You are on page 1of 24

4

Sining
Unang Markahan – Modyul 1:
Mga Disenyo sa mga Kultural na
Pamayanan sa Pilipinas
Sining – Ikaapat na Baitang
Alternative Delivery Mode
Unang Markahan – Modyul 1: Mga Disenyo sa mga Kultural na Pamayanan sa Pilipinas
Unang Edisyon, 2020

Isinasaad sa Batas Republika 8293, Seksiyon 176 na: Hindi maaaring magkaroon
ng karapatang-sipi sa anomang akda ang Pamahalaan ng Pilipinas. Gayonpaman, kailangan
muna ang pahintulot ng ahensiya o tanggapan ng pamahalaan na naghanda ng akda kung ito
ay pagkakakitaan. Kabilang sa mga maaaring gawin ng nasabing ahensiya o tanggapan ay
ang pagtakda ng kaukulang bayad.

Ang mga akda (kuwento, seleksiyon, tula, awit, larawan, ngalan ng produkto o brand
name, tatak o trademark, palabas sa telebisiyon, pelikula, atbp.) na ginamit sa modyul na ito
ay nagtataglay ng karapatang-ari ng mga iyon. Pinagsumikapang matunton ang mga ito upang
makuha ang pahintulot sa paggamit ng materyales. Hindi inaangkin ng mga tagapaglathala at
mga may-akda ang karapatang-aring iyon. Ang anomang gamit maliban sa modyul na ito ay
kinakailangan ng pahintulot mula sa mga orihinal na may-akda ng mga ito.

Walang anomang parte ng materyales na ito ang maaaring kopyahin o ilimbag sa


anomang paraan nang walang pahintulot sa Kagawaran.

Inilathala ng Kagawaran ng Edukasyon


Kalihim: Leonor Magtolis Briones
Pangalawang Kalihim: Diosdado M. San Antonio

Bumuo sa Pagsusulat ng Modyul

Manunulat: Baby Lonian S. Medina


Editor: Gemmaruth G. Castro
Tagasuri: Vilma D. Bermillo
Tagaguhit: Diosdado P. Dominguez
Tagalapat: Edlyn C. Manalansan
Cover Design: Marlon Q. Diego

Mga Tagapamahala:
Schools Division Superintendent : Romeo M. Alip, PhD, CESO V
OIC-Asst. Schools Division Superintendent: William Roderick R. Fallorin
Chief Education Supervisor, CID : Milagros M. Peñaflor, PhD
Education Program Supervisor, LRMDS : Edgar E. Garcia, MITE
Education Program Supervisor, AP/ADM : Romeo M. Layug
Education Program Supervisor, MAPEH : Maria Teresa C. Perez
District Supervisor, Abucay : Ruel D. Lingad, EdD
Division Lead Book Designer : Emmalyn A. Uno
District LRMDS Coordinator, Abucay : Charito D. Corpus
School LRMDS Coordinator : Lyn S. Flores
School Principal : Amelia F. Retuta
District Lead Layout Artist, MAPEH :
District Lead Illustrator, MAPEH :
District Lead Evaluator, MAPEH : Charito D. Corpus
Amelia F. Retuta
Inilimbag sa Pilipinas ng Department of Education – Schools Division of Bataan
Office Address: Provincial Capitol Compound, Balanga City, Bataan
Telefax: (047) 237-2102
E-mail Address: bataan@deped.gov.ph
4

Sining
Unang Markahan – Modyul 1:
Mga Disenyo sa mga Kultural na
Pamayanan sa Pilipinas
Paunang Salita
Para sa tagapagdaloy:

Malugod na pagtanggap sa asignaturang Sining – Ikaapat na Baitang ng


Alternative Delivery Mode (ADM) Modyul para sa araling Mga Disenyo sa mga
Kultural na Pamayanan sa Pilipinas!

Ang modyul na ito ay pinagtulungang dinisenyo, nilinang at sinuri ng mga


edukador mula sa pampubliko at pampribadong institusyon upang gabayan ka, ang
gurong tagapagdaloy upang matulungang makamit ng mag-aaral ang pamantayang
itinakda ng Kurikulum ng Kto12 habang kanilang pinanagumpayan ang pansarili,
panlipunan at pang-ekonomikong hamon sa pag-aaral.

