You are on page 1of 23

4 Araling

Panlipunan
Unang Markahan –
Modyul 5:
Pagkakakilanlang
Heograpikal ng Pilipinas
ayon sa Klima Nito
Araling Panlipunan – Ika-apat na Baitang
Alternative Delivery Mode
Unang Markahan – Modyul 5: Pagkakakilanlang Heograpikal ng Pilipinas ayon
sa Klima Nito

Unang Edisyon, 2020


Isinasaad sa Batas Republika 8293, Seksiyon 176 na: Hindi maaaring
magkaroon ng karapatang-sipi sa anomang akda ang Pamahalaan ng Pilipinas.
Gayonpaman, kailangan muna ang pahintulot ng ahensiya o tanggapan ng
pamahalaan na naghanda ng akda kung ito ay pagkakakitaan. Kabilang sa mga
maaaring gawin ng nasabing ahensiya o tanggapan ay ang pagtakda ng kaukulang
bayad.
Ang mga akda (kuwento, seleksiyon, tula, awit, larawan, ngalan ng produkto o brand
name, tatak o trademark, palabas sa telebisiyon, pelikula, atbp.) na ginamit sa modyul
na ito ay nagtataglay ng karapatang-ari ng mga iyon. Pinagsumikapang matunton ang
mga ito upang makuha ang pahintulot sa paggamit ng materyales. Hindi inaangkin ng
mga tagapaglathala at mga may-akda ang karapatang-aring iyon. Ang anomang gamit
maliban sa modyul na ito ay kinakailangan ng pahintulot mula sa mga orihinal na may-
akda ng mga ito.
Walang anomang parte ng materyales na ito ang maaaring kopyahin o ilimbag sa
anomang paraan nang walang pahintulot sa Kagawaran.
Inilathala ng Kagawaran ng Edukasyon
Kalihim: Leonor Magtolis Briones
Pangalawang Kalihim: Diosdado M. San Antonio

Bumuo sa Pagsusulat ng Modyul


Manunulat: Mary Abegail S. Baclayon
Editor:
Tagasuri: Maricor L. Alforque
Tagaguhit: Mary Abegail S. Baclayon
Tagalapat: Joan L. Pajarilla
Tagapamahala: Ronald G. Gutay, Allan B. Matin-aw, Mary Jane J. Powao,
Aquilo A. Rentillosa, Cristina T. Remocaldo, Elena C.
Labra, Ryan B. Redoblado

Inilimbag sa Pilipinas ng Carcar City Division Department of Education – Region


VII Central Visayas

Office Address: Department of Education-Carcar City Division (Learning


Resources Management Section______________________
Telefax: (032) 4878495______________________________________
E-mail Address: carcarcitydivision@yahoo.com_______________________
4

Araling Panlipunan
Unang Markahan –
Modyul 5:
Pagkakakilanlang
Heograpikal ng Pilipinas
ayon sa Klima Nito
Paunang Salita
Para sa tagapagdaloy:
Malugod na pagtanggap sa asignaturang Araling Panlipunan 4 ng
Alternative Delivery Mode (ADM) Modyul para sa araling,
Pagkakakilanlang Heograpikal ng Pilipinas ayon sa Klima Nito.
Ang modyul na ito ay pinagtulungang dinisenyo, nilinang at sinuri ng
mga edukador mula sa pambuliko at pampribadong institusyon
upang gabayan ka, ang gurong tagapagdaloy upang matulungang
makamit ng mag-aaral ang pamantayang itinakda ng Kurikulum ng
K to12 habang kanilang pinanagumpayan ang pansarili, panlipunan
at pang-ekonomikong hamon sa pag-aaral.
Ang tulong-aral na ito ay umaasang makauugnay ang mag-aaral sa
mapatnubay at malayang pagkatuto na mga gawain ayon sa
kanilang kakayahan, bilis at oras. Naglalayon din itong matulungan
ang mag-aaral upang makamit ang mga kasanayang pan-21 siglo
habang isinasaalang-alang ang kanilang mga pangangailangan at
kalagayan.
Bilang karagdagan sa materyal ng pangunahing teksto, makikita
ninyo ang kahong ito sa pinakakatawan ng modyul:

Mga Tala para sa Guro


Ito'y naglalaman ng mga paalala,
panulong o estratehiyang magagamit
sa paggabay sa mag-aaral.
Bilang tagapagdaloy, inaasahang bibigyan mo ng paunang
kaalaman ang mag-aaral kung paano gamitin ang modyul na ito.
Kinakailangan ding subaybayan at itala ang pag-unlad nila habang
hinahayaan silang pamahalaan ang kanilang sariling pagkatuto.
Bukod dito, inaasahan mula sa iyo na higit pang hikayatin at
gabayan ang mag-aaral habang isinasagawa ang mga gawaing
nakapaloob sa modyul.
Para sa mag-aaral:
Malugod na pagtanggap sa Araling Panlipunan 4 ng Alternative
Delivery Mode (ADM) Modyul ukol sa Pagkakakilanlang
Heograpikal ng Pilipinas ayon sa Klima Nito.

Ang modyul na ito ay ginawa bilang tugon sa iyong


pangangailangan. Layunin nitong matulungan ka sa iyong pag-aaral
habang wala ka sa loob ng silid-aralan. Hangad din nitong
madulutan ka ng mga makabuluhang oportunidad sa pagkatuto.
Ang modyul na ito ay may mga bahagi at icon na dapat mong
maunawaan.

Sa bahaging ito, malalaman mo ang


Alamin mga dapat mong matutuhan sa
modyul.
Sa pagsusulit na ito, makikita natin
kung ano na ang kaalaman mo sa
Subukin aralin ng modyul. Kung nakuha mo
ang lahat ng tamang sagot (100%),
maaari mong laktawan ang bahaging
ito ng modyul.
Ito ay maikling pagsasanay o balik-
Balikan aral upang matulungan kang
maiugnay ang kasalukuyang aralin sa
naunang leksyon.
Sa bahaging ito, ang bagong aralin ay
Tuklasin
ipakikilala sa iyo sa maraming paraan
tulad ng isang kuwento, awitin, tula,
pambukas na suliranin, gawain o
isang sitwasyon.

Suriin Sa seksyong ito, bibigyan ka ng


maikling pagtalakay sa aralin.
Layunin nitong matulungan kang
maunawaan ang bagong konsepto at
mga kasanayan.
Binubuo ito ng mga gawaing para sa
Pagyamanin
malayang pagsasanay upang
mapagtibay ang iyong pang-unawa at
mga kasanayan sa paksa. Maaari
mong iwasto ang mga sagot mo sa
pagsasanay gamit ang susi sa
pagwawasto sa huling bahagi ng
modyul.
Naglalaman ito ng mga katanungan o
Isaisip
pupunan ang patlang ng
pangungusap o talata upang
maproseso kung anong natutuhan mo
mula sa aralin.
Ito ay naglalaman ng gawaing
Isagawa makatutulong sa iyo upang maisalin
ang bagong kaalaman o kasanayan
sa tunay na sitwasyon o realidad ng
buhay.
Ito ay gawain na naglalayong matasa
Tayahin o masukat ang antas ng pagkatuto sa
pagkamit ng natutuhang kompetensi.
Sa bahaging ito, may ibibigay sa
Karagdagang iyong panibagong gawain upang
Gawain pagyamanin ang iyong kaalaman o
kasanayan sa natutuhang aralin.
Susi sa Naglalaman ito ng mga tamang sagot
Pagwawasto sa lahat ng mga gawain sa modyul.

