You are on page 1of 24

6

Araling Panlipunan
Unang Markahan – Modyul 6:
Pakikibaka ng mga Pilipino sa Panahon
ng Digmaang Pilipino-Amerikano
Araling Panlipunan – Ikaanim na Baitang
Alternative Delivery Mode
Unang Markahan – Modyul 6: Pakikibaka ng mga Pilipino sa Panahon ng Digmaang
Pilipino-Amerikano
Unang Edisyon, 2020

Isinasaad sa Batas Republika 8293, Seksiyon 176 na: Hindi maaaring magkaroon
ng karapatang-sipi sa anumang akda ang Pamahalaan ng Pilipinas. Gayunpaman, kailangan
muna ang pahintulot ng ahensiya o tanggapan ng pamahalaan na naghanda ng akda kung ito
ay pagkakakitaan. Kabilang sa mga maaaring gawin ng nasabing ahensiya o tanggapan ay
ang pagtakda ng kaukulang bayad.

Ang mga akda (kuwento, seleksiyon, tula, awit, larawan, ngalan ng produkto o brand
name, tatak o trademark, palabas sa telebisiyon, pelikula, atbp.) na ginamit sa modyul na ito
ay nagtataglay ng karapatang-ari ng mga iyon. Pinagsumikapang matunton ang mga ito upang
makuha ang pahintulot sa paggamit ng materyales. Hindi inaangkin ng mga tagapaglathala at
mga may-akda ang karapatang-aring iyon. Ang anumang gamit maliban sa modyul na ito ay
kinakailangan ng pahintulot mula sa mga orihinal na may-akda ng mga ito.

Walang anumang parte ng materyales na ito ang maaaring kopyahin o ilimbag sa


anumang paraan nang walang pahintulot sa Kagawaran.

Inilathala ng Kagawaran ng Edukasyon


Kalihim: Leonor Magtolis Briones
Pangalawang Kalihim: Diosdado M. San Antonio

Bumuo sa Pagsusulat ng Modyul

Manunulat: Rhea S. Bautista


Editor: Lope O. De Jesus
Tagasuri: Lope O. De Jesus
Tagaguhit: Laarnie T. Balor
Tagalapat: Fritz Brian B. Balor
Cover Design: Marlon Q. Diego

Mga Tagapamahala:
Schools Division Superintendent : Romeo M. Alip, PhD, CESO V
OIC-Asst. Schools Division Superintendent : William Roderick R. Fallorin
Chief Education Supervisor, CID : Milagros M. Peñaflor, PhD
Education Program Supervisor, LRMDS : Edgar E. Garcia, MITE
Education Program Supervisor, AP/ADM : Romeo M. Layug
District Supervisor, Pilar : Teresita R. Ordiales
Division Lead Book Designer : Marleth Rose V. Vicente
District LRMDS Coordinator, Pilar : Joseph Ralph S. Dizon, PhD.
School LRMDS Coordinator : Jeramie J. Taclan
School Principal : Angelito M. Licup
District Lead Layout Artist, AP : Joseph Ralph S. Dizon, PhD.
District Lead Illustrator, AP : Laarnie T. Balor
District Lead Evaluator, AP : Lope O. De Jesus

Inilimbag sa Pilipinas ng Department of Education – Schools Division of Bataan


Office Address: Provincial Capitol Compound, Balanga City, Bataan
Telefax: (047) 237-2102
E-mail Address: bataan@deped.gov.ph
6

Araling Panlipunan
Unang Markahan – Modyul 6:
Pakikibaka ng mga Pilipino sa
Panahon ng Digmaang Pilipino-
Amerikano
Paunang Salita
Para sa tagapagdaloy:

Malugod na pagtanggap sa asignaturang Araling Panlipunan at Ikaanim na


Baitang ng Alternative Delivery Mode (ADM) Modyul para sa araling Pakikibaka
ng mga Pilipino sa Panahon ng Digmaang Pilipino-Amerikano!

Ang modyul na ito ay pinagtulungang dinisenyo, nilinang at sinuri ng mga


edukador mula sa pampubliko at pampribadong institusyon upang gabayan ka, ang
gurong tagapagdaloy upang matulungang makamit ng mag-aaral ang pamantayang
itinakda ng Kurikulum ng K to12 habang kanilang pinanagumpayan ang pansarili,
panlipunan at pang-ekonomikong hamon sa pag-aaral.

