You are on page 1of 16

2

1
Paunang Salita
Para sa tagapagdaloy:

Ang modyul na ito ay pinagtulungang dinisenyo, nilinang at sinuri ng mga edukador mula sa
pambulikong paaralan upang gabayan ang gurong tagapagdaloy na matulungang makamit ng
mag-aaral ang pamantayang itinakda ng Kurikulum ng K to12 habang kanilang pinanagumpayan
ang pansarili, panlipunan at pang-ekonomikong hamon sa pag-aaral.

Ang tulong-aral na ito ay umaasang makauugnay ang mag-aaral sa mapatnubay at malayang


pagkatuto na mga gawain ayon sa kanilang kakayahan. Naglalayon din itong matulungan ang
mag-aaral upang makamit ang mga kasanayan sa ika-21 siglo habang isinasaalang-alang ang
kanilang mga pangangailangan at kalagayan.

Bilang tagapagdaloy, inaasahang bibigyan mo ng paunang kaalaman ang mag-aaral kung paano
gamitin ang modyul na ito. Kinakailangan ding subaybayan at itala ang pag-unlad nila habang
hinahayaan silang pamahalaan ang kanilang sariling pagkatuto. Bukod dito, inaasahan mula sa
iyo na higit pang hikayatin at gabayan ang mag-aaral habang isinasagawa ang mga gawaing
nakapaloob sa modyul.

Para sa mag-aaral:

Ang modyul na ito ay ginawa bilang tugon sa iyong pangangailangan. Layunin nitong
matulungan ka sa iyong pag-aaral habang wala ka sa loob ng silid-aralan. Hangad din nitong
madulutan ka ng mga makabuluhang oportunidad sa pagkatuto.

Ang mga sumusunod ay mahahalagang paalala sa paggamit ng modyul na ito:


1. Gamitin ang modyul nang may pag-iingat. Huwag lalagyan ng anumang marka o sulat ang
anumang bahagi nito. Gumamit ng hiwalay na papel sa pagsagot sa mga pagsasanay.
2. Basahing mabuti ang mga panuto bago gawin ang bawat pagsasanay.
3. Obserbahan ang katapatan at integridad sa pagsasagawa ng mga gawain at sa pagwawasto ng
mga kasagutan.
4. Tapusin ang kasalukuyang gawain bago pumunta sa iba pang pagsasanay.

Kung sakaling ikaw ay mahirapang sagutin ang mga gawain sa modyul na ito, huwag mag-
aalinlangang konsultahin ang inyong guro o tagapagdaloy. Maaari ka rin humingi ng tulong
kay nanay o tatay, o sa nakatatanda mong kapatid o sino man sa iyong mga kasama sa
bahay na mas nakatatanda sa iyo. Laging itanim sa iyong isipang hindi ka nag-iisa.

Umaasa kami, sa pamamagitan ng modyul na ito, makararanas ka ng makahulugang


pagkatuto at makakakuha ka ng malalim na pang-unawa sa kaugnay na mga kompetensi.
Kaya mo ito!

2
ALAMIN NATIN

MELC Natatalakay ang kalagayan, suliranin at pagtugon sa isyung


pangkapaligiran ng Pilipinas

SUBUKIN NATIN

A. Panuto: Basahin at unawain ang bawat pangungusap at isulat ang titik


ng tamang sagot sa iyong gawaing papel..
1. “Ang kagubatan ay tirahan ng iba’t ibang mga nilalang na nagpapanatili ng
balanse ng kalikasan, mahalagang mapanatili ang balanseng ito dahil kung
patuloy na masisira ito ay maapektuhan din ang pamumuhay ng tao.
Nagmumula din sa kagubatan ang iba’t ibang produkto tulad ng tubig, gamot,
damit, at iba pang pangunahing pangangailangan ng tao. Mayroon ding mga
industriya na nagbibigay ng trabaho sa mga mamamayan na nakasalalay sa sa
yamang nakukuha mula sa kagubatan.” Anong likas na yaman ang tinalakay
sa talata?
a. Yamang tubig c. Yamang gubat
b. Yamang lupa d. Yamang mineral

