You are on page 1of 20

8

Filipino
Unang Markahan – Modyul 1.3:
Pagsulat ng Karunungang Bayan
Filipino – Ikawalong Baitang
Alternative Delivery Mode
Unang Markahan – Modyul 1.3: Pagsulat ng Karunungang Bayan
Unang Edisyon, 2020

Isinasaad sa Batas Republika 8293, Seksiyon 176 na: Hindi maaaring magkaroon
ng karapatang-sipi sa anomang akda ang Pamahalaan ng Pilipinas. Gayonpaman, kailangan
muna ang pahintulot ng ahensiya o tanggapan ng pamahalaan na naghanda ng akda kung ito
ay pagkakakitaan. Kabilang sa mga maaaring gawin ng nasabing ahensiya o tanggapan ay
ang pagtakda ng kaukulang bayad.

Ang mga akda (kuwento, seleksiyon, tula, awit, larawan, ngalan ng produkto o brand
name, tatak o trademark, palabas sa telebisiyon, pelikula, atbp.) na ginamit sa modyul na ito
ay nagtataglay ng karapatang-ari ng mga iyon. Pinagsumikapang matunton ang mga ito upang
makuha ang pahintulot sa paggamit ng materyales. Hindi inaangkin ng mga tagapaglathala at
mga may-akda ang karapatang-aring iyon. Ang anomang gamit maliban sa modyul na ito ay
kinakailangan ng pahintulot mula sa mga orihinal na may-akda ng mga ito.

Walang anomang parte ng materyales na ito ang maaaring kopyahin o ilimbag sa


anomang paraan nang walang pahintulot sa Kagawaran.

Inilathala ng Kagawaran ng Edukasyon


Kalihim: Leonor Magtolis Briones
Pangalawang Kalihim: Diosdado M. San Antonio

Bumuo sa Pagsusulat ng Modyul

Manunulat: Majalyn G. Manalo


Editor: Leny Caysido
Tagasuri: Eliza Bagtas
Tagaguhit: -
Tagalapat: Kenneth I. Guanlao
Cover Design: Emmanuel S. Gimena Jr.

Mga Tagapamahala:
Schools Division Superintendent : Romeo M. Alip, PhD, CESO V
OIC-Asst. Schools Division Superintendent: William Roderick R. Fallorin
Chief Education Supervisor, CID : Milagros M. Peñaflor, PhD
Education Program Supervisor, LRMDS : Edgar E. Garcia, MITE
Education Program Supervisor, AP/ADM : Romeo M. Layug
Education Program Supervisor, Filipino : Mila D. Calma
District Supervisor, Orani : Arlene S. Carlos
Division Lead Book Designer : Emmanuel S. Gimena Jr.
District LRMDS Coordinator, Orani : Hilda V. Sayson
School LRMDS Coordinator : Maybel B. Cerezo
School Principal : Loreta Michelle W. Bamba, EdD
District Lead Layout Artist, Filipino : Aldrine Y. Teleron
District Lead Illustrator, Filipino : Mae Laine Villaruel
District Lead Evaluator, Filipino : Carolyn R. Reyes
Inilimbag sa Pilipinas ng Department of Education – Schools Division of Bataan
Office Address: Provincial Capitol Compound, Balanga City, Bataan
Telefax: (047) 237-2102
E-mail Address: bataan@deped.gov.ph
8

Filipino
Unang Markahan – Modyul 1.3:
Pagsulat ng Karunungang Bayan
Paunang Salita
Para sa tagapagdaloy:

Malugod na pagtanggap sa asignaturang Filipino at Ikawalong Baitang ng


Alternative Delivery Mode (ADM) Modyul para sa araling Pagsulat ng Karunungang
Bayan!
Ang modyul na ito ay pinagtulungang dinisenyo, nilinang at sinuri ng mga
edukador mula sa pampubliko at pampribadong institusyon upang gabayan ka, ang
gurong tagapagdaloy upang matulungang makamit ng mag-aaral ang pamantayang
itinakda ng Kurikulum ng K to12 habang kanilang pinanagumpayan ang pansarili,
panlipunan at pang-ekonomikong hamon sa pag-aaral.

Ang tulong-aral na ito ay umaasang makauugnay ang mag-aaral sa


mapatnubay at malayang pagkatuto na mga gawain ayon sa kanilang kakayahan,
bilis at oras. Naglalayon din itong matulungan ang mag-aaral upang makamit ang
mga kasanayang pan-21 siglo habang isinasaalang-alang ang kanilang mga
pangangailangan at kalagayan.

