You are on page 1of 5

AMA BASIC EDUCATION LAS PINAS

5DBP Extension, Naga Road, Pulang Lupa, Las Pinas City


Government Recognition: No.016, s. 2019

LEARNING PLAN : ARALING PANLIPUNAN 4


Academic Year: 2022-2023
Takdang panahon : (SMART) 4 HOURS Araw: August 31 – Sept 2

PAKSA: Ang Pilipinas ay isang bansa

PAMANTAYANG PANGNILALAMAN:

Naipamamalas ng mag-aaral ang pag-unawa sa mga akdang pampanitikan

MGA KAKAYAHAN SA PAGKATUTO,

P: Ibigay ang ibig sabihin ng bansa

K: Alamin ang lokasyon ng bansa

S: Matukoy ang mga nakapaloob sa isang bansa

PAMANTAYAN SA PAGGANAP:

Naipamamalas ang kasanayan sa paggamit ng mapa sa pagtukoy ng iba’t ibang lalawigan at rehiyon ng bansa,
naipapaliwanag na ang Pilipinas ay isang bansa

Mga Pangunahing Halaga ng Institusyon: Excellence

MGA GAWAING DEVELOPMENTAL

a. Pambungad na Panalangin-
Ama namin,
Ama naminsumasalangit Ka.
Sambahin ang ngalan Mo.
Mapasaamin ang kaharian mo
Sundin ang loob Mo dito sa lupa para nang sa langit.

Bigyan Mo kami ng aming kakanin sa araw-araw


At patawarin Mo kami sa aming mga sala
Para nang pagpapatawad namin sa nagkakasala sa amin.
At huwag Mo kaming ipahintulot sa tukso
At iadya Mo kami sa lahat ng masama. Amen

b. Pagsusuri- Ano ang Pag- gamit ng Pangalan at Pagsalaysay

c. priming- 1 hour

d. Talakayan-
ANG PILIPINAS AY ISANG BANSA

Ang Pilipinas ay isang bansa sa Timog Silangang Asya sa karagatan ng Kanluran ng Pasapiko na kung saan
matatagpuan mo ang isa sa mga magagandang lugar sa buong mundo. Ang Pilipinas ay mayaman sa likas
yaman katulad ng mga bulubundukin, dagat at marami pang iba. isa sa mga pasyalan na matatagpuan sa
bansang ito ay ang Baguio. Ang Baguio ay isa sa mga pinakasikat na lugar sa Pilipinas at tinagurian ito bilang
"Summer capital of the Philippines" dahil sa malamig na temperatura dito.

MGA PANGUNAHING DIREKSYON:

Mayroong apat na pangunahing direksyon. Ang direksyong paitass ay HILAGA. Ang diresksyong
paibaba naman ay tinatawag na TIMOG. Ang direksyong pakanan ay tinatawag na SILANGAN at ang
pakaliwa naman ay tinatawag na KANLURAN. Tignan ang larawan sa itaas.

Mga Sekundaryong direksyon

Bukod sa mga pangunahing


direksyon ay mayroon ding mga
sekundaryong direksyon. Ito ang mga
direksyon na nasa pagitan ng mga
pangunahing direksyon. Mahalaga ito
para matukoy ang eksaktong direksyong
kinararoroonan

Pangalawang Direksyon:

1. hilagang silangan

2. hilagang kanluran

3. timog silangan

4. timog kanluran

Ang hilagang silangan ay makikita sa pagitan ng hilaga at silangan.

Ang hilagang kanluran ay makikita sa pagitan ng hilaga at kanluran.


Ang timog silangan ay makikita sa gawing ibaba sa pagitan ng timog at silangan.

Ang timog kanluran ay makikita sa gawing ibaba sa pagitan ng timog at kanluran

Ang katangian ng isang bansa ay ang mga sumusunod:

Pagkakaroon ng mamamayan o populasyon

Pagkakaroon ng sariling teritoryo

Pagkakaroon ng sariling pamahalaan

Soberanya

Bago kilalanin bilang isang ganap na bansa ng United Nations at mga estadong kasapi dito ang isang pook,

kinakailangan muna nilang patunayan na nakakamit nila ang apat na katangiang sinasaad sa itaas.

