You are on page 1of 19

9

FILIPINO
IKALAWANG MARKAHAN – MODYUL 1
TANKA AT HAIKU NG JAPAN

i
Filipino- Ikasiyam na Baitang
Alternative Delivery Mode
Ikalawang Markahan – Modyul 1: Tanka at Haiku ng Japan
Unang Edisyon, 2020

Isinasaad sa Batas Republika 8293, Seksiyon 176 na: Hindi maaaring magkaroon ng
karapatang-sipi sa anomang akda ang Pamahalaan ng Pilipinas. Gayonpaman, kailangan muna
ang pahintulot ng ahensiya o tanggapan ng pamahalaan na naghanda ng akda kung ito ay
pagkakakitaan. Kabilang sa mga maaaring gawin ng nasabing ahensiya o tanggapan ay ang
pagtakda ng kaukulang bayad.

Ang mga akda (kuwento, seleksiyon, tula, awit, larawan, ngalan ng produkto o brand
name, tatak o trademark, palabas sa telebisiyon, pelikula, atbp.) na ginamit sa modyul na ito ay
nagtataglay ng karapatang-ari ng mga iyon. Pinagsumikapang matunton ang mga ito upang
makuha ang pahintulot sa paggamit ng materyales. Hindi inaangkin ng mga tagapaglathala at
mga may-akda ang karapatang-aring iyon. Ang anomang gamit maliban sa modyul na ito ay
kinakailangan ng pahintulot mula sa mga orihinal na may-akda ng mga ito.

Walang anomang parte ng materyales na ito ang maaaring kopyahin o ilimbag sa


anomang paraan nang walang pahintulot sa Kagawaran.

Inilathala ng Kagawaran ng Edukasyon


Kalihim: Leonor Magtolis Briones
Pangalawang Kalihim: Diosdado M. San Antonio

Bumuo sa Pagsusulat ng Modyul

Mga Manunulat: Ria Fe G. Guipo


Editor: Fe M. Gultiano, Dr. Liezl R. Borlasa
Tagasuri at Tagalapat: Dr. Liezl R. Borlasa, Dr. Herminia N. Leyson
Tagaguhit: Ramesh A. Rosillo, Jim Ryan Dela Cruz
Plagiarism Detector Software: PlagiarismDetector.com
Tagapamahala:
Schools Division Superintendent : Dr. Wifreda D. Bongalos, CESO V
Asst. Schools Division Superintendent : Dr. Marcelita S. Dignos, CESE
Curriculum Implementation Chief : Dr. Oliver M. Tuburan
EPSVR – Filipino : Dr. Herminia N. Leyson
EPSVR – LRMDS : Teresita A. Bandolon
ADM Coordinator : Marigold J. Cardente

Inilimbag sa Pilipinas ng, Dibisyon ng Lungsod ng Lapu-Lapu


Departmento ng Edukasyon – Rehiyon VII, Central Visayas
Dibisyon ng Lungsod ng Lapu-Lapu
Office Address: B.M. Dimataga St., Poblacion, Lapu-Lapu City
Tele. No : (032 ) 410-4525
Email Address: oliver.tuburan@deped.gov.ph

ii
Paunang Salita
Para sa tagapagdaloy:

Malugod na pagtanggap sa asignaturang Filipino Baitang-9 ng Alternative Delivery


Mode (ADM) Modyul na tumutugon sa layunin ng programang K to 12 ng Kagawaran ng
Edukasyon.
Ang modyul na ito ay pinagtulungang dinisenyo, nilinang at sinuri ng mga edukador
mula sa pambuliko at pampribadong institusyon upang gabayan ka, ang gurong
tagapagdaloy, upang matulungang makamit ng mga mag-aaral ang pamantayang
itinakda ng Kurikulum ng K to12 habang kanilang pinanagumpayan ang pansarili,
panlipunan at pang-ekonomikong hamon sa pag-aaral.
Ang tulong-aral na ito ay umaasang makauugnay ang mag-aaral sa mapatnubay
at malayang pagkatuto na mga gawain ayon sa kanilang kakayahan, bilis at oras.
Naglalayon din itong matulungan ang mag-aaral upang makamit ang mga kasanayang
pang-21 siglo habang isinasaalang-alang ang kanilang mga pangangailangan at
kalagayan.
Bilang karagdagan sa materyal ng pangunahing teksto, makikita ninyo ang kahong
ito sa pinakakatawan ng modyul:

Mga Tala para sa Guro


Ito ay naglalaman ng mga paalala, panulong o estratehiyang
magagamit sa paggabay sa mag-aaral.