Ang tulong-aral na ito ay umaasang makauugnay ang mag-aaral sa


mapatnubay at malayang pagkatuto na mga gawain ayon sa kanilang kakayahan,
bilis at oras. Naglalayon din itong matulungan ang mag-aaral upang makamit ang
mga kasanayang pan-21 siglo habang isinasaalang-alang ang kanilang mga
pangangailangan at kalagayan.

Bilang karagdagan sa materyal ng pangunahing teksto, makikita ninyo ang


kahong ito sa pinakakatawan ng modyul:

Mga Tala para sa Guro


Ito'y naglalaman ng mga paalala, panulong
o estratehiyang magagamit sa paggabay sa
mag-aaral.

Bilang tagapagdaloy, inaasahang bibigyan mo ng paunang kaalaman ang


mag-aaral kung paano gamitin ang modyul na ito. Kinakailangan ding subaybayan
at itala ang pag-unlad nila habang hinahayaan silang pamahalaan ang kanilang
sariling pagkatuto. Bukod dito, inaasahan mula sa iyo na higit pang hikayatin at
gabayan ang mag-aaral habang isinasagawa ang mga gawaing nakapaloob sa
modyul.

ii
Para sa mag-aaral:

Malugod na pagtanggap sa Araling Panlipunan at Ikaanim na Baitang ng


Alternative Delivery Mode (ADM) Modyul ukol sa Pakikibaka ng mga Pilipino sa
Panahon ng Digmaang Pilipino-Amerikano!

Ang modyul na ito ay ginawa bilang tugon sa iyong pangangailangan. Layunin


nitong matulungan ka sa iyong pag-aaral habang wala ka sa loob ng silid-aralan.
Hangad din nitong madulutan ka ng mga makabuluhang oportunidad sa pagkatuto.

Ang modyul na ito ay may mga bahagi at icon na dapat mong maunawaan.

Sa bahaging ito, malalaman mo ang mga


Alamin
dapat mong matutuhan sa modyul.

Sa pagsusulit na ito, makikita natin kung


Subukin
ano na ang kaalaman mo sa aralin ng
modyul. Kung nakuha mo ang lahat ng
tamang sagot (100%), maaari mong laktawan
ang bahaging ito ng modyul.

Ito ay maikling pagsasanay o balik-aral


Balikan
upang matulungan kang maiugnay ang
kasalukuyang aralin sa naunang leksyon.

Sa bahaging ito, ang bagong aralin ay


Tuklasin
ipakikilala sa iyo sa maraming paraan tulad
ng isang kuwento, awitin, tula, pambukas na
suliranin, gawain o isang sitwasyon.
Sa seksyong ito, bibigyan ka ng maikling
Suriin pagtalakay sa aralin. Layunin nitong
matulungan kang maunawaan ang bagong
konsepto at mga kasanayan.
Binubuo ito ng mga gawaing para sa
Pagyamanin malayang pagsasanay upang mapagtibay ang
iyong pang-unawa at mga kasanayan sa
paksa. Maaari mong iwasto ang mga sagot
mo sa pagsasanay gamit ang susi sa
pagwawasto sa huling bahagi ng modyul.
Naglalaman ito ng mga katanungan o
Isaisip
pupunan ang patlang ng pangungusap o
talata upang maproseso kung anong
natutuhan mo mula sa aralin.

iii
Ito ay naglalaman ng gawaing makatutulong
Isagawa
sa iyo upang maisalin ang bagong kaalaman
o kasanayan sa tunay na sitwasyon o
realidad ng buhay.
Ito ay Gawain na naglalayong matasa o
Tayahin
masukat ang antas ng pagkatuto sa
pagkamit ng natutuhang kompetensi.
Karagdagang Sa bahaging ito, may ibibigay sa iyong
Gawain panibagong gawain upang pagyamanin ang
iyong kaalaman o kasanayan sa natutuhang
aralin.

Susi sa Pagwawasto Naglalaman ito ng mga tamang sagot sa lahat


ng mga gawain sa modyul.

