You are on page 1of 24

4

EPP Home Economics


Unang Markahan – Modyul 8:
Pagliligpit at Paghuhugas ng
Pinagkainan
Edukasyong Pantahanan at Pangkabuhayan – Ikaapat na Baitang
Alternative Delivery Mode
Home Economics – Modyul 8: Pagliligpit at Paghuhugas ng Pinagkainan
Unang Edisyon, 2020

Isinasaad sa Batas Republika 8293, Seksiyon 176 na: Hindi maaaring magkaroon
ng karapatang-sipi sa anomang akda ang Pamahalaan ng Pilipinas. Gayonpaman, kailangan
muna ang pahintulot ng ahensiya o tanggapan ng pamahalaan na naghanda ng akda kung ito
ay pagkakakitaan. Kabilang sa mga maaaring gawin ng nasabing ahensiya o tanggapan ay
ang pagtakda ng kaukulang bayad.

Ang mga akda (kuwento, seleksiyon, tula, awit, larawan, ngalan ng produkto o brand
name, tatak o trademark, palabas sa telebisiyon, pelikula, atbp.) na ginamit sa modyul na ito
ay nagtataglay ng karapatang-ari ng mga iyon. Pinagsumikapang matunton ang mga ito upang
makuha ang pahintulot sa paggamit ng materyales. Hindi inaangkin ng mga tagapaglathala at
mga may-akda ang karapatang-aring iyon. Ang anomang gamit maliban sa modyul na ito ay
kinakailangan ng pahintulot mula sa mga orihinal na may-akda ng mga ito.

Walang anomang parte ng materyales na ito ang maaaring kopyahin o ilimbag sa


anomang paraan nang walang pahintulot sa Kagawaran.

Inilathala ng Kagawaran ng Edukasyon


Kalihim: Leonor Magtolis Briones
Pangalawang Kalihim: Diosdado M. San Antonio

Bumuo sa Pagsusulat ng Modyul

Manunulat: Christine Rose P. Mayo


Editor: Nestle I. Reyes
Tagasuri: Joselle S. Alarcon
Tagaguhit: Christine C. Vergara
Tagalapat: Christine Rose P. Mayo
Cover Design: Marlon Q. Diego

Mga Tagapamahala:
Schools Division Superintendent : Romeo M. Alip, PhD, CESO V
OIC-Asst. Schools Division Superintendent : William Roderick R. Fallorin
Chief Education Supervisor, CID : Milagros M. Peñaflor, PhD
Education Program Supervisor, LRMDS : Edgar E. Garcia, MITE
Education Program Supervisor, AP/ADM : Romeo M. Layug
Education Program Supervisor, EPP/TLE: Evelyn V. Mendoza
District Supervisor, Mariveles : Francisco B. Bautista
Division Lead Book Designer : Rubie Anne C. Rana
District LRMDS Coordinator, Mariveles : Marjorie M. Palomo
School LRMDS Coordinator : Concepcion D. Carmona
School Principal : Leonila B. Alcid
District Lead Layout Artist, EPP/TLE : Maria Citadel S. Cantillas
District Lead Illustrator, EPP/TLE : Janice D. Mercader
District Lead Evaluator, EPP/TLE : Leann C. Luna, EdD

Inilimbag sa Pilipinas ng Department of Education – Schools Division of Bataan


Office Address: Provincial Capitol Compound, Balanga City, Bataan
Telefax: (047) 237-2102
E-mail Address: bataan@deped.gov.ph
4

EPP Home Economics


Unang Markahan – Modyul 8:
Pagliligpit at Paghuhugas ng
Pinagkainan
Paunang Salita
Para sa tagapagdaloy:

Malugod na pagtanggap sa asignaturang Edukasyong Pantahanan at


Pangkabuhayan - Ikaapat na Baitang ng Alternative Delivery Mode (ADM) Modyul
para sa araling Pagliligpit at Paghuhugas ng Pinagkainan!

Ang modyul na ito ay pinagtulungang dinisenyo, nilinang at sinuri ng mga


edukador mula sa pampubliko at pampribadong institusyon upang gabayan ka, ang
gurong tagapagdaloy upang matulungang makamit ng mag-aaral ang pamantayang
itinakda ng Kurikulum ng K to12 habang kanilang pinanagumpayan ang pansarili,
panlipunan at pang-ekonomikong hamon sa pag-aaral.

