You are on page 1of 23

Banghay Aralin

para sa kwentong, “Ang Kamatis ni Peles”

I. Mga Layunin:

A. Pagwawari/Pagpapahalaga:
Pagkatapos ng aralin, inaasahang ang mga mag-aaral:
1. Maramdaman ang pagkainip kapag hindi agad nangyari ang gusto.
2. Maunawaan na may mga bagay na hindi makakamit agad-agad.
3. Maramdaman ang sayang dulot kapag nagbunga ang pinagsikapan.
4. Maunawaan ang kahalagahan ng pagsisikap upang makamit ang ninanais.
5. Mabigyang halaga ang estilo ng manunulat sa paggamit ng nakatutuwa at kakaibang
pangayayari.

B. Paglinang ng Kasanayan
Maipakikita ng mag-aaral ang higit na malalim na pag-unawa sa kuwento sa pamamagitan ng:
1. Pagtukoy sa mga katangian at pangarap ng pangunahing tauhan.
2. Pagtatala ng mga payo na binigay sa pangunahing tauhan upang makatulong sa kanyang
problema
3. Makita ang mga bagay na ginawa niya na nakatulong at hindi nakatulong sa pag-aalaga ng
halaman.
4.. Paglarawan sa naramdaman ng pangunahing tauhan nang makitang nagbunga ang kanyang
pinaghirapan.
5.Maiugnay ang kahalagahan ng pagsisikap sa sariling mga pangarap.

II. Paksa
Pamagat:Kamatis ni Peles
Isinulat ni: Virgilio S. Almario
Iginuhit ni: Renato E. Gamos
Inilathala ng/noong: Adarna House, Inc., 1985

Ang kwentong ito ay tungkol kay Peles at sa trabahong kanyang gianwa upang mapalaki ang
kanyang tanim na kamatis. Ilang araw nga ba ang kailangan para tumubo ito? Ano-anong mga
paraan ang maari nyang gamitin upang lumaki ng maayos ang kanyang mga tanim.

Mga Kagamitan:
● mga tsart
● mga larawan
○ Peles
○ Hugo
○ Kamatis
○ Dora
○ Swiper
○ hardin
● visual aids
● plant box
● buto ng mga prutas
● sungot
● video ( tungkol sa pagtubo ng halaman)

III. Pamamaraan
A. Bago Magbasa ng Kwento
1. Paghawan ng Balakid o talasalitaan

Salita Kahulugan Paraan

pagliliwaliw pamamasyal Paggamit sa konteksto

banat ng buto magtrabaho Paggamit sa konteksto/


Pagpapakita ng kilos

nagbulakbol nagpabaya Paggamit sa konteksto

apurado magmadali Pagpapakita ng kilos/ Paggamit sa


konteksto

Kwento:
Sino ba dito ang nakakakilala kay Dora? (Magpapakita ng larawan ni Dora). Isang
umaga, ginising si Dora ng kanyang nanay. "Dora, gumising ka na! Kanina ka pa hinihintay ka
na ni Boots!" ang sabi ng nanay niya. Pagtingin ni Dora sa oras alas-nueve na pala, huli na sya
sa usapan nila. Biglang naging apurado si Dora. Dali-daling kinuha niya ang kanyang mapa at
ilan pang gamit at nilagay sa bag niya (ipapakita ang kilos). Ano kayang ibig sabihin ng
salitang apurado? Agad siyang nagpaalam sa kanyang ina, at umalis ng bahay. Ayaw kasi
niyang mahuli sa planong pagliliwaliw nila ni Boots. Ito kasi ang lagi nilang ginagawa pag
magkasama. Mahilig kasi silang pumunta sa iba't ibang lugar. Ano kayang ibig sabihin ng
salitang pagliliwaliw?

Nang magkita na sina Dora at Boots, sinimulan na nila ang kanilang


pagliliwaliw, at ang kanilang pupuntahan ay sinabi nila ng kaibigan nilang si Map. Habang
naglalakad, napadpad sila sa gawaan ng mga upuan. Namangha sila sa mga gumagawa roon.
Ang isa ay naglalagari, ang isa ay nagmamartilyo, ang isa naman ay nagbubuhat ng mga kahoy.
(magpapakita ng kilos) "Ano pong ginagawa ninyo?" tanong ni Dora sa isang manggagawa.
"Konting banat ng buto," sabi ng isa sa kanila. Ano kayang ibig sabihin ng banat ng buto?

Matapos makapunta sa pagawaan, naglakad muli sila Dora at nakakita ng isa pang
kaibigan. Umiiyak siya. “Bakit ka umiiyak, Swiper?” tanong ni Boots. “ Napagalitan kasi ako
sa amin. Nagbulakbol daw kasi ako at hindi inintindi ang pag-aaral ko.Lagi lang akong
naglalaro at hindi gumagawa ng mga takdang aralin.” Ano kayang ibig sabihin ng
nagbulakbol?

