You are on page 1of 24

4

EPP Home Economics


Unang Markahan - Modyul 2:
Mga Kagamitan sa Pananahi sa
Kamay

i
Edukasyong Pantahanan at Pangkabuhayan – Ikaapat na Baitang
Alternative Delivery Mode
Home Economics – Modyul 2: Mga Kagamitan sa Pananahi sa Kamay
Unang Edisyon, 2020

Isinasaad sa Batas Republika 8293, Seksiyon 176 na: Hindi maaaring magkaroon
ng karapatang-sipi sa anomang akda ang Pamahalaan ng Pilipinas. Gayonpaman,
kailangan muna ang pahintulot ng ahensiya o tanggapan ng pamahalaan na naghanda ng
akda kung ito ay pagkakakitaan. Kabilang sa mga maaaring gawin ng nasabing ahensiya o
tanggapan ay ang pagtakda ng kaukulang bayad.

Ang mga akda (kuwento, seleksiyon, tula, awit, larawan, ngalan ng produkto o brand
name, tatak o trademark, palabas sa telebisiyon, pelikula, atbp.) na ginamit sa modyul na ito
ay nagtataglay ng karapatang-ari ng mga iyon. Pinagsumikapang matunton ang mga ito
upang makuha ang pahintulot sa paggamit ng materyales. Hindi inaangkin ng mga
tagapaglathala at mga may-akda ang karapatang-aring iyon. Ang anomang gamit maliban
sa modyul na ito ay kinakailangan ng pahintulot mula sa mga orihinal na may-akda ng mga
ito.

Walang anomang parte ng materyales na ito ang maaaring kopyahin o ilimbag sa


anomang paraan nang walang pahintulot sa Kagawaran.

Inilathala ng Kagawaran ng Edukasyon


Kalihim: Leonor Magtolis Briones
Pangalawang Kalihim: Diosdado M. San Antonio

Bumuo sa Pagsusulat ng Modyul

Manunulat: Maricel I. Teves


Editor: Nestle I. Reyes
Tagasuri: Joselle S. Alarcon
Tagaguhit: Eloida T. Burgos
Tagalapat: Gina A. Torres
Cover Design: Marlon Q. Diego

Mga Tagapamahala:
Schools Division Superintendent : Romeo M. Alip, PhD, CESO V
OIC-Asst. Schools Division Superintendent : William Roderick R. Fallorin
Chief Education Supervisor, CID : Milagros M. Peñaflor, PhD
Education Program Supervisor, LRMDS : Edgar E. Garcia, MITE
Education Program Supervisor, AP/ADM : Romeo M. Layug
Education Program Supervisor, EPP/TLE : Evelyn V. Mendoza
District Supervisor, Mariveles : Francisco B. Bautista
Division Lead Book Designer : Rubie Anne C. Rana
District LRMDS Coordinator, Mariveles : Marjorie M. Palomo
School LRMDS Coordinator : Concepcion D. Carmona
School Principal : Leonila B. Alcid
District Lead Layout Artist, EPP/TLE : Maria Citadel S. Cantillas
District Lead Illustrator, EPP/TLE : Janice D. Mercader
District Lead Evaluator, EPP/TLE : Leann C. Luna, EdD
Inilimbag sa Pilipinas ng Department of Education – Schools Division of Bataan
Office Address: Provincial Capitol Compound, Balanga City, Bataan
Telefax: (047) 237-2102
E-mail Address: bataan@deped.gov.ph

ii
4
EPP Home Economics
Unang Markahan - Modyul 2:
Mga Kagamitan sa Pananahi
sa Kamay

iii
Paunang Salita
Para sa tagapagdaloy:

Malugod na pagtanggap sa asignaturang Edukasyong Pantahanan at


Pangkabuhayan - Ikaapat na Baitang ng Alternative Delivery Mode (ADM) Modyul
para sa araling Mga Kagamitan sa Pananahi sa Kamay!

