You are on page 1of 4

SELF-LEARNING MATERIAL 3

ARALING PANLIPUNAN
Grade 10

Pangalan: ________________________________________ Petsa: _____________


Paaralan: ________________________________________

KOMPETENSI:
Natatalakay ang kalagayan, suliranin at pagtugon sa isyung pangkapaligiran ng Pilipinas
AP10KSP-lc-3
PAGTATALAKAY:

Ang Isyung Pangkapaligiran (Environmental Issues) ay tumutukoy sa mga problema sa


mga sistema ng planeta (hangin, tubig, lupa, atbp.) na resulta ng pagkagambala o pagkamaltrato
ng tao sa planeta. Ang pagkilos para sa pangangalaga ng kapaligiran ay nagsisimula sa pag-
unawa sa mga sanhi at bunga ng suliranin at hamong nararanasan natin sa kasalukuyan. Ang
mga sanhi ng mga suliranin sa ating kapaligiran ay maaaring dulot ng natural na pangyayari o
gawain ng tao.

Ang Likas na Sakuna (Natural Disaster) ay isang sakuna na sanhi ng mga puwersa ng
kalikasan, kaysa sa mga puwersa na gawa ng tao. Ang mga kalamidad ay nagdudulot ng
malaking pinsala sa kapaligiran, ari- arian, kalusugan at mga tao sa lipunan. Ilan sa mga
kalamidad na nararanasan ng Pilipinas ay bagyo, baha, lindol, landslide, flashflood, pagputok ng
bulkan at storm surge. May mga Natural na Penomena rin na nararanasan ng ating bansa. Ang El
Niño ay ang pagkaranas ng matinding tagtuyot na nagiging sanhi ng problemang pangkabuhayan,
lalo na ng mga bansang agrikultural. Kabaliktaran nito ang La Niña na pagkakaroon ng matinding
pag-ulan na nagiging sanhi rin ng pagbaha. Ang lahat ng ito ay maaaring mas maging masidhi pa
dulot ng mga gawain ng tao.

CLIMATE CHANGE
Ang Climate Change ay maaaring isang natural na pangyayari o kaya ay maaari ding
napabibilis o napapalala dulot ng gawain ng tao. Sa 2016 edisyon ng Global Climate Risk, naitala
ang Pilipinas bilang pang-apat sa sampung bansa na pinakanaapektuhan ng Climate Change.
Patunay nito ang madalas at matagalang kaso ng El Niño at La Niña, pagkakaroon ng malalakas
na bagyo, malawakang pagbaha, pagguho ng lupa, tagtuyot, at forest fires. Pinangangambahan
ding malubog sa tubig ang ilang mabababang lugar sa Pilipinas dahil sa patuloy na pagtaas ng
sea level. Lumiliit ang produksiyon ng sektor ng agrikultura dahil sa pagkasira ng mga kalsada,
bodega, mga kagamitan sa pagtatanim at pag-aani, irigasyon, pagkawasak ng mga palaisdaan, at
pagkamatay ng mga magsasaka at mangingisda. Nagiging mataas din ang bilang ng mga
nagiging biktima ng sakit tulad ng dengue dahil sa pabago-bagong panahon. Mayroon ring ilang
mga mamamayan ang napipilitang lumikas dahil nasira ng bagyo, natabunan ng lupa o nakain ng
dagat ang kanilang mga tahanan.
Isa sa mga nagpapabilis sa Climate Change ay ang Greenhouse Gases (GHGs) katulad ng
Chlorofluorocarbon (CFCs) na nasa plastics, air sprays at refrigerator. Upang matugunan ang
hamong ito, kailangan ang pagkilos ng bawat tao. Sumuporta at sumali sa mga usapin ukol sa
climate change. Maging responsable at huwag magsunog ng plastik. Maging matipid sa enerhiya.
Huwag magsunog ng kahoy bagkos magtanim nito at gumamit ng biofuels.

PAGKASIRA NG LIKAS NA YAMAN


Ang Pilipinas ay isa mga bansa na biniyayaan ng maraming likas na yaman. Tinatayang
15% ng kabuuang kita ng Pilipinas noong 2010 ay kita mula sa direktang paggamit ng mga likas
na yaman. Sa kabila ng kahalagahan, pinangangambahan na maubos o masira ang kagubatan ng
Pilipinas kung magpapatuloy ang deforestation. Ayon sa Food and Agriculture Organization ng
United Nations, ang Deforestation ay tumutukoy sa matagalan o permanenteng pagkasira ng
kagubatan dulot ng iba’t ibang gawain ng tao o ng mga natural na kalamidad. Ang pangkalahatang
epekto ng deforestation ay nararanasan ng mga mamamayan lalo na yaong mga mahihirap na
umaasa lamang sa kagubatan. Ang patuloy na pagliit ng forest cover ay nagpapaliit din sa
pinagkukunan nila ng kabuhayan.

