You are on page 1of 13

ARALING PANLIPUNAN

4
UNANG MARKAHAN
MODYUL 1

Kompetensi
Natatalakay ang konsepto
ng bansa
MELC-Q1-W1
Ang Aking Bansa

JOHN MARK C. REANZARES


Teacher I
Malbog Elementary School
Buenavista District

Department of Education • Schools Division of Marinduque


Panimulang Mensahe

Para sa tagapagdaloy:
Malugod na pagtanggap sa asignaturang Araling Panlipunan - Baitang
Modyul bilang 1 para sa araling, Ang Aking Bansa!
Ang modyul na ito ay pinagtulungang dinisenyo, nilinang at sinuri ng
mga edukador mula sa pampublikong institusyon ng Sangay ng Marinduque
upang gabayan ka, ang gurong tagapagdaloy upang matulungang makamit
ng mag-aaral ang pamantayang itinakda ng Kurikulum ng K to12 habang
kanilang pinanagumpayan ang pansarili, panlipunan at pang-ekonomikong
hamon sa pag-aaral.
Ang tulong-aral na ito ay umaasang makauugnay ang mag-aaral sa
mapatnubay at malayang pagkatuto ng mga gawain ayon sa kanilang
kakayahan, bilis at oras. Naglalayon din itong matulungan ang mag-aaral
upang makamit ang mga kasanayang pan-21 siglo habang isinasaalang-alang
ang kanilang mga pangangailangan at kalagayan.

Para sa mag-aaral:

Malugod na pagtanggap sa Araling Panlipunan - Baitang 4 Modyul


bilang 1 para sa araling, Ang Aking Bansa!

Ang modyul na ito ay ginawa bilang tugon sa iyong pangangailangan.


Layunin nitong matulungan ka sa iyong pag-aaral habang wala ka sa loob ng
silid-aralan. Hangad din nitong madulutan ka ng mga makabuluhang
oportunidad sa pagkatuto.
Ang sumusunod ay mahahalagang paalala sa paggamit ng modyul na ito:
1. Gamitin ang modyul nang may pag-iingat. Huwag lalagyan ng anumang
marka o sulat ang anumang bahagi ng modyul. Gumamit ng hiwalay
na papel sa pagsagot sa mga pagsasanay.
2. Huwag kalimutang sagutin ang Subukin bago lumipat sa iba pang
gawaing napapaloob sa modyul.
3. Basahing mabuti ang mga panuto bago gawin ang bawat pagsasanay.
4. Obserbahan ang katapatan at integridad sa pagsasagawa ng mga
gawain at sa pagwawasto ng mga kasagutan.
5. Tapusin ang kasalukuyang gawain bago pumunta sa iba pang
pagsasanay.
6. Pakibalik ang modyul na ito sa iyong guro o tagapagdaloy kung tapos
nang sagutin lahat ng pagsasanay.

2
Kung sakaling ikaw ay mahirapang sagutin ang mga gawain sa modyul na
ito, huwag mag-aalinlangang konsultahin ang inyong guro o tagapagdaloy.
Maaari ka rin humingi ng tulong sa iyong mga magulang, sa nakatatanda
mong kapatid o sino man sa iyong mga kasama sa bahay na mas nakatatanda
sa iyo. Laging itanim sa iyong isipang hindi ka nag-iisa.

Umaasa kami, sa pamamagitan ng modyul na ito, makararanas ka ng


makahulugang pagkatuto at makakakuha ka ng malalim na pang-unawa sa
kaugnay na mga kompetensi. Kaya mo ito!

