You are on page 1of 3

Kontemporaryo- Tumutukoy sa mga pangyayari sa kasalukuyan na maaaring nakaaapeto sa buhay ng tao sa lipunan.

Isyu- Mga pangyayari o suliranin na napaguusapan at maaring maging dahilan o batayan ng debate.
Kontemporaryong Isyu- Ito ay tumutukoy sa pangyayari, paksa, tema, opinyon, o ideya na may kaugnayan sa
kasalukuyang panahon .

Mga Uri ng Kotemporaryong Isyu


1. Kontemporaryong Isyu sa Panlipunan- Ito ay mga isyu o mahalagang pangyayari na may malaking epekto sa
Ibat-Ibag sektor g lipunan.
2. Kontemporaryong Isyung Pangkalusugan – ito ay mga isyu na may kaugnayan sa kalusugan na maaaring
nakabubuti o hindi nakabubuti sa mga tao sa lipunan.
3. Kontemporaryong Isyung Pangkapaligiran – ay tumutukoy sa mga isyung may kinalaman sa kapaligiran at mga
usapin sa pagpapaunlad at tamang paggamit sa ating kalikasan.
4. Kontemporaryong Pangkalakalan- mga suliraning may kinalaman sa globalisasyon at negosyo, kasama rito ang
mga usapin o isyung pangekonomiya.

Mga dapat taglayin sa pagsusuri ng isang kontemporaryong isyu:


• Kaalaman sa pagsusuri kung ito ay naglalahad ng patas na opinyon.
• Kaalaman sa batayan ng isyu, saan nagmula, maaari na ito ay hango sa mga legal na dokumento, journal, sulat,
larawan, at iba pa.
• Kakayahan sa pagbibigay ng opinyon, pagbuo ng ugnayan, at pangkalahatang pananaw sa isang pangyayari.
• Kakayahang malaman kung ang pahayag o pangyayari ay makatotohanan o nakabase sa opinyon o haka-haka lamang.

Kahalagahan ng Pag-aaral sa mga Kontemporaryong Isyu


- Bilang isang mag-aaral, ang kaalaman mo sa mga kontemporaryong isyu ang magiging daan upang maging mulat sa
mga nangyayari sa iyong kapaligiran. Isang paraan din ito upang iyong matanto na may bahagi kang dapat gampanan sa
lipunang iyong kinabibilangan. Sa pag-aaral ng kontemporaryong isyu, matututo kang tumimbang ng mga sitwasyon.
Natutukoy ang kabutihan at di kabutihan nito.

MGA ISYUNG PANGKAPALIGIRAN


1. Solid Waste- Itong suliranin ay bunga ng walang disiplina sa pagtapon ng basura, pinakamalaking bahagdan nito
ay mula sa mga kabahayan na may 56.7%. Pinakamalaking uri ng basura na tinatapon ay 52. 31% at recyclable
waste na may 27.8%
 Republic Act 9003: Ecological Solid Waste Management Act of 2000- nakasaad sa batas na ito ang mga
alituntunin sa wastong pamamahala ng basura at pagpapatupad ng mga programang nakatuon sa pakikiisa
ng bawat mamamayang upang mabawasan ang basurang itinatapon.
Mga Batas sa Solid Waste.
a. Pagtatatag ng National Solid Waste Management Commission at ng National Ecology Center
b. Pagtatatag ng Materials Recovery Facility- pinaglalagyan ng mga nakolektang nabubulok na basura upang
gawing compost o pataba sa lupa.
c. Pagsasaayos ng mga tapunan ng basura
d. Mother Earth Foundation- nagsusulong ng zero waste sa pamamagitan ng pagbabawas at wastog pamamahala
ng basura
e. Bantay Kalikasan- Itinataguyod ang kahalagahan ng pangangalaga sa kapaligiran upang matamo ang likas-
kayang pag-unlad.
f. Greenpeace Philippines- Tumutugon upang maprotektahan ang karapatan ng mga Pilipino sa balanse at
malusog na kapaligiran.
2. Pagkasira ng mga Likas na Yaman- Dahil sa patuloy na paggawa o paggamit ng illegal logging,quarrying na
nagiging sanhi ng pagkasira ng ating likas na yaman
 Deforestation- ang kagubatan ay sumasaklaw sa mahigit na kalahati 57% ng kabuoang kalupaan ng Pilipinas
noong 1934. Noong 2010 nabawasan at naging 23% o mga 6.8 milyong ektarya na lamang. Ito ay
pangmatagalan at permanenteng pagkasira ng kagubatan. Ang paglala ng mga suliraning dulot ng cliamte
shange ay inuuugnay sa deporestasyon dahil sa epekto nito sa carbon cycle.
Mga Programa at Batas upang mapangalagaan ang Yamang Likas
a. Batas Republika Bilang 2706- Pagkatatag ng Reforestration Administration, layunin nito na mapasidhi ang mga
programa para sa reforestation
b. Presidential Decree 705- Ipinagutos ang pagsasagawa ng reforestration sa buong bansa kasama ang pribadong
sektor.
c. Batas Republika Bilang 7586 : National Integrated Protected Areas System Act of 1992- Ideneklara ang ilang
pook bilang national park kung saan ipinagabwal ang paghuhuli ng hayop.
d. Batas Republika Bilang 8749: Philippine Clean Air Act of 1999- Pagtugon sa suliranin sa polusyon sa hangin sa
pamamagitan ng pakikipagtulunagn ng mga mamayan at industriya.
e. Batas Republika Bilang 9072: National Cave and Caves and Resources Management and Protection Act-
Pangangalaga sa mga wildlife resources at sa kanilang tirahan upang mapanatili ang timbang na kalagayang
ekolohikal ng bansa.
f. Batas Republika Bilang 9175: The Chainsaw Act- Ipinagpabawal ang paggamit ng chainsaw at naglalayong
protektahan at ingatan ang mga yamang gubat.
g. Republic Act 8371: Indigenous People Rights Act (IPRA)- Batas na nagtataguyod at kumikilala sa karapatan ng
mga katutubo.
h. Proclamation No. 643- Ipinahayag ang June 25 bilang Philippine Arbar Day, Proclamation sa Pagtanim ng mga
puno
i. Executive Order No. 23- Ipinatigil ang pagputol ng puno sa natural at residual na kagubatan.
j. Executive Order No. 26- Ipinahahayag ang pangangailangan sa pagtutulungan ng iba’t ibang ahensya ng
pamahalaan para sa National Greening Program.

