You are on page 1of 32

MAGANDANG

ARAW!
“Sana All May Balita”
BALIK ARAL
MODYUL
1:
MGA HAMONG
PANGKAPALIGIRA
N
Panimula at Gabay na Tanong

Noong Hunyo 2014, idineklara ng lokal na pamahalaan ng Albay ang zero casualty sa
kanilang lalawigan na isa sa sinalanta ng malakas na bagyong Glenda (Andrade,
2014). Ibig sabihin, sa kabila ng pagtama ng malakas na bagyo, walang namatay sa
ALBA
nasabing probinsiya. Marami ang pumuri sa tagumpay na ito ng mga taga-Albay dahil
Y
kadalasan, nagdudulot ng malawakang pinsala sa buhay at ari-arian ang malalakas
na bagyong nararanasan sa ating bansa. Paano kaya nila ito nagawa? Nagkataon lang
ba o ito ay dulot ng masusi at maayos na paghahanda?

Ang pagiging handa sa pagharap sa mga hamong pangkapaligiran ay mahalaga dahil


sa kasalukuyan itinuturing ang Pilipinas bilang isa sa mga bansang may mataas na
posibilidad na makaranas ng iba’t ibang kalamidad at suliraning pangkapaligiran.

Sa modyul na ito, pagtutunan mo ng pansin ang mga suliranin at hamong


pangkapaligiran na nararanasan sa kasalukuyan. Inaasahan na masagot mo ang
tanong na: Paano mabisang matutugunan ang mga suliranin at hamong
pangkapaligiran?
Pamantayan sa Pagkatuto
Inaasahang makakamit sa modyul na ito ang sumusunod
na pamantayan sa pagkatuto:
Pamantayang Pangnilalaman Pamantayan sa Pagganap

Ang mga mag-aaral ay may pag- Ang mga mag-aaral ay nakabubuo ng


unawa sa mga sanhi at implikasyon angkop na plano sa pagtugon sa
ng mga hamong pangkapaligiran hamong pangkapaligiran tungo sa
upang maging bahagi ng pagtugon na pagpapabuti ng pamumuhay ng tao
makapagpapabuti sa pamumuhay ng
tao
ARALIN 1: Konteksto ng Suliraning Pangkapaligiran
Ang pagkilos para sa pangangalaga ng kapaligiran ay nagsisimula sa pag-unawa
sa mga sanhi at bunga ng suliranin at hamong nararanasan natin sa kasalukuyan.
Tatalakayin sa araling ito ang kalagayang pangkapaligiran ng Pilipinas at ang
pagtugon na ginagawa upang ito ay mabigyan ng solusyon

ALAMIN

Bago tuluyang tuklasin ang hamong pangkapaligiran na kinakaharap ng


sangkatauhan, subukin muna ang iyong kaalaman tungkol sa paksa sa pamamagitan
ng pagganap sa mga inihandang gawain sa bahaging ito.

Pagtuunan ng pansin ang iyong paunang sagot sa Gawain 2 upang makita mo ang
pag-unlad ng iyong kaalaman at pag-unawa sa mga paksang tatalakayin sa modyul
na ito.
Gawain 1.“Sa Gitna ng Kalamidad”
Makibahagi sa gawain na ito sa pamamagitan ng pagsunod sa alituntunin na
ilalahad ng iyong guro. Isabuhay ang mga tauhan na maitatalaga sa iyo.

Ang Barangay Sanipilip ay isang isla na kadalasang nakararaanas ng malakas na


bagyo. Isipin ang hakbang na dapat gawin ng tauhan na naitalaga sa iyo sa
sumusunod na pagkakataon:

a. bago ang bagyo


b. pagtama ng bagyo
c. pagkatapos ng bagyo

Ikaw ay maaaring maitalaga bilang Government Official, pangkaraniwang


mamamayan, miyembro ng isang Non-Government
Pamprosesong mga Tanong:
1.Sa iyong palagay, tama ba ang iyong ginawang aksiyon sa
naganap na kalamidad? Bakit?
2. Bakit may mga pagkakataon na malaki ang pinasalang
dulot
ng mga kalamidad sa buhay at ari-arian?
3.Paano magiging handa ang isang lugar sa pagharap sa mga
kalamidad?
PAUNLARIN
Sa bahaging ito ay inaasahan na mauunawaan mo
ang kaligiran ng mga suliraning pangkapaligiran at
mga pagkilos ng ginagawa para mapangalagaan ang
ating kalikasan. Bilang kabahagi ng komunidad,
mahalagang maging mulat ka sa mga suliraning
pangkapaligirang nararansan sa kasalukuyan.
Simulan mo na ang paglalakbay tungo sa iyong
pagkatuto.
Paksa: Ang mga Suliranin at Hamong Pangkapaligiran