Ang tulong-aral na ito ay umaasang makauugnay ang mag-aaral sa


mapatnubay at malayang pagkatuto na mga gawain ayon sa kanilang kakayahan,
bilis at oras. Naglalayon din itong matulungan ang mag-aaral upang makamit ang
mga kasanayang pan-21 siglo habang isinasaalang-alang ang kanilang mga
pangangailangan at kalagayan.

Bilang karagdagan sa materyal ng pangunahing teksto, makikita ninyo ang


kahong ito sa pinakakatawan ng modyul:

Mga Tala para sa Guro


Ito'y naglalaman ng mga paalala, panulong
o estratehiyang magagamit sa paggabay sa
mag-aaral.

Bilang tagapagdaloy, inaasahang bibigyan mo ng paunang kaalaman ang


mag-aaral kung paano gamitin ang modyul na ito. Kinakailangan ding subaybayan
at itala ang pag-unlad nila habang hinahayaan silang pamahalaan ang kanilang
sariling pagkatuto. Bukod dito, inaasahan mula sa iyo na higit pang hikayatin at
gabayan ang mag-aaral habang isinasagawa ang mga gawaing nakapaloob sa
modyul.

ii
Para sa mag-aaral:

Malugod na pagtanggap sa Sining – Ikaapat na Baitang ng Alternative Delivery


Mode (ADM) Modyul ukol sa Mga Disenyo sa mga Kultural na Pamayanan sa
Pilipinas!

Ang modyul na ito ay ginawa bilang tugon sa iyong pangangailangan. Layunin


nitong matulungan ka sa iyong pag-aaral habang wala ka sa loob ng silid-aralan.
Hangad din nitong madulutan ka ng mga makabuluhang oportunidad sa pagkatuto.

Ang modyul na ito ay may mga bahagi at icon na dapat mong maunawaan.

Sa bahaging ito, malalaman mo ang mga


Alamin dapat mong matutuhan sa modyul.

Sa pagsusulit na ito, makikita natin kung


Subukin ano na ang kaalaman mo sa aralin ng
modyul. Kung nakuha mo ang lahat ng
tamang sagot (100%), maaari mong laktawan
ang bahaging ito ng modyul.

Ito ay maikling pagsasanay o balik-aral


Balikan upang matulungan kang maiugnay ang
kasalukuyang aralin sa naunang leksyon.

Sa bahaging ito, ang bagong aralin ay


Tuklasin ipakikilala sa iyo sa maraming paraan tulad
ng isang kuwento, awitin, tula, pambukas na
suliranin, gawain o isang sitwasyon.

Sa seksyong ito, bibigyan ka ng maikling


Suriin pagtalakay sa aralin. Layunin nitong
matulungan kang maunawaan ang bagong
konsepto at mga kasanayan.

Binubuo ito ng mga gawaing para sa


Pagyamanin malayang pagsasanay upang mapagtibay ang
iyong pang-unawa at mga kasanayan sa
paksa. Maaari mong iwasto ang mga sagot
mo sa pagsasanay gamit ang susi sa
pagwawasto sa huling bahagi ng modyul.

Naglalaman ito ng mga katanungan o


Isaisip pupunan ang patlang ng pangungusap o
talata upang maproseso kung anong
natutuhan mo mula sa aralin.

iii
Ito ay naglalaman ng gawaing makatutulong
Isagawa sa iyo upang maisalin ang bagong kaalaman
o kasanayan sa tunay na sitwasyon o
realidad ng buhay.

Ito ay gawain na naglalayong matasa o


Tayahin masukat ang antas ng pagkatuto sa
pagkamit ng natutuhang kompetensi.

Karagdagang Sa bahaging ito, may ibibigay sa iyong


Gawain panibagong gawain upang pagyamanin ang
iyong kaalaman o kasanayan sa natutuhang
aralin.

Naglalaman ito ng mga tamang sagot sa lahat


Susi sa Pagwawasto ng mga gawain sa modyul.

Sa katapusan ng modyul na ito, makikita mo rin ang:

Ito ang talaan ng lahat ng pinagkuhanan sa


Sanggunian
paglikha o paglinang ng modyul na ito.