Bilang tagapagdaloy, inaasahang bibigyan mo ng paunang kaalaman ang mga


mag-aaral kung paano gamitin ang modyul na ito. Kinakailangan ding subaybayan at itala
ang pag-unlad nila habang hinahayaan silang pamahalaan ang kanilang sariling
pagkatuto. Bukod dito, inaasahan mula sa iyo na higit pang hikayatin at gabayan ang
mag-aaral habang isinasagawa ang mga gawaing nakapaloob sa modyul.

Para sa mag-aaral:

Malugod na pagtanggap sa Filipino Baitang-9 ng Alternative Delivery Mode (ADM)


Modyul na batay sa Kurikulum K to 12 ng Kagawaran ng Edukasyon
Ang modyul na ito ay ginawa bilang tugon sa iyong pangangailangan. Layunin
nitong matulungan ka sa iyong pag-aaral habang wala ka sa loob ng silid-aralan. Hangad
din nitong madulutan ka ng mga makabuluhang oportunidad sa pagkatuto.

iii
Ang modyul na ito ay may mga bahagi at icon na dapat mong maunawaan.

Sa bahaging ito, malalaman mo ang mga dapat mong


Alamin matutuhan sa modyul.

Sa pagsusulit na ito, makikita natin kung ano na ang


Subukin kaalaman mo sa aralin ng modyul. Kung nakuha mo
ang lahat ng tamang sagot (100%), maaari mong
laktawan ang bahaging ito ng modyul.

Ito ay maikling pagsasanay o balik-aral upang


Balikan matulungan kang maiugnay ang kasalukuyang aralin
sa naunang leksyon.
Sa bahaging ito, ang bagong aralin ay ipakikilala sa
Tuklasin iyo sa maraming paraan tulad ng isang kuwento,
awitin, tula, pambukas na suliranin, gawain o isang
sitwasyon.
Sa seksyong ito, bibigyan ka ng maikling pagtalakay
Suriin sa aralin. Layunin nitong matulungan kang
maunawaan ang bagong konsepto at mga
kasanayan.
Binubuo ito ng mga gawaing para sa mapatnubay at
Pagyamanin malayang pagsasanay upang mapagtibay ang iyong
pang-unawa at mga kasanayan sa paksa. Maaari
mong iwasto ang mga sagot mo sa pagsasanay gamit
ang susi sa pagwawasto sa huling bahagi ng modyul.
Naglalaman ito ng mga katanungan o pupunan ang
Isaisip patlang ng pangungusap o talata upang maproseso
kung anong natutuhan mo mula sa aralin.
Ito ay naglalaman ng gawaing makatutulong sa iyo
Isagawa upang maisalin ang bagong kaalaman o kasanayan
sa tunay na sitwasyon o realidad ng buhay.
Ito ay gawain na naglalayong matasa o masukat ang
Tayahin antas ng pagkatuto sa pagkamit ng natutuhang
kompetensi.
Karagdagang Sa bahaging ito, may ibibigay sa iyong panibagong
gawain upang pagyamanin ang iyong kaalaman o
Gawain kasanayan sa natutuhang aralin.
Susi sa Naglalaman ito ng mga tamang sagot sa lahat ng
mga gawain sa modyul.
Pagwawasto

iv
Sa katapusan ng modyul na ito, makikita mo rin ang:

Sanggunian Ito ang talaan ng lahat ng pinagkuhanan sa


paglikha o paglinang ng modyul na ito.

Ang mga sumusunod ay mahahalagang paalala sa paggamit ng modyul na ito:

1. Gamitin ang modyul nang may pag-iingat. Huwag lalagyan ng anomang marka o
sulat ang anomang bahagi ng modyul. Gumamit ng hiwalay na papel sa pagsagot
ng mga pagsasanay.
2. Huwag kalimutang sagutin ang Subukin bago lumipat sa iba pang gawaing
napapaloob sa modyul.
3. Basahing mabuti ang mga panuto bago gawin ang bawat pagsasanay.
4. Obserbahan ang katapatan at integridad sa pagsasagawa ng mga gawain at sa
pagwawasto ng mga kasagutan.
5. Tapusin ang kasalukuyang gawain bago pumunta sa iba pang pagsasanay.
6. Pakibalik ang modyul na ito sa iyong guro o tagapagdaloy kung tapos nang sagutin
ang lahat ng pagsasanay.

