You are on page 1of 8

1

Aralin PAGPAPATUPAD NG BATAS PARA SA KALIKASAN,


SUSUPORTAHAN KO
3

Inaasahan

Inaasahan na sa pagtatapos ng aralin ay malilinang sa iyo ang mga sumusunod


na kasanayan :

1. Nakapagpapakita ng tapat na pagsunod sa mga batas pambansa at pandaigdigan


tungkol sa pangangalaga sa kapaligiran.( EsP6PPPIIIf–37)

Paunang Pagsubok

Panuto: Basahin ang sumusunod na Gawain at lagyan ng tsek ( √ ) ang hanay


kung ginagawa mo ito ng madalas, paminsan-minsan o hindi kailanman.
Paminsan- Hindi
Gawain Madalas
minsan kailanman
1. Nakikiisa ako sa pagsasagawa ng mga
planong may layuning mapahalagahan
ang mga halaman
2. Tumutulong ako sa pagtatanim ng
halaman sa aming paaralan at
komunidad.
3. Nakikilahok ako sa programang “CLEAN
and GREEN”.
4. Pinipitas ko ang anumang bulaklak na
nakikita sa daan.
5. Hinihikayat ko ang aking mga
kaibigan upang aktibong makilahok sa
programa ng pagsasaluntian sa aming
komunidad.
6. Ginagamit ko ang mga paso, lata o
plastic na lalagyan ng softdrinks na
walang laman upang pagtaniman ng
halaman.
7. Gumagawa ako ng adbokasiya ukol sa
pagluluntian sa paaralan.
8. Kusa kong dinidiligan ang mga
halaman sa aming paaralan.
9. Inilalagay ko ang mga tuyong dahon
ng halaman sa compost pit upang
gawing organikong pataba.
10. Binubuwal ko ang mga halaman sa
aming bakuran.

Modyul sa Edukasyon sa Pagpapakatao 6


Ikatlong Markahan: Ikatlong Linggo
2

Balik-tanaw

Gawain 1.2 Tingnan mong mabuti ang mga larawan at pagkatapos ay sagutin
ang mga sumusunod na tanong sa ibaba.

Polusyon sa tubig Illegal na Pagtotroso Paggamit ng Dinamita

1. Ano sa iyong palagay ang nagiging epekto ng mga nasa larawan sa mga
pinagkukunang yaman?
a. Polusyon sa tubig:
b. Illegal na Pagtotroso:
c. Paggamit ng Dinamita:
2. Paano ito nakakaapekto sa mga pinagkukunang yaman?
3. Bilang mag-aaral ano naman ang iyong gagawin upang makatulong sa
pagpapalaganap ng pagpapahalaga at pagkakaroon ng pananagutan sa kabuhayan at
pinagkukunang-yaman sa loob ng paaralan?

Pagpapakilala ng Aralin

Ang pagkilos sa pangangalaga sa kapaligiran ay nagsisimula sa malalim na


pang-unawa sa mga sanhi at bunga ng suliranin na nararanasan natin sa
kasalukuyan. Upang mapangalagaan ang ating kalikasan, ang ating pamahalaan ay
may mga ipinatutupad na batas. Bilang mamamayan kailangan natin itong suportahan
at sundin. Ang disiplina ay maipapakita sa pagsunod sa batas sa lahat ng oras. Ito ay
tungo sa kapanatagan ng kalikasan. Tatalakayin sa araling ito ang mga mahahalagang
batas na nangangalaga sa wastong paggamit ng likas yaman ng bansa.

Masdan mo ang larawan, bago mo simulan ang pag-aaral sagutin mo ang mga
katanungan sa ibaba.

 Ano ang napansin mo sa mga larawan?


 Sa iyong palagay, ano-ano ang sanhi ng pangyayari batay sa larawan?
 Ano ang maaaring solusyon ang dapat gawin upang hindi humantong sa
ganitong pangyayari?

Sa pag-aaral mo ng modyul na ito, matututuhan mo kung ano ang kahalagahan


ng mga batas tungkol sa wastong pangangalaga sa kapaligiran.

Modyul sa Edukasyon sa Pagpapakatao 6


Ikatlong Markahan: Ikatlong Linggo
3

RA 8749 o “Philippine Clean Air Act”


Ang Philippine Clean Air Act ay naglalayong panatilihing malinis at
ligtas ang hanging nilalanghap ng mga mamamayan. Layon din nito na
ang mga gawaing nagpapadungis sa hangin. Ayon sa batas na ito, mas
kailangang bigyang-pansin ang pagpapatuloy ng mga gawain na
nagpapalinis ng hangin kaysa sa pagpapadumi ng malinis a na hangin.
Ang batas na ito ay nagsasaad din na hindi lamang ang pamahalaan ang
may katungkulan na panatilihin ang linis ng hangin subalit pati ang mga
pampublikong mamamayan ng bansa. Kasama sa batas na ito ang
pagpaplano ng mga paraan upang epektibong mawaksi ang mga sanhi ng
maduming hangin at maghanap ng mga paraan upang mabawasan ang
polusyon sa hangin.