Ang modyul na ito ay pinagtulungang dinisenyo, nilinang at sinuri ng mga


edukador mula sa pampubliko at pampribadong institusyon upang gabayan ka,
ang gurong tagapagdaloy upang matulungang makamit ng mag-aaral ang
pamantayang itinakda ng Kurikulum ng K to12 habang kanilang pinanagumpayan
ang pansarili, panlipunan at pang-ekonomikong hamon sa pag-aaral.

Ang tulong-aral na ito ay umaasang makauugnay ang mag-aaral sa


mapatnubay at malayang pagkatuto na mga gawain ayon sa kanilang kakayahan,
bilis at oras. Naglalayon din itong matulungan ang mag-aaral upang makamit ang
mga kasanayang pan-21 siglo habang isinasaalang-alang ang kanilang mga
pangangailangan at kalagayan.

Bilang karagdagan sa materyal ng pangunahing teksto, makikita ninyo ang


kahong ito sa pinakakatawan ng modyul:

Mga Tala para sa Guro


Ito'y naglalaman ng mga paalala,
panulong o estratehiyang magagamit sa
paggabay sa mag-aaral.

Bilang tagapagdaloy, inaasahang bibigyan mo ng paunang kaalaman ang


mag-aaral kung paano gamitin ang modyul na ito. Kinakailangan ding subaybayan
at itala ang pag-unlad nila habang hinahayaan silang pamahalaan ang kanilang
sariling pagkatuto. Bukod dito, inaasahan mula sa iyo na higit pang hikayatin at
gabayan ang mag-aaral habang isinasagawa ang mga gawaing nakapaloob sa
modyul.

ii
Para sa mag-aaral:

Malugod na pagtanggap sa Edukasyong Pantahanan at Pangkabuhayan-


Ikaapat na Baitang ng Alternative Delivery Mode (ADM) Modyul ukol sa Mga
Kagamitan sa Pananahi!

Ang modyul na ito ay ginawa bilang tugon sa iyong pangangailangan.


Layunin nitong matulungan ka sa iyong pag-aaral habang wala ka sa loob ng silid-
aralan. Hangad din nitong madulutan ka ng mga makabuluhang oportunidad sa
pagkatuto.

Ang modyul na ito ay may mga bahagi at icon na dapat mong maunawaan.

Sa bahaging ito, malalaman mo ang mga


Alamin
dapat mong matutuhan sa modyul.

Sa pagsusulit na ito, makikita natin kung


ano na ang kaalaman mo sa aralin ng
Subukin modyul. Kung nakuha mo ang lahat ng
tamang sagot (100%), maaari mong
laktawan ang bahaging ito ng modyul.

Ito ay maikling pagsasanay o balik-aral


Balikan upang matulungan kang maiugnay ang
kasalukuyang aralin sa naunang leksyon.

Sa bahaging ito, ang bagong aralin ay


Tuklasin ipakikilala sa iyo sa maraming paraan tulad
ng isang kuwento, awitin, tula, pambukas
na suliranin, gawain o isang sitwasyon.
Sa seksyong ito, bibigyan ka ng maikling
Suriin pagtalakay sa aralin. Layunin nitong
matulungan kang maunawaan ang bagong
konsepto at mga kasanayan.
Binubuo ito ng mga gawaing para sa
malayang pagsasanay upang mapagtibay
Pagyamanin ang iyong pang-unawa at mga kasanayan sa
paksa. Maaari mong iwasto ang mga sagot
mo sa pagsasanay gamit ang susi sa
pagwawasto sa huling bahagi ng modyul.
Naglalaman ito ng mga katanungan o
Isaisip pupunan ang patlang ng pangungusap o
talata upang maproseso kung anong
natutuhan mo mula sa aralin.
Ito ay naglalaman ng gawaing makatutulong
Isagawa
sa iyo upang maisalin ang bagong kaalaman

iv
o kasanayan sa tunay na sitwasyon o
realidad ng buhay.
Ito ay Gawain na naglalayong matasa o
Tayahin
masukat ang antas ng pagkatuto sa
pagkamit ng natutuhang kompetensi.
Sa bahaging ito, may ibibigay sa iyong
Karagdagang panibagong gawain upang pagyamanin ang
Gawain iyong kaalaman o kasanayan sa natutuhang
aralin.
Naglalaman ito ng mga tamang sagot sa
Susi sa Pagwawasto lahat ng mga gawain sa modyul.