Sa katapusan ng modyul na ito, makikita mo rin ang:

Ito ang talaan ng lahat ng


Sanggunian pinagkuhanan sa paglikha
o paginang ng modyul na ito.
Ang sumusunod ay mahahalagang paalala sa paggamit ng modyul
na ito:
1. Gamitin ang modyul nang may pag-iingat. Huwag lalagyan ng
anumang marka o sulat ang anumang bahagi ng modyul.
Gumamit ng hiwalay na papel sa pagsagot sa mga pagsasanay.
2. Huwag kalimutang sagutin ang Subukin bago lumipat sa iba
pang gawaing napapaloob sa modyul.
3. Basahing mabuti ang mga panuto bago gawin ang bawat
pagsasanay.
4. Obserbahan ang katapatan at integridad sa pagsasagawa ng
mga gawain at sa pagwawasto ng mga kasagutan.
5. Tapusin ang kasalukuyang gawain bago pumunta sa iba pang
pagsasanay.
6. Pakibalik ang modyul na ito sa iyong guro o tagapagdaloy kung
tapos nang sagutin lahat ng pagsasanay.
Kung sakaling ikaw ay mahirapang sagutin ang mga gawain sa
modyul na ito, huwag mag-aalinlangang konsultahin ang inyong
guro o tagapagdaloy. Maaari ka rin humingi ng tulong kay nanay o
tatay, o sa nakatatanda mong kapatid o sino man sa iyong mga
kasama sa bahay na mas nakatatanda sa iyo. Laging itanim sa
iyong isipang hindi ka nag-iisa.
Umaasa kami, sa pamamagitan ng modyul na ito, makararanas ka
ng makahulugang pagkatuto at makakakuha ka ng malalim na
pang-unawa sa kaugnay na mga kompetensi. Kaya mo ito!
Alamin

Ang modyul na ito ay ginawa at sinulat para sa iyo. It ay


tutulong sa iyo para matutunan mo ang kaugnayan ng lokasyon ng
Pilipinas sa heograpiya nito. Ang modyul na ito ay maaring
magagamit sa paaralan o sa bahay. Inaayon at isinasaayos ayon sa
nararapat na pamantayan ang mga aralin na napapaloob ditto.

Ang modyul na ito ay may aralin tungkol sa:


 Pagkakakilanlang Heograpikal ng Bansa.

Sa pagtatapos ng modyul na ito, ikaw ay inaasahang:


 Makakalarawan sa pagkakakilanlang heograpikal ng Pilipinas
ayon sa klima at panahon nito.

1
Subukin

Panuto: Maglaro ng Loop-A-Word. Bilugan sa loob ng kahon ang


salitang tinutukoy sa bawat bilang.

1. Nasasabi mong ganito ang


klima kung ikaw ay
pinagpapawisan at naiinitan.

2. Ganito ang klima sa lugar


kapag kailangan mong magsuot
ng makakapal na damit.

3. Kadalasang nagbabaha at
nagagamit mo ang damit na
panlamig, kapote, at payong
kapag ganito ang panahon.

4. Nararanasan ang panahong


ito tuwing bakasyon at walang
pasok sa paaralan. Marami ang
pumupunta sa beach sa
panahong ito.

2
Pagkakakilanlang
Aralin Heograpikal ng Pilipinas ayon

5 sa Klima Nito

Ano ang panahong nararanasan sa Pilipinas? May kaugnayan


kaya ang panahong nararanasan ng mga naninirahan sa bansa sa
pagkakakilanlang heograpikal ?

Balikan

http://www.geographicguide.com/asia/maps/southeast.htm

Ano ang inyong nakikita sa larawan? Anu -anong mga bansa ang
nakapalibot sa Pilipinas?
3
Mga Tala para sa Guro
Ano ang nais mong iparating sa iyong guro?

4
Tuklasin

Panuto: Basahin ang pahayag sa bawat bilang at isulat ang


nawawalang titik upang mabuo ang palaisipan o “puzzle”.

1. Ang __________ may kinalaman sa temperatura at


atmospera sa isang lugar o lagay ng panahon.

k i a

2. Ang ___________ ay ang bansang pinaninirahan natin.

P l p s

3. ___________ang klimang nararanasan ng bansang Pilipinas.