2. Anong batas ang ipinatupad upang magkaroon ng legal na batayan sa iba’t


ibang desisyon at proseso ng pamamahala ng solid waste sa bansa?
a. Republic Act 9003 c. Republic Act 7942
b. Republic Act 8742 d. Republic Act 7586

3. Para sa bilang 3, tignan ang graph tungkol sa forest cover ng Pilipinas mula
1990 hanggang 2015.

Ano ang ipinakikita ng graph tungkol sa forest cover ng Pilipinas?


a. Napanatili ng Pilipinas ang kagubatan nito mula noong 1990 hanggang sa
kasalukuyan
b. Nagkaroon ng paglawak ng forest cover ng Pilipinas mula 1990-2015.
c. Nagkaroon ng paglawak sa forest cover ng Pilipinas sa pagitan ng 2010-
2015.
d. Pangunahing pinagkukunang yaman ng Pilipinas ang kagubatan nito.

3
4. Bakit mahalaga ang pagtutulungan ng iba’t ibang sektor sa pagsugpo sa mga
suliraning pangkapaligiran?
a. Kabalikat ang lahat sa pagsugpo sa iba’t ibang suliraning pangkapaligiran.
b. Malawak na suliranin ang mga isyung pangkapaligiran na nararapat
harapin ng iba’t ibang sektor sa lipunan.
c. Makababawas sa mga gastusin ng pamahalaan ang pagtulong ng iba’t ibang
sektor sa pagsugpo sa mga suliraning pangkapaligiran.
d. Mahihikayat ang maraming dayuhan na pumunta sa ating bansa kung
mawawala ang mga suliraning pangkapaligiran nito
5. Alin sa sumusunod ang maapektohan ng di wastong pagtatapon ng gamit na
face masks?
a. Kapaligiran at mga katubigan
b. Ang mga fronliners gaya ng nagkokolekta ng ating mga basura
c. Mga pangkaraniwang tao
d. Lahat ng nabanggit
B. Sagutan ang graphic organizer ukol sa suliranin at pagtugon sa mga suliraning
pangkapaligiran
Kapaligiran Suliranin Mungkahing Solusyon

Yamang-Lupa

Ymang-Tubig

Yamang-Miniral

Yamang Kagubatan

Ymang Enerhiya

BALIKAN NATIN

Panuto: Suriin ang larawan sa ibaba at sagutin ang mga katanungan.

Pamprosesong tanong:
1. Ano ang nais ipakita ng larawan?
2. Sa iyong palagay, ito ba ay maituturing na kontemporaryong isyu? Bakit?
3. Gayundin, ito ba ay maituturing na isyung personal o isyung panlipunan?
Bakit?

4
TUKLASIN NATIN
Song Analysis.
Anak Ng Pasig
Geneva Cruz

Ako'y umusbong sa tabi ng Pasig Akala ko'y ganoon talaga ang mundo
Nagisnan ang ilog na itim ang tubig Hanggang nakakita ako ng lumang
litrato
Lumaking paligid ng bundok na
umuusok 'Di maniwalang Pasig din ang
tinitignan ko
Langhap na langhap ang amoy ng
basurang bulok Kaibigan ano ang nangyari dito?
(Anong nangyari, Anong nangyari)
Ito ang buhay nang anak ng Pasig
Swimming-swimming sa itim na tubig Anak ng Pasig naman kayo
Playground lang ang bundok ng Kalat doon, kalat dito
basura mo
Natakpan na ang langit kong ito
Musika'y ugong ng kotse at bangka
n'yo Nilason din ang Ilog ko

Anak ng Pasig naman kayo Anak ng Pasig naman kayo


Kalat doon, kalat dito Tapon doon, tapon dito
Natakpan na ang langit kong ito 'Di n'yo alam ang tinatapon n'yo
Nilason din ang Ilog ko Ay…

Pamprosesong Tanong:
1. Nagustuhan mo ba ang awitin?
2. Anong linya o salita ang nakaantig sa iyo na lubos? Bakit?
3. Anong imahe o damdamin ang ipinahihiwating ng awitin?
4. Ano ang maaari mong magawa para mabago ang sitwasyon ito sa
iyong panahon?