Bilang karagdagan sa materyal ng pangunahing teksto, makikita ninyo ang


kahong ito sa pinakakatawan ng modyul:

Mga Tala para sa Guro


Ito'y naglalaman ng mga paalala, panulong
o estratehiyang magagamit sa paggabay sa
mag-aaral.

Bilang tagapagdaloy, inaasahang bibigyan mo ng paunang kaalaman ang


mag-aaral kung paano gamitin ang modyul na ito. Kinakailangan ding subaybayan
at itala ang pag-unlad nila habang hinahayaan silang pamahalaan ang kanilang
sariling pagkatuto. Bukod dito, inaasahan mula sa iyo na higit pang hikayatin at
gabayan ang mag-aaral habang isinasagawa ang mga gawaing nakapaloob sa
modyul.

Para sa mag-aaral:

Malugod na pagtanggap sa asignaturang Filipino at Ikawalong Baitang ng


Alternative Delivery Mode (ADM) Modyul ukol sa Pagsulat ng Karunungang Bayan!

Ang malawak na kasanayan at kaalaman sa pagsulat ng ating mga


ipinahahayag, binabasa, karanasan, kaalaman o damdamin ay mabisang
kasangkapan ng pag-unald ng ating pagkatao. = Ang kasanayan at kaalamang ito
ay makatutulong rin sa ating kapwa upang higit nilang maunawaan ang ating
ipinahahayag na makatutulong sa kanilang buhay at pakikisalamuha sa kanilang
kapwa at pagkatuto din sa iba’t ibang larangan o disiplina. Kabilang din sa ating
mga binabasa, sinusulat at binibigkas ay ang iba’t ibang pahayag na maaaring
kaalaman, kasanayan, kuwento, katwiran, paliwanag o kaya’y ay ang paglalarawan
ng bagay, lugar, tao o pangyayari. Ikaw, bilang mag-aaral ay nararapat na
magkaroon ng ganitong kaalaman at kasanayan na makatutulong sa iyong pag-
unlad sa lahat ng aspeto ng iyong pagkatao at upang higit at malinaw mong
maiparating sa iba ang lahat ng mensaheng gusto mong maiparating sa kanila.

Ang modyul na ito ay ginawa bilang tugon sa iyong pangangailangan. Layunin


nitong matulungan ka sa iyong pag-aaral habang wala ka sa loob ng silid-aralan.
Hangad din nitong madulutan ka ng mga makabuluhang oportunidad sa pagkatuto.

Ang modyul na ito ay may mga bahagi at icon na dapat mong maunawaan.

Alamin Sa bahaging ito, malalaman mo ang mga


dapat mong matutuhan sa modyul.

Subukin Sa pagsusulit na ito, makikita natin kung


ano na ang kaalaman mo sa aralin ng
modyul. Kung nakuha mo ang lahat ng
tamang sagot (100%), maaari mong laktawan
ang bahaging ito ng modyul.

Balikan Ito ay maikling pagsasanay o balik-aral


upang matulungan kang maiugnay ang
kasalukuyang aralin sa naunang leksyon.

Tuklasin Sa bahaging ito, ang bagong aralin ay


ipakikilala sa iyo sa maraming paraan tulad
ng isang kuwento, awitin, tula, pambukas na
suliranin, gawain o isang sitwasyon.

Suriin Sa seksyong ito, bibigyan ka ng maikling


pagtalakay sa aralin. Layunin nitong
matulungan kang maunawaan ang bagong
konsepto at mga kasanayan.

Pagyamanin Binubuo ito ng mga gawaing para sa


malayang pagsasanay upang mapagtibay ang
iyong pang-unawa at mga kasanayan sa
paksa. Maaari mong iwasto ang mga sagot
mo sa pagsasanay gamit ang susi sa
pagwawasto sa huling bahagi ng modyul.

Isaisip Naglalaman ito ng mga katanungan o


pupunan ang patlang ng pangungusap o
talata upang maproseso kung anong
natutuhan mo mula sa aralin.
Isagawa Ito ay naglalaman ng gawaing makatutulong
sa iyo upang maisalin ang bagong kaalaman
o kasanayan sa tunay na sitwasyon o
realidad ng buhay.