Ang tulong-aral na ito ay umaasang makauugnay ang mag-aaral sa


mapatnubay at malayang pagkatuto na mga gawain ayon sa kanilang kakayahan,
bilis at oras. Naglalayon din itong matulungan ang mag-aaral upang makamit ang
mga kasanayang pan-21 siglo habang isinasaalang-alang ang kanilang mga
pangangailangan at kalagayan.

Bilang karagdagan sa materyal ng pangunahing teksto, makikita ninyo ang


kahong ito sa pinakakatawan ng modyul:

Mga Tala para sa Guro


Ito'y naglalaman ng mga paalala, panulong
o estratehiyang magagamit sa paggabay sa
mag-aaral.

Bilang tagapagdaloy, inaasahang bibigyan mo ng paunang kaalaman ang


mag-aaral kung paano gamitin ang modyul na ito. Kinakailangan ding subaybayan
at itala ang pag-unlad nila habang hinahayaan silang pamahalaan ang kanilang
sariling pagkatuto. Bukod dito, inaasahan mula sa iyo na higit pang hikayatin at
gabayan ang mag-aaral habang isinasagawa ang mga gawaing nakapaloob sa
modyul.

ii
Para sa mag-aaral:

Malugod na pagtanggap sa Edukasyong Pantahanan at Pangkabuhayan -


Ikaapat na Baitang ng Alternative Delivery Mode (ADM) Modyul ukol sa Pagliligpit
at Paghuhugas ng Pinagkainan!

Ang modyul na ito ay ginawa bilang tugon sa iyong pangangailangan. Layunin


nitong matulungan ka sa iyong pag-aaral habang wala ka sa loob ng silid-aralan.
Hangad din nitong madulutan ka ng mga makabuluhang oportunidad sa pagkatuto.

Ang modyul na ito ay may mga bahagi at icon na dapat mong maunawaan.

Sa bahaging ito, malalaman mo ang mga


Alamin dapat mong matutuhan sa modyul.

Sa pagsusulit na ito, makikita natin kung


ano na ang kaalaman mo sa aralin ng
Subukin modyul. Kung nakuha mo ang lahat ng
tamang sagot (100%), maaari mong laktawan
ang bahaging ito ng modyul.

Ito ay maikling pagsasanay o balik-aral


Balikan upang matulungan kang maiugnay ang
kasalukuyang aralin sa naunang leksyon.

Sa bahaging ito, ang bagong aralin ay


Tuklasin ipakikilala sa iyo sa maraming paraan tulad
ng isang kuwento, awitin, tula, pambukas na
suliranin, gawain o isang sitwasyon.
Sa seksyong ito, bibigyan ka ng maikling
Suriin pagtalakay sa aralin. Layunin nitong
matulungan kang maunawaan ang bagong
konsepto at mga kasanayan.
Binubuo ito ng mga gawaing para sa
malayang pagsasanay upang mapagtibay ang
Pagyamanin iyong pang-unawa at mga kasanayan sa
paksa. Maaari mong iwasto ang mga sagot
mo sa pagsasanay gamit ang susi sa
pagwawasto sa huling bahagi ng modyul.
Naglalaman ito ng mga katanungan o
Isaisip pupunan ang patlang ng pangungusap o
talata upang maproseso kung anong
natutuhan mo mula sa aralin.

iii
Ito ay naglalaman ng gawaing makatutulong
Isagawa sa iyo upang maisalin ang bagong kaalaman
o kasanayan sa tunay na sitwasyon o
realidad ng buhay.
Ito ay gawain na naglalayong matasa o
Tayahin masukat ang antas ng pagkatuto sa
pagkamit ng natutuhang kompetensi.
Sa bahaging ito, may ibibigay sa iyong
Karagdagang
panibagong gawain upang pagyamanin ang
Gawain
iyong kaalaman o kasanayan sa natutuhang
aralin.
Naglalaman ito ng mga tamang sagot sa lahat
Susi sa Pagwawasto
ng mga gawain sa modyul.