Halimbawa nalang ay ang bansang South Sudan at Taiwan. Ang South Sudan ay may sariling populasyon,

teritoryo, pamahalaan, at soberanya, na ibinigay ng Sudan, kaya naman sila ay kinikilala bilang isang ganap

na bansa. Sa kaso naman ng Taiwan, kahit na mayroon silang sariling populasyon, teritoryo, at pamahalaan,

hindi kinikilala ng China ang kanilang soberanya, kaya naman hindi natin masasabi na isang ganap na bansa

ang Taiwan.

Mga katangian ng isang bansa

1.Mamamayan o tao - sila ang nakatira sa isang bansa at nagbibigay ng kabuluhan dito bilang isang

importanteng element

2. Teritoryo - ito ang lupa at tubig na maaring tinitirahan ng mga tao upang magkaroon ng hanapbuhay

3. Pamahalaan - ito ang ang sangay o ahensiya ng tao na nagpapatupad ng mga batas at patakaran maging

ang programa para sa mga tao at nasasakupan nito.


4. Soberanya - ang karapatan ng isang bansa na magpahayag at magpatupad ng patakaran at batas sa mga tao

at nasasakupan nito

Mateyales Traditional: Manila paper, marker, cartolina, colored paper

Digital: LCD,power point, laptop

21st CENTURY SKILLS (Please Check)

/ Communication / Critical Thinking

/ Collaboration / Creativity

Information Literacy Media Literacy

Technology Literacy / Flexibility

GAWAIN 1.
Lagyan ng tsek ang bilang ng pangungusap na nagsasabi ng katangian ng isang lugar para
maituring na isang bansa.
___ 1.May mga mamamayang naninirahan sa bansa.
___ 2. Pinamamahalaan ng iba pang bansa
___ 3. Binubuo ng tao, pamahalaan, at teritoryo lamang
___ 4. May sariling pamahalaan
___ 5. May sariling teritoryo na tumutukoy sa lupain at katubigan kasama na ang himpapawid at
kalawakan sa itaas nito

PAG-SUSURI: 5 questions

1. Ano ang mga pangunahing direksyon ?


2. Ano ang Mga Sekundaryong direksyon ?
3. Ano ang Mga katangian ng Isang Bansa ?
4. Paano mo papahalagahan ang bansa mo ?

ABSTRAKSYON:

Ang Pilipinas ay isang Bansa

Ang bansa ay lugar o teritoryo na may naninirahang grupo ng tao na may mag kakatulad ng kulturang pinanggalingan
kung kaya makikita ang iisa pare parehong wika, pamana, reliheyon at lagi

Ang isang bansa ay maituturi ng bansa kung tao ay binubuo ng apart na elemento ng pagkabansa tao; teritoryo,
pamahalaan, at ganap na kalayaan o soberanya.
Tao-bumubuo ng ppopulasyon ng bansa

Teritoryo- tumutukoy sa lawak ng lupain at katubigan kasama na ang himpapawid at kalawakan sa iyaas into. Into run
ang tinitirhan ng tao at pinamumunan ng pamahalaan

PAGTATAYA:

Gawain sa Pagganap:

2. Written Test-Formative/Summative Test

3. Upang masuri ang kinalabasan ng aralin, sabihin sa mga mag-aaral na sagutin ang mga tanong (TechnoQuiz)
sa kanila mga sagutang papel.

TAKDANG ARALIN: Alamin ang mga sumusunod.

Ang Kinalalagyan ng Aking Bansa Batayang heograpiya

1. direksyon

2. relatibong lokasyon

3. distansya

MGA SANGGUNIAN:

/rosemelyn/mai

Kahulugan ng Gramatika - Ensiklopedya - 2022 (warbletoncouncil.org)

NOTASYON:

Prepared By: Checked By:


Mr. Jommel S. Vargas Mr. Leo B. Guarin
Subject Teacher School Vice Principal

You might also like