Pinatahan nila si Swiper at isinama na lang papunta sa huli nilang bibisitahing lugar.
2. Paunang Pagtaya

Sumupling Tumubo Larawan/Paggamit sa


konteksto

Sungot Maliit na tubo Realia/Paggamit sa


konteksto

Punla Buto ng halaman Realia

Ano kaya ang huling lugar na pupuntahan nila? Ito pala ang lugar na pupuntahan nila.
(Magpapakita ng larawan ng isang hardin na may iba’t ibang halaman) Ano ang tawag dito?
(hardin) Anong napapansin ninyo sa larawang ito? (maraming halaman). (Magpapakita ng
hardin na may iba’t ibang bulaklak). Ano naman ang mapapansin ninyong nakatanim dito?
(Magpapakita ng hardin na may tanim na gulay) Sa larawang ito, ano naman ang nakatanim?
Kayo, gusto niyo rin bang magtanim para magkaroon ng hardin na tulad ng nasa larawan?

Kung nais ninyong magtanim, dapat na mayroon kayong mga punla. ( Magpapakita ng
iba’t ibang uri ng punla) . Ano kayang ibig sabihin ng punla? Pagkatapos itong itanim ng ilang
araw, makikita na ang mga sungot. ( magpapakita ng sungot) Anong mapapansin ninyo sa
sungot. Sumupling na rin ang mga dahon nito. Ano kaya ang ibig sabihin ng sumupling?

3. Motivation Question:
Sino ang may hardin sa kanilang bahay? Ano ang inyong mga tanim?

4. Motive Question:
Ano kaya ang tanim ng pangunahing tauhan?

B. Habang Nagkukwento

Pamagat:Kamatis ni Peles
Isinulat ni: Virgilio S. Almario
Iginuhit ni: Renato E. Gamos
Inilathala ng/noong: Adarna
House, Inc., 1985
1. Paraan: Babasahin ng guro ang kwento sa mga mag-aaral. Ipapakita ang aklat sa mga mag-
aaral.

2. Itatanong ng guro ang mga sumusunod na tanong habang nagkukwento:


● Ano nga ulit ang ibig sabihin ng banat ng buto (spread 3)
● Paano kaya ang pagbungkal ng lupa? (spread 4) (i-arte kasama ang klase)
● Tutubo na kaya ang mga kamatis ni Peles? (spread 5)
● Ano pa kayang gagawin ni Peles? (spread 7)
● Magiging epektibo kaya ang mga ginawa niya para tumubo ang mga kamatis? (spread
11)

C. Pagkatapos Magkwento

1. Mga Gawain

Unang Gawain: Si Peles


Layunin: Paglinang ng kasanayan 1(katangian, pangarap)
Pagpapakilala: Sino ang ating bida sa kuwento? Ano ang masasabi natin tungkol sa kanya?
Panuto: Kumpletuhin ang mga pangungusap na naglalarawan sa pangunahing tauhan sa kwento.
Buuin ang larawan ng pangunahing tauhan.
Halimbawa: Ako si Peles.

Ako si Peles

Ako si Peles.
Isa akong _______.
Ako ay nakatira sa _______.
Kaibigan ko si _______.
Gusto kong maging
________.
Ang aking tanim ay _______.

Mga maaaring sagot sa unang gawain:


● tipaklong
● bukid
● Hugo
● hardinero
● kamatis

Ikalawang Gawain: Si Hugo at si Peles


Layunin: Paglinang ng kasanayan 2(payo)
Pagpapakilala: Ano ang naramdaman ni Peles nang hindi tumubo ang kaagad ang kanyang
tanim? Ano kaya ang payong ibinigay ni Hugo nang lumapit sa kanya si Peles?
Panuto: Isulat sa mga patlang ang payong ibinigay ni Hugo kay Peles.
Halimbawa: Ang iyong kailangan ay maghintay.

Ang Payo ni Hugo

Kaibigang Peles, ang


maaai mong gawin ay
______, ________
at __________.