5
Aralin
1 Ang mga Suliranin at Hamong Pangkapaligiran sa Pilipinas

TALAKAYIN NATIN
A. Suliranin sa Solid Waste
Solid waste – tumutukoy sa mga basurang nagmula sa mga tahanan at
komersyal na establisimyento, mga basura na nakikita sa paligid, mga
basura na nagmumula sa sektor ng agrikultura at iba pang basurang
hindi nakakalason (Official Gazette, 2000)
Uri :
1. Biodegradable(Nabubulok)
2. Non-biodegradable (Di-nabubulok)
● Recyclable (Nareresiklo)
● Residual (wala ng gamit)
● Special (Nakalalason, nakamamatay)
Ayon sa pag-aaral ni Oliveira (2003)
● ang Pilipinas ay nakalikha ng 39,422 tonelada ng basura kada araw
noong taong 2015
● 25% ay nanggaling sa Maynila
● 56.7% ay galing sa mga tahanan
● 52.31% ay bio-degradable
Iba’t ibang suliranin ng Pilipinas sa solid waste
1. Pagtatapon kung saaan-saan gaya ng ilog, estero,kalsada, bakanteng
lote at dagat
2. Di paghihiwalay ng mga basura
3. Pagsusunog ng basura
4. Umaapaw na mga dumpsite
5. Katas ng basura ( leachate) na mapanganib sa kalusugan ng tao

Ang mga suliranin sa solid waste ay pinagtutulungang solusyunan ng iba’t ibang


sektor. Ipinatupad ng pamahalaan ang Republic Act 9003 o kilala bilang
Ecological Solid Waste Management Act of 2000 upang magkaroon ng legal
na batayan sa iba’t ibang desisyon at proseso ng pamamahala ng solid waste sa
bansa (Official Gazette, 2000). Isa sa mga naging resulta ng batas ay ang
pagtatayo ng mga Materials Recovery Facility (MRF) kung saan isasagawa ang
waste segregation bago dalhin ang nakolektang basura sa mga dumpsite.

6
Halimbawa ng mga best practices sa iba’t ibang barangay:
1. No segregation, No collection
2. No Orientation & Implementatin of Ecological Solid Waste Management
(ESWM), No Issuance of Municipal Permits
3. Municipal-wide composting & livelihood projects
4. Takakura Market Waste Composting
5. Garbage = Points
6. Residual Waste Management
7. Pioneering LGU in Dumpsite Conversion with Methane Recovery for
Power Generation

Mayroon ding suporta na nanggagaling sa mga NGO upang mabawasan ang


suliranin sa solid waste sa Pilipinas. Ilan sa mga ito ay sumusunod:
1. Mother Earth Foundation - tumutulong sa pagtatayo ng MRF sa mga
barangay.
2. Clean and Green Foundation- kabahagi ng mga programa tulad ng
Orchidarium and Butterfly Pavilion, Gift of Trees, Green Choice
Philippines, Piso Para sa Pasig, at Trees for Life Philippines(Kimpo,
2008).
3. Bantay Kalikasan – paggamit ng media upang mamulat ang mga
mamamayan sa suliraning pangkapaligiran. Nanguna sa reforestation
ng La Mesa Watershed at sa Pasig River Rehabilitation Project.
4. Greenpeace – naglalayong baguhin ang kaugalian at pananaw ng tao sa
pagtrato at pangangalaga sa kalikasan at pagsusulong ng kapayapaan

B. Pagkasira ng mga Likas na Yaman

Ang Pilipinas ay isa mga bansa na biniyayaan ng maraming likas na


yaman. Tinatayang 15% ng kabuuang kita ng Pilipinas noong 2010 ay
kita mula sa direktang paggamit ng mga likas na yaman, halimbawa nito
ay ang pagtatanim at pangingisda. Mahalaga din ang likas na yaman