Sa katapusan ng modyul na ito, makikita mo rin ang:

Ito ang talaan ng lahat ng pinagkuhanan sa


Sanggunian
paglikha o paglinang ng modyul na ito.

Ang sumusunod ay mahahalagang paalala sa paggamit ng modyul na ito:

1. Gamitin ang modyul nang may pag-iingat. Huwag lalagyan ng anumang


marka o sulat ang anumang bahagi ng modyul. Gumamit ng hiwalay na papel
sa pagsagot sa mga pagsasanay.
2. Huwag kalimutang sagutin ang Subukin bago lumipat sa iba pang gawaing
napapaloob sa modyul.
3. Basahing mabuti ang mga panuto bago gawin ang bawat pagsasanay.
4. Obserbahan ang katapatan at integridad sa pagsasagawa ng mga gawain at
sa pagwawasto ng mga kasagutan.
5. Tapusin ang kasalukuyang gawain bago pumunta sa iba pang pagsasanay.
6. Pakibalik ang modyul na ito sa iyong guro o tagapagdaloy kung tapos nang
sagutin lahat ng pagsasanay.
Kung sakaling ikaw ay mahirapang sagutin ang mga gawain sa modyul na ito,
huwag mag-aalinlangang konsultahin ang inyong guro o tagapagdaloy. Maaari ka
rin humingi ng tulong kay nanay o tatay, o sa nakatatanda mong kapatid o sino man
sa iyong mga kasama sa bahay na mas nakatatanda sa iyo. Laging itanim sa iyong
isipang hindi ka nag-iisa.

Umaasa kami, sa pamamagitan ng modyul na ito, makararanas ka ng


makahulugang pagkatuto at makakakuha ka ng malalim na pang-unawa sa
kaugnay na mga kompetensi. Kaya mo ito!

iv
Alamin

Ang modyul na ito ay naglalahad ng mga pangyayari hinggil sa tuwirang pagsisimula


ng alitan sa pagitan ng mga Pilipino at Amerikano na pinagsimulan ng digmaang
Pilipino-Amerikano. Isa itong malawakang digmaan na tumagal nang mahigit sa
apat na taon.

Matapos ang modyul na ito, inaasahang matututuhan mo ang:

1. nasusuri ang pakikibaka ng mga Pilipino sa panahon ng digmaang Pilipino-


Amerikano
a. Unang putok sa panulukan ng Silencio at Sociego, Sta. Mesa
b. Labanan sa Tirad Pass
c. Balangiga Massacre

5
Subukin

Pagsunud-sunirin ang mga pangyayari batay sa panahon ng pangyayari. Simulan


sa bilang 1.

_______ a. Nasawi si Gregorio Del Pilar.


_______ b. Dumating si Aguinaldo sa Palanan, Isabela.
_______ c. Sorpresang umatake ang buong bayan ng Balangiga.
_______ d. Pinaputukan ng Amerikanong sundalo ang dalawang Pilipino.
_______ e. Pinag-utos ng mga Amerikano na patayin ang lahat ng batang lalaki mula
sampung taong gulang pataas.
_______ f. Madaming Amerikano ang namatay sa labanang ito.
_______ g. Hindi tumigil ang mga Pilipino ng pinahinto sila ng mga Amerikano.
_______ h. Naganap ang labanan sa Pasong Tirad
_______ i. Sumumpa si Aguinaldo ng katapatan sa Estados Unidos.
_______ j. Nahuli ng mga Amerikano si Emilio Aguinaldo.

6
Aralin Pakikibaka ng mga Pilipino
1 sa Panahon ng Digmaang
Pilipino-Amerikano
Ang digmaang Pilipino-Amerikano ay isang malawakang digmaan na tumagal nang
mahigit sa apat na taon. Dahil sa mga makabagong armas at kasanayan sa
pakikihamok ng mga sundalong Amerikano, medaling nagapi ang mga
rebolusyunaryong Pilipino. Nakubkob at napasailalim ang Pilipinas sa panibagong
mananakop: ang bansang Amerika. May mga Pilipinong nasiyahan, ngunit hindi
lahat ng mga Pilipino ay natuwa sa pamamaraan ng pananakop ng mga Amerikano.

