You are on page 1of 7

Republic of the Philippines

Department of Education
Region ___
Schools Division Office of
DISTRICT of
ELEMENTARY SCHOOL

WEEKLY LEARNING PLAN


Quarter: 1st Quarter Grade Level: Grade 4
Week: Week 1 Learning Area: Araling Panlipunan
MELC/s:
1. Natatalakay ang konsepto ng bansa (no code)
Day Objectives Topic/s Classroom-Based Activities Home-Based Activities
1 Natatalakay ang Natatalakay ang Panimulang Gawain: Gabayan ang mga mag-aaral upang magawa ang
konsepto ng bansa konsepto ng bansa a. Panalangin mga sumusunod na gawain:
b. Pagpapaalala sa mga health and safety
protocols A. Subukin, p. 2
c. Attendance Isulat ang salitang TAMA kung wasto ang
d. Kumustahan ipinapahiwatig ng salita o mga salitang may
salungguhit at MALI kung ito ay di-wasto. Gawin ito
A. Balik-aral at/o pagsisimula ng bagong aralin sa sagutang papel sa loob ng 10 minuto
(Elicit) 1. Ang Pilipinas ay may sariling teritoryo na binubuo
Sa anong rehiyon matatagpuan ang probinsya na ng 7 641 na mga isla.
iyong kinabibilangan? Ano-ano ang bayan o 2. Ang isang bansa ay maituturing na bansa kung ito
lungsod na nasasakupan ng iyong probinsya? ay binubuo ng dalawang elemento.
Dapat palagi natin iyang pakatatandaan. 3. Ang Pilipinas ay isang bansa.
B. Paghahabi sa layunin ng aralin 4. Walang naninirahang mga tao sa lupain ng
May mga katanungan si Daryo, ano kaya sa Pilipinas.
palagay mo ang mga kasagutan nito? 5. Hindi kasama sa teritoryo ng Pilipinas ang
katubigan at kalawakan sa itaas nito.
6. Pinamumunuan ang Pilipinas ng isang
pamahalaan.
7. Magkakatulad ang kulturang pinanggalingan ng
mga Pilipino.
8. May sariling kapangyarihan ang Pilipinas na
mamahala sa buong nasasakupan nito.
9. Maituturing na bansa ang alinmang teritoryo
kahit wala itong sariling kapangyarihang mamahala.
10. Kailangang may sariling pamahalaan ang isang
bansa upang mapanatili nito ang kaayusan sa buo
nitong nasasakupan.
B. Balikan, p.
C. Tuklasin, p. 3
Suriin ang lupon ng mga salita sa ibaba. Bilugan ang
mga salitang sa palagay mo ay may kaugnayan sa
C. Pag-uugnay ng mga halimbawa sa bagong
Pilipinas.
aralin (Engage)

D. Pagtalakay ng bagong konsepto at paglalahad


ng bagong kasanayan #1 (Explore)
Ang bansa ay lugar o teritoryo na may
naninirahang mga grupo ng mga tao na may
magkakatulad na kulturang pinanggalingan kaya
makikita ang iisa o pare-parehong wika, pamana,
relihiyon at lahi.