Sa katapusan ng modyul na ito, makikita mo rin ang:

Ito ang talaan ng lahat ng pinagkuhanan sa


Sanggunian
paglikha o paglinang ng modyul na ito.

Ang sumusunod ay mahahalagang paalala sa paggamit ng modyul na ito:

1. Gamitin ang modyul nang may pag-iingat. Huwag lalagyan ng anumang


marka o sulat ang anumang bahagi ng modyul. Gumamit ng hiwalay na
papel sa pagsagot sa mga pagsasanay.
2. Huwag kalimutang sagutin ang Subukin bago lumipat sa iba pang gawaing
napapaloob sa modyul.
3. Basahing mabuti ang mga panuto bago gawin ang bawat pagsasanay.
4. Obserbahan ang katapatan at integridad sa pagsasagawa ng mga gawain at
sa pagwawasto ng mga kasagutan.
5. Tapusin ang kasalukuyang gawain bago pumunta sa iba pang pagsasanay.
6. Pakibalik ang modyul na ito sa iyong guro o tagapagdaloy kung tapos nang
sagutin lahat ng pagsasanay.

Kung sakaling ikaw ay mahirapang sagutin ang mga gawain sa modyul na


ito, huwag mag-aalinlangang konsultahin ang inyong guro o tagapagdaloy. Maaari
ka rin humingi ng tulong kay nanay o tatay, o sa nakatatanda mong kapatid o sino
man sa iyong mga kasama sa bahay na mas nakatatanda sa iyo. Laging itanim sa
iyong isipang hindi ka nag-iisa.

Umaasa kami, sa pamamagitan ng modyul na ito, makararanas ka ng


makahulugang pagkatuto at makakakuha ka ng malalim na pang-unawa sa
kaugnay na mga kompetensi. Kaya mo ito!

iv
Alamin

Ang modyul na ito ay nilalayon na matutuhan ng isang mag-aaral sa Ika-apat na


Baitang ang mga kaalaman at kasanayang kapaki-pakinabang at makatutulong sa
kanyang pangangailangan sa pang-araw-araw na pamumuhay.

Binibigyang-pansin ng araling ito na mabigyan ng panimulang kaalaman ang mga


mag-aaral tungkol sa pananahi. Sa pananahi, mahalagang matutuhan muna ang
iba’t ibang kagamitan o materyales. Gayundin ang wastong gamit at pangangalaga
ng mga kagamitang ito.

Narito ang mga pamantayang sa pagkatuto na inaasahang makakamit ng


isang mag-aaral pagkatapos ng modyul na ito.

1. Nasasabi ang gamit ng mga kagamitan sa pananahi sa kamay.


(EPP4HE-0b-3)
1.1 Nakikilala ang mga kagamitan sa pananahi.
1.2 Natutukoy ang wastong paggamit sa mga kagamitan sa pananahi sa
kamay.

1
Subukin

Halina at matuto sa bagong aralin! Bago ito, sagutin mo muna ang isang
pagsasanay bilang paghahanda sa kasanayan na iyong pag-aaralan.

Anong kagamitan sa pananahi sa kamay ang isinasaad ng mga sumusunod?


Piliin ang titik ng tamang sagot at isulat sa iyong kuwaderno.

1. Ginagamit ito kasama ng sinulid sa pananahi na may iba’t ibang laki at


haba.
a. didal b. karayom c.aspile

2. Ginagamit itong panggupit ng tela at sinulid.


a. gunting b. medida c. kutsilyo

3. Dito nilalagay ang mga gamit sa pananahi.


a. sewing box b. emery bag c. pin cushion

4. Ginagamit ito sa pananahi ng mga telang bubuuin at may iba’t ibang kulay,
laki at dami.
a. karayom b.gunting c. sinulid