Sa katapusan ng modyul na ito, makikita mo rin ang:

Ito ang talaan ng lahat ng pinagkuhanan sa


Sanggunian
paglikha o paglinang ng modyul na ito.

Ang sumusunod ay mahahalagang paalala sa paggamit ng modyul na ito:

1. Gamitin ang modyul nang may pag-iingat. Huwag lalagyan ng anumang


marka o sulat ang anumang bahagi ng modyul. Gumamit ng hiwalay na papel
sa pagsagot sa mga pagsasanay.
2. Huwag kalimutang sagutin ang Subukin bago lumipat sa iba pang gawaing
napapaloob sa modyul.
3. Basahing mabuti ang mga panuto bago gawin ang bawat pagsasanay.
4. Obserbahan ang katapatan at integridad sa pagsasagawa ng mga gawain at
sa pagwawasto ng mga kasagutan.
5. Tapusin ang kasalukuyang gawain bago pumunta sa iba pang pagsasanay.
6. Pakibalik ang modyul na ito sa iyong guro o tagapagdaloy kung tapos nang
sagutin lahat ng pagsasanay.
Kung sakaling ikaw ay mahirapang sagutin ang mga gawain sa modyul na ito,
huwag mag-aalinlangang konsultahin ang inyong guro o tagapagdaloy. Maaari ka
rin humingi ng tulong kay nanay o tatay, o sa nakatatanda mong kapatid o sino man
sa iyong mga kasama sa bahay na mas nakatatanda sa iyo. Laging itanim sa iyong
isipang hindi ka nag-iisa.

Umaasa kami, sa pamamagitan ng modyul na ito, makararanas ka ng


makahulugang pagkatuto at makakakuha ka ng malalim na pang-unawa sa
kaugnay na mga kompetensi. Kaya mo ito!

iv
Alamin

Ang modyul na ito ay idinisenyo at isinulat upang tulungan kang mapag-aralan at


maisagawa ng may sistema ang pagliligpit at paghuhugas ng mga pinagkainan.

Matapos ang modyul na ito, inaasahang matutuhan mo ang:


1. Naisasagawa nang may sistema ang pagliligpit at paghuhugas ng
pinagkainan (EPP4HE-0i-14-1.3)

a. Nakasusunod nang wastong paraan ng pagliligpit at paghuhugas ng


pinagkainan; at
b. Nasasabi ang kabutihang dulot ng kalinisan at kaayusan sa kusina.

1
Subukin

Si Jarred at Gaile ay magkapatid. Sila ang taga-


ligpit at taga-hugas ng pinagkainan sa kanilang
pamilya. Ngunit pareho nilang hindi alam ang
tamang pagliligpit at paghuhugas ng mga
pinagkainan. Maaari mo ba silang tulungan?

Ayusin ang pagkasunod-sunod ng paghugas ng


mga pinagkainan at kasangkapan sa kusina.

A. Isulat ang bilang isa (1) hanggang lima (5) sa patlang ayon sa
pagkakasunod-sunod ng paghuhugas. Isulat ang sagot sa sagutang papel.

a._____ b.______ c._______

d._____ e.______

B. Isulat ang bilang isa(1) hanggang lima (5) sa patlang ayon sa paghuhugas
ng mga kasangkapan.

______ a. Banlawang mabuti.


______ b. Patuyuin sa pamamagitan ng malinis na basahan.
______ c. Sabunin ang mga kasangkapan.
______ d. Ilagay sa patuyuan o dish rack at hayaang tumulo ang tubig.
______ e. Ilagay ang mga huhugasan sa kanang bahagi ng lababo.

2
Aralin
Pagliligpit at Paghuhugas ng
1 Pinagkainan
Sa tahanan, lahat ng kasapi ay may mahalagang tungkulin. Ang pagtutulungan ng
bawat kasapi ay nagdudulot ng kapayapaan at kaayusan ng inyong samahan.

Ang mga gawain pagkatapos kumain tulad ng pagliligpit at paghuhugas ng


pinagkainan ay madaling maisakatuparan kung ang bawat isa ay handang
makipagtulungan. Mas masayang tingnan ang buong pamilya kung sabay-sabay
kayong kumain sa hapag-kainan at magligpit at maghugas ng pinagkainan.