Kung sakaling ikaw ay mahirapang sagutin ang mga gawain sa modyul na ito,
huwag mag-aalinlangang konsultahin ang inyong guro o tagapagdaloy. Maaari ka ring
humingi ng tulong kay nanay o tatay, o sa nakatatanda mong kapatid o sino man sa
iyong mga kasama sa bahay na mas nakatatanda sa iyo. Laging itanim sa iyong
isipang hindi ka nag-iisa.
Umaasa kami, sa pamamagitan ng modyul na ito, na makararanas ka ng
makahulugang pagkatuto at makakukuha ka ng malalim na pang-unawa sa kaugnay
na mga kompetensi. Kaya mo ito!

v
9

FILIPINO
Ikalawang Markahan – Modyul 1
Tanka at Haiku ng Japan

1
Introduksyon
Ang modyul na ito ay naglalaman ng tanka at haiku ng Japan na makatutulong sa
mag-aaral sa pagpapaunlad ng kanyang kaisipan at pang-unawa.
Ang Japan ang isa sa mga kilala at nangunguna sa larangan ng ekonomiya at
teknolohiya hindi lamang sa Asya kundi maging sa buong daigdig. Bagama’t makabago
na ang paraan ng pamumuhay ng mga tao roon, napapanatili pa rin nila ang kanilang
sinaunang kultura at pagpapahalaga sa panitikan.
Ang modyul na ito ay tungkol sa tanka at haiku na mula sa Japan. Bahagi rin ng
pag-aaral ang paghubog sa iyong kasanayan sa wastong paggamit ng mga ponemang
suprasegmental tulad ng diin, tono o intonasyon, at antala o hinto upang mabigkas mo
nang wasto ang ilang halimbawa ng tanka at haiku.
Sa pagtatapos ng modyul na ito, ikaw ay inaasahang makasusulat ng tanka at haiku
na may wastong anyo at sukat.

Kasanayang Pampagkatuto:
1. Nasusuri ang tono ng pagbigkas ng napakinggang tanka at haiku.
2. Nasusuri ang pagkakaiba at pagkakatulad ng estilo ng pagbuo ng tanka at haiku.
3. Nabibigyang-kahulugan ang mahalagang matalinghagang salitang ginamit sa tanka
at haiku.
4. Naisusulat ang payak na tanka at haiku sa tamang anyo at sukat.
Mga Layunin:
Sa babasahin mong kuwento at tekstong pang-impormasyon, inaasahang magagawa mo
ang sumusunod:
1. Natutukoy ang halimbawa ng Tanka at Haiku at nabibigkas nang maayos kaugnay ng
tono nito.
2. Nasusuri ang pagkakaiba at pagkakatulad ng estilo ng pagkabuo ng Tanka at Haiku
3. Nabibigyang – kahulugan ang matatalinghagang salitang ginamit sa Tanka at haiku.
4. Nakasusulat ng isang payak na tanka at haiku sa tamang anyo at sukat.