5. Ginagamit itong pantulak ng karayom sa pananahi.


a. ruler b.sinulid c. didal

6. Ginagamit itong hasaan ng aspile at karayom.


a. emery bag b. pins cushion c. gunting

7. Dito tinutusok ang mga aspile at karayom kapag hindi ginagamit.


a. emery bag b. sewing box c. pin cushion

8. Ginagamit itong panukat sa telang tatahiin at bahagi ng katawan.


a. ruler b. medida c. tracing wheel

9. Ginagamit ito sa pagmamarka ng tela o padron.


a. medida b. tailor’s chalk c. ruler

10. Ginagamit na panghawak sa telang tinatahi habang nananahi.


a. aspile b. didal c. gunting

2
Aralin
Mga Kagamitan sa Pananahi
1 sa Kamay

Balikan

Nais ni Nanay Elena na tahiin ang mga sirang kasuotan upang mapakinabangan
pa. Ngunit, hindi niya mahanap ang mga gamit sa pananahi. Natatandaan mo pa
ba kung ano-ano ang mga gamit sa pananahi? Halika, tulungan natin si Nanay
Elena na hanapin ang kanyang kailangan.

Sa loob ng bahay ay nariyan ang sampung (10) gamit sa pananahi. Ituro mo gamit
ang iyong daliri kung nakita mo ang mga sumusunod na gamit sa pananahi.

3
Mga Tala para sa Guro

Ang modyul na ito ay naglalayong maituro sa mga mag-aaral ang


mga kagamitang kakailanganin sa pananahi sa kamay.
Tatalakayin din sa araling ito ang wastong gamit at pangangalaga
ng mga kagamitang ito upang maiwasan ang anumang sakuna
na maaaring mangyari.

Tuklasin

Basahin at unawain mo ang kuwento sa ibaba.

Araw ng Sabado ay masayang naglalaro


ng tagu-taguan ang magkakapatid na
sina Maui, Buboy at Odeng sa kanilang
bakuran. Si Odeng ang taya kaya
nagtago na sila Maui at Buboy.

4
Sa pagmamadaling makalabas nila Maui
at Buboy sa kanilang pinagtaguan ay
hindi nila namalayang sumabit ang
kanilang mga damit sa pako. Ang blusa
ni Maui ay napunit samantalang ang
short ni Buboy ay nabutas.

Nagmadali silang umuwi upang sabihin


sa kanilang Nanay Elena ang mga
nasira nilang kasuotan dahil sa
paglalaro. “Naku! Hindi kasi kayo nag-
iingat mga anak. Mabuti na lamang at
nahanap ko na ang mga gamit ko sa
pananahi,” wika ni Nanay Elena.

“Paano po ito magagawa Inay?”


malungkot na tanong ni Maui. “Huwag
kang mag-alala anak, nandito na sa
sewing box ang mga nahanap kong
nawawalang kagamitan sa pananahi at
ang mga ito ang aking gagamitin upang
magawa ko ang mga nasirang kasuotan
ninyo,” sagot ni Nanay Elena

5
At ibinuhos ni Nanay Elena ang laman
ng sewing box sa ibabaw ng mesa.
“Wow! Ang dami po palang kagamitan
sa pananahi,” masayang hiyaw ni
Odeng. “Oo Odeng, lahat ng kagamitang
ito ay makakatulong sa atin upang
masolusyunan ang ating problema”,
sagot ni Nanay Elena.

Yehey! Mabuti na lang at may mga


gamit kayo sa pananahi, Inay. Akala ko
ay hindi ko na masusuot ang aking
blusa,” wika ni Maui. “Inay! Maaari po
ba ninyong ituro sa amin kung paano
ginagamit lahat ng kagamitang iyan?”,
tanong ni Buboy. “Siyempre naman mga
anak! Ngunit, kumain muna tayo ng
pananghalian at mamaya ay ituturo ko
sa inyo kung paano ginagamit ang lahat
ng kagamitan sa pananahi,” wika ni
Nanay Elena. At masayang nagtungo sa
kanilang silid sina Maui, Buboy at
Odeng.