T o i k L

5
Suriin

Ang klima ay ang pangkalahatang kalagayan ng


panahon sa isang lugar na may kinalaman sa
atmospera o hanging nakapaligid sa mundo,
temperatura o ang sukat ng init o lamig ng paligid, at
iba pang nakaaapekto sa pamumuhay ng mga
nilalang dito. Upang malaman ang klima ng isang
lugar o bansa, mahalagang matukoy ang lokasyon,
topograpiya o paglalarawan ng katangian ng isang
lugar, at ang hangin at tubigang mayroon ito. Ang
panahon ay tumutukoy naman sa kalagayan ng
kapaligiran, halimbawa, taglamig at tag-init.

Magkakaiba ang klima sa iba’t- ibang lugar dahil sa


pag-ikot ng daigdig sa araw at pag-inog sa sarili
nitong aksis. Bunga nito, may mga bahagi sa
mundo na direktang nasisinagan ng araw. May
mga bahagi ring bahagya lamang nasisinagan at
may mga lugar namang hindi. Malaki rin ang
kaugnayan ng mga linya ng latitud sa uri ng klima
sa mga lugar sa daigdig. Tingnan ang mapa. Ang
bahagi ng Tropiko ng Kanser at Tropiko ng
Kaprikorn ay tinatawag na Mababang Latitud o
Rehiyong Tropikal. Mahigit na init at sikat ng araw
ang nararanasan sa mga naninirahan sa bahaging
ito. Ang klimang tropikal ay maaari ding
mahalumigmig, basa, at tuyo.

6
Tinatawag namang Gitnang Latitud o Rehiyong
Temperate ang bahaging nasa pagitan ng
kabilugang Arktiko at Tropiko ng Kanser at ang
nasa pagitan ng kabilugang Antartiko at Tropiko ng
Kaprikorn. Nararanasan sa bahaging ito ang
panahon ng tagsibol, tag-init, taglagas, at taglamig
dahil sa pahilis na sikat ng araw dito.

Hindi naman tinatamaan ng direktang sikat ng


araw ang mga nasa hilagang latitud hanggang
Polong Hilaga at timog latitud hanggang Polong
Timog. Ang bahaging ito na tinatawag na Rehiyong
Polar ay napapaligiran ng makakapal na yelo na
hindi natutunaw dahil sa kaunting sikat ng araw
lamang ang nakararating dito. Bunga nito,
mararamdaman ang sobrang lamig sa buong taon.

7
Ang klima ng isang bansa ay nakabatay sa
kinalalagyan nito sa mundo. Ang Pilipinas ay
malapit sa ekwador at nasa mababang latitud
kaya’t tropikal ang klimang nararanasan dito.
Direktang nakatatanggap ng sikat ng araw ang
bansa kaya’t mainit at maalinsangan ang klima rito.
Gayunpaman, nakararanas din ng malamig na
klima ang bansa dahil sa hanging nagmumula sa
Dagat Kanlurang Pilipinas at Karagatang Pasipiko.
Maliban sa mga nabanggit, nakararanas din ng
iba’t ibang klima ang bansa dahil sa iba’t ibang
salik tulad ng temperatura, taas ng lugar, galaw ng
hangin, at dami ng ulan na matututuhan mo sa
susunod na aralin.

8
Pagyamanin

Panuto: Gamit ang dayagram, isulat ang mga salik na


nakapagbago sa klima .