Paunang Pagsubok

Panuto: Basahin at unawaing mabuti ang mga pangungusap. Bilugan ang titik ng
tamang sagot.
1. Ano ang tawag sa grupong naninirahan sa loob ng isang teritoryo na bumubuo sa
populasyon ng bansa?
A. Tao B. Bansa C. Teritoryo D. Pamahalaan
2. Tumutukoy sa isang samahan o organisasyong politikal na itinataguyod ng mga
grupo ng tao na naglalayong magtatag ng kaayusan at magpanatili ng isang
sibilisadong lipunan
A. Bansa B. Teritoryo C. Pangulo D. Pamahalaan

3. Ito ay isang lugar o teritoryo na may naninirahang mga grupo ng tao na may
magkakatulad na kulturang pinanggalingan.
A. Isla B. Bansa C. Teritoryo D. Soberanya
4. Tumutukoy sa lawak ng lupain at katubigan kasama na ang himpapawid at
kalawakan sa itaas nito.
A. Kilometro B. Bansa C. Teritoryo D. Pamahalaan
5. Tumutukoy sa kapangyarihan ng pamahalaang mamahala sa kaniyang
nasasakupan.
A. Tao B. Bansa C. Pamahalaan D. Soberanya
6. Isa ito sa mga uri ng soberanya na tumutukoy sa pagkilala ng ibang mga bansa sa
kalayan ng isang bansa. Ano ito?
A. Pangharap na soberanya C. Panloob na soberanya
B. Panlabas na soberanya D. Kalayaan

3
7. Isa ito sa mga uri ng soberanya na tumutukoy sa pangangalaga ng sariling
kalayaan. Ano ito?
A. Panlabas na soberanya C. Pangharap na soberanya
B. Panloob na soberanya D. Kalayaan

8. Ang mga sumusunod ay elemento ng isang bansa.Maliban sa isa.Alin ito?


A. Tao C. Sandata
B. Teritoryo D. Soberanya

9. Ang Pilipinas ay matatawag na isang bansa kung ito ay binubuo ng mga


sumusunod na mga konsepto na tao, teritoryo, soberanya at ________. Ano ito
A. Pamahalaan C. Tulay at kalsada
B. Nasasakupan D. Lahat ng nabanggit

10. Ano-ano ang mga konsepto na bumubuo para matawag na isang bansa ang
isang lugar?

A. Tao at Pamahalaan
B. Tao, Pamahalaan at Teritoryo
C. Tao, Teritoryo at Soberanya
D. Tao, Teritoryo Pamahalaan at Soberanya

4
Aralin
Ang Pilipinas ay Isang Bansa
1
Sa modyul na ito, malalaman mo ang mga dahilan kung paano masasabi na
ang isang lugar o teritoryo ay isang ganap na bansa. Katulad ng Pilipinas, tinatawag
itong isang bansa dahil sa nagtataglay ito ng mga elemento na kinakailangan upang
maging isang ganap na bansa. Ang mga elementong ito ang magbibigay ng malinaw
na gabay at basehan upang makapagsaad na ang isang lugar ay isang bansa.

Pagtatalakay
A. Paglalahad sa Paraang Grapikal

1.1. Bubble Map

tao
pamahalaan

Panloob

Soberanya
o ganap na
teritoryo
kalayaan
Panlabas

Interpretasyon:
Ang bubble map sa itaas ay nagpapakita ng mga elemento na kinakailangan
upang makilala na ang isang lugar o teritoryo ay matatawag na isang bansa. Una,
katulad ng Pilipinas, tinaguriang bansa ng mga Pilipino na kumakatawan sa tao bilang
isa sa mga elemento ng pagiging isang bansa. Ito ay nangangahulugan na may
magkakatulad na kulturang pinanggalingan ang mga pangkat o grupo ng tao na
kakikitaan ng iisa o pare-parehong wika, pamana, relihiyon, at lahi. Ikalawa, mayroong
pamahalaan na siyang nangunguna sa pagnanais na magkaroon ng kaayusan at
magpanatili ng isang sibilisadong lipunan. Ikatlo, ang teritoryo na tumutukoy sa lawak