Tayahin Ito ay gawain na naglalayong matasa o


masukat ang antas ng pagkatuto sa
pagkamit ng natutuhang kompetensi.
Karagdagang Sa bahaging ito, may ibibigay sa iyong
Gawain panibagong gawain upang pagyamanin ang
iyong kaalaman o kasanayan sa natutuhang
aralin.

Susi sa Pagwawasto Naglalaman ito ng mga tamang sagot sa lahat


ng mga gawain sa modyul.

Sa katapusan ng modyul na ito, makikita mo rin ang:

Ito ang talaan ng lahat ng pinagkuhanan sa


Sanggunian
paglikha o paglinang ng modyul na ito.

Ang sumusunod ay mahahalagang paalala sa paggamit ng modyul na ito:


1. Gamitin ang modyul nang may pag-iingat. Huwag lalagyan ng anumang
marka o sulat ang anumang bahagi ng modyul. Gumamit ng hiwalay na papel
sa pagsagot sa mga pagsasanay.
2. Huwag kalimutang sagutin ang Subukin bago lumipat sa iba pang gawaing
napapaloob sa modyul.
3. Basahing mabuti ang mga panuto bago gawin ang bawat pagsasanay.
4. Obserbahan ang katapatan at integridad sa pagsasagawa ng mga gawain at
sa pagwawasto ng mga kasagutan.
5. Tapusin ang kasalukuyang gawain bago pumunta sa iba pang pagsasanay.
6. Pakibalik ang modyul na ito sa iyong guro o tagapagdaloy kung tapos nang
sagutin lahat ng pagsasanay.
Kung sakaling ikaw ay mahirapang sagutin ang mga gawain sa modyul na ito,
huwag mag-aalinlangang konsultahin ang inyong guro o tagapagdaloy. Maaari ka
rin humingi ng tulong sa iyong mga magulang, sa nakatatanda mong kapatid o sino
man sa iyong mga kasama sa bahay na mas nakatatanda sa iyo. Laging itanim sa
iyong isipang hindi ka nag-iisa.

Umaasa kami, sa pamamagitan ng modyul na ito, makararanas ka ng


makahulugang pagkatuto at makakakuha ka ng malalim na pang-unawa sa
kaugnay na mga kompetensi. Kaya mo ito!
Alamin

Ang modyul na ito ay idinisenyo at isinulat upang tulungan kang

Matapos ang modyul na ito, inaasahang matutuhan mo ang:


1. Nakasusulat ng sariling bugtong, salawikain, sawikain o kasabihan na angkop
sa kasalukuyang kalagayan.(F8PS-Ia-c-20)

Subukin

Basahin ang teksto at angkupan ito ng isang salawikain o kasabihan.

BINAYARAN NG ISANG BASONG GATAS

Minsan, may isang mag-aaral ng medisina ang pagod na pagod at uhaw na uhaw
dahil sa ginawang paglalakad at pananaliksik tungkol sa kanilang aralin kaya’t
naghanap siya ng isang bahay na maaari niyang hingan ng tubig na titighaw sa
kanyang pagkauhaw. Sa kalalakad, nakakita siya ng isang bahay-kubo at nagpatao
po siya rito. Mayamaya ay may lumabas na batang babae at nanghingi ng tubig ang
binata, sinabi ng bata na hindi niya maaaring papasukin ang binata sa bahay nila
dahil wala ang kanyang ina ngunit kukuha na lamang siya ng hinihingi nito.
Binigyan ng isang basong gatas ng bata ang binatang mag-aaral at nagpasalamat
siya sa bata.

Matagal nang panahon ang lumipas, nagkaroon ng malubhang sakit ang batang
babae na sa panahong iyon ay ganap nang dalaga, naospital at naoperahan at nang
magaling na ang dalaga ay namroblema ang kanyang ina dahil wala silang pambayad
sa doktor at sa ospital. Mayamaya ay dumating ang doktor at sinabing huwag nang
mag-alala ang mag-ina sa mga babayaran dahil “Binayaran na ng isang basong
gatas!”
Aralin Pagsulat ng Sariling
1 Bugtong, Salawikain,
Sawikain o Kasabihan
Ilang halimbawa ng Katutubong Salawikain

Ang sakit ng kalingkingan


Dama ng buong katawan

Ubos-ubos biyaya Natutuwa kung pasalop


Bukas nama’y tunganga Kung singili’y napopoot

Punan ang talahanayan sa ibaba:

a. Sa unang hanay pumili ng isang salawikain na iyong naibigan.


b. Sa ikalawang hanay, isulat kung ilan ang bilang ng taludtod o linya.
c. Sa ikatlong hanay, tukuyin ang sukat o bilang ng pantig.
d. Sa ikaapat na hanay, tukuyin ang tugma nito.