RA 9275 o “Philippine Clean Water Act”


Ang batas na ito ay naglalayong protektahan ang mga tubig sa
bansa mula sa polusyon.

PD 705 o “Revised Forestry Code”


Ang PD 705 ay patungkol sa pagprotekta ng kagubatan at
kakahuyan sa Pilipinas. Nilalaman ng batas na ito ang epektibong
pangangasiwa ng mga lupain at yamang-lupa sa bansa, at kabilang dito
ang pagtakda sa uri ng mga pampublikong lupain upang malaman kung
anong uri ng pangangalaga ang dapat ilaan para dito. Ang isa pang
mahalagang probisyon ng batas ay ang pangangasiwa sa dami at uri ng
kakahuyan na maaaring putulin, pati na rin ang pamamaraan ng
pagkamit ng lisensya ng mga kompanyang puputol ng alambre. Ang
tinukoy bilang tagapamahala sa pangangasiwang ito ay ang Bureau of
Forest Development.

Republic Act 9003


Ito ang Ecological Solid Waste Management Act of 2003.
Nagtatakda sa mga kinauukulan ng iba't ibang mga pamamaraan upang
makolekta at mapagbuklod-buklod ang mga solid waste sa bawat
barangay.

Republic Act 7586


Kilala rin bilang National Integrated Protected Areas System Act of
1992. Ang batas na ito ay kumikilala sa kritikal na kahalagahan ng
pangangalaga at pagpapanatili sa mga likas na bayolohikal at pisikal na
pagkaakaiba-iba sa kapaligiran.

Republic Act 9147


Ito ay ang Wildlife Resource Conservation and Protection Act. Ito
ay ukol sa konserbasyon at proteksiyon ng maiilap na hayop at ng
kanilang tirahan na mahahalaga upang mapaunlad ang ecological
balance at ecological diversity.

Republic Act 7942


Tinatawag ding Philippine Mining Act of 1995.
Itinatakda ng batas na ito ang pagkilala sa lahat ng yamang mineral na
matatagpuan sa mga lupaing pampubliko.

Modyul sa Edukasyon sa Pagpapakatao 6


Ikatlong Markahan: Ikatlong Linggo
4

Batas Pambansa 7838


Ito ay tumutukoy sa Department of Energy Act of 1992. Upang
makasiguro na patuloy at sapat ang suplay ng enerhiya at makatutugon
sa pagpapaunlad ng kabuhayan ng bansa.

Presidential Decree 1067


Tinutukoy ng Water Code of the Philippines o PD 1067.
Nilalayon ng batas na maitatag ang batayan sa konserbasyon ng tubig.

Mga Gawain
Gawain 1.3:

Sumulat ka ng limang paraan upang masunod ang batas ukol sa wastong


pangangalaga sa kalikasan. Isulat ang sagot sa mga kahon.

Gawain 1.4:
Sa loob ng kahon, gumawa ng isang islogan na nagpapakita ng pagsunod
sa mga batas pambansa at pandaigdigan tungkol sa pangangalaga sa
kapaligiran.Gawing malikhain ang iyong gawa.

Tandaan

Ang mga batas patungkol sa pangangalaga sa kalikasan ay


dapat sundin ng may pagpapahalaga at tamang disiplina para sa
kapakanan ng bawat isa.

Pag-alam sa Natutuhan

Buuin ang bawat pangungusap. Isulat mo ang titik ng tamang sagot.


1. Ang Republic Act 9147 ay tungkol sa ___________________.
a. naglalayong panatilihing malinis at ligtas ang nilalanghap na
hangin
b. protektahan ang tubig mula sa polusyon
c. konserbasyon at proteksyon ng mga maiilap na hayop

Modyul sa Edukasyon sa Pagpapakatao 6


Ikatlong Markahan: Ikatlong Linggo
5

d. makasigurong sapat ang suplay ng enerhiya ng bansa


2. Ang RA 8749 o Philippine clean water act ay tungkol sa ________________.
a. pagpapanatili sa mga likas na bayolohikal at pisikal na
pagkaakaiba-iba sa kapaligiran
b. pagprotekta ng kagubatan at kakahuyan sa Pilipinas
c. protektahan ang mga tubig sa bansa mula sa polusyon
d. panatilihing malinis at ligtas ang nilalanghap na hangin
3. Ang Republic Act 9003 o ang ecological Solid Waste Management Act of
2003. ay tungkol sa _______.
a. iba't ibang mga pamamaraan upang makolekta at mapagbuklod-
buklod ang mga solid waste sa bawat barangay
b. pagpapanatili sa mga likas na bayolohikal at pisikal na
pagkaakaiba-iba sa kapaligiran
c. konserbasyon at proteksyon ng mag maiilap na hayop
d. pagprotekta ng kagubatan at kakahuyan sa Pilipinas
4. Ang Republic Act 7586 ay naglalayong _______________.
a. naglalayong panatilihing malinis at ligtas ang nilalanghap na
hangin
b. mapanatili sa mga likas na bayolohikal at pisikal na pagkaakaiba-
iba sa kapaligiran
c. konserbasyon at proteksyon ng mga maiilap na hayop
d. makasigurong sapat ang suplay ng enerhiya ng bansa
5. Ang PD 705 o “Revised Forestry Code” ay naglalayong _________________.
a. mapanatili sa mga likas na bayolohikal at pisikal na pagkaakaiba-
iba sa kapaligiran
b. maprotektahan ang kagubatan at kakahuyan sa Pilipinas
c. maprotektahan ang mga tubig sa bansa mula sa polusyon
d. mapanatiling malinis at ligtas ang nilalanghap na hangin