Maaaring sagot sa ikalawang gawain:


● magdilig
● magbudbod ng pataba
● magbunot ng damo

Ikatlong gawain: Talaarawan ni Peles


Layunin: Paglinang ng kasanayan 3 (epektib at hindi epektib)
Pagpapakilala: Ano-ano ang mga bagay na kailangan ng halaman para lumaki ng maayos? Alin
kaya sa mga ginawa ni Peles ang epektibo sa pagpapalaki ng tanim?
Panuto: Igrupo ang mga larawan base sa epektib at hindi epektib na paraan sa pagtatanim.
Halimbawa: Pagdidilig ng halaman- epektib
Talaarawan ni Peles

Martes Miyerkules

Huwebes l Biyernes

Maaaring sagot:
Aprub:
● magbudbod ng pataba
● magdilig
● magbunot ng damo
Di aprub
● magsindi ng kandila
● umawit
● magbasa ng libro

Ikaapat na gawain: Ang Pambihirang Kamatis ni Peles


Layunin: Paglinang sa kasanayan 5, (sayang dulot ng pagsisiskap)
Pagpapakilala: Ano kaya ang naramadaman ni Peles ng tumubo na ang kanyang tanim? Bakit
kaya ito ang narmadaman niya?
Panuto: Iguhit sa kahon ang naramdaman ni Peles ng nagbunga ang kanyang paghihirap.
Isulat sa mga patlang ang dahilan kung bakit iyon ang naramdaman ni Peles.
Halimbawa: Ako ay masaya, dahil tumubo ang aking tanim
Ang Pambihirang Kamatis
ni Peles

Reporter:Ano ang
nararamdaman mo ngayon?
Peles: Ako ay ________.
Reporter: Bakit ka _______?
Peles: Ako ay ________ dahil
_________________
Reporter: Ano ang maipapayo
mo sa ibang tao?
Peles: Ang maipapayo ko lang ay
___________.

Maaaring sagot:
● masaya
● masaya
● masaya, dahil tumubo ang mga kamatis
● maging masipag

Ikalimang gawain: Ang Aking Pangrap
Layunin: Paglinang sa kasanayan 5, (iugnay sa araw-araw na buhay)
Pagpapakilala: Ano ang inyong pangarap? Paano nyo kaya ito matutupad?
Paunto: Isulat kung ano ang inyong pangarap at kung paano ninyo ito matutupad.
Halimbawa: Pangarap kong maging guro. Matutupad ko ito sa pamamagitan ng pag-aaral ng
mabuti.

Ang Aming Pangarap

Ang aming pangarap Paano tutuparin


1. ________________ 1. ________________
2.________________ 2.________________
3.________________ 3.________________
4. _______________ 4. _______________
5._______________ 5._______________

Mga maaaring sagot:


Pangarap:
● maging doktor
● maging guro
● magkaroon ng bahay
Paano tutuparin:
● mag-aaral ng mabuti
● mag-iipon

2.Talakayan (GPU)

Tanong Antas Inaasahang Sagot

1. Ano nga ulit ang pamagat ng kwento? Literal Ang kamatis ni Peles
2. At sino ang bida sa ating kwento? Ano Literal Peles, Masipag
ang masasabi natin tungkol sa kanya? Inferential

*Pakinggan nga natin ang ginawa ng


unang grupo para mas makilala natin si
Peles. Kamatis
Hindi, naiinip
3. Ano nga ang tanim ni Peles?
4. Tumubo ba agad ito? Ano ang kanyang
Literal
naramdaman? Humingi ng tulong, Hugo
Literal
5. Kung kayo si Peles, maiinip din ba Magtiyaga
kayo kapag hindi agad nagbunga ang
Evaluative
pinagsikapan ninyong itanim? Bakit?
6. Ano ang kanyang ginawa? Kanino sya
humingi ng tulong?
Literal Ipagpapatuloy ang
7. Ano kaya ang payong ibinigay ni Hugo
pagtatanim, Hindi susuko
kay Peles?
Literal

*Pakinggan natin ang ikalawang grupo


para malaman natin kung ano pa ang mga Araw, tubig, lupa
ipinayo ni Hugo kay Peles Magdilig

8. Matapos niyang humingi ng payo kay


Hugo, ano kaya ang naisip ni Peles? Bakit
Inferential
kaya iyon ang kanyang naisip?

9. Kung kayo ba si Peles ano ang gagawin


iba-ibang sagot
nyo?
Evaluative
pagdidilig, pagbudbod ng
10. Ano ba ang kailangan ng halaman
pataba, pagbunot ng damo
para lumaki ng maayos?
11. Ano kaya ang mga ginawa ni Peles Inferential
nakatulong sa pagpapalaki ng halaman?
Inferential
*Pakinggan natin ang ikatlong grupo para pagiging masipag, matiyaga
iulat kung alin sa mga ginawa ni Pele
sang aprub at di aprub.
iba-ibang sagot- saging,
12. Kung kayo si Peles ano ang itatanim repolyo, etc.
mo?
Evaluative pagdidilig, pagbubunot ng
13. Paano kaya ninyo ito pangangalagaan? damo, pagbubudbod ng
pataba
Evaluative
14. Ano kaya ang naramdaman ni Peles
masaya, dahil nagbunga ang
nung lumaki na kanyang halaman? Bakit
kanyang pinaghirapan
kaya?

