You are on page 1of 2

ARALING PANLIPUNAN 4

Pangalan: __________________ Taon & Pangkat:_ _____Iskor: _______


Paaralan: __________________________ Guro: _____________________

Unang Markahan
Unang Aralin: Worksheet #1
Layunin: Maibigay ang konsepto ng isang bansa.
Gawain A
Panuto: Isulat mo sa loob ng kahon ang letra ng sagot sa bawat katanungan.
1. Ito ay ang grupo ng mga naninirahan sa isang teritoryo na bumubuo ng
populasyon ng mga bansa.

2. Ang kapangyarihan ng bansa at pamahalaan nito na maipatupad ang anumang


batas para sa mga nasasakupan.

3. Organisasyong politikal na naglalayong magtatag ng kaayusan at mapanatili ang


isang sibilisadong lipunan.

4. Ito ang tumutukoy sa lawak ng lupain at katubigan kasama na ang himpapawid at


kalawakan sa itaas nito. Tinitirhan ng mga tao at pinamumunuan ng pamahalaan.

5. Ito ay lugar o teritoryo na may naninirahang mga grupo ng tao na may


magkakatulad na kulturang pinanggagalingan kung kaya makikita ang iisa o
pare-parehong wika, pamana, relihiyon at lahi.

Gawain B
Panuto: Lagyan ng tsek () kung ang pangungusap ay nagsasabi ng katangian ng
isang lugar para maituring na isang bansa at ekis () kung hindi.

_____1. May mga taong naninirahan sa isang teritoryo.


_____ 2. Ang kapangyarihan ng pamahalaan ay naka depende sa pamahalaan
ng katabing bansa.
_____ 3. May sariling soberanya na kinikilala ng ibang bansa.
_____ 4. May sariling teritoryo na tumutukoy sa lupain at katubigan kasama na
ang himpapawid at kalawakan sa itaas nito.
_____ 5. Nagtataglay ng dalawang elemento ang tao at teritoryo.
ARALING PANLIPUNAN 4

PANAPOS NA PAGSUSULIT

Panuto: Bilugan ang titik ng tamang sagot.

1. Ang mga sumusunod ay mga halimbawa ng isang bansa, maliban sa


isa. Ano ito?
A. Australia C. Manila
B. China D. USA
2. Ilang elemento ang kailangan upang maituring na isang bansa?
A. isa
B. dalawa
C. tatlo
D. apat
3. Ito ay tumutukoy sa grupo ng naninirahan sa isang lugar na bumubuo
sa populasyon ng bansa.
A. pamahalaan
B. tao
C. teritoryo
D. soberanya o ganap na kalayaan
4. Ang isang bansa ay maituturing na tunay na nagsasarili o malaya
kapag ito ay may _________?
A. mga mamamayan
B. mga pamahalaan
C. sariling teritoryo
D. soberanya o ganap na kalayaan
5. Alin ang itinuturing na teritoryo ng isang bansa?
A. Ang lahat ng lupa, katubigan, at himpapawid na nasasakupan
nito.
B. Ang lupang tinitirahan ng mga tao na sakop nito.
C. Ang lahat ng lupang nasasakop nito.
D. Ang lupang hindi tinirhan.

You might also like