5
ng lupain at katubigan kasama na ang himpapapwid at kalawakan na nasasakop sa
itaas nito. Panghuli, ang soberanya na tumutukoy sa kapangyarihan ng pamahalaang
mamahala sa kaniyang nasasakupan. Mayroon itong dalawang anyo: a.) panlabas na
soberanya na tumutukoy sa pagkilala ng ibang mga bansa sa kalayaan ng isang
bansa b.) panloob na soberanya naman ang tawag sa pangangalaga ng isang bansa
sa kanyang sariling kalayaan.
1.2 Concept Map

Bakit tinatawag na bansa ang isang lugar o teritoryo?

dahil

dahil
dahil
dahil

tao teritoryo pamahalaan soberanya

Tumutukoy sa
Grupo ng tao Isang samahan o Ito ay tumutukoy
lawak ng
na organisasyong politikal sa kapangyarihan
lupain at
naninirahan sa na itinataguyod ng mga ng pamahalaang
katubigan
loob ng isang grupo ng tao na mamahala sa
kasama na
lugar na naglalayong magtatag kaniyang
ang
bumubuo sa ng kaayusan at nasaskupan. Ito
himpapapwid
populasyon ng magpanatili ng isang ay mayroong
at kalawakan
isang bansa. sibilisadong lipunan. dalawang anyo.
sa itaas nito.

Interpretasyon: Panlabas na soberanya


ang tawag sa pagkilala ng
Makikita sa concept map sa gawing itaas ibang mga bansa sa
ang mga nakalahad na sagot kung bakit kalayaan ng isang bansa
tinatawag na bansa ang isang lugar.
Nagtataglay rin ito ng mga pormal na kahulugan
ng mga elemento ng pagiging isang bansa. Panloob na soberanya
ang tawag sa
pangangalaga ng isang
bansa sa kanyang sariling
kalayaan

6
Suriin

Panuto: Iayos ang mga titik upang mabuo ang salita na tinutukoy sa bawat
pangungusap. Isulat sa sagutang papel ang iyong sagot.

1. Tumutukoy sa lawak ng lupain at katubigan O E T I T R R O Y


kasama na ang himpapapwid at kalawakan sa
itaas nito.

2. Grupo ng tao na naninirahan sa loob ng isang


lugar na bumubuo sa populasyon ng isang O T A
bansa.

3. Isang samahan o organisasyong politikal na


NAA HMA PL AA
itinataguyod ng mga grupo ng tao na naglalayong
magtatag ng kaayusan at magpanatili ng isang
sibilisadong lipunan.

4. Ito ay tumutukoy sa kapangyarihan ng


pamahalaang mamahala sa kaniyang Y B O E R A N A S
nasasakupan.

5. Isang lugar o teritoryo na mayroong naninirahang


mga tao o pangkat ng tao na may magkakatulad S A B N A
na kultura, pare-parehong wika, pamana,
relihiyon, at lahi.

Isaisip

Ang bansa ay lugar o teritoryo na may naninirahang mga grupo


ng tao na may magkakatulad na kulturang pinanggalingan kung saan
makikita ang iisa o pare-parehong wika, pamana, relihiyon, at lahi.
Ang isang bansa ay maituturing na bansa kung ito ay binubuo
ng apat na elemento ng pagkabansa- tao, teritoryo, pamahalaan,
at ganap na kalayaan o soberanya.
Ang Pilipinas ay isang bansa dahil may mga naninirahan
ditong tao, may sariling teritoryo, may pamahalaan, at may ganap
na kalayaan.

7
Isagawa

A. Panuto: Iguhit ang masayang mukha kung ang sinasabi ng pangungusap

ay tama at malungkot na mukha kapag mali.

_______1. Ang Pilipinas ay isang bansa.

_______2. Hindi malaya ang Pilipinas kaya hindi ito isang bansa.

_______3. Tao, teritoryo, at pamahalaan lamang ang


kailangan para maging isang bansa ang isang lugar.