*Pakinggan natin ang ikaapat grupo sa


kanilang panayam kay Peles. Literal

15. Ano ang mga katangian ni Peles na


nakatulong sa kanya upang mapalaki ng pagiging masipag
maayos ang kanyang mga tanim?

16. Kayo ano ang pangarap na gusto Inferential


ninyong matupad? Paano ninyo ito iba-ibang sagot
gagawin?
*Pakinggan natin ang ikalimang grupo sa
kanilang ulat. Evaluative
17. Bakit kaya mahalaga ang pagsisikap?

para matupad ang pangarap


para makuha ang gusto
Integrative

Enrichment Activity:
Katulad ni Peles, ang mga mag-aaral ay magtatanim ng punla.Hahatiin ang klase sa
tatlo. Pipili sila ng punla, at isusulat nila sa papel ang kanilang tanim at pangalan. Halimbawa,
“ Ang Munggo ni Julie”, Ididikit ito sa isang patpat pagkatapos at itutusok sa plantbox,
kung saan naibaon ng kanilang punla.

GOLD

I. Mga Layunin
Pagkatapos ng aralin, ang mga mag-aaral ay inaasahang:
● mailahad kung kailan ginagamit ang salitang “siya”
● makagawa ng pangungusap tungkol sa isang tao gamit ang siya
● mailarawan ang paboritong superhero gamit ang mga pangungusap na may siya

II. Paksa
Panghalip: Siya

III. Mga Kagamitan


● mga larawan
○ Peles
○ Hugo
○ mga palaka
○ iba pang langgam
○ Dora
○ Diego
○ Swiper
○ Dory
○ Bruce
○ Marlin
○ Ben Ten
○ Coco Martin
○ Maja Salvador
○ Daniel Padilla
○ Patrick Star

IV. Pamamaraan
A. Panimula
Naalala niyo ba ang pangunahing tauhan sa kwento? Ipinakilala ni Hugo si Peles sa kanyang
mga kaibigan at ganito ang kanilang naging usapan.
Si Peles ay isang
tipaklong.

Si Peles ay
kaibigan ko.

Si Peles ay isang
hardinero.

Si Peles ay
nagtatanim ng
kamatis

Si Peles ay
matiyaga.

Tignan natin kung paano ipinakilala ni Hugo si Peles sa mga kaibigan niyang langgam.
Si Peles ay isang tipaklong
Si Peles ay kaibigan ko.
Si Peles ay isang hardinero.
Si Peles ay nagtanim ng kamatis.
Siya ay matiyaga.

Sino ang nagsasalita? Sino ang kausap ni Hugo? Sino ang pinag-uusapan sa pangungusap?
(Bilugan nga natin). **ulitin para sa ikalawa at ikatlong pangungusap
Sino ang nagsasalita? Sino kausap ni Hugo? Sino ang pinaguusapan sa pangungusap? (Bilugan
nga natin) Sino ang tinutukoy ng siya? ** tanong para sa ika-apat at ikalimang pangungusap

B. Paglalahad

Ngayon, tignan natin kung paano ipapakila sa atin ni Dora ang kaibigan niya.
Si
Diego
ay
mahilig
sa
hayop.
Si Diego
ay lagi sa
gubat.
Si Diego
ay
tumutulo
ng sa
mga
hayop.
Siya
ay
pinsan
ko.

Si Diego ay mahilig sa hayop.


Si Diego ay lagi sa gubat.
Siya ay tumutulong sa mga hayop.
Siya ay pinsan ko.

Sino ang nagsasalita? Sino ang kausap ni Dora? Sino ang pinag-uusapan sa pangungusap?
(Bilugan nga natin). **ulitin para sa ikalawang pangungusap
Sino ang nagsasalita? Sino kausap ni Dora? Sino ang pinag-uusapan sa pangungusap? (Bilugan
nga natin) Sino ang tinutukoy ng siya? ** tanong para sa ikatlo at ika-apat na pangungusap

Ano ang napapansin ninyo sa mga salitang may bilog? Tuwing kelan natin ginagamit ang
siya?

Ginagamit ang siya bilang pamalit sa pangalan ng isang tao o hayop.

C. Pagsasanay na may Gabay

“Maglalaro tayo ng bring me. Kung sino ang unang dalawang bata na makapagdala ng hinihingi
ni teacher ay siyang maaring sumagot.”