7
Balikan

Pag-aralan ang mga larawan na nasa ibaba. Lagyan ng √ ang kahon kung ang
larawan ay nagpapakita ng pagpapahalaga sa deklarasyon ng kasarinlan ng Pilipinas
at X kung hindi.

larawan ng batang larawan ng batang

larawan ng batang

8
Mga Tala para sa Guro
Ang modyul na ito ay naghahanda sa mga mag-aaral upang
matalakay ang ambag o partisipasyon ng mga kababaihan sa
rebolusyong Pilipino.

9
Tuklasin

Basahin ang kuwento na nasa ibaba.

Ang Alamat ng Paniki

Noong unang panahon, noong bata pa ang mundo ay nagkaroon ng malaking hindi
pagkakaunawaan sa pagitan ng mga mababangis na hayop at ng mga ibon.
Pinagtatalunan nila kung sino ang mas may karapatang manirahan sa malago at
mayamang kagubatan. Parehas na ayaw magbigayan ang dalawang pangkat at
pinipilit na sila ang mas nararapat kaysa sa isa. Dahil dito nag-away-away ang mga
mababangis na hayop at mga ibon. Naglabanan sila upang makita kung sino ang
tatagal at mananaig.

Patuloy ang labanan buong araw. Tumitigil lamang ito sa gabi upang
makapagpahinga ang mga hayop upang sa susunod na araw ang may lakas sila
upang ipatuloy ang pakikipaglaban. Ngunit may isang hayop ang hindi niya
malaman kung saan siya papanig. Ito ay si Paniki. Palibhasa hindi niya kasi
malaman kung mahahanay ba siya na isang mabangis na hayop o di kaya’y ibon.
Ayaw niyang kumampi sa matatalo kung kaya’t ang ginawa niya ay nagmasid-masid
muna ito sa di kalayuan at pinanood ang nagaganap na labanan. Nang sumapit ang
hapon at nakita niya na lumalamang ang mga ibon laban sa mga mababangis na
hayop ay dali-dali itong lumapit sa kampo ng mga ibon at nakihalubilo.

Nakita ng mga ibon si Paniki at tinanong siya kung bakit siya asa kanilang kampo
samantalang isa naman daw siyang mabangis na hayop. Mabilis na pinabulaan ni
Paniki na siya as isang mabangis na hayop; siya raw ay isang ibon. Hindi nga ba’t
meron din daw siyang mga pakpak tulad nila. Nakumbinsi niya ang mga ibon at siya
ay isinama sa kanilang pagdiriwang.

Kinabukasan ay ganoon ulit ang ginawa ni Paniki. Nanatili siya sa isang mataas na
puno at nagmasid-masid ulit muna ito at inantay kung sino ang mukhang nananalo.
Dahil lumamang naman sa pagkakataong iyon ang mga mababangis na hayop, sa
kanila lumapit si Paniki.

Masayang nakihalubilo si Paniki sa mga mababangis na hayop. Ngunit tulad din ng


mga ibon, tinanong nila kung bakit siya nasa kanilang kampo samantalang isa siya
sa mga kaaway. Pinabulaanang muli ito ni Paniki. Isa daw siyang mabangis na hayop

10
dahil tulad nila meron din siyang matatalim na mga pangil. Ang mga ibon ay wala
nga namang mga pangil tulad nila kaya isinama din nila ito sa pagdiriwang.

Araw-araw ay ganoon nga ang ginawa ng tusong si Paniki. Natutuwa siya sa husay
ng kanyang naisip. Hayaan na lang daw na mapagod ang mga mababangis na hayop
at ibon sa pakikipaglaban basta sa kampo ng panalo siya sasama; hagikgik nito.
Nanonood nga muna ito at saka lang bumaba sa nananalong grupo.

Isang araw, napagod na ang mga diwata sa away ng mga mababangis na hayop at
mga ibon. Ipinatawag nila ang mga ito at pinagkasundo. Nagtalaga sila ng mga
dibisyon kung saan maninirahan ang bawat hayop. Sa wakas ay natapos din ang
matagal na labanan. Nagsisipag-uwian na ang mga mababangis na hayop at ibon
sa kanikanilang itinalagang mga lugar nang makita nila si Paniki. Dahil sa nakita
nila at nalaman ang ginawa nitong pagpapalit-palit ng panig sa nananalong kampo,
wala sa mga ito ang may gustong kasama siya sa kanilang pangkat. Pinagtabuyan
ng mga mababangis na hayop at ng mga ibon ang kawawang si Paniki.