Gaano nga ba kahalaga ang likas na yaman? Natutuhan mo sa pag-aaral ng Ekonomiks na isa
ang likas na yaman sa tinatawag na salik ng produksiyon. Mahalaga ito dahil dito kumukuha ng
mga hilaw na materyales upang gawing produkto at pinagmumulan din ito ng iba’t ibang
hanapbuhay. Sa katunayan, humigit kumulang sa 65 milyong Pilipino ang umaasa sa likas na
yaman para mabuhay. Ilan sa mga pangunahing hanapbuhay nila ay ang pagsasaka at
pangingisda na bumubuo sa halos 20% ng Gross Domestic Product (GDP) ng Pilipinas noong
2014. Kasama din dito ang 1.4% mula sa yamang-gubat, at 2.1% mula sa pagmimina. Ang likas
na kagandahan ng Pilipinas ay isa sa mga dahilan kung bakit ang turismo ay nagbibigay ng
trabaho sa mga Pilipino. Makikita sa mga nabanggit na situwasiyon ang kahalagahan ng likas na
yaman at kalikasan sa ating pamumuhay. Ngunit, sa kabila nito ay tila hindi nabibigyang-halaga
ang pangangalaga sa ating kalikasan. Sa kasalukuyan ay malaki ang suliranin at hamong
kinahaharap ng ating bansa dahil sa pang-aabuso at pagpapabaya ng tao sa kalikasan. Ang
kapabayaang ito ay nagpapalala sa mga natural na kaganapan tulad ng pagkakaroon ng
malalaakas na bagyo, pagguho ng lupa, at malawakang pagbaha. Sa huli, ang mga mamamayang
umaasa sa kalikasan para mabuhay ang siya ring nakararanas ng hindi mabuting epekto sa iba’t
ibang aspekto ng pamumuhay. Ilan sa mga suliranin at hamong pangkapaligiran sa Pilipinas ay
1. Suliranin sa Solid Waste
Tumutukoy ang solid waste sa mga basurang nagmula sa mga tahanan at
komersyal na establisimyento, mga basura na nakikita sa paligid, mga basura na
nagmumula sa sektor ng agrikultura at iba pang basurang hindi nakakalason
(Official Gazette, 2000). Ayon sa pag-aaral ni Oliveira at mga kasama (2013), ang
Pilipinas ay nakalikha ng 39,422 tonelada ng basura kada araw noong taong 2015.
Halos 25% ng mga basura ng Pilipinas ay nanggagaling sa Metro Manila kung saan
ang isang tao ay nakalilikha ng 0.7 kilong basura araw-araw. Mas mataas ito ng
130% kaysa sa world average (National Solid Waste Management,2016). Ang
malaking bahagdan ng itinatapong basura ng mga Pilipino ay mula sa mga tahanan
na mayroong 56.7%. Samantalang pinakamalaki naman sa uri ng tinatapong basura
ay iyong tinatawag na bio-degradable na may 52.31% (National Solid Waste
Management Status Report,2015).

