang 15% ng kabuuang kita ng Pilipinos noong 2010 ay kita mula sa direktang
paggamit ng mga likas na yaman, halimbawa nito ay ang pagtatanim at
pangingisda. Mahalaga din ang likas na yaman bilang sangkap sa paggawa ng
produkto na ginagamit sa iba't ibang sektor tulad ng industriya at paglilingkod,
halimbawa, ang mga computer, sasakyan. makina, at pagkain ay naggawa mula sa
mga likas na yaman. Tunay na napakahalaga ng likas na yaman sa ekonomiya ng
isang bansa. Sa kasalukuyan, patuloy na nasisira at nauubos ang likas na yaman ng
Pilipinas dahil sa mapang-abusong paggamit nito, tumataas na demand ng
lumalaking populasyon, hindi epektibong pagpapatupad ng mga programa at batos
para sa pangangalaga sa kalikasan, at mga natural na kalamidad Matutunghayan sa
susunod na bahagi ng aralin ang mga kalagayan ng ilan sa mga likas na yaman ng
ating bansa.
To be continued…
Further research will be provided and more info will be added

You might also like