Simula noon ay hindi na nga nakikihalubilo si Paniki sa kahit anong hayop. Dahil
sa hiya, tuwing gabi na lamang ito mag-isang lumilipad upang humanap ng kanyang
makakain.

11
Suriin

Anong uri ng kuwento ang iyong nabasa? Mabuti ba o masama ang naging dulot ng
hindi pagkakaunawaan ng mga hayop? Ipaliwanag ang iyong kasagutan.

Katulad ng kuwento na iyong nabasa, ang digmaan sa pagitan ng mga Pilipino at


Amerikano ay nagsimula rin sa hindi pagkakaunawaan. Ang lahat ng iyan ay
liliwanagin sa modyul na ito. Marahil ay handing-handa ka na.

Ang Digmaang Pilipino-Amerikano

➢ Nagalit ang mga Pilipino nang malamn nila ang naging bunga ng Kasunduan
sa Paris. Sa pangyayaring ito, nakita ng mga Pilipino ang tunay na hangarin
ng mga Amerikano sa ating bansa. Sa tingin ng mga Pilipino, nadaya sila ng
mga Amerikano.

➢ Noong ika-4 ng Pebrero 1899, sumiklab ang digmaan sa pagitan ng mga


Pilipino at Amerikano. Dalawang Pilipino ang pinaputukan ng Amerikanong
sundalong si William Walter Grayson kasama ang ilan pang sundalo habang
sila ay nagpapatrolya sa isang baryo sa Sampaloc. Hindi tumigil ang mga
Pilipino nang sinigawan silang huminto ng mga Amerikano. Sa kasalukuyan,
sakop ang naturang lugar ng Calle Sociego, Santa Mesa, Manila. Makalipas
ang ilang sandal, naglabasan na ang mga Pilipino at sila ay nagpaputok na
rin. Dito nagsimula ang digmaan sa pagitan ng dalawang panig. Simula
noon, maraming labanan pa ang naganap.

Labanan sa Pasong Tirad

➢ Ang Pasong Tirad ay isang makitid na lagusan sa Bundok Tirad na bahagi


naman ng kabundukan ng bayan ng Concepcion (Gregorio del Pilar ngayon),
Ilocos Sur sa may kanlurang bahagi ng Cordillera. May taas itong 1300 metro
na natatakpan ng mga ulap tuwing maulan.

➢ Dahil sa tarik nito, hindi makikita ng sinumang paakyat ng paso ang mga
nakatuntong dito. Dahil sa estratehiko nitong posisyon, pinili ni Heneral
Gregorio del Pilar ang nasabing lugar upang harangin at gulatin ang pangkat
ng Amerikano na nais hulihin si Pangulong Emilio Aguinaldo na tumatakas
nang pahilaga. Inutusan niya ang kaniyang 59 piling kawal na maghukay sa
tatlong level ng paso. Dito, maaari nilang barilin at tapunan ng bato ang mga
paakyat na Amerikano.

➢ Noong ika-2 ng Disyembre 1899, ginulat nina del Pilar ang 500 sundalong
Amerikano na pinamumunuan ni Major Peyton C. March. Nahirapan ang mga
Amerikano na masupil sina del Pilar dahil sa kasikipan at katarikan ng
nasabing paso.