https://www.google.com.ph/search?q=ang+basura+sa+pilipinas
Bahagdan ng pinanggagalingan ng solid waste.
(National Solid Waste Management Status Report, 2015).
Mayroong iba’t ibang dahilan kung bakit may problema
ang Pilipinas sa solid waste. Isa na rito ang kawalan ng
disiplina sa pagtatapon ng basura. Tinatayang 1500 tonelada
ng basura ang itinatapon sa mga ilog, estero, kalsada,
bakanteng lote, at sa Manila Bay na lalong nagpapalala sa
pagbaha at paglaganap ng mga insekto na nagdudulot naman
ng iba’t ibang sakit. Bagama’t ipinagbabawal, madami pa rin
ang nagsusunog ng basura na nakadaragdag sa polusyon sa
hangin. Nadaragdagan din ang trabaho ng mga waste
collector dahil kailangan nilang magsagawa ng waste
segregation bago dalhin ang mga nakolektang basura sa
dumpsite, problemang maaari sanang maiwasan kung
mahigpit na ipinatutupad sa mga kabahayan at mga
pampublikong lugar ang waste segregation. https://mypuntodebista.wordpress.com
https://www.google.com.ph/search?q=ang+basura+sa+pilipinas
Samantala, ang mga dumpsite sa Pilipinas, partikular sa
Metro
Manila, ay nagdudulot din ng panganib sa mga naninirahan dito. Sa
ulat na pinamagatang The Garbage Book (Asian Development Bank,
2004) ang leachate o katas ng basura mula sa Rodriguez at Payatas
dumpsite na dumadaloy patungo sa ilog ng Marikina at Ilog Pasig
hanggang sa Manila Bay ay nagtataglay ng lead at arsenic na
mapanganib sa kalusugan ng tao. Panganib din ang dulot ng
pamumulot ng basura sa kalusugan at buhay ng halos 4,300 na waste
pickers sa mga dumpsite sa Metro Manila at sa maraming iba pa na
pakalat-kalat at nagkakalkal sa mga tambak ng basura. Apektado din
ang pag-aaral ng mga kabataang waste pickers bukod pa sa
posibilidad na sila ay magkasakit, maimpluwensiyahan na gumawa
ng ilegal na gawain, o kaya ay mamatay. Matatandaan na ipinasara
ang Payatas dumpsite matapos ang trahedya na naganap noong
Hulyo 2000 kung saan maraming bahay ang natabunan nang gumuho
ang bundok ng basura dahil sa walang tigil na ulan. Nasundan pa ito
ng sunog na ikinamatay ng 205 katao.
https://
Isa pang lumalaking suliranin ng Pilipinas ay ang tamang pagtatapon ng electronic
waste o e-waste tulad ng computer, cellphone, at tv. Lumabas sa pagsusuri na ginawa
ng Global Information Society (2010), na humigit kumulang sa anim na toneladang e-
waste ang tinatapon sa landfill na siyang kinukuha ng mga waste pickers upang
ipagbili ang anomang bahagi nito na mapapakinabangan. Subalit ang mga ginagawang
pamamaraan tulad ng pagsunog upang makuha ang tanso, at pagbabaklas ng e-waste
ay nagdudulot ng panganib dahil pinagmumulan ito ng mga delikadong kemikal tulad
ng lead, cadmium, barium, mercury, at polyvinyl chloride na nakalalason ng lupa at
maging ng tubig(Mooney, Knox, & Schacht, 2011).

https://www.google.com.ph/search?q=electronic+waste+in+the+philippines
Halimbawa ng mga Best Practice sa Pamamahala ng Solid Waste

Takakura Composting Method in Bago City. Bago City is promoting Takakura


Composting method that uses local organic solutions to speed-up the
decomposition of garbage. Market wastes are shredded mixed with rice hull, rice
bran, fermented fruits and lacto-based solution to come up with fertilizer after
only seven to 10 days. It is fast and inexpensive.(PIA-LOL)
Mayroon ding suporta na nanggagaling sa mga NGO upang mabawasan ang suliranin sa
solid waste sa Pilipinas. Ilan sa mga ito ay sumusunod:
 Mother Earth Foundation - tumutulong sa pagtatayo ng MRF sa mga barangay.
 Clean and Green Foundation- kabahagi ng mga programa tulad ng Orchidarium
and Butterfly Pavilion, Gift of Trees, Green Choice Philippines, Piso Para sa Pasig,
at Trees for Life Philippines (Kimpo, 2008).
 Bantay Kalikasan – paggamit ng media upang mamulat ang mga mamamayan sa
suliraning pangkapaligiran. Nanguna sa reforestation ng La Mesa Watershed at sa
Pasig River Rehabilitation Project.
 Greenpeace – naglalayong baguhin ang kaugalian at pananaw ng tao sa pagtrato at
pangangalaga sa kalikasan at pagsusulong ng kapayapaan

Sa kabila ng mga nabanggit na batas at programa ay nananatili pa rin ang mga


suliranin sa solid waste sa Pilipinas. Sa kasalukuyan, ang pinakamalaking hamon ay ang
pagpapatupad ng batas at pagbabago ng pag-uugali ng mga Pilipino sa pagtatapon ng
basura. Nangangailangan pa nang mas malawak na suporta at pagtutulungan ng iba’t ibang
sektor upang tuluyang mabigyan ng solusyon ang suliraning ito dahil ang patuloy na paglala
nito ay lalong magpapabigat sa iba pang suliraning pangkapaligiran na ating nararanasan.
Pamprosesong mga Tanong:

1. Ano-ano ang mga balakid na kinaharap o


kinahaharap ng programa na inyong inilahad?

2.Bakit mahalaga ang partisipasyon ng iba’t ibang


sektor sa mga programa para sa solid waste
management?