_______4. Ang Thailand ay maituturing na isang bansa dahil ito ay


malaya, may sariling teritoryo at pamahalaan at may
mamamayan.

_______5. Ang lugar na pinakikialaman ng ibang bansa at walang


sariling pamahalan ay hindi maituturing na bansa.

B. Panuto: Kulayan ang mga dahon na may pangungusap na nagsasabi ng


katangian ng isang lugar para maituring na isang bansa.

May mga
Mamamayan
na Pinamamahalaan Binubuo ng tao,
naninirahan ng ibang bansa pamahalaan at
sa bansa teritoryo lamang

May sariling
May sariling teritoryo na tumutukoy sa
pamahalaan lupain at katubigan kasama na ang
himpapapwid at kalawakan
sa itaas nito.

8
Pagyamanin
I. Panuto: Isulat sa Fish Bone diagram sa ibaba ang mga elemento upang
matawag na bansa ang isang lugar o teritoryo.

1. 2.

Mga
Elemento ng
Isang Bansa

3. 4.

II. Panuto: Hanapin at bilugan sa puzzle ang mga elemento upang matawag
na isang bansa ang isang lugar o teritoryo.

P A B S C D E T

A F G O H I P E

M J K B L M A R

A N O E P Q N I

H R S R A T L T

A U B A N S A O

L V W N L X B R

A Y Z Y O A A Y

A B C A O D S O

N E F G B T A O

9
Pagtataya
Panuto: Basahin at unawaing mabuti ang mga pangungusap. Isulat ang titik
ng tamang sagot sa inyong sagutang papel.

1. Tinatawag na bansa ang isang lugar dahil mayroong grupong naninirahan at


bumubuo sa populasyon nito? Anong elemento ng pagiging bansa ito?

A. Tao B. Bansa C. Teritoryo D. Pamahalaan

2. Ito ay tumutukoy sa isang samahan o organisasyong politikal na itinataguyod


ng mga grupo ng tao na naglalayong magtatag ng kaayusan at magpanatili
ng isang sibilisadong lipunan. Alin sa mga element ng pagiging isang bansa
ito?

B. Bansa B. Teritoryo C. Pamahalaan D. Pangulo

3. Ito ang tawag sa isang lugar o teritoryo na may naninirahang mga grupo ng
tao na may magkakatulad na kulturang pinanggalingan.

A. Isla B. Bansa C. Teritoryo D. Soberanya

4. Ang teritoryo bilang isang elemento ng pagiging isang bansa ay tumutukoy sa


mga sumusunod maliban sa isa. Alin ito?

A. Lawak ng kalawakan na nasasakop


B. Lawak ng katubigan na nasasakop
C. Lawak ng lupain na nasasakop
D. Lawak ng mga taong sama-samang naninirahan sa isang lugar

4. Anong elemento ng pagiging isang bansa ang tumutukoy sa kapangyarihan


ng pamahalaang mamahala sa kaniyang nasasakupan?

A. Tao B. Bansa C. Pamahalaan D. Soberanya

6. Ang panlabas na soberanya ay isa sa mga uri ng soberanya na tumutukoy sa


pagkilala ng ibang mga bansa sa ________ ng isang bansa. Ano ito?
A. Kahirapan C. Kalayaan
B. Kaunlaran D. Kapayapaan

7. Ang panloob na soberanya bilang isang uri ng soberanya ay tumutukoy sa


______________ ng sariling kalayaan.
A. Pagsisilbi C. Pagpapasya
B. Pangangalaga D. Pang-aabuso

8. Ang mga sumusunod ang hindi kabilang sa mga elemento na kinakailangan


para matawag na bansa ang isang lugar?
A. Tao C. Pamahalaan
B. Teritoryo D. Pananakop ng ibang bansa

10
9. Ang Pilipinas ay matatawag na isang bansa kung ito ay binubuo ng mga
sumusunod na mga elemento tao, teritoryo, pamahalaan at ________. Ano
ito?