7
bilang sangkap sa paggawa ng produkto na ginagamit sa iba’t ibang sektor
tulad ng industriya at paglilingkod, halimbawa, ang mga computer,
sasakyan, makina, at pagkain ay naggawa mula sa mga likas na yaman.
Tunay na napakahalaga ng likas na yaman sa ekonomiya ng isang bansa.
Sa kasalukuyan, patuloy na nasisira at nauubos ang likas na yaman ng
Pilipinas dahil sa mapang-abusong paggamit nito, tumataas na demand
ng lumalaking populasyon, hindi epektibong pagpapatupad ng mga
programa at batas para sa pangangalaga sa kalikasan, at mga natural na
kalamidad. Matutunghayan sa susunod na bahagi ng aralin ang mga
kalagayan ng ilan sa mga likas na yaman ng ating bansa.

Ang likas na yaman ng Pilipinas sa kasalukuyan…


Kagubatan – mabilis at patuloy na pagliit ng forest cover mula sa
17 ektarya noong 1934 ay naging 6. 43 milyong ektaraya noong 2003.
Yamang tubig – pagbaba ng kabuuang timbang ng mga
nahuhuling isda sa 3 kilo bawat araw mula sa dating 10 kilo.
Yamang lupa – pagkasira ng halos 50% ng matabang lupain sa
huling sampung taon

Sanggunian:(Country Environmental Profile, 2005), (National Economic


Development Authority, 2011)at (Center for Environmental Concerns - Philippines,
2012)

Ang mga sumusunod ay ilan sa mga importanteng batas na nagpoprotekta


sa ating mga likas-yaman at kapaligiran.
A. Batas Pangkagubatan (PD 705) Ang PD 705 o ang Forestry Reform
Code of the Philippines ang pangunahing batas na nagbabawal sa iligal na
pagtotroso o illegal logging. Ayon sa seksyon 68 nito, may tatlong paraan ng
iligal na pagtotroso:
1.) Pagputol, pagkuha, pagkolekta, at pag-alis ng kahoy o anumang
produktong gubat sa lupang pampubliko nang walang kaukulang
pahintulot;
2.) Pagputol, pagkuha, pagkolekta, at pag-alis ng kahoy sa lupang
alienable at disposable, pampubliko, at pribado nang walang kaukulang
pahintulot; at
3.) Pagtataglay ng kahoy at produktong gubat nang walang legal na
dokumento.

B. National Integrated Protected Areas System (NIPAS) Act (RA 7586)

Itinakda ng NIPAS ang mga pamamaraan at proseso para sa pangangasiwa


ng mga tinatawag na protektadong lugar (protected area). Kinilala rin ng
batas na ito ang mahalagang papel at pagtutulungan ng gobyerno, pribadong
sektor, komunidad, katutubong Pilipino, mga non-government organizations
(NGO), at samahan ng taumbayan sa pangangalaga ng kalikasan.

8
C. Batas Pampangisdaan (RA 8550)

Ang Fisheries Code naman ang nangangalaga sa yamang-dagat at katubigan


ng Pilipinas.

Binibigyang proteksyon din nito ang mga maliliit na mangingisda sa


pamamagitan ng pagrereserba ng munisipal na pangisdaan para sa kanilang
eksklusibong paggamit.

Ang munisipal na pangisdaan ay anumang anyo ng katubigan (lawa, batis,


ilog, dagat, at iba pa) na ang sukat ay 15 kilometro mula sa pampang. Ang
katubigang ito ay itinuturing na sakop o kontrolado ng munisipyo o ng
pamahalaang panglungsod.

(halaw sa “Gabay sa Pag-aaral Paralegal para sa Kalikasan, Ikalawang Edisyon,” ng


Tanggol Kalikasan.)