MGA SALIK NA
MAY
KINALAMAN
SA KLIMA

9
Isaisip

 Ang klima ay pangkalahatang kalagayan ng panahon


sa isang lugar na may kinalaman sa atmospera,
temperatura, at iba pang salik na nakakaapekto sa
pamumuhay sa mga nilalang dito.
 Ang klima ng isang bansa ay nakabatay sa
kinalalagyan nito sa mundo
 Tropikal ang klima ng Pilipinas dahil ito ay malapit sa
ekwador at nasa mababang latitud.
 Direktang nakakatanggap ng sikat ng araw ang bansa
kaya’t mainit at maalinsangan ang klima rito.

https://www.freepik.com/free-vector/nerdy-boy-searching-laptop-with-education-icon-cartoon-style-isolated-white-
background_9136350.htm#page=1&query=boy%20with%20a%20laptop&position=46

10
Isagawa

Panuto: Mag-isip ng mga maaring gawin ng mga taong naninirahan


sa bansang may tropikal na klima katulad ng Pilipinas. Isulat ito sa
loob ng mga kahon.

Halimabawa: Maligo sa dagat lalo na kapag mainit ang panahon.

https://www.pinterest.cl/pin/131167407884616127/

11
Tayahin

Panuto: Basahin ang mga pangungusap sa bawat bilang. Kung ito


ay nagpapahayag ng katangian ng isang bansang tropikal iguhit ang
hugis araw at hugis ulap naman kung hindi.

_______1. Napakainit na klima ang nararanasan ng bansang


tropikal.
_______2. Minsan ay umuulan ng yelo sa lugar na ito.
_______3. Direktang nakakatanggap ng sikat ng araw ang mga
bansang tropikal.
_______4. Mararanasan ang sobrang lamig sa loob ng buong taon.
_______5. Angkop ang klimang ito sa mga gawaing agrikultural.
_______6. Maalinsangan ang nararamdaman ng mga taong
nainirahan sa bansang tropikal.
_______7. Ang Pilipinas ay nasa mababang latitud kaya tropikal na
klima ang nararanasan ng mga tao dito.
_______8. Kaunting sikat lamang ng araw ang nararanasan sa mga
lugar na ito.
_______9. Palaging umuulan sa lugar na tropikal.
_______10. Nakararanas ng tagsibol at laglagas sa lugar na
tropikal.

12
Karagdagang Gawain

PANUTO: Sumulat ng isang simpleng awitin na magpapakita ng


mga katangian ng Pilipinas bilang isang bansang tropikal.

13
Rubrics para sa Paglikha ng Awitin
Katangi-tangi Mahusay Katamtaman
10 puntos 8 puntos 6 puntos
 Napakahusay  Mahusay ng  Hindi gaanong
ng pagkagawa ng mahusay ang
pagkagawa awitin. pagkagawa ng
ng awitin. awitin.
 Hindi gaanong
 Malinaw ang malinaw ang  Hindi gaanong
mensaheng mensaheng malinaw ang
nais iparating. nais iparating. mensaheng
nais iparating.

 Naipapakita  Kakaunting
halos lahat ng katangian ng  May dalawang
katangian ng pagiging katangian ng
bansang tropikal ng pagiging
tropikal bansa ang tropikal ng
naipapakita. bansa ang
naipapakita

14
Susi sa Pagwawasto

SUBUKIN TUKLASIN PAGYAMANIN


1. Mainit 1. Klima Ang iyong guro na
2. Malamig 2. Pilipinas ang bahala sa
3. Tag-ulan 3. Tropikal pagtatama ng iyong
4. Tag-init sagot.
TAYAHIN
1. 5. 9.
2. 6. 10.
3. 7.
4. 8.

15
Sanggunian

1. Araling Panlipunan 4 Learning Material, pp.23-26


2. Images
http://www.geographicguide.com/asia/maps/southeast.htm
https://www.freepik.com/free-vector/nerdy-boy-searching-laptop-
with-education-icon-cartoon-style-isolated-white-
background_9136350.htm#page=1&query=boy%20with%20a%20l
aptop&position=46
https://www.pinterest.cl/pin/131167407884616127/

Para sa mga katanungan o puna, sumulat o tumawag sa:

Department of Education – Carcar City Division (Learning Resources


Management Section)

P. Nellas St., Poblacion III, Carcar City, Cebu, Philippines 6019

Tel. No.: (032) 487-8495

Email Address: carcarcitydivision@yahoo.com

16

You might also like