May tamang paraan at sistema sa pagliligpit at paghuhugas ng mga pinagkainan.

Balikan

Lagyan ng masayang mukha ang patlang kung ang nasa larawan ay


kasangkapan na makikita sa kusina at ekis (x) kung hindi. Isulat ang sagot sa iyong
sagutang papel.

1._________ 2._________

3
3._________ 4._________

5._________ 6._________

7._________ 8._________

9._________ 10._________

4
Mga Tala para sa Guro
Ang modyul na ito ay naghahanda sa mga mag-aaral upang
maisagawa ng may sistema ang pagliligpit at paghuhugas ng
pinagkainan. Mahalagang malaman muna ang kalagayang
pangkalusugan ng isang bata bago isagawa ang pagliligpit at
paghuhugas ng pinagkainan. Nararapat din na ipakita sa mga
mag-aaral ang wastong paggawa ng isang gawain upang maging
ligtas at kung paano ito isagawa.

Tuklasin

Halina at bumigkas ng tula na kasama ang iyong kapatid at iba pang kasama sa
bahay.

5
Ang Paghuhugas ng Pinagkainan
ni Bb. Christine Rose P. Mayo

Simulan ang paghuhugas ng pinagkainan


Mula sa pinakamalinis na kasangkapan
Baso, kubyertos, plato, sandok o kaldero man
Lahat ng ito’y sunod-sunod na sabunan.

Kuskusin nang mabuti mga kagamitan


Upang maalis ang amoy at sebo ng tuluyan
Banlawan nang maigi mga kasangkapan
Para matanggal mikrobyo o bakterya man.

Mga plato at kubyertos ay patuyuin at punasan


Iligpit at ilagay sa tamang lalagyan
Upang ipis o daga hindi ito’y gapangan
At laging tandaan ang pamilyang malinis
Anumang sakit ay maiiwasan.

1. Tungkol saan ang tula?


2. Alam mo bang magligpit at maghugas ng pinagkainan?
3. Mahalaga bang malaman ang tamang paraan ng pagliligpit at paghuhugas ng
pinagkainan? Bakit?
4. Bakit kailangang maging malinis sa kusina?

6
Suriin

Halina at magtawag ng kasama sa bahay para samahan ka na basahin at pag-aralan


ang sumusunod na paraan ng pagliligpit at paghuhugas ng pinagkainan at iba pang
kagamitan sa pagluluto. Ang mga ito ay makatutulong upang mapadali at mapagaan
ang nasabing gawain.

Mga Wastong Paraan ng Pagliligpit at Paghuhugas ng Pinagkainan at


Pinaglutuan

1. Alisin ang mga tira-tirang


pagkain sa plato.
Pagsama-samahin ang
magkakaparehong
kasangkapan.

2. Ilagay ang mga ito sa


dakong kanan ng lababo.

7
3. Simulan ang paghuhugas
ng pinagkainan sa mas
malinis na kasangkapan
gaya ng baso, kubyertos,
plato, sandok, at
pinaglutuan.

4. Sabunin ang mga ito ayon


sa pagkakasunod ng
kasangkapan.

5. Banlawang mabuti.

8
6. Ilagay at patuluin sa dish
rack.

7. Punasan ang mga ito


gamit ang malinis na
pamunas.

8. Tiyakin na ang mga


kasangkapan ay malinis
at walang amoy.

9
9. Ayusin at iligpit ang mga
ito sa dapat na lagayan.

10. Ilagay sa lugar na


madaling makuha ang
mga kasangkapang
madalas gamitin.

Nararapat na sundin ang tamang paraan sa pagliligpit at paghuhugas ng


pinagkainan para makaiwas sa anumang sakuna tulad ng pagkasugat. Maaari din
tayong makakuha ng sakit kung hindi natin aayusin ang paghuhugas ng kagamitan.
Ang hindi maayos na pagliligpit at paghuhugas ng mga kasangkapan ay siguradong
gagapangan ng ipis o daga na mag-iiwan ng bakterya o mikrobyo na magiging sanhi
ng anumang sakit. Mahalagang maging malinis at maayos ang lahat ng kagamitan
upang makasigurong ligtas ang bawat kasapi ng pamilya.