Climate Change Sa 2016 edisyon ng Global Climate Risk Index (Sönke,


Eckstein, Dorsch, & Fischer, 2015), naitala ang Pilipinas bilang pang-apat sa
sampung bansa na pinakanaapektuhan ng Climate Change. Ano nga ba ang
Climate Change? Ayon sa Intergovernmental Panel on Climate Change (2001),
“Climate change is a statistically significant variation in either the mean state
of the climate or in its, variability, persisting for an extended period (typically
decades or longer). It may be due to natural internal processes or external
forcing, or to persistent anthropogenic changes in the composition of
atmosphere or in land use.” Sinasabi na kahulugan na ang climate change
ay maaaring isang natural na pangyayari o kaya ay maaari ding napabibilis
o napapalala dulot ng gawin ng tao. Isa sa sinasabing dahilan nito ay ang
patuloy na pag-init ng daigdig o global warming dahil sa mataas na antas ng
konsentrasyon ng carbon dioxide na naiipon sa atmosphere. Nanggagaling
ito mula sa usok ng pabrika, mga iba’t ibang industriya, at pagsusunog ng
mga kagubatan. Lumabas sa pag-aaral nina Domingo at mga kasama (2008),
na nararanasan na sa Pilipinas ang epekto ng climate change. Patunay nito
ang madalas at matagalang kaso ng El Niño at La Niña, pagkakaroon ng
malalakas na bagyo, malawakang pagbaha, pagguho ng lupa, tagtuyot, at
forest fires. Nagkakaroon din ng suliranin sa karagatan dahil sa tinatawag na
coral bleaching na pumapatay sa mga coral reef na siyang tahanan ng mga
isda at iba pang lamang dagat, nagdudulot din ito ng pagbaba sa bilang ng
nahuhuling mga isda at pagkawala (extinction) ng ilang mga species.
Pinangangambahan din na malubog sa tubig ang ilang mabababang lugar sa
Pilipinas dahil sa patuloy na pagtaas ng sea level bunga ng pagkatunaw ng
mga iceberg sa Antartic. Ilan sa epekto ng climate change sa Pilipinas ay ang
panganib sa food security dahil pangunahing napipinsala ng malalakas na
bagyo ang sektor ng agrikultura. Lumiliit ang produksiyon ng sektor ng
agrikultura dahil sa pagkasira ng mga kalsda, bodega, mga kagamitan sa
pagtatanim at pag-aani, irigasyon, pagkawasak ng mga palaisdaan, at
pagkamatay ng mga magsasaka at mangingisda. Nagiging mataas din ang
bilang ng mga nagiging biktima ng sakit tulad ng dengue, malaria, cholera
dahil sa pabago-bagong panahon at matinding init. Mayroon ring ilang mga

9
mamamayan ang napipilitang lumikas sinira ng malakas na bagyo ang
kanilang mga tahanan o kaya ay natabunan ng lupa dahil sa landslide,
samantalang ang iba naman ay kinain ng dagat ang dating lupa na
kinatatayuan ng kanilang mga tahanan. Sa mga nabanggit na situwasiyon,
isa lamang ang malinaw, mayroong ginagawa ang tao na lalong nagpapabilis
at nagpapasidhi sa climate change. Ang mga suliraning pangkapaligiran
tulad ng suliranin sa solid waste, deforestation, water pollution at air
pollution ay maituturing na mga sanhi ng climate change. Kung hindi ito
mahihinto, patuloy na daranas ang ating bansa ng mas matitinding
kalamidad sa hinaharap.

PAGYAMANIN NATIN

Panuto: Itala sa unang kolum ng tsart ang mga suliranin ng ating bansa
sa solid waste at pagkasira ng kapaligiran. Sa pangalawang kolum
naman ang epekto nito sa ating pamumuhay at sa ikatlo ang mga
paraang maaari nating gawin upang masolusyunan o maibsan ang
suliraning ito.

Suliranin sa solid Epekto sa ating Paraan upang


waste pamumuhay masolusyunan

1.

2.

3.

Pagkasira ng Epekto sa ating Paraan upang


kapaligiran pamumuhay masolusyunan

1.

2.

3.