Ang lugar ay maituturing na bansa kapag mayroon


itong apat na elemento upang kilalanin itong
bansa o estado. Ang apat na elemento na ito ay,
tao, teritoryo, pamahalaan at ganap na kalayaan o
soberanya.
2 E. Pagtalakay ng bagong konsepto at paglalahad D. Suriin, p. 4-6
ng bagong kasanayan #2 Ano ang mga katangiang mayroon ang Pilipinas
Mga Elemento ng Pagiging Isang Bansa upang masabi itong bansa? Basahin at unawain ang
Tao, mga grupong naninirahan sa loob ng isang maikling teksto tungkol sa kung ano ang bansa.
teritoryo, mga mamamayang gumagalaw sa isang Gawin ito sa loob ng 20 minuto.
lipunan at siyang bumubuo sa pupolasyon ng isang Ang bansa ay isang lugar na may naninirahang grupo
bansa. ng tao na may magkakatulad na kulturang
Ang teritoryo ay isang mahalagang elemento ng pinanggagalingan kung kaya makikita ang iisa o
estado. Ito ay tumutukoy sa lawak ng lupain na pare-parehong wika, pamana, relihiyon at lahi. Ang
tinitirhan ng mga tao, kasama na ang katubigan, isang bansa ay dapat nagtataglay ng apat na
ilalim ng dagat, himpapawid at kalawakan sa itaas elemento ng pagkabansa. Ano ang mga katangiang
nito. Bukod sa pagiging tirahan, ito rin ang mayroon ang isang lugar para matawag na isang
pinamumunuan ng pamahalaan. bansa?
Ang pamahalan ay isang organisasyon na may Pag-aralan ang grapikong presentasyon sa ibaba.
kakayanan na gumawa at magpatupad ng batas sa Ang bawat bansa ay nagtataglay ng mga sumusunod
isang nasasakupang teritoryo. Ito rin ay may na katangian o elemento ng pagkabansa.
kapangyarihan na magbigay ng mga
pangangailangan ng mga mamamayan ng
nasasakupang teritoryo. Layunin nito na magtatag
ng kaayusan at mapanatili ang isang sibilisadong
lipunan.
Ang soberanya o ganap na kalayaan ay ang pang-
apat na elemento ng isang Estado. Ang soberanya
ay ang pagkakaroon ng isang bansa ng
kapangyarihang makapag-sarili at pamahalaan ang
buo nitong nasasakupan. Ito ang pinakamataas na
kapangyarihan ng Estado upang magpatupad ng
kagustuhan nito sa pamamagitan ng mga batas.
E. Pagyamanin, p. 7-9
Ngayon, paano mo sasagutin ang mga sumusunod PICK-A-PIC
na mga tanong? Piliin sa mga sumusunod na larawan ang mga
1. Ano ang ibig sabihin ng bansa? elemento ng isang bansa na taglay ng Pilipinas.
2. Ano ang mga katangian para matawag na Isulat ang titik ng napiling sagot sa sagutang papel.
bansa ang isang lugar?
3. Bakit nasasabing ang Pilipinas ay isang
bansa ?

F. Paglinang sa kabihasnan (Tungo sa Formative


TAKE THE PIC
Assessment) (Explain)
Gamiting gabay ang simbolo sa ibaba upang mabuo
Panuto: Punan ng tamang sagot ang bawat
ang maikling sanaysay tungkol sa paksang napag-
puwang. Piliin sa kahon ang tamang sagot.
aralan mo. Isulat ito sa sagutang papel.
tao bayani bansa
panloob teritoryo panlabas
pamahalaan panloob na soberanya
soberanya o ganap na kalayaan panlabas na
soberanya

