Professional Documents
Culture Documents
Tguide Ap4
Tguide Ap4
ELEMENTARY DEPARTMENT
TEACHING GUIDE IN ARALING PANLIPUNAN 4
2022 – 2023
Leonida R. Del Rosario
Subject Teacher
Big Concept:
Naipamamalas ang pang-unawa sa konsepto ng bansa.
Performance Standard:
Naipapaliwanag na ang Pilipinas ay isang bansa.
Formation Standards:
Makabansa (kaayusan, kawastuhan, at katiyakan ng pag uugali bilang isang mamamayan
Transfer Goal:
Maipamalas ang malawak na pag-unawa at pagpapahalaga ng mga komunidad ng Pilipinas bilang
bahagi ng mga lalawigan at rehiyon ng bansa batay sa:
(a) Katangiang pisikal;
(b) Kultura;
(c) Kabuhayan; at
(d) Political
Gamit ang malalim na konsepto ng pagpapatuloy at pagbabago, at interaksiyon ng tao at
kapaligirang pisikal at sosyal.
Essential Understandings:
Ang ating bansa ay binubuo ng labimpitong rehiyon. Binubuo ng mga lalawigan, lungsod, at bayan
ang bawat rehiyon. Iba’t iba ang kinalalagyan o laksyon ng mga ito.
Ang bansa ay isang nasyon o estado na binubuo ng mga mamamayan na naninirahan sa sariling
teritoryo o lupain na nasa ilalim ng isang pamahalaan.
Ang bansa ay binubuo ng may apat na elemento.
Ang soberanya ng Pilipinas ay may limang katangian.
Essential Questions:
Ano ang bansa?
Ano-ano ang mga elemento ng bansa?
Ano ang soberanya?
Ano-ano ang mga katangian ng soberanya?
Learning Competencies:
Natutukoy ang konsepto ng isang bansa.
Naiisa-isa ang mga elemento ng isang bansa.
Naipapaliwanag ang konsepto ng soberanya.
Natutukoy ang pagkakaiba-iba ng mga katangian ng soberanya.
1
Topic: Pilipinas, ang Ating Bansa
No. of Meeting/s: 5
Inclusive Date/s:
I. Routines:
Panalangin
Pagtala ng lumiban sa klase
Explore
Ganyakin ang mga mag-aaral sa pamamagitan ng pag papakita ng iba’t ibang larawan ng bansa.
Ipabahagi sa klase kung ano ang alam nila sa mga bansa na nasa larawan.
Firm Up
Ipabasa sa mag-aaral ang mga sumusunod na talasalitaan:
1. bansa
2. elemento
3. katangian
4. soberanya
5. teritoryo
Deepen
Tatalakayin sa klase ang sumusunod:
Bansa - ay isang nasyon o estado na binubuo ng mga mamamayan na naninirahan sa sariling teritoryo o
lupain na nasa ilalim ng isang pamahalaan.
Transfer
Tukuyin ang konsepto ng bansa sa pamamagitan ng pagtatala ng mga katangian nito.
Resource/s:
Kayamanan textbook, pp. 4 – 6 , Rex Book Store
www.google.com