Salawikain Bilang ng Sukat Tugma


Taludtod

Mahusay at napunan mo ang tsart. Ngayon naman ay dadako na tayo sa susunod


na gawain.
Balikan

Sumulat ng kasabihan tungkol sa mga sumusunod na paksa sa ibaba.

PAG-AARAL PAMILYA BUHAY

__________________________________________________________________________________
__________________________________________________________________________________
__________________________________________________________________________________
__________________________________________________________________________________

Upang pagtibayin ang bisa ng gawain, magiging patnubay ang sumusunod na


pamantayan sa rubriks:

Pamantayan 5 4 3
Magkakaugnay ang mga salita sa pangkalahatang kaisipan
Malikhain ang salawikaing nabuo mula sa paksa pinili
Angkop ang mga sukat at tugma batay sa pagkakabuo

Pamantayan:
5-Pinakamahusay
4- mahusay
3-medyo mahusay
Mga Tala para sa Guro

Ang modyul na ito ay naghahanda sa mga mag-aaral upang


makasulat ng talata na binubuo ng magkakaugnay at maayos na
mga pangungusap na ginagamitan ng iba’t ibang paraan sa
pagsulat ng simula, gitna at wakas nito.

Tuklasin

Basahin at unawain ang mga karunungang-bayan na nakapaloob sa akda.

LIFE IS LIKE A BOX OF “ADONG”!

(Halaw sa Artikulo)

Nakakainip pala sa bahay lalo’t nasanay ka nang may ginagawa palagi. Mahirap
patayin ang oras, naandyan na yung kakain ka, matutulog, manonood ng t.v., tapos,
tapos, magseselpon, sunod, kain na naman at matutulog. Nakakapagod at higit sa
lahat, nakakasakit ng likod. Pakiramdam ko’y piping-pipi na ‘yong kutson sa
kahihiga ko at tila tinabla na ang likod ko sa kakahilata.

Nang mag-umpisa ang bakasyon at pandemyang COVID-19, umarkila ang kapatid


ko ng mga video tapes siyempre yung wholesome ang dating at di ‘yong iniisip at
pinapanood ng nakararami. Isa sa mga ito ay ‘yong “Forrest Gump”. Maganda ang
istorya, nakakatawa na nakakaiyak. Mababaw ang presentation pero malalim ang
message (nakuha n’yo ako?). At ang pinakanatatandaan kong line ay ‘yong “life is
like a box of chocolates”. Bakit? Kasi, senti ako eh! Marami akong pakahulugan ditto,
at malalaman nyo lang ‘to kung tatapusi n’yo ang pagbasa ng column na ‘to.

Bukod sa panonood ng videos, nagbabasa rin ako ng diyaryo ( feeling genius!). At sa


pagbasa ko nito, napansin ko na ‘di pala ako nag-iisa sa paghanga sa pelikulang
napanood ko (Forrest Gump-remember!) Na-impress din siya sa istorya at sa sobrang
paghanga, nakagawa siya ng isang series (dalawa pala to be exact) sa kanyang
column na “Ketsup Please, Luis! at pinamagatan niya itong “Life is Like A Box of
Chocnuts” at ang sequel nito na “Life is alike a box of Chocnuts-again!”. Maganda
ang pagkakasulat…malaman at talagang mapipilitan kang mag-isip.

Dahil sa dalawang bagay na ito, (ang pagpanood ko ng “Forrest Gump” at ang


pagkakabasa ko ng “Ketsup Please, Luis) nakaisip ako ng magagawa sa Christmas
vacation na ‘to- ang magsulat ng mga passages na tulad ng sa column ni Luis Cano
san Juan at pinamagatan ko itong “Life is like a box of Adong”. Atleast katunog at
ka-taste kasi pareho silang chocolates. Isa pa, “adong” ang sikat na choco product
ng Pinas.

O, handa na ba kayong magitla, matuwa at maiyak? Kung handa na kayo… heto


basahin n’yo na!

