You are on page 1of 3

Ang Tulay na Kahoy

Ibig kong marating ang kabilang lupaKung saan may punot magagandang bata, Kung saan ang ilog ay puno ng isda, At pawing may ngiti ang lahat ng mukha.

Subalit kay lawak nitong karagatan, Lalamguyin ko ba? O, kay hirap naman; O sa Bangka kaya, akoy mananagwan, Kung ako ay ibon, liliparin ko lang.

Aba, ano iyong aking nakikita? Tila may lunas na itong aking dusa,-Iyon ba ay tulay? Oo, tulay na nga, Tatawid na ako sa kabilang lupa.

ANG GURYON (Saranggola)

Tanggapin mo, anak, itong munting guryon, Na yari sa patpat at papel d Hapon, Magandang laruan, pula, puti, asul, Na may pangalan mong sa gitna naroon. Ang hiling ko lamang, bago paliparin Ang guryon mong ito pakatimbangin, Ang dulo at Paulo ay sukating magaling Nang hindi umikit o kayay kumiling. Saka umihip ang hangin, ilabas At sa itaas bayaang lumipad; Datapwat ang pisi ay tibayin mo, anak, At baka lagutin ng hanging malakas Ibigin man at hindi, bilang araw Ikaw ay matutuksong makipag-agaawan; Makipaglaban ka, subalit tandaan, Na ang nagtatagumpay ay ang pusong marangal. At kung ang guryon moy sakaling madaig, Matangay ng iba o kayay mapatid; Kung saka-sakaling din a makabalik, Maawaing kamay nawa ang magkamit.

Ang buhay ay guryon: marupok, malikot, Maagaw at umagaw saan man sumuot Oh, paliparin mo at ihalik sa Diyos,

Bago tuloy-tuloy sa lupa ay sumubsob.

You might also like