Bawat hanay ay bibigyan ng pagkakataon na dalhin ang larawan ng personalidad na sasabihin


ng guro.
Ang unang mag-aaral ay gagawa ng pangungusap gamit ang pangalan ng parawan. Ang
pangalawang mag-aaral naman ay ilalarawan ang personalidad gamit ang siya.
E.g. Coco Martin
Ben Ten
Maja Salvador
Daniel Padilla
Patrick

D. Pagsasanay na Pansarili

Ipag-pares ang mga mag-aaral. Bawat pares ay ilalarawan ang isa nilang kakalase.
E.g. Si Rina ay kaklase ko. Siya ay mahilig sa lila. Siya ay mahaba ang buhok.

E. Ebalwasyon

Iguhit ang inyong paboritong superhero. Isulat ang mga bagay na alam ninyo tungkol sa
kanya.
Halimbawa: Superman ang pangalan niya. Siya ay marunong lumipad.
Pangalan:___________________Seksyon:
__________________
Petsa:______________

_________ ang pangalan ng aking


paboritong superhero. Siya ay marunong
____________.
_____________________
_________________________________
Transfer
_ Stage
I. Layunin:
Sa pagtatapos ng aralin ang mga bata ay dapat:
1. Malaman ang mga bagay na nagsisimula sa titik Hh.
2. Malaman kung ano ang itsura ng titik Hh
3. Mabigkas ang tunog ng titik Hh.
4. Maisulat ang titik Hh.
5. Makilala ang mga salitang nagsisimula sa titik Hh.

II. Paksa: Hh

III. Pamamaraan:
A. Panimula:
Magadang hapon K-Jasmine. Itaas nga natin ang ating mga kamay. Kilala nyo ba ang
bawat isa sa inyong mga daliri? (ituro ang mga daliri at ang katumbas na pangalan nito)Ito si
Hinlalaki(repeat, hintuturo,hinlalato, palasingsingan, hinliliit). Ano ang maaring gamit ng
ating mga kamay? Pwede natin siyang ipang-hila, halo, hagis.

Ano nga mga pangalan nito? (ipakita ang parte ng daliri) Ano ang napapansin ninyo sa mga
salita na nakapaskil sa nila? *nagsisimula sa titik Hh.

B. Paglalahad:

Magpakita ng mga larawan na nagsisimula sa titik Hh. Magpakita ng mga larawan na hindi
nagsisimula sa titik H. Igrupo ang dalawa. Ano ang napapansin ninyo sa unang grupo?
E.g. Halaman, Aso, Buto, Hardin, Halo-halo

Paano natin isusulat ang titik Hh?(Isulat sa hangin ang malaking titik H, maliit na titik h.)

Basahin ang mga salita sa board. (ipakita kung ano ang buka ng bibig kapag babasahin ang
titik Hh).
III. Mga Gawain

Basic(Oral work)

Layunin: Makilala ang mga salitang nagsisimula sa letrang Hh.

Pamamaraan:
1. Bawat bata ay bibigyan ng pagkakataon na humili ng isda(parirala).
2. Ipapares ang nahuling isda sa larawan na makikita sa banig.

Mga Salita:
Isang hari, Dalawang hipon, Tatlong hagdan, Apat na holen, Limang halaman, Isang halo-halo,
Dalawang higaan, Tatlong higante, Apat na hita ng manok

Seatwork 1:

Layunin: Maiugnay ang mga salita sa lugar na kinabibilangan.

Pamamaraan:

1. Kumpletuhin ang pangungusap.

higante
hikaw
hipon
halaman

Nasa puno ang _________ (higante)

Nasa hardin ang _________(halaman)

Nasa tenga ang _________( hikaw)

Nasa dagat ang _________ ( hipon )

Seatwork 2:

Layunin: Masagutan ang mga tanong batay sa nakasaad sa kwento.

Pamamaraan:

1. Kulayan ang mga larawan na nagsisimula sa titik h.

2. Sagutan ang tanong sa kwento.

Ang Hardin ni Helen


May hardin si Helen.
Maraming halaman sa hardin.
Hala! May higad sa halaman.
Hinipan ni Helen ang higad.

Mga tanong:

1. Kanino ang hardin? (Helen, higad)

2. Ano ang marami sa hardin? (Halaman, Helen)

3. Ano kaya ang nangyari sa higad? _________________

Oral Stage: (Intermediate)


Layunin: Makilala ang mga salitang nagsisimula sa letrang Hh.
1. Mag-uunahan ang mga estudyante na kumuha ng papel mula pabitin.
2. Babasahin nila ang pangungusap at hahanap ng larawan na kukumpleto sa pangungusap.