1. Ang talino’y katulad ng isang “underwear”. Kailangan mo ito parati at ‘di


mo kailangang ipakita ito, ipinamamalas mo lang ito kung kinakailangan
at kung wala ka nito, “it shows”.
2. Pinagkalooban tayo ng isang bibig at dalawang taenga na pinagigitnaan n
gating utak upang making ng dalawang beses, limiing mabuti, at magsalita
ng minsan.
3. Ang pinag-aralan ng isang tao ay tulay na nagdudugtong sa
kamangmangan at kapintasan at hindi isang pakpak para pumailanlang.
4. Huwag mong sabihin ang kasamaan ng iba kung hindi mo ito nalalaman
ng lubusan at kung nalalaman mo ito ng lubusan,- tanungin mo ang iyong
sarili”Bakit ko ito sasabihin?”
5. Ang pag-ibig ay umuusbong sa panahong Mas pinahahalagahan nati ang
iba kaysa sa ating sarili.
6. Mahirap alalahanin ang mga bagay na pilit nating kinakalimutan.
7. Ang pagmamamahalan ay parang isang “magnet” na kung saan “unlike
poles, attract.”
8. Ang pagtawa’y karaniwang sinasabayan ng iyak na sinasaliwan ng
pagtawa’y tila iba na!
9. Ang buhay ay tulad ng isang gulong- minsan nasa ibabaw at kung minsan
ay nasa ilalim huwag lang mapa-flat.
10. Ang paglakad ng matulin, kung matinik ay malalim…lalo na’t kung walang
step-in.
11. Galit ang magnanakaw sa kapwa magnanakaw-well, the feeling is mutual.
12. Sa paglalakbay sa landas ng buhay, hindi kailangan na ikaw ay
masyadong mahusay bagkus, bukas na isip at kamalayan ang mas
kinakatigan.
13. Ang tao’y nilalang ng Diyos na may iba’t ibang katangian kaya’t sana’y
pagkukumpara’y ating iwasan.
14. Ang pag-iyak ay hindi tanda ng karuwagan kundi tanda na ikaw ay tao
lamang na may damdamin at marunong masaktan.
15. Magbahagi ng mga bagay na ipinagkaloob sa iyo, hindi ito mababawasan
bagkus madadagdagan.
16. Tumulad sa isang tangkay na palay na kung saan habang lumalaki at
nagkakalaman ang mga butyl ay lalong yumuyukod at nagpapakababa.
17. Ang lumalabas nawa sa ating mga nguso ay siya ring nilalaman n gating
mga puso.
18. Ang mapapait na nakaraan ay siyang magpapatamis sa mga panahong
daraan.
19. Ang respeto’y di nabibili sa tindahan, ni hindi rin nakukuha ng biglaan…
ito’y pinaghihirapan.
20. May dalawang uri ng kaibigan, ang isa’y mabuti, ang isa nama’y
masama…nasasaiyo na ang desisyon kung kanino ka sasama.
21. Ang pagiging bata ay hindi isang panahon, bagkus isang paraan ng pag-
unlad tungo sa isang buong pagkatao.
22. Ikaw ay “PANGIT”-Pasensyoso, Aktibo, Naaasahan, Ginagalang at
Itinatanging-Tao.
23. Ang inggit ay isang sakit na sa laman ay matindi ang kapit
24. Ang pagbibigay o pagkakawanggawa ay isang gawaing di mababalewala.
25. Hindi dapat ibuhos ang pagmamahal sa isang taong di mo pa nakikilala
ng lubusan dahil kung sakali’y siya’y lumisan, di ka maiiwang luhaan.
26. Ang pagtitiwala ay mahirap makuha, umuubos ito ng panahon, kaya’t
hahayaan mo ba itong mawala sa isang kisap-mata lamang.
27. Nakalulungkot isipin na kung kalian wala na sa’yo ang isang bagay, doon
mo siya natutunang pahalagahan.
28. Ang magaling na guro ay may kakayahang magpaliwanag sa mga hindi
nakakaintindi at iniintindi ang mga hindi makapagpaliwanag.
29. Mapait isipin na dumarating sa buhay natin na may mga bagay na
nawawala at napapalyo sa atin, sana nga lang, paglimot ay huwag sumagi
sa ating isipan.
30. Ang pagtangis bunga ng kabiguan ay nagdudulot ng bahagharing
nagtatapos sa kasiyahan.

O, tama na muna, baka masobrahan kayo sa mga sinabi ko(este sinulat pala!)
Durugtungan na lang natin ‘to sa susunod na issue ng diyaryong ire(kung meron
pa?)