10
“Environmental issue map”
Panuto: Pumili ng isang suliraning pangkapaligiran. Gumawa ng
environmental issue map sa pamamagitan ng paggawa sa sumusunod:

a. sanhi – suriin kung ito ba ay gawa ng tao o natural na pangyayari


b. epekto – suriin ang epekto sa iba’t ibang aspekto ng pamumuhay
c. kaugnayan – suriin ang kaugnayan nito sa mga suliraning nararanasan
sa iba pang likas na yaman
d. tunguhin – suriin ang maaaring maging epekto kung magpapatuloy ang
nararanasang suliraning pangkapaligiran

Environmental issue
map:_____________________________

Epekto:

Tunguhin:
Sanhi:

Kaugnayan:

Paliwanag:

Pamprosesong mga Tanong:

1. Ano ang kongklusyon na iyong mabubuo tungkol sa epekto ng mga


suliraning pangkapaligiran?
2. Ang suliraning pangkapaligiran ba na ating nararanasan ay may kaugnayan
sa isa’t isa? Patunayan.
3. Kung magpapatuloy ang mga suliranin at hamong pangkapaligiran na ito,
sino ang pangunahing maapektuhan? Bakit?
4. Paano mabisang masosolusyunan ang mga nabanggit na suliranin at
hamong pangkapaligiran?

11
TANDAAN NATIN
Ihayag ang iyong mahalagang natutunan gamit ang mga larawan sa ibaba.

Natutunan ko at ipapangako ko mula ngayon na ____________________

______________________________________________________________________

_____________________________________________________________________

_____________________________________________________________________

_____________________________________________________________________.

ISABUHAY NATIN
Panuto: Gumawa ng isang pag-uulat kung paano ninyo isinasagawa ang waste
segregation sa inyong tahanan. Maaaring magkaroon ng karagdagang larawan
bilang patunay.

Rubric para sa presentation


Pamantayan Deskripsiyon Puntos

Makatotohanan ang nilalaman ng


Nilalaman presentasyon. Gumamit ng mga larawan 10
na may malinaw katibayan
Naipaliliwanag ng mabuti ang ginagawang
Pagsusuri 10
waste segregation sa tahanan

Gumamit ng malikhaing paraan sa paglalahad


Pagkamalikhain 5
ng gawain

25
Kabuuan
puntos

12
TAHAYIN NATIN

A. Panuto: Tukuyin ang inilalarawan ng bawat pahayag sa pamamagitan ng


pagsasaayos ng mga titik na matatagpuan mataps ang pahayag. Isulat ang
sagot sa patlang bago ang bilang.
____________________1. Tumutukoy sa mga basurang nagmula sa mga tahanan
at komersyal na establisimyento, mga basura na nakikita sa paligid, mga basura
na nagmumula sa sektor ng agrikultura at iba pang basurang hindi nakakalason.
(ASLISODTEW)

____________________2. Dito isinasagawa ang waste segregation bago dalhin ang


nakolektang basura sa mga dumpsite. (TEMARIALS VECORERY ALCIFITY)
____________________3.Ayon sa pag-aaral ni Oliveira, 56.7% ng ating mga basura
ay nagmumula rito. (HATANAN)

____________________4. Kabahagi ng mga programa tulad ng Orchidarium and


Butterfly Pavilion, Gift of Trees, Green Choice Philippines, Piso Para sa Pasig, at
Trees for Life Philippines(Kimpo, 2008). (ANCLE NAD ENGRE UNDAFOTION)
____________________5. Legal na batayan sa iba’t ibang desisyon at proseso ng
pamamahala ng solid waste sa bansa. (PURBLEIC CAT 9030)

____________________6. Ang likas na yamang ito ng Pilipinas ay mabilis at patuloy


na pagliit ng forest cover mula sa 17 ektarya noong 1934 ay naging 6. 43 milyong
ektaraya noong 2003. (KUBAGANTA)

____________________7. Itinakda ng batas na ito ang mga pamamaraan at proseso


para sa pangangasiwa ng mga tinatawag na protektadong lugar (protected area).
(AR 8765)