Pangwakas na Pagsusulit

A. Panuto: Basahin at unawain ang sumusunod na pahayag. Isulat ang


batas na tinutukoy sa patlang.
1. Ito ay ang Wildlife Resource Conservation and Protection Act.
Ito ay ukol sa konserbasyon at proteksiyon ng maiilap na hayop at ng kanilang
tiarahan na mahahalaga upang mapaunlad ang ecological balance at ecological
diversity.
_________________________________________________.
2. Ito ang Ecological Solid Waste Management Act of 2003.
nagtatakda sa mga kinauukulan ng iba't ibang mga pamamaraan upang
makolekta at mapagbuklod-buklod ang mga solid waste sa bawat barangay
__________________________________________________.

3. Ang PD 705 o Revised Forestry Code ay tungkol sa pagproprotekta,


pagpapaunlad at rehabilitasyon ng mga lupaing pangkagubatan at kakahuyan
sa bansa.
__________________________________________________.

Modyul sa Edukasyon sa Pagpapakatao 6


Ikatlong Markahan: Ikatlong Linggo
6

B. Panuto: Pagtambalin ang sumusunod na pahayag.


4. _____ Republic Act 8749 a. tinatawag ding Philippine
Mining Act of 1995. Itinatakda ng batas
na ito ang pagkilala sa lahat ng yamang
mineral na matatagpuan sa mga lupaing
pampubliko.
5. _____ Republic Act 7942 b. tumutukoy sa Philippine Clean Air Act of
1999. Sa pamamagitan ng batas na ito,
itinataguyod ng estado ang isang patakaran
upang makamit ang balanse sa pagitan ng
kaunlaran at pangangalaga ng kalikasan.

C. Panuto: Basahin ang sumusunod na pahayag. isulat ang titik ng tamang


sagot sa patlang.

______6. Kilala rin bilang National Integrated Protected Areas System Act of
1992. Ang batas na ito ay kumikilala sa kritikal na kahalagahan ng
pangangalaga at pagpapanatili sa mga likas na bayolohikal at pisikal na
pagkaakaiba-iba sa kapaligiran
a. Republic Act 9275 c. Republic Act 9147
b. Republic Act 7586 d. Republic Act 9003

______7.Ito ay tumutukoy sa Department of Energy Act of 1992.Upang


makasiguro na patuloy at sapat ang suplay ng enerhiya at makatutugon sa
pagpapaunlad ng kabuhayan ng bansa.
a. Presidential Decree 705 c. Batas Pambansa 7838
b. Republic Act 9275 d. Republic Act 9003

D. Panuto: Sagutin ng TAMA o MALI. Isulat ang iyong sagot sa patlang


______8. Ito ay ang Philippine Clean Water Act of 2004.
Ang batas na ito ay pata sa proteksiyon, preserbasyon at pagpapanumbalik ng
kalidad ng malinis na tubig dagat. → Republic Act 9275

______9. Tinutukoy ng Water Code of the Philippines o PD 1067.


nilalayon ng batas na maitatag ang batayan sa konserbasyon ng tubig. →
Presidential Decree 1067

Pagninilay

Sa iyong journal, gumawa ng isang karikatura na maaring mangyari


kapag nasira ang kalikasan ng bansa dahil sa hindi pagsunod sa batas at
kapabayaan ng tao.

Modyul sa Edukasyon sa Pagpapakatao 6


Ikatlong Markahan: Ikatlong Linggo
7

Edukasyon sa Pagpapakatao 6
Ikatlong Markahan – Ikatlong Linggo

Pangalan:_____________________________________________ Guro: ________________


Baitang at Seksyon: __________________________________ Iskor: ________________

I. Paunang Pagsubok
Gawain madalas paminsan-minsan hindi kailanman
1
2
3
4
5
6
7
8
9
10

II. Balik-tanaw

1.

2.

3.

III. Mga Gawain


Gawain 1.3

1.
2.
3.
4.
5.

Gawain 1.4

Modyul sa Edukasyon sa Pagpapakatao 6


Ikatlong Markahan: Ikatlong Linggo
8

IV. Pag-alam sa Natutuhan

1.
2.
3.
4.
5.

V. Pangwakas na Pagsusulit

1.
2.
3.
4.
5.
6.
7.
8.
9.
10.

VI.

Modyul sa Edukasyon sa Pagpapakatao 6


Ikatlong Markahan: Ikatlong Linggo

You might also like