A. Sasakyan C. Tulay at kalsada


B. Soberanya D. Lahat ng nabanggit

10. Ang mga sumunod ang mga elementong bumubuo upang matawag na isang
bansa ang isang lugar?

A.Tao at Pamahalaan
B.Tao, Pahalaan at Teritoryo
C.Tao, Teritoryo at Soberanya
D.Tao, Teritoryo Pamahalaan at Soberanya

Karagdagang Gawain

I. Panuto: Kopyahin ang mga pangungusap. Basahin at unawaing


mabuti ang mga ito. Lagyan ng tsek (/) kung ang pangungusap ay tama
at ekis (X) kung ito ay mali.

_____1. Tinatawag na bansa ang isang teritoryo na may naninirahang


mga pangkat ng tao na may magkakatulad na kulturang
pinanggalingan.
_____2. Mayroong ganap na kalayaan ang isang bansa na may
kakayanang pamahalaan ang kaniyang nasasakupan.
_____3. Maaring maging bansa ang isang teritoryo kahit walang
pamahalaan na nakatalaga dito.
_____4. Ang tao o grupong naninirahan sa loob ng isang teritoryo ay
isa sa mga elemento ng pagkabansa.
_____5. Ang isang bansa ay mayroong walang hanggang sakop o
lawak ng teritoryo na nasasakupan.

II. Panuto: Gumupit o gumuhit ng mga larawan ng mga lugar o teritoryo


na tinatawag na isang bansa. Idikit ang mga ito sa
kuwardeno o sagutang papel.

11
Susi sa Pagwawasto

Isagawa (A)

5.
4.
3.
2.
1.
Suriin
10.D
9.A
8.C
7.B
6.B
5.D
4.C
3.C
2.D
1.A

Paunang Pagsubok
1. 4.

Bansa
Soberanya
Pamahalaan
Tao
Teritoryo
2. 5.

3.

kalayaan
nito. 4.Soberanya o ganap na
kasama na ang himpapapawid at kalawakan sa itaas 3.Teritoryo
3. May sariling teritoryo na tumutukoy sa lupain at katubigan 2.Pamahalaan
2. May sariling pamalaan 1.Tao
1. May mga mamamayan na naninirahan sa bansa
Isagawa (B) (I) Pagyamanin
Pagyamanin ( II )

10.D
9. B
8. D
7. B
6. C
5. D
4. D
3. B
2. C
1. A
Pagtataya
PAMAHALAAN

3. x
SOBERANYA

TERITORYO

5.x 2. /
PANLABAS
PANLOOB

4. / 1. /
TAO

Karagdagang Gawain

Sanggunian
Kagawaran ng Edukasyon Araling Panlipunan 4 Kagamitan ng Mag-aaral p.
2-7
Kagawaran ng Edukasyon Kto12 Araling Panlipunan Gabay Pangkurikulum
Mayo 2016
Kagawaran ng Edukasyon. Most Essential Learning Competencies
May 2020 p. 32 of 73
https://www.instagram.com/fiellustrations/

12
Ang modyul na ito ay isinulat ng mga
dalubhasang guro at pinaunang-suri ng mga
eksperto sa larangan ng edukasyon. Ito ay binuo
para matugunan ang pangangailangan ng mga
mag-aaral at matiyak ang kanilang pagkatuto
habang nananatili sa bahay sa panahong ito ng
pandemya. Hindi po perpekto ang pagkakabuo
ng modyul na ito. Kasalukuyan pa po itong nasa
proseso ng pagsusuri, kung kaya’t ang anumang
puna buhat sa inyo na may kaugnayan sa mga
nilalaman nito ay lubos po naming
pinahahalagahan. Marami pong Salamat.

_________________________________________________________
_________________________________________________________
_________________________________________________________
_________________________________________________________
_________________________________________________________

13

You might also like