10
Pagyamanin

Ngayon natutuhan mo na ang wastong paraan ng pagliligpit at paghuhugas ng mga


pinagkainan at pinaglutuan. Atin subukin ang iyong nalalaman sa pagsagot ng maze
na nasa ibaba.

Tayo nang samahan si Jarred, tuntunin ang tamang daan gamit ang iyong daliri
para marating ang dulo na naghihintay na si Gaile na may isang gantimpala.

Mahusay! Binabati kita na napagtagumpayan mo ang iyong gawain.

11
Isaisip

Mahalagang malaman at makasunod sa wastong paraan ng pagliligpit at


paghuhugas ng pinagkainan upang makaiwas sa anumang sakuna at sakit.

Maaari mong punan ang patlang upang mabuo ang konseptong natutuhan. Piliin
ang tamang sagot sa loob ng kahon. Tayo nang umawit. Tawagin ang mga kasama
sa bahay. Awitin ninyo ito sa saliw ng awiting “Leron Leron Sinta”.

Tamang Pagliligpit at Paghuhugas ng Pinagkainan at


Pinaglutuan
ni Bb. Christine Rose P. Mayo

Alisin ang tira-tirang _____________sa plato

Ilagay ang mga ito sa _____________ ng lababo

Simulan ang paghuhugas, baso, kubyertos, plato

____________, pinaglutuan at iba pang kasangkapan.

Sabunin ang mga ito, kagamita’y sunod-sunod

________________ mabuti ito, ilagay at patuluin

Punasan ng ____________ na tela, tiyaking walang amoy

Ayusin sa lalagyan, iharap ang madalas gamitin.

malinis pagkain sandok banlawang kanan

12
Isagawa

Ngayon, batid kong masipag kang bata kung kaya’t sabihin sa kasama sa bahay na
ikaw ang magliligpit at maghuhugas ng inyong mga pinagkainan.

Isagawa mo ang tamang pagliligpit at paghuhugas ng pinagkainan at pinaglutuan.


Ang kasama mo sa bahay ay lalagyan ng tsek (√) ang hanay ng thumbs up icon kung
naisagawa mo na o ang thumbs down icon kung hindi. Gawin ito sa sagutang papel.

Mga Wastong Paraan ng Pagliligpit at Paghuhugas ng


Pinagkainan at Pinaglutuan

1. Alisin ang mga tira-tirang pagkain sa plato. Pagsama-


samahin ang magkakaparehong kasangkapan.

2. Ilagay ang mga ito sa dakong kanan ng lababo.

3. Simulan ang paghuhugas ng pinagkainan sa mas malinis


na kasangkapan gaya ng baso, kubyertos, plato, sandok,
at pinaglutuan.
4. Sabunin ang mga ito ayon sa pagkakasunod ng
kasangkapan.

5. Banlawang mabuti.

6. Ilagay at patuluin sa dish rack.

7. Punasan ang mga ito gamit ang malinis na pamunas.

8. Tiyakin na ang mga kasangkapan ay malinis at walang


amoy.

9. Ayusin at iligpit ang mga ito sa dapat na lalagyan.

10. Ilagay sa lugar na madaling makuha ang mga


kasangkapang madalas gamitin.

13
Mahusay! Binabati kita na nagawa mo ang iyong gawain. Narito at tingnan mo ang
iyong iskor.

Rubrik sa Pagkatuto at Pagsasagawa ng Pagliligpit at Paghuhugas ng


Pinagkainan at Pinaglutuan

Iskor Pagpapakahulugan Puna

9-10 Napakahusay

6-8 Mahusay

Hindi Gaanong
4-5
Mahusay

Kailangan pang
0-3
Paghusayin

Tayahin

Ayusin ang pagkasunod-sunod ng wastong pagliligpit at paghuhugas ng mga


pinagkainan at pinaglutuan. Isulat ang bilang isa (1) hanggang sampu (10) sa
patlang. Isulat ang sagot sa sagutang papel.