Mga Pangungusap:
1. _____ ang simula ng pasukan. (Hunyo)
2. ______ ang regalo sa kanya. (Hikaw)
3. Ang _____ ay may palasyo. (Hari)
4. Matamis at malamig ang ________. (Halo-halo)
5. Maasim ang ______ na manga. (Hilaw)
6. Ang _______ ay nasa dagat. (Hipon)
7. Siya ay umakyat ng ________. (Hagdan)
8. May bulaklak sa _______. (Hardin)
9. Pinagulong niya ang _____. (Holen)
10. Maraming _______ sa puno. (Higad)

Seatwork 1:

Layunin: Mailagay ang tamang salita upang makumpleto ang pangungusap.

Pamamaraan:

1. Buoin ang mga pangungusap.

2. Isulat ang tamang sagot sa patlang.

3. Idikit ang larawan sa tamang lugar.

Hipon Hipan

Hiwain Haluin
Ihain

Sinigang na ______ (Hipon)

Sangkap:

Sibuyas, Pang-asim, Kamatis, Hipon, Asin, Kangkong, Okra, Sili

1. _______ ang sibuyas at kamatis.( Hiwain)

2. Ilaga ang hipon.

3. Ilagay ang sibuyas, kamatis, pang-asim at asin

4. _______ ang mga sangkap.( Haluin)

5. Ilagay ang sili, okra at kangkong.

Tikman ang sinigang. Ingat! ______ muna ito, baka mainit pa.(Hipan)

________ kasama ang kanin. (Ihain)

Seatwork 2:

Layunin: Masagutan ang mga tanong batay sa nakasaad sa kwento.


Pamamaraan:
1. Kulayan ang mga larawan na nagsisimula sa titik Hh.
2. Basahin ang maikling kwento.
3. Isulat sa patlang ang sagot.

Isang Araw kina Hetti

Isang Huwebes, pumunta si Helen kina Hetti. Pumunta sila ng hardin. Namitas
sila ng hilaw na mangga. Naku, may higad sa mangga. Hinipan ito ni Hetti para mawala.
Kinain nila ang manga. Pagdating ng hapon, umuwi na si Helen.

1. Kailan pumunta si Helen kina Hetti? _______________________ (Huwebes)

2. Anong klaseng mangga ang kinain nila? ______________________ (hilaw)

3. Ano kaya ang naramdaman ni Hetti nang makita ng higad? (nagulat)

____________________________________________________

4.Ano kaya ang nangyari sa higad?___________________________

____________________________________________________( nahulog, natapakan)

Oral Work: (Fast)


Layunin: Matukoy ang mga salitang nagsisimula sa titik Hh na nilalarawan ng mga
pangungusap.

Pamamaraan:
1. Ipasok sa timba ang bola.
2. Basahin ang pangungusap na makukuha sa timba.
3. Ipares ang sagot sa larawan na makikita sa tsart.

Mga tanong:
1. Ito ay isinusuot sa tenga. Madalas itong makitang suot ng mga babae.(Hikaw)
2. Ito ay tinutulugan. Pwedeng may kasamang kumot at unan.(Higaan)
3. Maraming makikitang ganito sa hardin. Maari itong itanim. (Halaman)
4. Siya ay nakatira sa palasyo. Ang asawa niya ay isang reyna. (Hari)
5. Masarap itong kainin. Malamig ito at matamis. (Halo-halo)
6. Bilog ang hugis nito. Maaring munggo, baboy at ube ang laman niya. (Hopia)
7. Madalas itong ihanda kapag pasko. Ito ay gawa sa karne ng baboy. (Hamon)
8. Siya ang nag-aalaga sa mga bulaklak. Madalas siya nagdidilig. (Hardinero)

Seatwork 1.

Layunin: Masagot nang tama ang bugtong na ibinigay.

Pamamaraan:
1. Tingnan ang mga salita sa loob ng kahon.
2. Bawat salita ay may katumbas na larawan.
3. Basahin ang mga pangungusap at at sagutin ang mga tanong.
4. Idikit ang larawan sa katumbas na numero.

Higante - lamesa hamon- sobre hangin – pisara


hardinero - ilalim halu-halo - upuan
Hunyo -kayamanan Hulyo - ibabaw

1. Ito ay isa sa mga buwan ng taon. Sa buwang ito karaniwan nagsisimula ang pasukan ng mga
estudyante. Anong buwan ito?
____________________________________________________ (Hunyo)

2. Ito ay isang uri ng trabaho. Tawag ito mga nag-aalaga at nagpapalaki ng halaman. Ano ito?
_____________________________________ (hardinero)

3. Isa itong pagkain. Gawa ito sa baboy at karaniwang hinahanda kapag Pasko. Ano ito?
_________________________________________ (hamon)

4. Ito ay kailangan ng tao. Hindi natin ito nakikita, pero nararamdaman. Ano ito?
_____________________________________________ ( hangin)
5. Ito ay gawa sa maraming matatamis na sangkap. Malamig ito at masarap kainin kapag tag-
araw. Ano ito?______________________( halo-halo)

Ang ______(1)____ ay makikita sa ____(2)____ ng inyong ____(5)_____.(Ang


kayamanan ay makikita sa ilalim ng inyong upuan).