Ang sumusunod ay mahahalagang paalala sa paggamit ng modyul na ito:

1. Gamitin ang modyul nang may pag-iingat. Huwag lalagyan ng anumang


marka o sulat ang anumang bahagi ng modyul. Gumamit ng hiwalay na papel
sa pagsagot sa mga pagsasanay.
2. Huwag kalimutang sagutin ang Subukin bago lumipat sa iba pang gawaing
napapaloob sa modyul.
3. Basahing mabuti ang mga panuto bago gawin ang bawat pagsasanay.
4. Obserbahan ang katapatan at integridad sa pagsasagawa ng mga gawain at
sa pagwawasto ng mga kasagutan.
5. Tapusin ang kasalukuyang gawain bago pumunta sa iba pang pagsasanay.
6. Pakibalik ang modyul na ito sa iyong guro o tagapagdaloy kung tapos nang
sagutin lahat ng pagsasanay.
Kung sakaling ikaw ay mahirapang sagutin ang mga gawain sa modyul na ito,
huwag mag-aalinlangang konsultahin ang inyong guro o tagapagdaloy. Maaari ka
rin humingi ng tulong kay nanay o tatay, o sa nakatatanda mong kapatid o sino man
sa iyong mga kasama sa bahay na mas nakatatanda sa iyo. Laging itanim sa iyong
isipang hindi ka nag-iisa.

Umaasa kami, sa pamamagitan ng modyul na ito, makararanas ka ng


makahulugang pagkatuto at makakakuha ka ng malalim na pang-unawa sa
kaugnay na mga kompetensi. Kaya mo ito!

iv
Alamin

Ang modyul na ito ay idinisenyo at isinulat upang matulungan kang mabigyang-


pansin at mapahalagahan ang mga kultural na pamayanan sa bansa na may kani-
kanilang ipinagmamalaking obra. Ang kanilang mga disenyo ay hango sa mga bagay
sa kalikasan o sa kanilang kapaligiran.

Matapos ang modyul na ito, inaasahang matutuhan mo ang sumusunod:

1. nakikilala ang kahalagahan ng mga kultural na komunidad sa Pilipinas at ang


kanilang pagkakaiba sa pananamit, palamuti sa katawan at paraan ng pamumuhay;
(A4EL-Ia)

1.1 LUZON- Ivatan, Ifugao, Kalkminga, Bontok, Gaddang,Agta;

1.2 VISAYAS- Ati;

1.3 MINDANAO- Badjao, Mangyan, Samal, Yakan, Ubanon, Manobo,


Higaonon, Talaandig, Matigslog, Bilaan, T’boli, Tiruray, Mansaka, Tausug; at

2. nailalarawan at nakalilikha ng isang sining mula sa iba’t ibang kultural na


pamayanan sa bansa ayon sa uri ng kanilang pananamit, palamuti sa katawan at
kaugalian.

1
Subukin

Ayusin ang mga letra upang mabuo ang hinihinging salita na may kinalaman sa mga
disenyong kultural na pamayanan sa Pilipinas na makikita sa bawat larawan. Isulat
ang sagot sa sagutang papel.

1. Disenyong GAANGDD

G D D

2. Disenyong KANGALI

K L G

2
3. Disenyong GAOIFU

F U G

4. Disenyong NAKAY

Y K

5. Disenyong USUGTA

A S G

3
Aralin
Mga Disenyo sa mga Kultural
1 na Pamayanan sa Pilipinas
Alam nyo ba na ang mga kultural na pamayanan sa Pilipinas ay may kani- kanilang
ipinagmamalaking obra? Ang kani- kanilang mga disenyo ay hango sa kalikasan o
sa kapaligiran na kanilang kinamulatan. Narito ang ilan sa mga kilalang pamayanan
dahil sa kanilang katutubong sining o motif na higit na napaunlad at napayaman
hanggang sa ngayon.

Pamayanan sa Luzon

Ifugao - makikita ang mga disenyo sa


kanilang mga kasuotan at kagamitan
tulad ng tao, butiki, puno, ahas, isda,
kidlat at araw.

Kalinga - makukulay ang kanilang


pananamit at mga palamuti sa
katawan na napakahalaga sa kanila
sapagkat nagpapakilala ito ng
kanilang katayuan sa lipunan.
Gumagamit sila ng mga kulay na
pula, dilaw, berde at itim sa kani-
kanilang mga disenyo.