12
➢ Sa kasamaang-palad, nalaman ng mga Amerikano, sa tulong ng isang
Kristiyanong Igorot na nagngangalang Januario Galut, ang tanging daan
papunta sa itaas ng Pasong Tirad sa mismong likuran nina del Pilar.
Sumalakay ang puwersang Amerikano sa pamamagitan ng daang ito.
Pagkatapos ng ilang oras na pagsalakay ay dalawa na lamang ang natira sa
puwersa ng mga Filipino at kasama si del Pilar sa mga nasawi. Noong
Setyembre 6, 1900, dumating si Pangulong Emilio Aguinaldo sa Palanan,
Isabela kung saan ay dito rin siya nadakip ng mga Amerikano sa pamumuno
ni Koronel Frederick Funston noong Marso 23, 1901. Noong Abril 1, 1901 ay
dinala ng mga Amerikano si Aguinaldo sa Maynila at ditto ay sumumpa siya
ng katapatan sa Estados Unidos at hinimok niya ang mga Pilipino na
tanggapin na ang kapangyarihan ng mga Amerikano. Ngunit ang pagsuko ni
Aguinaldo ay hindi nangangahulugan ng pagwawakas ng himagsikan.
Patuloy na nakipaglaban ang mga Pilipino sa mga Amerikano.

Labanan sa Balangiga

➢ Isa sa pinakatanyag na labanan sa pagitan ng mga Amerikano at mga Pilipino


ay ang Labanan sa Balangiga na nagyari noong Setyembre 28, 1901 sa
pamumuno ni Heneral Vicente Lukban sa isla ng Samar. Mahigit sa
aptnapung sundalong Amerikano ang napatay sa labanang ito sa
pamamagitan ng isang sorpresang pag-atake at pagtutulungan ng buong
bayan ng Balangiga. Dahil sa dami ng mga Amerikanong namatay sa
labanang ito, tinagurian ang insidenteng ito na Balangiga Massacre na
nabalita maging sa mga pahayagan sa Estados Unidos. Bilang paghihiganti,
ang mga Amerikano ay nagsagawa ng kontra-opensiba sa pangunguna ni
Koronel Jacob Smith. Lahat ng batang lalaki mula sampung taong gulang
pataas ay pinag-utos na patayin dahil sa kakayahan nilang humawak ng
armas. Sa loob ng anim na buwan ang Balangiga ay nagmistulang isang ilang
o disyerto dahil sinunog ng mga Amerikano ang buong bayang ito.

➢ Tumagal nang mahigit apat na taon ang digmaang Pilipino-Amerikano. Ilan


pa sa mga nakilalang Pilipinong nagpakita ng katapangan sa pakikipaglaban
sa mga Amerikano ay sina Heneral Antonio Luna, Major Jose Torres Bugallon
at Heneral Licerio Geronimo. Noong Disyembre 19, 1899 ay napatay ng tropa
ni Heneral Geronimo si Heneral Henry Ware Lawton sa isang labanan sa San
Mateo. Nagwakas lamang ang digmaan nang sumuko na si Heneral Miguel
Malvar sa mga Amerikano noong Abril 16, 1902.

13
Pagyamanin

Hatiin sa tatlong pangkat ang miyembro ng iyong pamilya o iba pang kasama mo sa
bahay. Isadula ang mga pangyayaring naganap sa digmaang Pilipino-Amerikano.

Pangkat A – Unang Putok sa Panulukan ng Silencio at Sociego, Sta. Mesa


Pangkat B – Labanan sa Pasong Tirad
Pangkat C – Labanan sa Balangiga

Rubrik ng Pagmamarka
KRAYTIRYA PUNTOS NAKUHANG
PUNTOS

Wasto at sapat ang nilalaman 3


Maayos ang organisasyon ng mga ideya at
mahusay ang daloy ng pagkakasunod-sunod ng
5
mga pangyayari

Maayos ang pagbibigay ng mga linya ng mga


tauhan 2

Kabuuang Puntos 10

14
Isaisip

❖ Matapos ang tatlong daan at tatlumpu’t tatlong taong (333) pananakop


ng mga Espanyol sa mga Pilipino, ang Pilipinas ay muling napasailalim
sa kapangyarihan ng isa pang imperyalistang bansa – ang Estados Unidos.
❖ Noong ika-4 ng Pebrero 1899, sumiklab ang digmaan sa pagitan ng mga
Pilipino at Amerikano. Dalawang Pilipino ang pinaputukan ng sundalong
Amerikanong si William Walter Grayson kasama ang ilan pang sundalo
habang sila ay nagpapatrolya sa isang baryo sa Sampaloc.
❖ Ang iba pang labanan sa pagitan ng mga Pilipino at Amerikano ay ang
Labanan sa Pasong Tirad sa pangunguna ni Gregorio del Pilar na nangyari
noong ika-2 ng Disyembre 1899 at ang Labanan sa Balangiga na nangyari
noong Setyembre 28, 1901 sa pamumuno ni Heneral Vicente Lukban ng
Samar.
❖ Nagwakas lamang ang digmaan nang sumuko na si Heneral Miguel Malvar
sa mga Amerikano noong Abril 16, 1902.