Seatwork 2:
Layunin: Masagot ang mga tanong batay sa kwentong nabasa.
Pamamaraan:
1. Kulayan ang mga larawan na nagsisimula sa titik Hh.
2. Sagutan ang mga katanungan tungkol sa kwento.

Tayo na sa hardin

Isang hapon, nakipaglaro ang hari sa kanyang anak. “Saan mo gustong maglaro?”, tanong
ng hari. “Tara po sa hardin.” natutuwang wika ng prinsipe. Dali-dali silang pumunta sa
hardin. Napakaraming tanim na halaman sa hardin. Napakalakas ng ihip ng hangin.
Inilabas nila ang kanilang saranggola. Tuwang-tuwa ang bata sa paglalaro.

Mga tanong:
1. Sino ang nakipaglaro sa prinsipe? ( hari)
2. Saan sila naglaro? (hardin)
3. Ano ang makikita sa hardin? (halaman)
4. Ano kaya ang kanilang naramdaman? (natuwa)
4. Bakit kaya masaya ang prinsipe? ( iba-ibang sagot)

Mansanas ( Fast) Mangga ( Intermediate) Saging ( Basic)

Seatwork 1 Seatwork 1 Oral Work

Layunin: Mailagay ang Layunin: Makilala ang mga


Layunin: Masagot nang tama tamang salita upang salitang nagsisimula sa
ang bugtong na ibinigay. makumpleto ang letrang Hh.

Pamamaraan: pangungusap.
Pamamaraan:
1. Tingnan ang mga salita Pamamaraan: 1. Bawat bata ay bibigyan ng
sa loob ng kahon. pagkakataon na humili ng
2. Bawat salita ay may 1. Buoin ang mga
isda(parirala).
katumbas na larawan. pangungusap.
2. Ipapares ang nahuling
3. Basahin ang mga isda sa larawan na makikita
2. Isulat ang tamang sagot
pangungusap at at sagutin sa banig.
sa patlang.
ang mga tanong.
4. Idikit ang larawan sa 3. Idikit ang larawan sa Mga Salita:
katumbas na numero. tamang lugar. Isang hari, Dalawang hipon,
Tatlong hagdan, Apat na
Higante - lamesa hipon holen, Limang halaman,
hardinero - ilalim ihain Isang halo-halo, Dalawang
Hunyo -kayamanan hiwain higaan, Tatlong higante,
haluin
1. Ito ay isa sa mga buwan hipan
ng taon. Sa buwang ito
karaniwan nagsisimula ang
Sinigang na ______ (Hipon)
pasukan ng mga estudyante.
Anong buwan ito? Sangkap:
_____________________
_____________________ Sibuyas, Pang-asim, Kamatis,

__________ Hipon, Asin, Kangkong,


Okra, Sili
2. Ito ay isang uri ng
1. _______ ang sibuyas at
trabaho. Tawag ito mga nag-
kamatis.( Hiwain)
aalaga at nagpapalaki ng
halaman. Ano ito? 2. Ilaga ang hipon.
_____________________
3. Ilagay ang sibuyas,
________________
kamatis, pang-asim at asin
3. Isa itong pagkain. Gawa
4. _______ ang mga
ito sa baboy at karaniwang
sangkap.( Haluin)
hinahanda kapag Pasko. Ano
ito? 5. Ilagay ang sili, okra at
_____________________ kangkong.
____________________
Tikman ang sinigang. Ingat!
______ muna ito, baka
4. Ito ay kailangan ng tao.
mainit pa.(Hipan)
Hindi natin ito nakikita, pero
nararamdaman. Ano ito? ________ kasama ang
_____________________ kanin. (Ihain)
_____________________
___

5. Ito ay gawa sa maraming


matatamis na sangkap.
Malamig ito at masarap
kainin kapag tag-araw. Ano
ito?
_____________________
_

Ang ______(1)____ ay
makikita sa ____(2)____
ng inyong ____(5)_____.
(Ang kayamanan ay
makikita sa ilalim ng inyong
upuan).