Sagutin:
1. Sino-sino ang tatlong batang naglalaro?
2. Ano ang nilalaro nila?
3. Ano ang nasira kay Maui habang naglalaro?
4. Ano naman ang nangyari sa short ni Buboy habang naglalaro?
5. Sino ang pinuntahan nila matapos masira ang kanilang mga kasuotan?
6. Ano ang tawag sa kahon na inilabas at ipinakita sa kanila ng kanilang
nanay?
7. Ano ang laman ng kahon na ito?
8. Kung ikaw si Buboy o si Maui, ano ang maaari mong gawain sa nasirang
damit?
9. Magbigay ng mga kagamitan na maaaring gamitin sa iyong pananahi.
10. Sa iyong palagay, bakit kailangang matutuhan ang wastong paggamit ng
mga kagamitan sa pananahi sa kamay?

6
Suriin

Sa anumang gawain, gaya ng pananahi sa kamay, ay nangangailangan ng angkop


na kagamitan o materyales. Ang wastong kagamitan at tamang paggamit sa mga
ito ay mahalagang matutuhan muna upang maging madali ang pananahi. Tiyakin
din na nakahanda ang mga ito bago magsimula sa gawain.

Narito ang mga kagamitang kinakailangan mo sa pananahi sa kamay.

Mga Kagamitan sa Pananahi sa Kamay

1. Ang karayom at sinulid ay ginagamit


sa pananahi. Dapat magkasingkulay
ang sinulid at tela o damit na
tatahiin.

2. May iba’t ibang uri, laki, kulay at


dami ng sinulid na ginagamit
kasama ng karayom sa pananahi.
Ginagamit ito sa pananahi ng mga
telang bubuuin kaya dapat
magkasingkulay ang sinulid at tela o
damit na tatahiin.

3. Bago gupitin ang telang tatahiin,


dapat ay sukatin muna ito gamit ang
medida upang maging akma ang
sukat nito. Ito ay may habang
animnapung (60) pulgada at may
nakamarkang mga linya sa bawat
panig nito.

7
4. Gumamit ng angkop at matalas na
gunting sa paggupit ng telang itatapal
sa damit na punit o susulsihan.

5. Kapag ikaw ay mananahi lalo na sa


matigas na tela, gumamit ng didal.
Ito ay isinusuot sa gitnang daliri ng
kamay upang itulak ang karayom sa
pananahi. Sa ganitong paraan
maiiwasang matusok ng karayom
ang mga daliri.

6. Pagkatapos gamitin ang karayom sa


pananahi, mainam na ito ay ilagay
sa pin cushion.

7. Itusok ang karayom sa emery bag


kapag hindi ginagamit upang hindi
ito kalawangin.

8. Sa sewing box inilalagay ang lahat


ng kagamitan sa pananahi. Ito ay
maaaring gawa sa lata, karton o
plastik.

8
9. Ang aspile ay ginagamit na
panghawak sa tela o padron habang
nananahi.

10. Ang tailor’s chalk ay ginagamit sa


pagmamarka sa tela at padron. Ito ay
may iba’t ibang kulay at nababagay
sa pagmamarka sa tela na may
madidilim na kulay.

Ang mga kaalaman at kasanayan sa gamit ng mga kagamitan sa pananahi sa


kamay ay mahalagang matutuhan ng isang batang tulad mo. Makatutulong itong
mapagaan, mapabilis at makatiyak na maayos ang kalalabasan ng pananahi.
Dapat din na tandaan mo kung paano ang mga ito itatago sa tamang paraan
upang magamit sa oras na kailangan.

9
Pagyamanin

Natutuhan mo na kung ano ang gamit ng mga kagamitan ng pananahi sa kamay.


Subukin naman natin ang iyong galing sa pagsagot ng Crossword Puzzle.

Pababa Pahalang
1. Ginagamit sa pananahi kasama 4. Ginagamit sa pagmamarka ng tela
ng sinulid na may iba’t ibang o padron.
haba at laki ng butas.
6 Ginagamit sa pagsukat ng tela.
2. Ginagamit sa pananahi kasama
ng karayom na may iba’t ibang 2. Dito itinutusok ang karayom
kulay. pagkatapos gamitin.

3. Ginagamit panghawak sa tela o 3. Ginagamit panghasa ng


padron habang nagtatabas o karayom.
nananahi.
10 Inilalagay sa gitnang daliri upang
5 Dito inilalagay ang mga itulak ang karayom sa pananahi.
kagamitan sa pananahi.