3.Bilang mag-aaral, paano ka makatutulong upang


mabawasan ang suliranin sa solid waste?
2. Pagkasira ng mga Likas na Yaman

Ang Pilipinas ay isa mga bansa na biniyayaan ng maraming likas na


yaman. Tinatayang 15% ng kabuuang kita ng Pilipinas noong 2010 ay
kita mula sa direktang paggamit ng mga likas na yaman, halimbawa
nito ay ang pagtatanim at pangingisda. Mahalaga din ang likas na
yaman bilang sangkap sa paggawa ng produkto na ginagamit sa iba’t
ibang sektor tulad ng industriya at paglilingkod, halimbawa, ang mga
computer, sasakyan, makina, at pagkain ay naggawa mula sa mga
likas na yaman. Tunay na napakahalaga ng likas na yaman sa
ekonomiya ng isang bansa. Sa kasalukuyan, patuloy na nasisira at
nauubos ang likas na yaman ng Pilipinas dahil sa mapang-abusong
paggamit nito, tumataas na demand ng lumalaking populasyon, hindi
epektibong pagpapatupad ng mga programa at
batas parasa pangangalaga sa kalikasan, at mga natural na
Matutunghayan
kalamidad. sa susunod na bahagi ng aralin ang mga kalagayan ng
ilan sa mga likas na yaman ng ating bansa.
2.1 Suliranin sa Yamang Gubat
Maraming benepisyo ang nakukuha natin mula sa kagubatan. Ito ang tahanan ng
iba’t ibang mga nilalang na nagpapanatili ng balanse ng kalikasan, mahalagang
mapanatili ang balanseng ito dahil kung patuloy na masisira ito ay maapektuhan din
ang pamumuhay ng tao. Nagmumula din sa kagubatan ang iba’t ibang produkto tulad
ng tubig, gamot, damit, at iba pang pangunahing pangangailangan ng tao. Mayroon
ding mga industriya na nagbibigay ng trabaho sa mga mamamayan na nakasalalay sa
yamang nakukuha mula sa kagubatan (Philippine Tropical Forest Conservation
Foundation, 2013). Sa kabila ng kahalagan, pinangangambahan na maubos o masira
ang kagubatan ng Pilipinas kung magpapatuloy ang deforestaion.
Ayon sa Food and Agriculuture Organization ng United Nations, ang
deforestation ay tumutukoy sa matagalan o permanenteng pagkasira ng
kagubatan dulot ng iba’t ibang gawain ng tao o ng mga natural kalamidad
(FAO, 2010). Nagsimula ang deforestation sa Pilipinas noon pang 1500s
kung saan ang noo’y 27 milyong ektarya ng kagubatan ay naging 7.2
milyong ektarya na lamang ngayong 2013 (Philippine Climate Change
Commission, 2010). Sa katunayan sa ulat ni dating DENR officer-in-charge
Demetrio Ignacio, lumabas na ang 24% kagubatan ng Pilipinas ay
pangalawa sa pinakamaliit sa mga bansa sa Timog silangang Asya
(Andrade, 2013). Higit na mababa ang ulat na inilabas ng European Union
Joint Research Centre kung saan gamit ang satellite-based image, nasabi
nila na mayroon na lamang 19% ang kagubatan ng Pilipinas (Country
delegate to the European Commission, 2009).
Sa ulat na pinamagatang Status of Philippine Forests ( 2013) ay inisa-isa nito ang
mga dahilan at epekto ng deforestation sa Pilipinas. Ito ay ang sumusunod:

Gawain Epekto
Illegal logging Ang walang habas na pagputol ng puno ay
- Ilegal na pagputol sa mga puno sa kagubatan. nagdudulot ng iba’t ibang suliranin tulad ng
Ang kawalan ng ngipin sa pagpapatupad ng mga pagbaha, soil erosion, at pagkasira ng tahanan ng
batas sa illegal logging sa Pilipinas ang mga ibon at hayop. Sa katunayan noong 2008 ay
nagpapalubha sa suliraning ito. mayroong 221species ng fauna at 526 species ng
flora ang naitala sa threatened list (National
Economic Development Authority, 2011)

Migration – paglipat ng pook panirahan Nagsasagawa ng kaingin (slash-and-burn farming)


ang mga lumilipat sa kagubatan at kabundukan na
nagiging sanhi ng pagkakalbo ng kagubatan at
pagkawala ng sustansya ng lupain dito.
Gawain Epekto
Mabilis na pagtaas ng Ang mabilis na pagtaas ng populasyon ng Pilipinas ay
populasyon nangangahulugan ng mataas na demand sa mga pangunahing
produkto kung kaya’t ang mga dating kagubatan ay ginawang
plantasyon, subdivision, paaralan, at iba pang imprastruktura

Fuel wood harvesting Ayon sa Department of Natural Resources na lumabas sa ulat ng