15
Isagawa

A. Tukuyin ang isinasaad ng bawat pahayag sa hanay A. Piliin ang sagot sa hanay
B. Titik lamang ang isulat sa linya.

A B
______ 1. Nagpaputok sa dalawang Pilipinong a. Heneral Gregorio del Pilar
naglalakad sa isang baryo sa Sampaloc b. Heneral Miguel Malvar
______ 2. Bayani ng Pasong Tirad c. Heneral Vicente Lukban
______ 3. Nagturo ng lihim na daan sa mga d. Januario Galut
Amerikano papasok sa Pasong Tirad e. William W. Grayson
______ 4. Nanguna sa Labanan sa Balangiga f. Pangulong Emilio Aguinaldo
______ 5. Nagwakas ang digmaang Pilipino-
Amerikano sa kanyang pagsuko

B. Gumawa ng timeline mula sa pagsiklab ng alitan ng mga Pilipino at amerikano


hanggang sa pagwawakas nito.

16
Tayahin

A. Suriin ang mga pangyayari ukol sa pakikibaka ng mga Pilipino sa panahon ng


digmaang Pilipino-Amerikano sa pamamagitan ng pagtukoy sa mga nagging
bunga at sanhi ng mga pangyayaring nakatala sa ibaba. Isulat ang iyong sagot
sa linya.

_____ 1. Itinuro ni Januario Galut ang a. Nagwakas ang digmaang Pilipino-


lihim na daan patungo sa tuktok Amerikano
ng paso. b. Madaling nagapi ang mga sunda-
_____ 2. Binaril ang dalawang Pilipino ni long Pilipino na naging sanhi ng
William W. Grayson. pagkasawi ni Gregorio del Pilar
_____ 3. Nasawi ang mahigit apatnapung c. Nahirapan ang mga Amerikano na
sundalo sa Labanan sa Balangiga masupil sina Gregorio del Pilar
sa pamamagitan na rin ng pagtu- d. Nagsimula ang digmaan sa
pagitan
tulungan ng mga mamamayan nito. ng mga Pilipino at Amerikano
_____ 4. Sumuko si Heneral Miguel Malvar e. Pinapatay ang mga batang
lalaking
sa mga Amerikano. may gulang sampung taon pataas
_____ 5. Pinili ni Heneral Gregorio del Pilar at pinasunog ang buong bayan
ang estratihikong posisyon ng
Pasong Tirad.

17
B. Piliin sa loob ng kahon ang inilalarawang pangyayaring nagbigay daan sa
digmaan ng mga Pilipino laban sa Estados Unidos sa bawat bilang. Isulat ang
sagot sa linya.

Labanan sa Pasong Tirad Labanan sa Balangiga


Pagsuko ni Heneral Miguel Malvar Unang Putok sa Panulukan ng
Pagtataksil ni Januario Galut Calle Sociego

1. Ito ang naging simula ng labanan sa pagitan ng mga Pilipino at Amerikano.


____________________________________
2. Nakilala ang kabayanihan, katapangan at pagiging matapat ni Heneral
Gregorio del Pilar sa labanang ito. ____________________________________
3. Ito ang naging sanhi ng pagkasawi ni Heneral Gregorio del Pilar.
_______________________________________.

4. Sa pangyayaring ito, nagwakas ang digmaang Pilipino-Amerikano.


_______________________________________
5. Labanang pinangunahan ni Heneral Vicente Lukban na nakilala bilang isa sa
pinakamatagumpay na labanan ng mga Pilipino laban sa mga Amerikano.
_________________________________________.

18
Karagdagang Gawain

C. Suriin ang mga pangyayari ukol sa pakikibaka ng mga Pilipino sa panahon ng


digmaang Pilipino-Amerikano sa pamamagitan ng pagtukoy sa mga nagging
bunga at sanhi ng mga pangyayaring nakatala sa ibaba. Isulat ang iyong sagot
sa linya.