__________ a. Ilagay ang mga ito sa dakong kanan ng lababo.

__________ b. Sabunin ang mga ito ayon sa pagkakasunod-sunod ng


kasangkapan.

__________ c. Alisin ang mga tira-tirang pagkain sa plato. Pagsama-samahin ang


magkakaparehong kasangkapan.

__________ d. Simulan ang paghuhugas ng pinagkainan sa mas malinis na


kasangkapan gaya ng baso, kubyertos, plato, sandok, at
pinaglutuan.

__________ e. Ilagay at patuluin sa dish rack.

14
__________ f. Banlawang mabuti.

__________ g. Ayusin at iligpit ang mga ito sa dapat na lalagyan.

__________ h. Tiyakin na ang mga kasangkapan ay malinis at walang amoy.

__________ i. Punasan ang mga ito gamit ang malinis na pamunas.

__________ j. Ilagay sa lugar na madaling makuha ang mga kasangkapang


madalas gamitin.

Magaling! Binabati kita na napagtagumpayan mo ang iyong aralin. Ngayon alam mo


na ang wastong paraan ng pagliligpit at paghuhugas ng mga pinagkainan at
pinaglutuan. Ito ay maisasagawa mo sa iyong pang-araw-araw na pamumuhay.

Karagdagang Gawain

Narito ang karagdagang gawain upang lubos mong mapaghusay ang iyong aralin.
Sabihin sa iyong kasama sa bahay na gusto mong magpatalaga na magliligpit at
maghuhugas ng pinagkainan at pinaglutuan sa tuwing
agahan/tanghalian/hapunan. Pumili ng isa sa iskedyul na gusto o akma sa iyo.
Papirmahan sa magulang ang kasunduan sa loob ng isang linggo tulad ng nasa
ibaba.
Isulat ang talahanayan at kasunduan sa isang papel na may lagda ng magulang.
Ipasa ito sa iyong guro.

Iskedyul Linggo Lunes Martes Miyerkules Huwebes Biyernes Sabado

Agahan

Tanghalian

Hapunan

15
16
Tayahin:
Karagdagang
Gawain: a. 2 Isagawa:
b. 4
Ang kasama sa
c. 1 Ang kasama sa
bahay ang mag-
d. 3 bahay ang mag-
iiskor sa bata.
e. 6 iiskor sa bata.
f. 5
Ito ay lalagdaan at
g. 9
ipapasa sa guro.
h. 8
i. 7
j. 10
Balikan:
Subukin:
Isaisip: 1.
A.
Pagkain 2. a. 5
3. X b. 3
Kanan 4. X c. 1
d. 4
Sandok 5. e. 2
Banlawang
6. B.
Malinis a. 3
7. b. 5
8. X c. 2
d. 4
9. e. 1
10.
Susi sa Pagwawasto
Sanggunian
Lavilla, D., Garcia, I. and Dispabiladera, B., 2015. Edukasyong Pantahanan At
Pangkabuhayan - Ikaapat Na Baitang Patnubay Ng Guro. 1st ed. 5th Floor
Mabini Bldg., DepEd Complex Meralco Avenue, Pasig City: Vibal Group, Inc.,
pp.123-125.

Lavilla, D., Garcia, I. and Dispabiladera, B., 2015. Edukasyong Pantahanan At


Pangkabuhayan - Ikaapat Na Baitang Kagamitan Ng Mag-Aaral. 1st ed. 5th
Floor Mabini Bldg., DepEd Complex Meralco Avenue, Pasig City: Vibal Group,
Inc., pp.314-318.

DepEd K to 12. Edukasyong Pantahanan at Pangkabuhayan and Technology and


Livelihood Education. Curriculum Guide. May 2016

K to 12 Most Essential Learning Competencies with Corresponding CG Codes.


Edukasyong Pantahanan at Pangkabuhayan- Ikaapat na Baitang, p.402

17
Para sa mga katanungan o puna, sumulat o tumawag sa:

Department of Education – Region III,


Schools Division of Bataan - Curriculum Implementation Division
Learning Resources Management and Development Section (LRMDS)

Provincial Capitol Compound, Balanga City, Bataan

Telefax: (047) 237-2102

Email Address: bataan@deped.gov.ph

18

You might also like