9 Ginagamit ito sa paggupit ng tela.

10
Isaisip

Pagkatapos mong mapag-aralan ang iyong aralin, alamin natin kung ano ang iyong
natutuhan.

Basahin ang talata na nasa ibaba. Tukuyin ang tamang kagamitan sa pananahi sa
kamay para sa mga puwang upang mabuo ang konseptong napag-aralan mo.

“Malikhaing Kamay”

ni: Bb. Maricel I. Teves

Matapos mapag-aralan sa klase ang mga kagamitan sa pananahi sa kamay,


sina Daphnee at Elkeen ay nakaisip na gumawa ng kani-kanilang sariling
s__w__ng b__x na yari sa kahon.
Magkasabay nilang inilagay ang k__r__y__m at s__n__l__d na magkasamang
ginagamit sa pananahi. Naglagay din sila ng g__n__ing na pangggupit ng tela.
Gumawa rin sila ng p__n c__s__io__ at e__e__y b__g para sa tusukan ng
mga a__p__l__ at karayom upang hindi kalawangin ang mga ito.
Mayroong iba’t ibang kulay ang t__i_l__r’s c__a__ k na pangmarka na
kanilang inilagay.
Ang m__d__d__ naman na may animnapung (60) pulgada na ginagamit na
panukat ng tela ay nakatiklop nang maayos.
Panghuli, sila ay naglagay ng __id__l na isunusuot sa gitnang daliri ng
kamay upang itulak ang karayom sa pananahi.
Ikaw, kaya mo rin bang gumawa ng sariling lalagyan ng mga kagamitan sa
pananahi?

11
Isagawa

Sa tulong ng mga kasama sa bahay maglaro ng “Kuha Mo, Hula Ko”. Mula sa
Magic Box, ang bawat isa sa kanila ay kukuha sa loob ng kahon ng isang gamit sa
pananahi. Ang bagay na makukuha nila ay huhulaan mo at kailangang ibigay
kung ano ang gamit nito.

Pamantayan Puntos

Nakakuha ng 10 tamang sagot

Nakakuha ng 7-9 na tamang sagot

Nakakuha ng 4-6 na tamang sagot

Nakakuha ng 1-3 tamang sagot

12
Tayahin

Sa bahaging ito, susukatin ang iyong natutuhan sa iyong napag-aralan sa pagsagot


sa sumusunod na ito.

Anong kagamitan sa pananahi sa kamay ang tinutukoy?

Piliin ang titik ng tamang sagot sa loob ng kahon. Isulat ang sagot sa kuwaderno.

1. _____ Isang mahabang bagay na ginagamit panukat ng tela.


2. _____ Ito ay matalim na bagay na ginagami sa panggupit ng tela at
sinulid.
3. _____ Inilalagay ito sa daliri upang hindi matusok ng karayom.
4. _____ Ginagamit na pantanggal ng kalawang sa karayom.
5. _____ Ito ay ginagamit sa pananahi na may ibat ibang haba at kasama ng
sinulid.
6. _____ Ginagamit ito upang tusukan ng karayom kapag hindi ito
ginagamit.
7. _____ Ginagamit na panghawak sa tela habang nananahi o nagtatabas.
8. _____ Isang kahon na lagayan ng lahat ng kagamitan sa pananahi.
9. _____ Ginagamit ito sa pananahi ng mga telang bubuuin at may iba’t
ibang kulay.
10. _____ Ginagamit ito sa pagmamarka ng tela at padron.

a. karayom f. didal
b. sinulid g. sewing box
c. medida h. emery bag
d. gunting i. tailor’s chalk
e. aspile j. pin cushion

13
Karagdagang Gawain

Ngayon, ikaw ay nasa huling bahagi na ng ating aralin. Para sa karagdagang


gawain, basahin ang nasa loob ng kahon at gawin ito.

Pagkatapos ng gawain, sagutin ang pamantayan sa ibaba sa pamamagitan ng


paglalagay ng tsek ( √ ).