GAWAIN EPEKTO
Illegal logging – Iligal na pagputol Pagbaha, soil erosion, at pagkasira ng tahanan
ng mga puno ng mga ibon at hayop

Migration – Paglipat ng pook Pagkakalbo ng kagubatan at pagkawala ng


panirahan sustansya ng lupain

Mabilis na pagtaas ng populasyonAng mga dating kagubatan ay ginawang


plantasyon, subdivision, paaralan, at iba pang
imprastruktura
Fuel wood harvesting – paggamit Pagputol ng mga puno sa kagubatan
ng puno bilang panggatong

Iligal na Pagmimina Kinakailangang putulin ang mga puno;


nagdudulot ng panganib sa kalusugan ang mga
kemikal na ginagamit.
Sa mga nakalipas na taon ay mayroong iba’t ibang batas, kautusan, programa at proyekto
na isinagawa sa Pilipinas upang mapangalagaan ang kagubatan. Ilan sa mga ito ay ang
reforestation, pagbabawal sa pagputol ng kahoy at pagbabawal sa kaingin. Sa kasalukuyan, isa
sa maituturing na tagumpay ng pagtutulungan ng pamahalaan, pribadong sektor, NGO, at mga
mamamayan ay ang unti-unting pagbuti ng kalagayan ng kagubatan ng Pilipinas. Ayon sa ulat ng
United Nations Food and Agriculture Organization, noong 2015 ay panlima ang Pilipinas sa 234
na bansa na may malawak na lupaing napapanumbalik sa kagubatan.

SOLID WASTE
Ang Solid Waste ay tumutukoy sa mga basurang nagmula sa mga tahanan at komersyal na
establisyimento, mga basura na nakikita sa paligid, mga basura na nagmumula sa sektor ng
agrikultura at iba pang basura. Mayroong iba’t ibang dahilan kung bakit may problema ang
Pilipinas sa solid waste. Isa na rito ang kawalan ng disiplina sa pagtatapon ng basura. Tinatayang
1500 tonelada ng basura ang itinatapon sa mga ilog, estero, kalsada, bakanteng lote, at sa Manila
Bay Pinapalala nito ang pagbaha at paglaganap ng mga insekto na nagdudulot ng iba’t ibang
sakit.
Ang suliranin sa solid waste ay pinagtutulungang solusyunan ng iba’t ibang sektor.
Ipinatupad ng pamahalaan ang Republic Act 9003 o Ecological Solid Waste Management Act of
2000 upang magkaroon ng ligal na batayan sa iba’t ibang desisyon at proseso ng pamamahala ng
solid waste. Resulta ng batas ito ang pagtatayo ng mga Materials Recovery Facility (MRF) kung
saan isasagawa ang waste segregation bago dalhin ang nakolektang basura sa mga dumpsite.
Sa 3R (Reuse, Reduce, Recycle), ang basurang tulad ng bote at plastik ay maaari pang muling
gamitin at mapakinabangan sa ibang paraan. Paghiwa-hiwalayin ang mga basurang nabubulok at
di-nabubulok para mabawasan ang tone-toneladang basura.
Sa kasalukuyan, pinakamalaking hamon ang pagpapatupad ng batas at pagbabago ng
pag-uugali ng mga Pilipino. Nangangailangan pa nang mas malawak na suporta at pagtutulungan
ng iba’t ibang sektor upang tuluyang mabigyan ng solusyon ang suliraning ito dahil ang patuloy na
paglala nito ay lalong magpapabigat sa iba pang suliraning pangkapaligiran na ating nararanasan.

HALIMBAWA PARA SA GAWAIN:


GAWAIN 1: PAGKUMPLETO SA TALAHANAYAN NG IMPORMASYON
PANUTO: Punan ang talahanayan ng tamang impormasyon ukol sa isyung pangkapaligiran. Ayusin ang
mga ginulong letra upang makuha ang SULIRANIN sa unang hanay. Ang ikalawang hanay ay ang
KALAGAYAN NG PILIPINAS dulot ng nasabing suliranin. Ang ikatlong hanay ay SOLUSYON o
PAGTUGON sa nasabing isyu. Magbigay ng tig-dadalawang (2) sagot sa ikalawa at ikatlong hanay.