Ako si Superman, na kilala bilang Clark, na mas kilala bilang “Da Pogi”(kapal muks!)
na nagsasabing.. Hanggang sa “pogi” (este “muli”).

Panuto: Sagutan ang mga sumusunod na katanungan.

1. Pumili ng isag pahayag na kaugnay ng iyong karanasan sa kasalukuyang


kalagayan dulot ng pandemyang Covid-19 at ilahad ang kaugnayan nito sa
maikling pananalita.
2. Bumuo ng isang salawikain na angkop sa akdang binasa at iugnay sa tunay
na buhay.
3. Sa paanong paraan mo maisasabuhay ang mga mahahalagang kaisipan na
matatagpuan sa akda? (Pumili lamang ng dalawang kasabihan)
4. Alin sa mga kasabihan/ salawikaing tinalakay sa akdang ito ang nais mong
gawing pilosopiya sa iyong buhay at bakit?
Suriin

Ang pakikipagtalastasan ay higit na nakahahalina at mabisang naipahahatid ang


mensahe sa mga tagapakinig o mambabasa kung bawat isa ay gumagamit ng iba’t
ibang pamamaraang retorikal o matatalinhagang pananalita. Ang mga bugtong,
salawikain, kasabihan at mga sawikain ang mga halimbawa ng mga pahayag na ito.

Ang mga bugtong o riddles sa wikang Ingles ay mga pahulaan na


pangungusap na may nakatagong kahulugan na nilulutas bilang isang
palaisipan. Ito ay isang maikling tula na kalimitan ay patanong at patungkol
sa pag-uugali, kaisipan, pang-araw-araw na buhay at katutubong paligid ng
mga Pilipino. Ang mga bugtong ay nagpapatalas sa kaisipan ng mga taong
naglalaro nito. Noong araw, isa ito sa mga pampalipas oras ng mga Pilipino.
Ito rin ay nakapagbibigay saya at sigla sa mga bata at matatanda.

Ang mga salawikain o kasabihan ay mga butil ng karunungang hango sa karansan


ng matatanda, nagbibigay ng makbuluhang payo tungkol sa kagandahang-asal at
mga paalala tungkol sa batas ng mga kaugalian at karaniwang patalinhaga. Ang
mga sawikain o idyoma ay mga pahayag na di-tuwirang nagbibigay ng kahulugan,
manapa’y hango sa tunay na buhay o karansan ng tao.

Panuto. Suriin ang akda kung ang mga sumusunod ay bugtong, salawikain/
kasabihan o sawikain.
____________________ 1. Ito ay nilalang na may apat na paa kung umaga, dalawang
paa kung tanghali at tatlong paa kung hapon, ito ay ang
tao.
____________________ 2. Siya ay malapit nang magmahabang dulang o magpakasal.
____________________ 3. Kailangan mong maging buhay ang loob o matapang sa
pagharap sa mga suliranin.
____________________ 4. Ang pagsasama ng tapat, pagsasama nang maluwat.
____________________ 5. Sa taong walang takot, walang mataasna bakod.
____________________ 6. Kung ano ang puno, siya ang bunga.
____________________ 7. Siya ay isang mahal na tao o kagalang-galang sa ating
panahon.
____________________ 8. Nahihiya siyang ngumiti dahil sira ang bakod niya o siya’y
bungi.
____________________ 9. Isang hukbong sundalo, dikit-dikit ang mga ulo.
Sagot: Walis
____________________ 10. Huminto nang pawalan, lumakad nang talian.
Sagot: Sapatos
Pagyamanin

Ang mga kaalaman sa matatalinhagang pahayag gaya ng bugtong,


salawikain/kasabihan at sawikain ay nagsisilbing-batas ng kagandahang- asal ng
ating mga ninuno na magpahangga ngayon ay maiaangkop pa rin natin sa ating
pang-araw-araw na gawain, ugali at pakikipagtalastasan.

PAGSUNOD SA BATAS NG PAGBABAHAGI NG


DIYOS AT NG TAO KAKAYAHAN

________________________________ _________________________________
________________________________ _________________________________
________________________________ _________________________________

Batay sa mga pahayag na nasa loob ng kahon, magbigay ng sariling salawikaing


angkop dito at ipaliwanang ang sagot.