Gaddang - sila ay kilala at bantog sa


paghahabi ng tela at matatagpuan sa
Nueva Viscaya. Gumagamit sila ng
tradisyunal na hakbang sa paghahabi
na may mabusising paglalagay ng
mga palamuti na gaya ng plastic
beads at bato. Ang kanilang
ipinagmamalaking produkto ay ang
bakwat (belt), aken (skirt) at abag (G-
string) na gawa sa mamahalin at
maliliit na bato

4
Pamayanan sa Visayas

Panay-Bukidnon – matatagpuan sila


sa mga bulubunduking lugar ng
Lambunao, Iloilo. Kilala ang
madetalyeng paraan ng kanilang
pagbuburda at tinatawag itong
panubok. Ang mga may burdang
kasuotan ay ginagamit sa
pagtatanghal sa Iloilo na tinatawag na
Tinubkan fashion show.

Pamayanan sa Mindanao

T’boli- sila ay matatagpuan sa


Cotabato at gumagawa ng tela para
sa damit mula sa t’nalak na hinahabi
mula sa hibla ng abaka. Nagsusuot
sila ng hikaw, kwintas, maliliit na
kampanilya at binurdang damit.
Nagpapahid din sila ng pulut-
pukyutan sa kanilang mukha.

Maranao- sila ay naninirahan sa


paligid ng Lawa ng Lanao, sa Lanao
del Sur at Lanao del Norte, maaari
din silang matagpuan sa Lungsod ng
Marawi at Lungsod ng Iligan. Ang
naiibang disenyo at kulay sa
kanilang mga gawang ukit, banig at
damit at mga kagamitang gawa sa
tanso ay kanilang napanatili.

Yakan- ang pangunahing pangkat ng


mga Muslim na ito sa basilan ay
kilala sa paglalala na ginagamitan ng
halaman at prutas tulad ng abaka at
pinya, gayundin ng dagta ng dahon,
ugat at sanga bilang kanilang
pangkulay. Nagtitina rin sila ng mga
hibla na may iba’t ibang kulay at
disenyo. Karamihan ng kanilang
mga gawang tela ay may kakaibang
disenyo at kulay katulad ng table
runner, placemat, Wall décor at iba
pa.

5
Balikan

Ang bansang Pilipinas ay nahahati sa tatlong malalaking pulo, kung saan


matatagpuan ang mga disenyong kultural sa bawat pamayanan. Kilalanin at isulat
ang tamang pangkat na nagmamay-ari batay sa nakikitang disenyo at kung saang
pulo sa bansa ito makikita. Isulat ang sagot sa sagutang papel.

Halimbawa: 1. Yakan - Mindanao

DISENYO PANGKAT ETNIKO PULO

1.

2.

3.

4.

5.

6
Mga Tala para sa Guro
Ang modyul na ito ay naghahanda sa mga mag-aaral upang
makalikha at masuri ang gamit ng linya, hugis, kulay at
prinsipyong paulit- ulit sa mga disenyong kultural na pamayanan
sa Pilipinas.

Tuklasin

Maghanap sa iyong paligid ng mga bagay na may katulad na disenyo ng mga.


kultural na pamayanan sa Pilipinas. Isulat ang pangalan ng mga bagay na makikita
mo sa iyong sagutang papel

Halimbawa: 1. Disenyong bakal na bakod ng bahay

1. ___________________________ 6. ___________________________

2. ___________________________ 7. ___________________________

3. ___________________________ 8. ___________________________

4. ___________________________ 9. ___________________________

5. ___________________________ 10. _____________________________

7
Suriin

Punan ang patlang ng tamang sagot. Piliin ang sagot sa loob ng kahon at isulat sa
sagutang papel.

Kalinga Panubok Ulap

Araw T’nalak Yakan

1. Ang mga T’boli ay gumagawa ng tela para sa damit mula sa __________ na hinahabi
mula sa hibla ng abaka.

2. Ang mga __________ ay ang mga pangunahing pangkat ng mga Muslim sa Basilan.

3. Ang mga Panay-Bukidnon ay kilala rin sa madetalyeng paraan ng pagbuburda at


tinatawag nila itong __________.

4. Gumagamit ang mga__________ ng mga kulay na pula, dilaw, berde at itim sa kani-
kanilang mga disenyo.

5. Makikita ang mga disenyo sa kanilang mga kasuotan at kagamitan tulad ng tao,
butiki, puno, ahas, isda, kidlat at __________.