SULIRANIN KALAGAYAN NG SOLUSYON O PAGTUGON


PILIPINAS
BALOLG NAMRIWG
Sobrang init sa tag-init Pagbawal sa paggamit ng CFCs
GLOBAL WARMING May peligro sa kalusugan Pagbawal sa pagsusunog ng basura
GAWAIN 2: PAGKUMPLETO SA SANAYSAY
PANUTO: Kumpletuhin ang sanaysay upang masagot ang mga sumusunod na tanong:
(a) Ano ang isa sa mga isyung pangkapaligiran na nararanasan sa Pilipinas?
(b) Paano mo nasasabing ito ay isang suliranin?
(c) Paano masosolusyonan ang isyu?

Ang POLUSYON ay isang masamang pagbabago sa ating kapaligiran dulot ng gawain


ng tao. Dahil sa hindi tamang pagtapon ng basura at kapabayaan ng tao, nagiging
KONTAMINADO ang ating hinihingang hangin, sinasakang lupa at iniinom na tubig. Ito ay
napaka-peligroso sa ating KALUSUGAN. Isa ang Pilipinas sa pinakanaaapektuhan ng
polusyon. Kung gusto nating masolusyonan ito, kailangan ng KOOPERASYON ng bawat isa.
Mahalaga ang tamang pagtatapon nang basura. Lahat ay dapat sumunod sa batas at
alituntunin sa pagtapon ng BASURA. Indibidwal man o pabrika’t negosyo ay dapat maging
responsable sa kanya-kanyang basura.
ACTIVITY FOR SELF-LEARNING MATERIAL 3
ARALING PANLIPUNAN
Grade 10

Pangalan: ________________________________________ Petsa: ________________


Paaralan: ________________________________________ Iskor: _______________

KOMPETENSI:
Natatalakay ang kalagayan, suliranin at pagtugon sa isyung pangkapaligiran ng Pilipinas
AP10KSP-Ic-3

GAWAIN 1: PAGKUMPLETO SA TALAHANAYAN NG IMPORMASYON


PANUTO: Punan ang talahanayan ng tamang impormasyon ukol sa isyung pangkapaligiran. Ayusin ang
mga ginulong letra upang makuha ang SULIRANIN sa unang hanay. Ang ikalawang hanay ay ang
KALAGAYAN NG PILIPINAS dulot ng nasabing suliranin. Ang ikatlong hanay ay SOLUSYON o
PAGTUGON sa nasabing isyu. Magbigay ng tig-dadalawang (2) sagot sa ikalawa at ikatlong hanay. (2
PUNTOS BAWAT TAMANG SAGOT. 20 KABUUANG PUNTOS)

SULIRANIN KALAGAYAN NG PILIPINAS SOLUSYON O PAGTUGON


LCAIMET
CAHGEN _____________________________ _____________________________
_____________________________ _____________________________
_______________
_
DFOTERTNESAIO
_____________________________ _____________________________

_______________ _____________________________ _____________________________


_

GAWAIN 2: PAGKUMPLETO SA SANAYSAY


PANUTO: Kumpletuhin ang sanaysay upang masagot ang mga sumusunod na tanong:
(a) Ano ang isa sa mga isyung pangkapaligiran na nararanasan sa Pilipinas?
(b) Paano mo nasasabing ito ay isang suliranin?
(c) Paano masosolusyonan ang isyu?
(3 PUNTOS BAWAT TAMANG SAGOT. 15 KABUUANG PUNTOS)

Ang Pilipinas ay nakakalikha ng ilang tolenadang basura. Dahil sa basurang


itinatapon kung saan, nababara ang mga kanal at ilog na nagpapalala sa
______________. Dumadami rin ang paglaganap ng insekto na nagdudulot naman
ng iba’t ibang ______________. Huwag itapon kung saan lang ang ating kalat at
______________ ang mga basurang nabubulok at di-nabubulok. Gawing batayan
ang ______________ sa wastong pagtapon ng basura at paggamit ng Materials
Recovery Facility. Ang ______________ management o ang wastong paghihiwalay
at pagtatapon ng basura ay isang hamong dapat nating pagtuunan ng pansin.

You might also like