A. Piliin ang tamang sagot. Isulat ang titik lamang.

1. Ang tulang ito ay mula sa Japan na binubuo ng 31 pantig.


A. Ambahan B. Haiku C. Tanaga D. Tanka
2. Alin sa magkapares na salita ang magkasingkahulugan?

2
A. Padapuan-Paliguan C. Wagas-Dalisay
B. Iyak nang Iyak-tawa ng tawa D. Magpahele-Magpakain
3. Hindi maganda ang tubo ng halaman ni Rose kaya namatay. Paano binibigkas ang
salitang tubo sa pangungusap?
A. /tu.boh/ B. /TU.bo/ C. /tu.bo?/ D. /tu.BO/
4. Ano ang ibig sabihin ng paglagas ng Cherry Blossoms sa mga tanka ng Japan.
A. Paglipas ng panahon C. Mainit na ang panahon
B. Malapit na ang taglamig D. Nalanta na ang Cherry Blossoms.
5. Paano naiiba ang tanaga sa Pilipinas at ng Japan?
A. May tugma sa tanaga, sa tanka ay wala.
B. Mas mahaba ang tanka kaysa sa tanaga.
C. Malalim ang kahulugan ng tanka, ang tanaga’y mababaw.
D. Ang paksa ng tanaga ay tungkol sa pag-ibig, ang tanka ay sa panahon.
6. Ang tulang ito ay mula sa Japan na binubuo ng 17 bilang ng pantig.
A. Ambahan B. Haiku C. Tanaga D. Tanka
7. Sa anong bansa nagmula ang tanaga?
A. Indonesia B. Japan C. Korea D. Pilipinas
8. Ito ay isang uri ng sinaunang tula ng mga Pilipino na may layong linangin ang lalim ng
pagpapahayag ng kaisipan at masining na paggamit ng antas ng wika.
A. Ambahan B. Haiku C. Tanaga D. Tanka
9. Ito ay bahagyang pagtigil sa pagsasalita upang higit na malinaw ang mensaheng ibig
ipahatid sa kausap.
A. Antala B. Tono C. Diin D. Impit
10. Tukuyin ang hindi ponemang suprasegmental.
A. Antala B. Tono C. Diin D. Impit
11. Ano ang tawag sa yunit ng salita na may kahulugan?
A. Morpema B. Ponema C. Salitang-ugat D. Pantig
12. Kailan naisulat ang Tanka sa kasaysayan ng panitikang Hapon?
A. Ika-15 siglo B. ika-13 siglo C. Ika-8 siglo D. ika-9 na siglo
13. Ano ang tawag sa sinaunang tula ng mga Pilipino na binubuo ng tigpipitong pantig sa
bawat taludtod?
A. Tanka B. Soneto C. Haiku D. Tanaga
14. Ano ang tawag sa ponemang suprasegmental na tumutukoy sa pagtaas at pagbaba ng
tinig sa pagbigkas ng salita?

3
A. Antala B. Tono C. Diin D. Hinto
15. Ano ang bagong anyo ng pagbuo ng tulang Hapon?
A. Kana B. Tanka C. Haiku D. Manyoshu

Alamin kung tama ang iyong mga sagot. Tingnan ang susi ng wastong sagot sa
huling pahina ng modyul na ito. Ilang iskor ang nakuha mo?

Sa nakaraang aralin ay natutunan mo ang pandiwang nasa panaganong paturol.


Ang pandiwang panaganong paturol ay tahasang isinasaad ang kilos na ipinahahayag
nito. Kadalasan ay tuwirang ginagawa o naaapektuhan ng tagaganap ang ipinahahayag
ng kilos ng pandiwa. Lahat ng uri ng pandiwa ay nababanghay para sa aspekto:
nagsasaad na ang kilos ay naganap na, kasalukuyang nagaganap, kagaganap pa
lamang at kilos na gagawin pa lamang.
Halimbawa:
o Kumain kami sa Kutsaritas Garden.
• Ang salitang kilos ay naganap na.
o Naglalaba ng mga damit si Joan sa tabing-ilog.
• Ang salitang kilos ay kasalukuyang nangyayari.
o Pupunta ako sa ibang bansa kung matatapos na ang krisis sa Covid-19.
• Ang mga salitang kilos ay nagsasaad na magaganap pa lamang sa
hinaharap.
o Kaiinom lamang niya ng gatas.
• Ang salitang kilos ay nagsasaad na katatapos pa lamang.

Gawain 1: HULAAN MO!

4
Watawat Anong bansa
ito?

https://www.google.com/search?q=japan+flag&tbm=isch&ved=2ahUKEwjouKP5nr3rAhWTy4sBHTdeDS0Q2cCegQIABAA&oq=japan+fla
g&gs_lcp=CgNpbWcQAzIF CAAQsQMyAggAMgIIADICCAAyAggAMgIIADICCAAyAggAMgIIADICCAA6BAgAEEM 6BggAEA
cQHlDmqDJY7rcyYJ27MmgAcAB4AIABxgGIAZYHkgEDMC41mAEAoAEBq gELZ3dzLXdpei1pbWfAAQE&sclient=img&ei=PqBIX-
ihO5OXr7wPt7y16AI#imgrc=7NEZnjOF5zUg_M

https://www.google.com/search?q=korea+flag&tbm=isch&ved=2ahUKEwiC6L-
gnr3rAhUCzYsBHcYOChUQ2cCegQIABAA&oq=korea+flag&gs_lcp=CgNpbWcQA zIHCAAQsQMQQzIECAAQQzI
CCAAyAggAMgQIABBDMgIIADICCAAyAgg AMgIIADICCAA6BggAEAcQHlCskgtYoZo LYOucC2gAcAB4AIAB4wGIAYsH
kgEFMC40LjGYAQCgAQGqAQtnd3Mtd2l6LWltZ8 ABAQ&sclient=img&ei= hJ9IX4KWMIKar7wPxp2oqAE#imgrc=SzrB9QH1XmrUUM