Seatwork 2 Oral Work Seatwork 1Layunin:


Layunin: Masagot ang mga Maiugnay ang mga salita sa
tanong batay sa kwentong Layunin: Makilala ang mga lugar na kinabibilangan.
nabasa. salitang nagsisimula sa
Pamamaraan: letrang Hh. Pamamaraan:

1. Kulayan ang mga 1. Mag-uunahan ang mga


1. Kumpletuhin ang
larawan na nagsisimula sa estudyante na kumuha ng
pangungusap.
titik Hh. papel mula pabitin.
2. Sagutan ang mga 2. Babasahin nila ang
katanungan tungkol sa pangungusap at hahanap ng
Nasa puno ang _________
kwento. larawan na kukumpleto sa
pangungusap. Nasa hardin ang
_________

Isang hapon, nakipaglaro ang hari sa kanyang mga anak. “SaanNasa


ninyotenga ang maglaro?”,
gustong
Mga Pangungusap:
tanong ng hari. “Tara po sa hardin.” natutuwang wika ng mga_________
prinsipe. Dali-dali silang
1. _____ ang simula ng
pumunta sa hardin. Napakaraming tanim na halaman sa hardin. Napakalakas ng ihip ng
pasukan. (Hunyo) Nasa dagat ang _________
hangin. Inilabas nila ang kanilang saranggola. Tuwang-tuwa ang mga bata sa paglalaro.
2. ______ ang regalo sa
Mga tanong: kanya. (Hikaw)
1. Sino ang nakipaglaro sa 3. Ang _____ ay may
prinsipe? palasyo. (Hari)
2. Saan sila naglaro? 4. Matamis at malamig ang
3. Ano ang kanilang ________. (Halo-halo)
naramdaman? 5. Maasim ang ______ na
4. Bakit kaya masaya ang manga. (Hilaw)
prinsipe? 6. Ang _______ ay nasa
dagat. (Hipon)
7. Siya ay umakyat ng
________. (Hagdan)
8. May bulaklak sa
_______. (Hardin)
9. Pinagulong niya ang
_____. (Holen)
10. Maraming _______ sa
puno. (Higad)
Oral Work Seatwork 2 Seatwork 2
Layunin: Matukoy ang mga
salitang nagsisimula sa titik Seatwork 2: Layunin: Masagutan ang mga
Hh na nilalarawan ng mga tanong batay sa nakasaad sa
pangungusap. Layunin: Masagutan ang mga
kwento.
Pamamaraan: tanong batay sa nakasaad sa
1. Ipasok sa timba ang bola. kwento. Pamamaraan:
2. Basahin ang pangungusap Pamamaraan:
1. Kulayan ang mga larawan
na makukuha sa timba. 1. Kulayan ang mga larawan
na nagsisimula sa titik h.
3. Ipares ang sagot sa na nagsisimula sa titik Hh.
larawan na makikita sa 2. Basahin ang maikling 2. Sagutan ang tanong sa
tsart. kwento. kwento.
3. Isulat sa patlang ang
Mga tanong: sagot.
1. Ito ay isinusuot sa tenga.
Madalas itong makitang suot Isang Araw kina Hetti
ng mga babae.(Hikaw) Ang Hardin ni Helen
2. Ito ay tinutulugan. Isang Huwebes,
May hardin si Helen.
Pwedeng may kasamang pumunta si Helen kina
kumot at unan.(Higaan) Hetti. Pumunta sila ng Maraming halaman sa
3. Maraming makikitang hardin. Namitas sila ng hardin.

ganito sa hardin. Maari itong hilaw na mangga. Naku, may


Naku! May higad sa halaman.
itanim. (Halaman) higad sa mangga. Hinipan Hinipan ni Helen ang higad .
4. Siya ay nakatira sa ito ni Hetti para mawala.
Mga tanong:
palasyo. Ang asawa niya ay Kinain nila ang manga.
isang reyna. (Hari) Pagdating ng hapon, umuwi 1. Kanino ang hardin? (Helen,
5. Masarap itong kainin. na si Helen. higad)
Malamig ito at matamis.
2. Ano ang marami sa
(Halo-halo)
hardin? (Halaman, Helen)
6. Bilog ang hugis nito. 1. Kailan pumunta si Helen
Maaring munggo, baboy at kina Hetti? 3. Ano ang mayroon sa
ube ang laman niya. (Hopia) _____________________ halaman? (Helen, higad)
7. Madalas itong ihanda
2. Anong klaseng mangga ang 4. Ano kaya ang nangyari sa
kapag pasko. Ito ay gawa sa
kinain nila? higad?
karne ng baboy. (Hamon)
__________________ _________________
8. Siya ang nag-aalaga sa
mga bulaklak. Madalas siya 3. Ano kaya ang naramdaman
nagdidilig. (Hardinero) ni Helen nang makita ng
higad?

_____________________
_________________

4.Ano kaya ang nangyari sa


higad?
_____________________
____________

You might also like