8
Pagyamanin

Piliin sa Hanay B ang tinutukoy ng pangungusap sa Hanay A. Isulat ang titik ng


tamang sagot sa sagutang papel.

Hanay A Hanay B

1. Sila ay gumagawa ng tela para sa mga damit A. Maranao


mula sa t’nalak na hinahabi mula sa mga hibla
ng abaka.

2. Sila ay kilala sa sining ng paglalala. Gumagamit B. Lanao del Sur


sila ng mga hibla ng pinya at abaka bilang
pangunahing materyales.

3. Nananatili pa rin ang kanilang tunay at C. T’boli


naiibang disenyo at kulay ng kanilang mga
gawang ukit, damit, banig, at mga kagamitang
gawa sa tanso. D. Yakan

4. Sila ay kilala sa kanilang katapanagan sa


pakikidigma. Hindi sila kailanman umuurong
sa anumang labanan sapagkat para sa kanila, E. Tausug
ang karuwagan ay batik sa karangalan ng
pamilya.

5. Saan naninirahan ang mga pangkat etnikong F. Basilan


Maranao?

9
Isaisip

Ang mga disenyo sa mga kultural na pamayanan sa Pilipinas ay makikita ayon


sa uri ng kanilang pananamit, palamuti sa katawan at kaugalian na ginagamitan
ng iba’t ibang elemento ng sining tulad ng linya, hugis, kulay at may prinsipyong
paulit- ulit. Ang mga ito ay hango sa kalikasan at sa kapaligiran tulad ng mga
tao, hayop, dahon, bundok, araw at bituin.

10
Isagawa

Paggawa ng Radial na Disenyo

Ang disenyong radial ay disenyong nagpapakita ng balanse at paulit- ulit na kulay,


hugis at linya na disenyong nagsisimula sa gitna.

Subuking gumuhit ng disenyo mula sa kultural na pamayanan sa Visayas tulad ng


Panay-Bukidnon. Iguhit ito sa isang kartong ginupit nang pabilog o platong papel
gamit ang krayola o oil pastel.

1. Ihanda ang mga kagamitan tulad ng platong karton (paper plate) o cardboard
ginupit na hugis bilog, lapis, krayola o oil pastel.

2. Mag-isip ng disenyo na iguguhit sa bilog na karton. Lagyan ito ng iba’t ibang linya,
hugis, at kulay. Maaari ring gumawa ng disenyong panggitna.

11
3. Kulayan ang naiguhit na mga disenyo gamit ang inyong krayola o oil pastel.

4. Suriin ang natapos na gawa sa pamamagitan ng pagsagot sa mga sumusunod na


tanong upang malaman ang antas ng iyong naisagawa.

Mga Pamantayan Nakasunod sa Nakasunod sa Hindi


pamantayan pamantayan nakasunod sa
nang higit sa subalit may pamantayan
inaasahan (3) ilang (1)
pagkukulang
(2)

1. Natukoy ko ang iba’t ibang


disenyo na nagtataglay ng
mga elemento ng sining.

2. Nagawa at nakulayan ko
nang maayos ang disenyo.

3. Napahalagahan at naipag-
malaki ko ang katutubong
sining.

4. Natapos ko nang malinis at


maayos ang likhang- sining.

5. Naipamalas ko nang may


kawilihan ang aking
ginawang likhang- sining.

12
Tayahin

Basahin at unawain ang sumusunod na mga tanong. Piliin at isulat ang titik ng
tamang sagot sa sagutang papel.

1. Anong elemento ng sining ang ipinapakita sa larawang ito?

a. kulay, hugis, linya c. hugis, kulay, espasyo

b. hugis, espasyo, porma d. linya, kulay, texture

2. Ang disenyong makikita sa larawan sa ibaba ay nagpapakita ng __________.

a. disenyong Gaddang c. disenyong Ifugao

b. disenyong Kalinga d. disenyong Maranao

13
3. Ito ay ang paggawa ng iba’t ibang disenyo na hango sa kalikasan o kapaligiran.
Anong uri ng disenyo ito?

a. Pagpipinta c. Paglilimbag

b. Katutubong disenyo d. Pag-uukit

4. Sa paglikha ng isang disenyo ni Rafa ay gumagamit siya ng iba’t ibang elemento


ng sining gaya ng linya, hugis at kulay na nilalapatan ng prinsipyo ng sining para
mas higit na kaakit – akit ang disenyo. Anong prinsipyo ng sining ang ginamit sa
larawang ito?