https://www.google.com/search?q=taiwan+flag&tbm=isch&ved=2ahUKEwjWy8eEor3rAhUIc5QKHQWNAi0Q2-cCegQIABAA
&oq=taiwa+flag&gs_lcp=CgNpbWcQARgBMgIIADIGCAAQBxAeMgYIABAHEB4yBggAEAcQHjIGCAAQBxAeMgYIABAHE
B4yBggAEAcQHjIGCAAQBxAeMgYIABAHEB4yBggAEAcQHjoECAAQQ1DMjg1Y6ZoNYL2pDWgAcAB4AIABhgKIAYMIkgEFMC4zL
jKYAQCgAQGqAQtnd3Mtd2l6LWltZ8ABAQ&sclient=img&ei=e6NIX5aiOYjm0QSFmoroAg#imgrc=yo-Ye40UmQJH4M

https://www.google.com/search?q=china+flag&tbm=isch&ved=2ahUKEwjo87ntor3rAhWizIsBHUEYACcQ2-
cCegQIABAA&oq=china+flag&gs_lcp=CgNpbWcQAzIHCAAQsQMQQzIECAAQQzIECAAQQzIECAAQQzICCAAyAgg
AMgIIADICCAAyAggAMgIIADoGCAAQBxAeULGyBljqvgZgq8gGaABwAHgBgAGVBIgB3AqSAQkwLjEuMy41LTGYAQ
CgAQGqAQtnd3Mtd2l6LWltZ8ABAQ&sclient=im g&ei=V6RIX6jsN6KZr7wPwbCAuAI#imgrc=P3lMix94Y5AOGM

5
Ang tanka at haiku ay ilang anyo ng tula na pinahahalagahan ng panitikang
Hapon. Ginawa ang tanka noong ikawalong siglo at ang haiku noong ika-15 siglo.

Maiikling awitin ang ibig sabihin ng tanka na binubuo ng tatlumpu’t isang


pantig na may limang taludtod. Karaniwang hati ng pantig Tig-5 pantig naman ang
dalawang taludtod. Karaniwang hati ng pantig sa mga taludtod ay: 7-7-7-5-5, 5-7-5,7-
7 o maaaring magkapalit-palit din na ang kabuuan ng pantig ay tatlumpu’t isang
pantig pa rin..

Samantala, ang haiku ay mas pinaikli pa rin sa tanka. May 17 bilang ang
pantig na may 3 taludtod. Maaaring ang hati ng pantig ay 5-7-5 o maaaring din na
ang kabuuan ng pantig ay labimpito pa rin.

Kung may tanka at haiku ang Japan, tayo naman sa Pilipinas ay may tanaga?
Ito ay isang uri ng sinaunang tula ng mga Pilipino na may layong linangin ang lalim
ng pagpapahayag ng kaisipan at masining na paggamit ng antas ng wika. Binubuo
ito ng tigpipitong pantig sa bawat taludtod ng bawat saknong.

Basahin ang bawat tanka at haiku.

Tanka Haiku
Katapusan ng Aking Paglalakbay Tutubi
ni Oshikochi Mitsune ni Gonzalo K. Flores
Isinalin sa Filipino ni M.O. Jocson
Hila mo’y tabak
Napakalayo pa nga Ang bulaklak
Wakas ng paglalakbay
nanginig Sa
Sa ilalim ng puno
Tag-init noon paglapit mo.
Gulo ang isip.
Naghihintay Ako Anyaya
ni Prinsesa Nukada ni Gonzalo K. Flores
Isinalin sa Filipino ni M.O. Jocson
Ulilang damo

6
Naghintay ako, oo Sa tahimik na ilog
Nanabik ako sa’yo. Halika, sinta
Pikit-mata nga ako
Gulo sa dampi
Nitong taglagas

Tanka ni Ki no Tomonori Haiku ni Basho


Payapa at tahimik
Isinalin sa Filipino ni Vilma C. Ambat
Ang araw ng tagsibol
Matandang sapa
Maaliwalas
Ang palaka’y tumalon
Bakit ang Cherry Blossoms
Lumalagaslas
naging mabuway.

Gawain 2: Suriin Mo
Matapos mabasa ang halimbawa ng tanka at haiku, suriin ayon sa paksa ang mensaheng
nais ipabatid nito.

