You are on page 1of 3

Pangalan____________________________ Petsa: __________________

Pangkat:____________________________ Marka:_________

Araling Panlipunan 4
Q1- Week 1- Ang Pilipinas ay Isang Bansa

Sa araling ito, inaasahang matatalakay mo ang konsepto ng bansa.

Ang bansa ay lugar o teritoryo na may naninirahang mga grupo ng tao na may
magkakatulad na kulturang pinanggalingan kung kaya makikita ang iisa o pare-
parehong wika, pamana, relihiyon, at lahi.

Bansa
Ang isang bansa ay maituturing na bansa kung ito ay binubuo ng apat na
elemento ng pagkabansa—tao, teritoryo, pamahalaan, at ganap na kalayaan o
soberanya.

Tao
Ang tao ay tumutukoy sa grupong naninirahan sa loob ng isang teritoryo na
bumubuo ng populasyon ng bansa.

Teritoryo
Ang teritoryo ay tumutukoy sa lawak ng lupain at katubigan kasama na ang
himpapawid at kalawakan sa itaas nito. Ito rin ang tinitirhan ng tao at
pinamumunuan ng pamahalaan.

Pamahalaan
Ang pamahalaan ay isang samahan o organisasyong politikal na itinataguyod
ng mga grupo ng tao na naglalayong magtatag ng kaayusan
at magpanatili ng isang sibilisadong lipunan.

Soberanya o Ganap na Kalayaan


Ang soberanya o ganap na kalayaan ay tumutukoy sa kapangyarihan ng
pamahalaang mamahala sa kaniyang nasasakupan. Tumutukoy rin ito sa kalayaang
magpatupad ng mga programa nang hindi pinakikialaman ng ibang bansa. Dalawa
ang anyo ng soberanya—panloob at panlabas. Ang panloob na soberanya ay ang
pangangalaga ng sariling kalayaan. Ang panlabas naman ay ang pagkilala ng ibang
bansa sa kalayaang ito.

Hindi maituturing na bansa ang isang bansa kung may isa o higit pang kulang
sa alinman sa apat na binanggit na element o katangian. Sa kasalukuyan, may
mahigit 200 bansa ang nagtataglay ng apat na elemento ng pagiging ganap na bansa.
Kabilang ang Pilipinas sa mga bansang ito. Ilan pang lugar sa mundo na maituturing
na bansa ay ang United States of America, Australia, United Kingdom, Saudi Arabia,
at China.
I. Gawain A
Panuto: Sagutin ang mga sumusunod:

1. Ano ang kahulugan ng bansa?


2. Ano-ano ang katangian ng isang lugar para masabing isa itong bansa?
3. Bakit maituturing na isang bansa ang Pilipinas?

Gawain B
Panuto: Lagyan ng tsek ang bilang ng pangungusap na nagsasabi ng
katangian ng isang lugar para maituring na isang bansa.

_______1. May mga mamamayang naninirahan sa bansa.


_______2. Pinamamahalaan ng iba pang bansa
_______3. Binubuo ng tao, pamahalaan, at teritoryo lamang
_______4. May sariling pamahalaan
_______5. May sariling teritoryo na tumutukoy sa lupain at katubigan kasama
na ang himpapawid at kalawakan sa itaas nito

II. Gawain A
Panuto: Piliin sa hanay B ang inilalarawan sa hanay A.

Hanay A Hanay B

1. Ang ______ ay isang samahan a. 200 bansa


o organisasyong politikal na itinataguyod
ng mga grupo ng tao na naglalayong b. pamahalaaan
magtatag ng kaayusan at magpanatili
ng isang sibilisadong lipunan. c. tao
2. Ang ______ ay tumutukoy sa grupong
naninirahan sa loob ng isang teritoryo na d. panlabas na
bumubuo ng populasyon ng bansa. soberanya
3. Ang ______________ ay ang
pangangalaga ng sariling kalayaan. e. panloob na
4. Ang _______________ ay ang pagkilala ng soberanya
ibang bansa sa kalayaang ito.
5. Sa kasalukuyan, may mahigit _______ ang f. teritoryo
nagtataglay ng apat na elemento ng
pagiging ganap na bansa.

Gawain B
Panuto: Basahin ang mga pangungusap at piliin ang salita o impormasyong
bubuo sa diwa nito. Isulat ang letra ng sagot sa sagutang papel.

_______1. Ang _______ ay lugar o teritoryo na may naninirahang mga grupo ng


tao na may magkakatulad na kulturang pinanggalingan kung kaya makikita
ang iisa o pare-parehong wika, pamana, relihiyon, at lahi.
a. Bansa
b. Lalawigan
c. Baranggay
d. Wala sa nabanggit
_______2. Ang isang bansa ay maituturing na bansa kung ito ay binubuo ng
______ na elemento ng pagkabansa.
a. Lima
b. Apat
c. Tatlo
d. Dalawa

_______3. Ang Pilipinas ay isang bansa dahil may mga ________.


a. naninirahan ditong tao, may sariling teritoryo, at may ganap na
kalayaan.
b. naninirahan ditong tao, walang sariling teritoryo, may pamahalaan, at
may ganap na kalayaan.
c. naninirahan ditong mga hayop, ngunit walang sariling teritoryo, walang
pamahalaan, at ganap na kalayaan.
d. naninirahan ditong tao, may sariling teritoryo, may pamahalaan, at may
ganap na kalayaan.

_______4. Ang soberanya o ganap na kalayaan ay tumutukoy sa ___________.


a. Kapangyarihan ng pamahalaang mamahala sa kaniyang nasasakupan.
b. Tumutukoy rin ito sa kalayaang magpatupad ng mga programa nang
hindi pinakikialaman ng ibang bansa.
c. A at B
d. Wala sa nabanggit

_______5. Ang teritoryo ay tumutukoy sa _____________.


a. lawak ng lupain at katubigan hindi kasama ang himpapawid at
kalawakan sa itaas nito.
b. lawak ng lupain, kasama na ang himpapawid at kalawakan sa itaas nito.
c. lawak ng lupain at katubigan kasama na ang himpapawid at kalawakan
sa itaas nito.
d. lawak ng lupain at katubigan.

You might also like