1. Ang ______ ay lugar o teritoryo na may


naninirahang mga grupo ng mga tao na may
magkakatulad na kulturang pinanggalingan kaya
makikita ang iisa o pare-parehong wika, pamana,
relihiyon at lahi.
2. Ang ______ ay tumutukoy sa grupong
naninirahan sa loob ng isang teritoryo at
gumagalaw bilang isang lipunan. Sila ang
bumubuo ng populasyon ng isang bansa.
3. Ang ______ ay tumutukoy sa lawak ng lupain at
katubigan, kasama na ang himpapawid at
kalawakan sa itaas nito. Ito rin ang tinitirhan ng
tao at pinamumunuan ng pamahalaan
4. Ang ______ ay isang samahan o organisasyong
politikal na itinataguyod ng mga grupo ng tao na
naglalayong magtatag ng kaayusan at mapanatili
ang isang sibilisadong lipunan.
5. Ang ______ ay tumutukoy sa kapangyarihan ng
pamahalaang mamamahala sa kanyang
nasasakupan. Ito rin ay tumutukoy sa kalayaang
magpatupad ng mga programa nang hindi
pinakikialaman ng ibang bansa.
May dalawang anyo ng soberanya, ito ay ang 6.
_________ at 7.________. Ang 8. ________ ay
ang pangangalaga ng sariling kalayan. Ang
9.________ naman ay ang pagkilala ng ibang bansa
sa kalayang ito.
G. Paglalapat ng aralin sa pang-araw-araw na F. Isaisip, p. 10
buhay Gumawa ng maikling sanaysay batay sa iyong
Panuto: Isulat mo sa apat na mg kahon ang mga natutunan tungkol sa pagiging isang bansa ng
elementong dapat mayroon ang isang lugar para Pilipinas. Gamiting gabay ang mga tanong sa ibaba.
matawag itong isang bansa. Gawin ito sa sagutang papel sa loob ng 10 minuto
papel.
1. Ang Pilipinas ba ay isang bansa?
2. Ilang elemento ng pagkabansa ang taglay ng
Pilipinas?
3
3. Ano ang mga ito?
4. Kailan masasabing bansa ang isang lugar?
5. Batay sa iyong napag-aralan, bakit tinatawag
silang bansa?
G. Isagawa, p. 11
Gumawa ng isang maikling repleksyon tungkol sa
natutunang konsepto ng bansa. Paano nito nabago
ang pananaw mo bilang isang mamamayang
Pilipino?
4 H. Paglalahat ng aralin H. Tayahin, p. 12-13
Ano ang bansa? Piliin ang titik ng tamang sagot.
Ano ang mga element ng bansa? 1. Ang Pilipinas ay isang .
A. bansa
B. lugar
C. lungsod
D. probinsya
2. Ilang elemento ng pagkabansa ang taglay ng
Pilipinas?
A. isa
B. apat
C. tatlo
D. dalawa
3. Ito ang tawag sa taglay na kapangyarihan ng
Pilipinas na pamahalaan ang nasasakupan nito.
A. tao
B. teritoryo
C. soberanya
D. pamahalaan
4. Ang teritoryo ng Pilipinas ay binubuo ng na
malalaki at maliliit na pulo.
A. 7 101
B. 7 190
C. 7 641
D. 7 601
5. Ito ang tawag sa grupong naninirahan sa loob ng
isang teritoryo.
A. tao
B. bansa
C. teritoryo
D. pamahalaan
5 I. Pagtataya ng aralin I. Karagdagang Gawain, p. 14
Maipapakita mo sa pamamagitan ng pagsubok na Ang watawat ng Pilipinas ay simbolo ng bansa.
ito ang antas ng iyong kaalaman. Halina’t ating Iguhit ang watawat sa isang papel. Isulat sa itaas na
sukatin ang iyong kaalamn sa araling ito. bahagi ang sarili mong pagpapakahulugan sa isang
Panuto: Isulat ang salitang TAMA sa patlang sa bansa. Isulat naman sa ibabang bahagi ang dahilan
bawat bilang ng pangungusap na nagsasabi ng kung bakit isang bansa ang Pilipinas.
katangian ng isang lugar para maituring na isang
bansa at MALI kung hindi.
_____1. Ang isang bansa ay may sariling
pamahalaan.
_____2. Walang sariling teritoryo ang isang bansa.
_____3. Sakop ng ibang bansa ang Pilipinas sa
kasalukuyan.
_____4. Pinamamahalaan ng taga ibang bansa ang
Pilipinas.
_____5. Isa sa element na makikita sa bansang
Pilipinas ang mga mamamayan.
_____6. Binubuo ng tao, pamahalaan at teritoryo
lamang ang isang bansa.
_____7. Pinapalakad ng isang pamahalaan ang
isang bansa.
_____8. Pinapalipat sa ibang bansa ang mga
mamamayan ng PIlipinas.
_____9. Pakikialaman ng ibang bansa ang
malayang pamamahala.
_____10. May sariling teritoryo na tumutukoy sa
lupain at katubigan kasama na ang himpapawid at
kalawakan sa itaas nito.

Prepared by:
Checked by:

Teacher III
School Principal I

You might also like