a. alternation c. radial

b. progression d. repetition

5. Aling pangkat- etniko ang kilala at bantog sa madetalyeng paraan ng pagbuburda


at tinatawag nila itong Panubok?

a. Panay-Bukidnon c. Kalinga

b. T’boli d. Basilan

14
Karagdagang Gawain

Ano -ano ang mga elemento at prinsipyo ng sining ang matatagpuan sa disenyong
kultural na pamayanan ng Luzon, Visayas at Mindanao? Hanapin at isulat ang mga
ito sa sagutang papel.

1. linya bughaw bilog

2. tuwid tatsulok hugis

3. kulay Pula kurba

4. etniko paulit-ulit pahaba

5. disenyo T’boli Ifugao

15
16
Karagdagang Isagawa:
Gawain:
Depende sa sagot ng
Tayahin:
- linya bata
-hugis 1. a
-kulay 2. c
-paulit-ulit 3. b
-disenyo 4. c
5. a
Balikan:
Pagyamanin: Suriin: 1.Yakan-Mindanao Subukin:
1. c 1. T’nalak 2.Kalinga- Luzon 1. Gaddang
2. d 2. Yakan
3. a 2.Kalinga
3. Panubok 3.IfugaoLuzon
4. e 3.Ifugao
4. Kalinga 4.Yakan
5. b 4.Panay-Bukidnon -
5. araw 5.Tausug
Visayas
5.Tausug-Mindanao
Susi sa Pagwawasto
Sanggunian
Montañez, Cynthia, Ma. Teresa Caringal, Adulfo Amit, Benjamin Castro, Emily
Maninang, and Joan Sandoval. Musika At Sining 4 Patnubay ng Guro. 1st ed.
Reprint, Pasig City, Philippines 1600: Kagawaran ng Edukasyon, 2015.

Montañez, Cynthia, Ma. Teresa Caringal, Adulfo Amit, Benjamin Castro, Emily
Maninang, and Joan Sandoval. Musika At Sining 4 Kagamitan Ng Mag-Aaral.
1st ed. Reprint, Pasig City, Philippines 1600: Kagawaran ng Edukasyon, 2015.

K To 12 Arts Curriculum Guide. Reprint, Department of Education, 2015.

K To 12 Most Essential Learning Competencies. 1st ed. Reprint, Department of


Education, 2020.

Grapika, Manila. "PANGKAT ETNIKO NG VISAYAS AT MINDANAO.". Manila Grapika,


2015. https://manilagrapika.wordpress.com/2015/08/03/pangkat-etniko-
ng-visayas-at-mindanao-photos-with-description/.

"Image: Ikat, Ifugao". Images.App.Goo.Gl. Accessed 11 July 2020.


https://images.app.goo.gl/MvySnahNcKCh4cNk6..

Gutierrez, Angelica. "Indigenous Filipino Fabrics Are Making A Comeback".


Esquiremag.Ph,2017.https://www.esquiremag.ph/culture/design/philippin
e-indigenous-fabrics-are-making-a-comeback-a00225-20171017-lfrm.

"Image: Mybeautifuliloilo: TINUBKAN: An Indigenous Fashion Show".


Images.App.Goo.Gl, 2012. https://images.app.goo.gl/oFdTdVia9Qgwmsz17.

Valdeavilla, Ronica. "A Guide To The Indigenous Tribes Of The Philippines". Culture
Trip, 2018. https://theculturetrip.com/asia/philippines/articles/a-guide-to-
the-indigenous-tribes-of-the-philippines/.Valdeavilla, Ronica. "A Guide To
The Indigenous Tribes Of The Philippines". Culture Trip, 2018.
https://theculturetrip.com/asia/philippines/articles/a-guide-to-the-
indigenous-tribes-of-the-philippines/.

17
Para sa mga katanungan o puna, sumulat o tumawag sa:

Department of Education – Region III,


Schools Division of Bataan - Curriculum Implementation Division
Learning Resources Management and Development Section (LRMDS)

Provincial Capitol Compound, Balanga City, Bataan

Telefax: (047) 237-2102

Email Address: bataan@deped.gov.ph

18

You might also like