Isaisip

Ang mga matatalinhagang pahayag gaya ng salawikain/kasabihan, bugtong at mga


idyoma ay mga kayamanang maituturing na naipamana sa atin ng ating mga ninuno
at maipamamana rin natin sa mga susunod na henerasyon. Ito rin ay nagsisilbing
gabay sa pakikipagkapwa-tao na dapat taglayin ng bawat isa at mas paunlarin pa
upang higit na maging mabisa ang pakikipagkomunikasyon, pasalita man o pasulat
sa iba’t ibang disiplina o larangan.Dugtungan:
1. Natutuhan ko sa araling ito na …
____________________________________________________________
____________________________________________________________
____________________________________________________________

2. Ang mga karunungang bayan ay may mga uri na …


____________________________________________________________
____________________________________________________________
____________________________________________________________

3. Mahalaga ang paggamit ng matatalinhagang pahayag sa


pagsulat ng karunungang bayan dahil …
____________________________________________________________
____________________________________________________________
____________________________________________________________
Isagawa

Panuto: Sumulat ng bugtong, salawikain o sawikain sa mga sumusunod na

pahayag.

1.

PAGKAKAISA _______________________________________________
SA ISANG
_______________________________________________
GAWAIN

2.
TAGUMPAY _______________________________________________
BUNGA NG
_______________________________________________
PAGSISIKAP

3.

PANANALIG SA _______________________________________________
DIYOS SA
_______________________________________________
DIYOS

4.
PAG-IIMPOK _______________________________________________
PARA SA
MAGANDANG _______________________________________________
BUKAS

5.
_______________________________________________
PAMILYANG
SAMA-SAMA _______________________________________________
Tayahin

I. Isulat ang kasingkahulugan ng mga kasabihan o mga sawikaing ginamit sa akda


na nakaitalisado..

Ang pagiging bata ay hindi panahon ng pagsasayang ng oras, sinasabi na “Ang


panahon ay ginto” kaya dapat gawin na ang mga bagay na kaya naman gawin agad
at huwag ng ipagpabukas pa at huwag lang maging ningas-kugon. At ‘di rin dapat
nagsasayang ng lakas ng isip at katawan kundi sa halip ay gamitin ang lahat ng
panahon sa pagpapalago ng kaalaman at kakayahan sa iba’t ibang kaparaanan na
magagamit sa lahat ng aspeto ng buhay hindi lamang sa kasalukuyan kundi sa
hinaharap. “Kung ano ang ginawa mo ngayon sa iyong buhay ay siyang impok
o investment mo sa susunod na panahon. Kaya, kung ngayong bata ka pa ay ‘di
ka na nagsikap na paunlarin ang iyong sarili at buhay ay nakasisigurado kang
magbibilang ka ng poste at nagdidildil ng asin kahit na matanda ka na ay
patuloy ka pa ring magkukumahog na humanap ng paraan upang huwag magdildil
ng asin at malunasan ang pinapasang krus na iyong nararanasan, sana’y
naiwasan at umunlad na ang iyong buhay at nahihiga ka na sa salapi at nang sa
iyong pagiging alog na ang baba o may sunong ka ng abaka’y puro
kaginhawahan at kaligayahan ang nalalasap sa piling ng mga mahal sa buhay at sa
piling ng mga taong pinag-alayan ng lahat ng mayroon ka, ‘gaya ng talento, lakas o
kakayahan, oras at yaman o ang sinasabi ring 3T’s na “time, talent and treasure.”
Kaya habang ngayong mga may gatas pa sa labi ay nararapat naman silang
maghandog ng kanilang lakas, katalinuhan, pag-asa at pangarap upang magawa na
ang lahat ng makakaya nang buong pagmamahal at upang hindi sila lubugan ng
araw at hinding-hindi lumaylay ang balikat sa huli at hindi masambit sa sarili na
“Sayang at bigo ako at binigo ko ang lahat ng mga nagmamahal at umaasa sa akin.”