-paggamit ng puno bilang National Economic Development Authority (2011), tinatayang
panggatong. Isang halimbawa ay mayroong 8.14 milyong kabahayan at industriya ang gumagamit ng
ang paggawa ng uling mula sa uling at kahoy sa kanilang pagluluto at paggawa ng produkto, ang
puno mataas na demand sa uling at kahoy ay nagiging dahilan ng
pagputol ng mga puno sa kagubatan.
Ilegal na Pagmimina Apektado ang kagubatan sa pagmimina dahil kadalasang dito
natatagpuan ang deposito ng mga mineral tulad ng limestone,
nickel, copper, at gold. Kinakailangang putulin ang mga puno upang
maging maayos ang operasyon ng pagmimina. Nagdudulot din ng
panganib sa kalusugan ng tao at ng iba pang nilalang sa kagubatan
ang mga kemikal na ginagamit sa pagpoproseso ng mga nahukay na
mineral. Ayon sa DENR, mayroong 23 proyekto ng pagmimina ang
matatagpuan sa kabundukan ng Sierra Madre, Palawan, at Mindoro.
Pamprosesong mga Tanong:

1. Paano natin dapat ginagamit ang ating


kagubatan?

2. Makatutulong ba kung ititigil na ang paggamit sa


yamang-gubat? Bakit?

1. Paano kaya makakamit ang pag-unlad nang hindi


nalalagay sa panganib ang ating kalikasan?
3. Climate Change
Sa 2016 edisyon ng Global Climate Risk Index (Sönke, Eckstein, Dorsch, & Fischer,
2015), naitala ang Pilipinas bilang pang-apat sa sampung bansa na pinakanaapektuhan ng
Climate Change. Ito ay dahil mas lumalakas, dumadalas, at nagiging unpredictable ang
pagkakaroon ng mga natural na kalamidad tulad ng bagyo, pagbaha, at malalakas na ulan
na nararanasan sa Pilipinas dahil sa climate change.

Ano nga ba ang Climate Change? Ayon sa Intergovernmental Panel on Climate Change
(2001), “Climate change is a statistically significant variation in either the mean state of
the climate or in its, variability, persisting for an extended period (typically decades or
longer). It may be due to natural internal processes or external forcing, or to persistent
anthropogenic changes in the composition of atmosphere or in land use.” Sinasabi na
kahulugan na ang climate change ay maaaring isang natural na pangyayari o kaya ay
maaari ding napabibilis o napapalala dulot ng gawin ng tao. Isa sa sinasabing dahilan nito
ay ang patuloy na pag-init ng daigdig o global warming dahil sa mataas na antas ng
konsentrasyon ng carbon dioxide na naiipon sa atmosphere. Nanggagaling ito mula sa usok
ng pabrika, mga iba’t ibang industriya, at pagsusunog ng mga kagubatan.
Nagkakaroon din ng suliranin sa karagatan dahil sa tinatawag na coral
bleaching na pumapatay sa mga coral reef na siyang tahanan ng mga isda at
iba pang lamang dagat, nagdudulot din ito ng pagbaba sa bilang ng
nahuhuling mga isda at pagkawala (extinction) ng ilang mga species.
Pinangangambahan din na malubog sa tubig ang ilang mabababang lugar sa
Pilipinas dahil sa patuloy na pagtaas ng sea level bunga ng pagkatunaw ng
mga iceberg sa Antartic. Ilan sa epekto ng climate change sa Pilipinas ay ang
panganib sa food security dahil pangunahing napipinsala ng malalakas na
bagyo ang sektor ng agrikultura. Lumiliit ang produksiyon ng sektor ng
agrikultura dahil sa pagkasira ng mga kalsda, bodega, mga kagamitan sa
pagtatanim at pag-aani, irigasyon, pagkawasak ng mga palaisdaan, at
pagkamatay ng mga magsasaka at mangingisda. Nagiging mataas din ang
bilang ng mga nagiging biktima ng sakit tulad ng dengue, malaria, cholera
dahil sa pabago-bagong panahon at matinding init. Mayroon ring ilang mga
mamamayan ang napipilitang lumikas sinira ng malakas na bagyo ang
kanilang mga tahanan o kaya ay natabunan ng lupa dahil sa landslide,
samantalang ang iba naman ay kinain ng dagat ang dating lupa na
kinatatayuan ng kanilang mga tahanan.
1. Ang PAKSA ng aralin ay tungkol sa…..

2. Ang HALAGA ng araling ito ay…..

3. Ang NATUTUNAN ko sa araling ito ay…..

You might also like