3. Pagmimina o Mining- gawain kung saan ang iba’t ibang mineral upang gawing produkto, maraming minahan sa
Pilipinas matatagpuan ang 23 malalaking minahan sa bansa ayon sa 4 th Philippine National Report to the
Convention on Biological Diversity (2009), marami itong masamang dulot sa kalikasan tulad ng pagguho ng lupa
at fishkill.
Mga Batas sa Pagmimina
a. Philippine Mining Act- nilikha upang masubaybayan ang operasyon ng pagmimina sa buong bansa kasabay ng
pangangalaga sa kalikasan.
b. Executive Order No. 79- Ipinatupad ito upang mapagtibayan ang proteksyong pangkapaligiran at makapagbigay
ng karampatang revenue-sharing kasabay ng pagago ng industry ng pagmimina.
c. Philippine Mineral Resources Act of 2012- Layunin nitong ayusin ang mga makatuwirang pananaliksik sa
pagmimina at masusubaybayan ang paggamit ng mga yamang mineral.
d. Pagku-quary o Quarrying- paraan ng pagkuha ng mga mineral upang gawing materyales o bagay.

4. Climate Change- tumutuoy sa abnormal na pagbabago ng klima, ang sanhi nito ay sam samang epekto ng
enerhiya mula sa araw, isa rin ang nakakapagtaas sa konsentrasyon ng carbon dioxide at iba pang greenhouse
gases sa atmospera. Ilan sa mga rito ay ang pagputol ng mga puno at fossil fuels.
 Epekto nito ay ang mas madalas at matinding tagtuyot, bagyo, alon ng init, tumataas na antas ng dagat,
natutunaw na mga glacier at nagpapainit na mga karagatan ay maaaring direktang makapinsala sa mga
hayop, masisira ang mga lugar na kanilang tinitirhan, at makakasira sa kabuhayan at mga pamayanan ng mga
tao. Habang lumalala ang pagbabago ng klima, nagiging mas madalas o matindi ang mga mapanganib na
kaganapan sa panahon.
Mga Programa at Patakarang sa Climate Change sa Pilipinas
a. Republic Act No. 9792: Climate Change Act of 2009-pagbalangkas ng pamahalaan ng mga programa at proyekto
sa paglikha ng Climate Change Commission at nang National Framework Strategy and Program on Climate
Change.
b. Climate Change Commission- tungkuling makipag ugnayan at sumuri ng mga programa at mga pagkilos hingil sa
pagbabago ng klima.
c. Republic Act No. 8749: Philippine Clean Air Act noong 1999- naglalayong mapanatiling malinis at libre sa
greenhouse gas emission ang hangin sa bansa.
d. Philippine Task Force on Climate Change (PTFCC)- binuo upang pagaanin ang masamang epekto ng climate
change at magsagawa ng isang mabilis na pagsusuri ng mga epekto nito sa bansa.
e. United Nations Develpment Programme (UNDP)- grupo ng pribadong sektor na nagpapainting sa hamon ng
climate change
f. International Monetary Fund- nakatutok sa pagpayo ukol sa pinansyal na aspekto nitp
g. United Nations Framework Convention for Climate Change (UNFCCC)- grupo ng mga bansa upang pagtuonan
pansin ang paglutas sa climate change.`

You might also like