Hingin ang gabay ng iyong magulang o sinumang kasama sa bahay sa


pagsasagawa nito.

Sa inyong klase sa Home Economics kay Gng. Serna ay natapos ang inyong
aralin tungkol sa gamit ng mga kagamitan sa pananahi sa kamay. Sinabihan
kayo na magtipon ng mga kagamitan sa pananahi at ilagay ang mga ito sa isang
lalagyan.

Gumawa ka ngayon ng sewing box na maaaring yari sa isang katamtamang laki


ng kahon ng gatas o sapatos. Maaari ka rin na gumamit ng lata na may takip.
Balutan ito ng papel na may kulay o pambalot ng regalo.

Pamantayan 5 4 3 2 1

1. Ginamit ang kagamitang angkop sa gawain.

2. Ginamit ang mga patapong bagay sa


paggawa.

3. Itinuon ang pansin sa ginagawa.

4. Kawilihan sa paggawa.

5. Natapos ang gawain sa takdang oras.

6. Ang proyekto ay nagpakita ng orihinalidad

7. Ang proyekto ay nagpakita ng malikhaing


disenyo.

14
8. Naipakita ang tamang sistema sa paggawa

9. Naipakita ang pag-iingat habang gumagawa.

10. Naisagawa ang tamang pagliligpit ng mga


gamit pagkatapos gumawa.

Kabuuang Iskor

Binabati kita! Nakagawa ka ng sarili mong malikhaing proyekto na


mapapakinabangan sa inyong tahanan. Mahusay ang iyong pagkakagawa. Narito
at tingnan mo ang katumbas ng iyong iskor.

Napakahusay
41-50

Mas Mahusay
31-40

Mahusay
21-30

Di-gaanong mahusay
11-20

0-10 Kailangan pang magsanay

15
16
Karagdagang Gawain: Isagawa:
Ang magiging iskor ng Ang magiging iskor ng
bata ay batay sa bata ay batay sa
nakuha niyang tamang nakuha niyang tamang
sagot gamit ang sagot gamit ang
nakatalang nakatalang
pamantayan. pamantayan.
Tayahin: Pagyamanin: Subukin:
1. c 1. karayom 1. b
2. d 2. sinulid 2. a
3. f 3. aspile 3. a
4. h 4. tailor’s chalk 4. c
5. a 5. sewing box 5. c
6. j 6. medida 6. a
7. e 7. pin cushion
7. c
8. g 8. emery bag
9. gunting 8. b
9. b
10. i 10. didal 9. b
10. a
Susi sa Pagwawasto
Sanggunian
Lavilla, D., Garcia, I. and Dispabiladera, B., 2015. Edukasyong Pantahanan At
Pangkabuhayan - Ikaapat Na Baitang Patnubay Ng Guro. 1st ed. 5th Floor
Mabini Bldg., DepEd Complex Meralco Avenue, Pasig City: Vibal Group, Inc.,
pp.76-77.

Lavilla, D., Garcia, I. and Dispabiladera, B., 2015. Edukasyong Pantahanan At


Pangkabuhayan - Ikaapat Na Baitang Kagamitan Ng Mag-Aaral. 1st ed. 5th
Floor Mabini Bldg., DepEd Complex Meralco Avenue, Pasig City: Vibal
Group, Inc., pp.227-231.

DepEd K to 12. Edukasyong Pantahanan at Pangkabuhayan and Technology and


Livelihood Education. Curriculum Guide. May 2016

K to 12 Most Essential Learning Competencies with Corresponding CG Codes.


Edukasyong Pantahanan at Pangkabuhayan- Ikaapat na Baitang, p.402

Barza, Maria. 2008. Edukasyong Pantahanan At Pangkabuhayan 4. 3rd ed. Quezon


City: Sta. Teresa Publications.

17
Para sa mga katanungan o puna, sumulat o tumawag sa:

Department of Education – Region III,


Schools Division of Bataan - Curriculum Implementation Division
Learning Resources Management and Development Section (LRMDS)

Provincial Capitol Compound, Balanga City, Bataan

Telefax: (047) 237-2102

Email Address: bataan@deped.gov.ph

You might also like