____________________8. Batas na nangangalaga sa yamang-dagat at


katubigan ng Pilipinas.Binibigyang proteksyon din nito ang mga maliliit
na mangingisda sa pamamagitan ng pagrereserba ng munisipal na
pangisdaan para sa kanilang eksklusibong paggamit. (AR 5580)
____________________9. Isang natural na pangyayari o kaya ay maaari ding
napabibilis o napapalala dulot ng gawin ng tao. Isa sa sinasabing dahilan
nito ay ang patuloy na pag-init ng daigdig o global warming dahil sa
mataas na antas ng konsentrasyon ng carbon dioxide na naiipon sa
atmosphere.(CMALTEI ANCHGE)

____________________10. NGO na gumagamit ng media upang mamulat ang


mga mamamayan sa suliraning pangkapaligiran. Nanguna sa
reforestation ng La Mesa Watershed at sa Pasig River Rehabilitation
Project. (ANBTAY SANLIKAKA)

B. Gumawa ng islogan para sa pangangalaga sa kapaligiran. Isulat ito


sa iyong gawaing papel (5 puntos)

13
GAWIN NATIN

Panuto: Mag-isip ng isang bagong programa na maaaring makatulong sa


anumang suliraning pangkapaligiran na ating nararanasan na maaaring
ipatupad sa inyong komunidad.
1. Pangalan ng programa.
2. Layunin ng programa.
3. Ipaliwanag kung paano ipatutupad ang programa.
(gumamit ng bagong pahina kung kinakailangan)

Rubric para sa presentation


Pamantayan Deskripsiyon Puntos

Nilalaman Makatotohanan ang nilalaman ng 10


panukalang programa
Pagsusuri Naipaliliwanag nang mabuti ang program 10

Pagkamalikhain May orihinalidad ang panukalang programa 5


at pagkamalihain

Kabuuan 25 puntos

PANGALAN NG PROGRAMA:
________________________________________________________

LAYUNIN: ________________________________________________________

PARAAN NG PAGPAPATUPAD:
________________________________________________________________
________________________________________________________________
________________________________________________________________
________________________________________________________________
SANGGUNIAN
________________________________________________________________
Deped Learners Module ,dd.35- 76
________________________________________________________________
Philsright.org (halaw sa “Gabay sa Pag-aaral Paralegal para sa Kalikasan,
Ikalawang Edisyon,” ng Tanggol Kalikasan.)
________________________________________________________________
https://www.manilatimes.net/2020/03/16/news/top-stories/group-urges-proper-disposal-of-face-
________________________________________________________________
masks/703456/ (ByEireene Jairee Gomez, March 16, 2020)
https://www.google.com/search?q=anak+ng+pasig+lyrics&oq=anak+ng+pasig+&aqs=ch
________________________________________________________________
rome.1.69i57j0l3j46j0j46j0.49220j0j7&sourceid=chrome&ie=UTF-8
________________________________________________________________
________________________________________________________________
________________________________________________________________
14
________________________________________________________________
________________________________________________________________
Development Team of the Module

Writers: MELISSA E. GALANIDA


ESTEFANY P. SIBORBORO
Editors:
Content Evaluator: JOSEPH R.SOGUILON
Language Evaluator:
Reviewer: JOSEPH R.SOGUILON

Illustrator: MA. CRISTINA JAVIER


Layout Artist: ROBERT M. VALERA
Management Team: DR. MARGARITO B. MATERUM, SDS
DR. GEORGE P. TIZON, SGOD Chief
DR. ELLERY G. QUINTIA, CID Chief
MR. FERDINAND PAGGAO, EPS - AP
DR DAISY L. MATAAC, EPS – LRMS/ALS

Sa mga katanungan, maaring tumawag o sumulat sa…

Schools Division of Taguig city and Pateros Central Bicutan Taguig City

Telefax: 8384251

Email Address: sdo.tapat@deped.gov.ph

15
16

You might also like