__________________________________________________________________________________
__________________________________________________________________________________
__________________________________________________________________________________
__________________________________________________________________________________
__________________________________________________________________________________

II. Ayusin ang mga pangungusap ayon sa tamang pagkakasunud-sunod gamit ang
bilang 1-6, upang makabuo ng isang akda at magsulat ng sariling kasabihan/
salawikin o bugtong na angkop dito at ipaliwanag ang sagot.
______ Hanggang isang araw ay namatay at inilibing ang guro at sa kanyang puntod
ay may isang lalaking dumalaw na sundalo at may nakakita sa kanyang
pastor at nagtanong na kaano-ano niya ang nakalibing doon at sumagot ang
lalaki na isa nang ganap na “Brigadier General” ng Kapulisan na guro niya
raw ang nakalibing doon.
______ At kinuwento ng Heneral na ito sa pastor na nagtanong na siya ay isa lamang
mag-aaral ng gurong ito na buong pagmamahal at tiyagang nagturo ng mga
dapat niyang matutuhan sa buhay at pakikisalamuha sa kapwa kaya
narating niya ang posisyon na mayroon siya ngayon.
______ Ngunit may isang gurong nagtiyaga, nagmahal at nagpasensya sa kanya
upang siya ay matuto at maging mabuting mag-aaral.
______ At wala ni isa mang guro o mangangaral ang nakagawa ng mga ito dati sa
kanya liban sa kaisa-isang gurong ito.
______ Minsan, nabasa ko rin sa Bataan Journal sa artikulong may pamagat na “For
the Boys” na ibinahagi ni Cabrera (2000) na batay naman sa ibinahagi ni
William Barclay ang kwento ng isang mag-aaral na nagngangalang Thomas sa
“Sunday School” na napakulit, pasaway at may hindi magandang gawi sa
kanilang klase kaya’t ang mga guro niya ay naiinis sa kanya pati ang kanyang
mga klase ay umiiwas sa kanya.
______ Gaya ng pahayag sa wikang Ingles na “They sow the seed and GOD takes
care of the harvest.”

Karagdagang Gawain

Sumulat ng sariling bugtong, sawikain, salawikain, kasabihan sa mga sa mga


sumusunod na paksa.

A. Pagmamahal sa magulang (Bugtong )


___________________________________________________________
___________________________________________________________
___________________________________________________________
___________________________________________________________

B. Pagpapahalaga sa Kalusugan (Sawikain)


___________________________________________________________
___________________________________________________________
___________________________________________________________
___________________________________________________________

C. Pag-aaral sa pamamagitan ng sariling pagsisikap (Salawikain)


___________________________________________________________
___________________________________________________________
___________________________________________________________
___________________________________________________________

D. Mga Pangarap ng mga Kabataan sa Kasalukuyan (Kasabihan)


___________________________________________________________
___________________________________________________________
___________________________________________________________
___________________________________________________________
Tayahin: Tayahin: Isagawa:
II. I. Depende sa sagot ng
bata
1. minsan
Karagdagang
2. ngunit
Gawain:
3. at wala
Depende sa sagot
4. Hanggang bata
5. At ikinuwento
Pagyamanin: Suriin: Balikan: Subukin:
Depende sa sagot I. II. III. 1. b Depende sa sagot
ng bata 2. a ng bata
1. c- c- f 3. a
2. e- d-a 4. c/b
3. g– f- d 5. c
4. f– b -g
5. b– g -d
Susi sa Pagwawasto
Sanggunian
Batikan 8 (2013). Agnes, Wilma D. Ruiz Florian L. Tiongson Pat C.

DepEd (2016). Gabay Pang-Kurikulum sa Filipino 8.

Kagawaran ng Edukasyon (2013). Panitikang Pilipino – Ikawalong Baitang (Modyul


para sa Mag-aaral).

Tomas del Rosario College. Balanga City (2008). Maglente, Maria Aileen D. Sining
Pangkomunikasiyon

Mutya Publishing House (2006). Valenzuela City. Bernales, Rolando A. Masining na


Pagpapahayag sa Filipino: Mga Prinsipyo at Proseso.

Mutya Publishing House (2001). Valenzuela City. Bernales, Rolando A. Pagbasa at


Pagsulat sa Iba’t Ibang Disiplina.

Orani National High School – Main (2020). Maglente, Maria Aileen D.


Bagong Taon, Bagong Pilosopiya, Bagong Buhay (Isang Artikulo).

LIFE IS LIKE A BOX OF ADONG (Isang Artikulo)


Para sa mga katanungan o puna, sumulat o tumawag sa:

Department of Education – Region III,


Schools Division of Bataan - Curriculum Implementation Division
Learning Resources Management and Development Section (LRMDS)

Provincial Capitol Compound, Balanga City, Bataan

Telefax: (047) 237-2102

Email Address: bataan@deped.gov.ph

You might also like