Pamagat Paksa Mensahe

Tanka

Naghihintay Ako

Katapusan ng Aking Paglalakbay

Haiku

Tutubi

Anyaya

7
Gawain 3: Paglinang ng Talasalitaan

II. Piliin sa loob ng kahon ang mga kahulugan ng mga matatalinghagang salita na
ginamit sa binasang tanka at haiku .

a. Tagsibol b. natuyong sapa c. umaagos pababa


d. Tagpuan e. maliwanag f. mahina

1. Palaka 3. Maaliwalas 5. Matandang sapa


2. Lumalagaslas 4. Mabuway

Gawain 4: Paghambingin Mo
Mula sa binasang tanka at haiku, isa-isahin ang pagkakaiba at
pagkakatulad ng mga ito batay sa kayarian.
Kopyahin sa iyong sagutang papel ang graphic organizer.

TANKA AT HAIKU

Pagkakaiba Pagkakatulad

8
Ponemang Suprasegmental - Ito ay makahulugang tunog.

1. Diin- ang lakas, bigat, o bahagyang pagtaas ng tinig sa pagbigkas ng isang pantig sa
salita.
Halimbawa:
a. BU:hay= kapalaran ng tao b. LA:mang=natatangi
Bu:HAY= humuhinga pa la:MANG=nakahihigit
2. Tono/Intonasyon- ang pagtaas at pagbaba ng tinig na maaaring makapagpasigla,
makapahayag ng iba’t ibang damdamin upang
higit na maging mabisa ang ating pakikipag-usap sa kapwa. Sa pagsasalita ay may
mababa, katamtaman, at mataas na tono. Maaaring gamitin ang bilang 1 sa mababa,
bilang 2 sa katamtaman, at bilang 3 sa mataas.
Halimbawa:
a. Kahapon= 213, pag-aalinlangan
Kahapon= 231, pagpapatibay/ pagpapahayag
b. Talaga=213, pag-aalinlangan
Talaga= 231, pagpapatibay/ pagpapahayag
3. Antala/Hinto- bahagyang pagtigil sa pagsasalita upang higit na maging malinaw ang
mensaheng ibig ipahatid sa kausap. Maaaring gumamit ng simbolo kuwit(,), dalawang
guhit na pahilis (//), o gitling(-).
Halimbawa:
a. Hindi/ ako si Vanessa.
(Pagbigkas ito na ang hinto ay pagkatapos ng HINDI. Nangangahulugan itong ang
nagsasalita ay nagsasabing siya si Vanessa na maaaring siya’y napagkamalan lamang
na si Anessa.)
b. Hindi ako, si Vanessa.
(Pagbigkas ito na ang hinto ay nasa AKO. Pagpapahiwatig ito na ang kausap ay
maaaring napagbintangan ng isang bagay na hindi ginawa. Kaya sinabi niyang hindi siya
ang gumawa kundi si Vanessa.)
c. Hindi ako si Vanessa.
(Pagbigkas ito na nasa hulihan ang hinto. Nagpapahayag ito na ang nagsasalita ay
nagsasabing hindi siya si Vanessa.

9
Panuto: Sumulat ng tig-iisang payak na Tanka at Haiku na may tamang
sukat at anyo basi sa inyong natutunan.

Mga Pamantayan Laang Aking


Puntos Puntos
1. May orihinalidad at akma sa paksa ang tanka at haiku 5
na nabuo.
2. Gumamit ng simbolismo/pahiwatig na nakapagpaisip sa 5
mga mambabasa.
3. Maayos at kahika-hikayat ang mga salitang ginamit sa 5
tanka at haiku na naging kawili-wili at nahihikayat ang
lahat.
4. Napakalalim at makahulugan ang kabuuan ng tula. 5

KABUUAN 20

A. Bigkasin at isulat ang kahulugan ng mga pares ng salita na pareho ang baybay
subalit magkaiba ang bigkas.

1. /SA:ka/-________________ /sa:KA/-_________________
2. /TA:la/-_________________ /ta;LA/-__________________
3. /BU:hay/-________________ /bu:HAY/-________________
4. /A:so/-__________________ /a:SO/-__________________

B. Tukuyin ang wastong tono ng bawat pahayag batay sa layunin nito. Maaaring
gamitin ang bilang 1 sa mababa, bilang 2 sa katamtaman, at bilang 3 sa
mataas.
1. kanina=_____________________, pag-alinlangan
kanina=_____________________, pagpapatibay, pagpapahayag
2. mayaman=__________________, pagtatanong
mayaman=__________________, pagpapahayag

10
3. magaling=___________________, pagpupuri
magaling=___________________, pag-aalingan
4. talaga=_____________________, pag-alinlangan
talaga=_____________________, pagpapatibay, pagpapahayag

Karagdagang Gawain

Gamitin sa pangungusap ang sumusunod na salita. Ipakita ang pagbabago ng


kahulugan batay sa diin.