_____ 1. Itinuro ni Januario Galut ang a. Nagwakas ang digmaang Pilipino-


lihim na daan patungo sa tuktok Amerikano
ng paso. b. Madaling nagapi ang mga sunda-
_____ 2. Binaril ang dalawang Pilipino ni long Pilipino na naging sanhi ng
William W. Grayson. pagkasawi ni Gregorio del Pilar
_____ 3. Nasawi ang mahigit apatnapung c. Nahirapan ang mga Amerikano na
sundalo sa Labanan sa Balangiga masupil sina Gregorio del Pilar
sa pamamagitan na rin ng pagtu- d.Nagsimula ang digmaan sa pagitan
tulungan ng mga mamamayan nito. ng mga Pilipino at Amerikano
_____ 4. Sumuko si Heneral Miguel Malvar
Sa mga amerikano. e. Pinapatay ang mga batang lalaking
may gulang sampung taon pataas
_____ 5. Pinili ni Heneral Gregorio del Pilar at pinasunog ang buong bayan
ang estratihikong posisyon ng
Pasong Tirad.

D. Piliin sa loob ng kahon ang inilalarawang pangyayaring nagbigay daan sa


digmaan ng mga Pilipino laban sa Estados Unidos sa bawat bilang. Isulat ang
sagot sa linya.

Labanan sa Pasong Tirad Labanan sa Balangiga


Pagsuko ni Heneral Miguel Malvar Unang Putok sa Panulukan ng
Pagtataksil ni Januario Galut Calle Sociego

6. Ito ang naging simula ng labanan sa pagitan ng mga Pilipino at Amerikano.


____________________________________
7. Nakilala ang kabayanihan, katapangan at pagiging matapat ni Heneral
Gregorio del Pilar sa labanang ito. ____________________________________
8. Ito ang naging sanhi ng pagkasawi ni Heneral Gregorio del Pilar.
_______________________________________
9. Sa pangyayaring ito, nagwakas ang digmaang Pilipino-Amerikano.
_______________________________________
10. Labanang pinangunahan ni Heneral Vicente Lukban na nakilala bilang isa sa
pinakamatagumpay na labanan ng mga Pilipino laban sa mga Amerikano

19
20
Tayahin
Karagdagang Gawain
A. 1. B
depende sa sagot
1. D
ng bata
Karagdagang Gawain 2. E
3. A
Depende sa 4. C
sagot ng bata B. 1. Unang Putok sa Panulukan
ng Calle Sociego
2. Labanan sa Pasong Tirad
3. Pagtataksil ni Januario Galut
4. Pagsuko ni Hen. Miguel Malvar
5. Labanan sa Balangiga
Isagawa Balikan
X 5. Subukin
√ 4. 6 j.
A. 6. X a. 4
7. X b. 5
√ 3. 7 i.
1. e
sagot ng bata 8. √
X 2. c. 8
3 h.
2. a
B. 1. depende sa 9. √
X 1. d. 2
1 g.
3. d 10.XBalikan e. 10
9 f.
4. c f. 9
5. b
5. b 10 e.
g. 1
B.1. Pagyamanin h. 3
Depende sa sagot
c 4.
i. 7
d. 2
ng bata
d 3. Depende sa j. 6
c. 8
a 2. sagot ng bata
ng bata b. 5
e A. 1. depende sa sagot a. 4
Isagawa Pagyamanin Subukin
Pagwawasto
Susi sa
Sanggunian
http://lrmds.depedldn.com/DOWNLOAD/MODYUL_12_ANG_PANANAKOP_NG_MG
A_.PDF

https://buklat.blogspot.com

https://philippineculturaleducation.com.ph/pasong-tirad/

Bagong Lakbay ng Lahing Pilipino 6

21
Para sa mga katanungan o puna, sumulat o tumawag sa:

Department of Education – Region III,


Schools Division of Bataan - Curriculum Implementation Division
Learning Resources Management and Development Section (LRMDS)

Provincial Capitol Compound, Balanga City, Bataan

Telefax: (047) 237-2102

Email Address: bataan@deped.gov.ph

22

You might also like