Halimbawa: /SA:ka/-bukid, /sa:KA/ -at saka (also)

1. /BA:ba/-___________________________ /ba:BA/-_________________________

2. /BA:ga/-___________________________ /ba:GA/-_________________________

3. /LA:bi/-____________________________ /la:BI/-__________________________

Haiku-may 17 bilang ang pantig na may 3 taludtod.


Lumalagaslas-umaagos pababa
Maaliwalas-maliwanag
Mabuway-mahina
Matandang Sapa-natuyong sapa
Palaka- tagsibol
Pantig- isang yunit ng tunog na binubuo ng isang patinig o kambal-patinig at isa o mahigit
pang katinig.
Ponema- ito ay binubuo ng makabuluhang tunog.
Tabak-kampilan
Tanaga-isang uri ng sinaunang tula ng mga Pilipino.
Tanka- maikling awitin na binubuo ng 31 pantig na may 5 taludtod.

11
12
B. Suriin Subukin
1. 213, 231 Gawain 2-Iba-iba ang sagot 1. D
2. 312, 231 Gawain 3- 2. C
3. 123, 213 1. A 3. B
4. 213, 231 2. C
4. B
3. E
5. D
Karagdagang 4. F
6. B
Gawain- Iba- 5. B
7. D
iba ang sagot Pagyamanin-Iba-iba ang
8. C
sagot
9. A
Isagawa- Iba-iba ang sagot
10. D
Tayahin
11. B
A.
12. C
1. ani
13. D
Pagdadagdag ng impormasyon
14. B
2. bituin
15. C
Lista
3. kapalaran ng tao
Tuklasin
Humihinga pa
1. JAPAN
4. hayop
usok
2. KOREA
3. TAIWAN
.
4. CHINA
Mga Aklat
Abad, Marietta A. Retorika III. Pasig City: National Bookstore, 2003.
Avena, Lorenza G. Hiyas ng Lahi Wika at Panitikan.Quezon City: Vibal Publishing House, Inc., 2001.
Batnag, Aurora.Haraya II. Manila: Rex Bookstore, Inc.,1990.
Belvez, Paz M. Pamana Katutubong Panitikan at Sining ng Pagkukwento at Pagtula. Manila: Rex
Bookstore, 1983
Jimenez, Encarnation M. Panitik IV Filipino sa Panahon ng Pagbabago.
Adriana Publishing Co., Inc., 2012.
Panganiban, Milagros B. Pagpapahayag, Retorika at Bigkasan. Manila: Rex
Bookstore, 2000.
Santos, Bernie C. Sambotani III. Quezon City: Rex Printing Comp. Inc., 2007.
Villafuerte, Patrocinio V. Pagsasaling-wika. Manila: Rex Bookstore, 2005.

Lesson Plan
Desucatan, Hana Lyn S. 2019. Instructional Plan. DLP Blg.6-7. Bankal National High School
Rodrigo, Liliosa D. 2019. Instructional Plan. DLP Blg. 5. Pajo National High School

Hangoang Elektroniko
https://www.google.com/search?bih=654&biw=360&hl=en&sxsrf=ALeKk00O9qx1N 5LfQHIRFAyp
yJuYE6AROg%3A1598945213979&ei=vfdNX-6QO4KSr7wP zcWSwA0&q =maaliwalas %20kahulugan&oq=
maaliwalas&gs_lcp= ChNtb2JpbGU tZ3dzLXd pei1zZXJwEAEYATIECAAQRzIECA AQRzIECAAQRzIECAA
QRzIEC AAQRzIECAAQRzIECAAQRzIECAAQR1AAWABg9HxoAHA BeACAAQCIAQC
SAQCYAQDAAQE&sclient=mobile-gws-wiz-serp&fbclid=IwAR3WfeQecb Q3faPpW 6is3-
yqxZPiSdgZF3N5F_KNBwzsRikbPPF8ITR3E8
https://www.google.com/search?q=taludtod&tbm=isch&ved=2ahUKEwjK3NyJx8f rAhUFd
JQKHTqwCn8Q2-cCegQIABAC&oq=taludt&gs_lcp=ChJtb 2JpbGUtZ3dz LXdpei1pbWc
QARgAMggIABCxAxCDATICCAAyAggAMgIIADICCAA6BwgjEOoC ECc6BAgjECc6BAgAEEM6
CggAELEDEIMBEENQtBxY2zFglDxoAnAAeACAAckB iAHGB5IBBTAuNS4xmAEAoAEBsAEFwAEB
&sclient=mobile-gws-wiz-img&ei=gA hOX8qcEIXo0QS64Kr4Bw&bih=710&biw=360&hl=en
&fbclid=IwAR3slZMDr844w8vfW-XTG_X0uKPtCj7EqfW3ohvhviUdLHiekyZKFBdj2Yw#img
rc=cCpAqjt2U65ZWM
https://www.google.com/search?q=japan+flag&tbm=isch&ved=2ahUKEwjou
KP5nr3rAhWTy4sBHTdeDS0Q2cCegQIABAA&oq=japan+fla g&gs_lcp=CgNp bWcQAzIF
CAAQsQMyAggAMgIIADICCAAyAggAMgIIADICCAAy AggAMgIIADI CCAA6BAgAEEM 6BggAEA
cQHlDmqDJY7rcyYJ27MmgAcAB4AIABxgG IAZYHkgEDMC41mAEAoAEBq
gELZ3dzLXdpei1pbWfAAQE&sclient=img&ei= PqBIX-ihO5OXr7wPt7y16AI#imgrc=7NEZnjOF5zUg_M
https://www.google.com/search?q=korea+flag&tbm=isch&ved=2ahUKEwiC6L-
gnr3rAhUCzYsBHcYOChUQ2cCegQIABAA&oq=korea+flag&gs_lcp=CgNpbWcQA
zIHCAAQsQMQQzIECAAQQzI CCAAyAggAMgQIABBDMgIIADICCAAyAgg
AMgIIADICCAA6BggAEAcQHlCskgtYoZo LYOucC2gAcAB4AIAB4wGIAYsH

13
kgEFMC40LjGYAQCgAQGqAQtnd3Mtd2l6LWltZ8 ABAQ&sclient=img&ei=
hJ9IX4KWMIKar7wPxp2oqAE#imgrc=SzrB9QH1XmrUUM
https://www.google.com/search?q=taiwan+flag&tbm=isch&ved=2ahUKEwj
Wy8eEor3rAhUIc5QKHQWNAi0Q2-cCegQIABAA &oq=taiwa+flag&gs_lcp= CgNpbWcQA
RgBMgIIADIGCAAQBxAeMgYIABAHEB4yBggAEA cQHjIG CAAQBxAeMgYIABAHE
B4yBggAEAcQHjIGCAAQBxAeMgYIABAHEB4y BggAEAcQ
HjoECAAQQ1DMjg1Y6ZoNYL2pDWgAcAB4AIABhgKIAYMIkg EFMC4zL
jKYAQCgAQGqAQtnd3Mtd2l6LWltZ8ABAQ&sclient=i mg&ei=e 6NIX5aiOYjm0QSFmoroAg#imgrc=yo-
Ye40UmQJH4M
https://www.google.com/search?q=taiwan+flag&tbm=isch&ved=2ahUKEwj
Wy8eEor3rAhUIc5QKHQWNAi0Q2-cCegQIABAA &oq=taiwa+flag&gs_lcp= CgNpb
WcQARgBMgIIADIGCAAQBxAeMgYIABAHEB4yBggAEAcQHjI GCAAQBxAeMgYIABAHE
B4yBggAEAcQHjIGCAAQBxAeMgYIABAHEB 4yBggAEAc
QHjoECAAQQ1DMjg1Y6ZoNYL2pDWgAcAB4AIABhgKIAY MIkgEFMC4zL
jKYAQCgAQGqAQtnd3Mtd2l6LWltZ8ABAQ&sclient =img&ei=e6NIX5aiOYjm0QSFmoroAg#imgrc=yo-
Ye40UmQJH4M

Para sa mga katanungan o puna, sumulat o tumawag sa:

Department of Education – Curriculum Implementation Division (CID)

Division of Lapu-Lapu City


Address: B.M. Dimataga St., Poblacion, Lapu-Lapu City
Telephone Nos.: (032) 340-7887
Email Address: deped.lapulapu@deped.gov.ph
Website: http://depedlapulapu.net.ph

14

You might also like